Portin-bi.
Kung Bakit Ayaw Mong Malaman Ng Crush Mo Na Crush Mo Siya
Please Subscribe to read the full chapter
“Sinabi niya sayo na cute ka? Oh my god, he’s flirting with you!”
Nakakahiya mang aminin, pero malabo para sakin yung konsepto ng ‘flirting.’
“Ano nga ba ang ‘flirting’, mamsh?” I asked, linking my arm with hers as we walked side-by-side.
“Girl, seryoso ka ba?” Bumaling sa direksyon ko si Chi at binigyan ako ng isang ‘WTF’ face.
Kakauwi lang niya kahapon galing Macau. Sinundo ko siya sa bahay nila kasi gusto niya raw ng girls’ day out. Habang naglalakad kami palabas ng village, nagpakwento siya sakin tungkol kay Jungkook. Nabanggit ko na rin yung nangyari nung nakaraan kasi syempre yun yung pinaka-fresh sa utak ko. Saka, siguro dahil gusto kong kumbinsihin yung sarili ko na wala lang yun by saying it out loud and then letting go of it.
“Well, alam ko siya i-translate sa wika natin, pero parang hindi ganun yung nakuha kong dating nung sinabi niya ‘yon. Sa tingin ko compliment lang talaga yo’n.” At this point, umiirap na sakin si Chi habang umiling-iling pa. “Feeling ko...busilak lang talaga ang kalooban niya para magbigay ng awareness. Halimbawa nga, cute pala ako – hindi ko alam ‘yon. Ang mga taong kagaya ni Jungkook, maraming pwedeng matulungan sa hinaharap. Chi, sinasabi ko sa’yo, siya ang kailangan ng bansang ito para umasens-” Hindi ko na naituloy kasi natawa ako nung nilingon ko yung itsura niya.
Nakatingin siya sakin na parang fierce na kuting na gusto mang- slap nang mga twenty times. Ito ang legit na cute, e, o. “Gaga,” sabi niya.
“Hahaha! Gaga ka rin. Parang hindi mo ex yung pinag-uusapan natin, ah.”
“Ugh. Ito nanaman ba?” Napa-irap nanaman siya. “Na-realize ko na nga yung katangahan ko, ‘di ba? Wala na nga akong balak mag-linger. Yana, ayaw mo ba ‘kong mag-move on?” Niyugyog niya ko sa magkabilang balikat, sakay niya sa page-exaggerate ko kanina. Natawa ako. Natawa na rin siya.
Nagpatuloy kaming maglakad at inakbayan ko siya. It does make sense to me. Kasi ganun ang pagkakakilala ko sa kay Chi. She waits around for nobody, mopes around for nobody. Pero hindi ko pa rin maiwasang mailang kung minsan. Sino bang hindi? Abnormal yata to si Chi, e.
“Alam ko iniisip mo, Yana.” She poked my cheek. Nilingon ko naman siya, bukas sa kasunod niyang sasabihin. “Pero tandaan mo, mahalaga rin ang feelings mo. You shouldn’t keep pushing yourself to be selfless all the time or, it will take a toll someday.”
Selfless ba ko? I don’t think I am. Sadyang nag-iingat lang ako. Isa pa...
“Teka nga, parang natatandaan ko nung huli nating pag-uusap, pinag-iingat mo ko? Hindi kita ma-gets, Chi...”
“Alam mo, hindi ko naman sinasabing ‘wag kang mag-ingat. Alam kong worried ka about sa feelings niya for Dasom. Kahit naman ako worried rin para sa’yo. Pero alam mo, sa totoo lang, walang mangyayari kung habang buhay kang play safe. Maybe, it’s ok to have your guard down just a little bit.”
But how much is a little bit, beshie? Takal ba yan, o pinch lang?
“And if you still feel uncomfortable even if I’m very explicit about accepting the fact that you like him, wala akong magagawa except to say na yun yung totoo, Yana.” Bumuntong-hininga siya bago nagpatuloy, “I guess it was easy come, easy go – our relationship. I mean, now that I’ve wrapped around my head about what happened, I’m not even sure I loved him either. I think it’s more like my ego was hurt more than anything.
“Isa pa, I’m not hyping you up particularly for Jungkook. Hindi lang rin naman siya ang lalaki sa mundo, ‘no? Pero syempre, siya kasi yung gusto mo ngayon. So, pag nakikita kitang kinikilig parang nahahawa din ako. Alam mo ‘yon? Basta! Ano ba, excited na kong makita kang magka-boyfriend, kaya humayo ka at lumandi!”
Tumahimik na lang ako at ngumiti kasi alam kong hindi matatapos ang usapan kapag pumalag pa ‘ko. Basta. She tried to make a point somewhere; palagay ko nakuha ko naman kahit papa’no.
Siguro nga masyado akong naduduwag at nag-aalala. Pero...ganito talaga kasi ako, e.
Thursday ngayon, at ang ibig sabihin may club activities (extra-curricular) sa umaga bago ang regular classes. Dahil absent ako noong magpiliian, nilista ako ng mga kaklase ko sa natripan nilang club. Local Traditional Games. Parang awa. Hindi talaga ako taong P.E.
Patagu-tago lang ako sa gilid para hindi ako isalang ng mga ka-team ko – at alam kong mafi-feel ko talaga ang literal na ‘pagkasalang’ dahil sa init ng araw mapi-prito ako sa sarili kong pawis). Isa pa, mukha namang nag-e-enjoy sila dahil lamang kami. Kaya siyempre ayoko ding sirain yung streak nila.
One-fourth ng members ng club na ‘to, taga-section namin. Si Tae ba naman ang pasimuno saka si Ilhoon. Sila yung malalakas ang hatak. Mga class clown kasi at malalakas ang trip. Sila yung tipo ng mga kaklase na pag sa kanila ka sumama, siguradong sasaya ang buhay eskwela mo. Pero minsan sa sobrang saya, mao-office ka.
Ka-club rin namin sina Jungkook at Jimin, pero may training sila ngayon kaya relaxed ako.
Nitong mga huli kasi, lowkey akong umiiwas kay Jungkook. Hindi ko pa rin nakakalimutan yung pangako ko sa sarili ko na maghihinay-hinay ako. Mabuti na ring nakikisama ang pagkakataon at busy kaming parehas. Yung deal namin, on-going pa rin naman yun. Hindi ko siyempre iniiwasan kasi makakahalata siya. Anyway, pakiramdam ko mal
Please Subscribe to read the full chapter
Comments