Chapter 11

30 Days with you

Seulgi

 

"Sa attic din pala ang kwarto mo?" tanong ko kay Irene pagpasok namin ng kwarto niya.

 

"Bakit sa attic din ang room mo?" balik niyang tanong.

 

"Oo." tipid ko lang na sagot. Pagpasok namin ay deretso siya sa closet niya at may kinuha saka lumapit sa akin ng may dala ng damit.

 

"Here, bago lahat yan including the undies." ngiti niyang sabi. "There's the bathroom, go and get changed." sabay turo niya ng pinto ng banyo."May bagong toothbrush din sa loob, don't worry."

 

"Salamat." nasabi ko lang saka ako naglakad papasok ng banyo. Nag shower muna ako, ang sarap sa pakiramdam, napagod ako sa biyahe at kulang ako ng tulog dahil sa maraming ginawa sa bayan, malapit na kasing piyesta eh. After shower ay naghanap ako ng toothbrush at nang makita ko ay binuksan ko at ginamit. Habang nagtotoothbrush ako ay bumalik sa akin ang imahe ni Irene. Nakapikit kong inaalala. Iniiwasan kong tingnan si Irene kanina dahil kasama namin ang Mommy niya pero hindi ko maiwasan ngayong kaming dalawa na lang. Kahit anong isuot niya, sa simpleng damit man o kahit anong klaseng suot niya ay para siyang diyosa. At ang suot niya ngayon, susme hindi ko maiwasang hindi mapatingin. Wala pang asawa pero ang pantulog niya parang may inaakit na, alam naman niyang babae ang gusto ko tapos ganon ang suot niya at gusto pa niya tabi kami? Tinutukso ba niya ako o gusto lang talaga niyang malaman kung magkakagusto ako sa kanya? Seryoso ba siya o nanunukso lang talaga? Hindi ko mapigilang maguluhang mag isip.

 

Nagulat ako ng pagmulat ko ay  nakita kong nagkalat na ang toothpaste sa damit ko. Hala! pano na to, kasi naman Seulgi ang toothpaste sa ngipin hindi sa damit. Kainis paano na to? Tanong ko ulit sa sarili ko.

 

Paglabas ko ng bathroom ay nakayuko ako at hawak hawak ko ang tshirt ko na parang pinapaypay.

 

"Mainit ba?" rinig kong tanong ni Irene at napatingin ako sa kanya.

 

"H-hindi, kasi ano." hindi ko makuhang sabihin saka siya lumapit sa akin at napansin ang suot ko.

 

"What happened to your shirt?" takang tanong niya.

 

"Nagtotoothbrush kasi ako dko namalayan napatakan pala ng toothpaste ang tshirt ko... mo pala." sagot ko at nakita ko siyang napangiti.

 

"Hindi ka marunong mag toothbrush?" tanong niya sabay tawa at hindi na ako hinintay sumagot dahil naglakad na siya muli sa closet at kumuha ng shirt.

 

"Take off your shirt." utos niya ng magkaharap na kami habang hawak niya ang pamalit, tinitigan ko lang siya.

 

"Maghuhubad ako dito? Sa harap mo?" tanong ko. Susme, wala akong bra at gusto niya maghubad ako sa harap niya?

 

"Yes, what's wrong with that? We're both girls." walang malisya niyang sabi.

 

"I like girls." patol ko sa sagot niya.

 

"And?" balik niya.

 

"Irene."

 

"Does it matter even if you like girls but if you don't like me?" mahina niyang tanong na nakatitig sa akin.

 

"It does matter... most... lalo na dahil... g-gusto kita." hindi ko na napigilang sabihin and I saw her smile that reflected in her eyes.

 

"You like me as a friend?"

 

Umiling ako. "H-higit pa sa kaibigan." mahina kong sagot. Ano ba to may sarili ng utak ang bibig ko. Napatungo na lang ako, naramdaman ko siyang naglakad at pumwesto sa likod ko at dahan dahan itinaas ang suot kong tshirt.

 

"Change your shirt first, malamig dito sa kwarto at basa ang tshirt mo." sabi niya habang itinataas ang tshirt ko at wala na akong nagawa kundi itaas na lang ang mga kamay ko. Nang tuluyan na niyang naalis ang tshirt ay naramdaman ko ang palad niya sa likod ko. "Wow toned muscles." paghanga niyang sabi. "May tattoo ka rin pala sa batok." pansin niya habang hinawakan ang batok ko. Nakita niya siguro ang batok ko ng mahawi ang buhok ko sa pagkakaalis ng t-shirt. Hindi ko makuhang makapagsalita dahil sa hindi ko maipaliwanag na pakiramdam ng dumampi ang palad niya sa balat ko. Nagising na lang ang diwa ko ng maramdaman ko ang pagsuot niya ng tshirt sa ulo ko at awtomatikong sumunod ang mga kamay ko. "There." sabi niya ng maisuot niya nang tuluyan ang tshirt sa akin. 

 

"S-salamat." utal kong sabi at hindi pa rin ako makagalaw ngunit mas lalo akong natigilan ng maramdaman ko ang mga kamay niyang yumakap sa beywang ko at ang katawan niya sa likod ko. Nakayakap na siya sa akin at ang ulo niyang nakapatong sa balikat ko. Nilingon ko siya at dumampi ang pisngi at ilong ko sa pisngi niya. Napansin ko siyang nakapikit. "Irene." mahina kong tawag sa kanya ngunit hindi siya nagmulat ng mata. Masuyo kong hinawakan ang mga kamay niyang nakayakap sa akin.

 

"You said you like me?" mahina niyang tanong.

 

"Oo." sagot kong walang pagaalinlangan.

 

"Will you believe me when I say I like you, too?" tanong niyang nagmulat ng mata at tumingin sa akin. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Totoo? Gusto niya rin ako? Pero may pagaalinlangan ako. Tiningnan ko siya at dahan dahan akong umikot at humarap ako sa kanya. Masuyo kong hinawakan ang mukha niya at ngumiti.

 

"Naniniwala ako Irene, hindi mo lang alam kung gaano kasaya ang naramdaman ko ngayon. Pakiramdam ko nagtatatakbo si Shadow sa puso ko. Gusto kong tumalon sa tuwa." sabi ko at niyakap ko siya dahil sa sobrang ligayang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Naramdaman ko ang masuyong hagod ng palad niya sa likod ko. Nasasanay na ako sa yakap mo Irene, ang damhin ang init ng yakap mo, lalo ko siyang niyakap ng mahigpit pero bigla akong nakadama ng takot sa puso ko kaya napahinto ako at alam kong napansin niya yon.

 

- - -

 

Irene

 

Grabe hindi ako makapaniwala sa narinig ko, she likes me. Kaya hindi ko na rin napigilan ang sarili kong sabihin how much I like her too. We held each other again, I missed her embrace, I missed the warmth of her body. I always felt at home in her arms. But then I felt something wrong when I suddenly felt the deep sigh she released and slowly loosened her arms at my back.

 

"Seul, what's wrong?" tanong ko habang dahan dahan akong kumalas sa kanya at pinagmasdan siya. She lovingly stared at me and gently held my face.

 

"Irene, gusto kita. Hindi." she shook her head. "Mahal na yata kita." Shook her head again "Ah hindi. Mahal na kita. Oo mahal na kita. Naramdaman ko yon at lalo kong napatunayan sa mga araw na hindi kita makausap o walang text man lang galing sa'yo. Na missed kita sobra, saka ko naisip sa sarili ko at nagdesisyon na pumunta dito. Bukod sa pagaalala dahil hindi kita ma contact ay nabuo na ang desisyon sa puso at isipan ko na magtatapat na ako sa'yo, hindi mahalaga kung suklian mo man ang pagmamahal ko o hindi, gusto ko lang malaman mo kung anong nararamdaman ko. Pero mas sobra ang saya ko na malaman na gusto mo rin ako." she said looking at me yet why I see doubts in her eyes? I know there is still something that bothers her.

 

"But?" I started for her to say it.

 

"A-ayaw kong samantalahin ang puso mong nasaktan, at lituhin ang isip mo sa anumang nararamdaman mo para sa akin ngayon..."

 

"What are you saying?" nalilito kong tanong.

 

"Hayaan mong mahalin kita, ligawan at makasama. Hanggang maramdaman mo ang tunay na laman ng puso mo. Handa akong maghintay Irene. Pero kailangan mong maging totoo, huwag mong iisipin na masasaktan mo ako. Kung sa tingin mo ay nabigla ka lamang o---"

 

"You're funny, this is absurd. What difference does it make Seulgi and why are you saying all these?" putol ko sa sinasabi niya.

 

"Look Irene, artista ka bawat galaw mo ay may mga matang nakatingin. Isang maling kilos mo ay hindi ka nila titigalan at ang malamang nagkakagusto ka sa isang katulad ko--"

 

"So pagkakamali ka ba, Seul?" tanong ko.

 

"Ang ibig ko lang sabihin ay---"

 

"That's why you're avoiding me before, that's why you wanted to end our friendship?" tanong ko muli.

 

"Irene..."

 

"Look I like you, Seul and I don't care if I fall in love with you. Because that's what I feel and I'm willing to go and fight for what I feel for all I care, you know that because I've been in controversies before, fighting for the love I believed I had." I said looking straight to her eyes.

 

"Maliban sa katotohanang babae ngayon ang nagugustuhan mo." sagot niya.

 

"Ngayon? And you're expecting me to have a change of heart again? That someday I'll wake up at iba ulit ang gusto ko? Is that what you're saying Seul? Kaya gusto mo munang makasiguro sa totoong nararamdaman ko? You think that I'm not even serious in my past relationships? Da.mn you!" sigaw ko na at biglang talikod pero mabilis niya akong hinabol at niyakap sa likod.

 

"Hey, Irene. Hindi yon ang ibig kong sabihin. Sorry na. Ang sa akin lang hayaan nating parehong tuklasin ang tunay na nararamdaman ng puso mo para sa akin. Tutulungan kita, ang sinasabi ko lang hayaan mo lang ang puso mong damhin din ang mga bagay na gusto mong gawin, hindi kita itatali sa akin. Maaari kasing confused ka lang. Nauunawan mo ba ang ibig kong sabihin?" sagot at tanong niya at unti unti niya akong pinakawalan sa yakap niya and turned me around to face her.

 

"So that means you won't avoid me anymore?" tanong ko at tumango siya.

 

"You'll just continue loving me while I'm still trying to figure out my feelings for you?" tanong ko muli at muli ring tumango. I can't get her but I will try to understand.

 

"Ok, deal. Kiss me then." sabi ko na lang and pouted my lips.

 

"Irene..." gulat niyang sabi and her look is so priceless, she's blushing again.

 

"You said you love me then kiss me." sabi ko at pumikit na ako just then I felt her lips in my forehead.

 

"Doon lang?" tanong ko. Napapailing siya at bumaba ang ulo niya and I closed my eyes again. I felt a quick but gentle kiss in my nose.

 

"That's it?" tanong ko pagmulat ng mata.

 

"Oo hanggang diyan lang. Ayaw kong magsamantala noh." sagot niya.

 

"Hay naku, nakakapang hinayang nga at hindi ka mapagsamantala." mahina kong comment.

 

"Ano?" tanong niya.

 

"Wala, sabi ko humanda ka pag napatunayan kong mahal din kita. Pupudpurin ko yang labi mo sa halik. And I will leave you... breathless." may diin kong sabi at kita ang gulat sa mga mata niya at ang pag akyat ng kamay niya sa bibig niya. Haha! I so love seeing her turning red talaga. "Come let's sleep baka hindi ako makapag pigil sa yo." hila ko na sa kanya at para siyang batang sunod sunuran lang.

 

"No more pillows in between, Ok? It can help me in my feelings." sabi ko na para unahan siya sa pwede niyang sabihin. Nakatitig lang siya sa akin, walang makuhang sabihin.  That's right Irene gulpi de gulat para matameme siya, bulong ko sa sarili ko.

 

We're both lying flat in the bed, eyes at the ceiling. "So pwede pa rin akong mag entertain ng suitors?" tanong ko without looking at her. 

 

"Oo naman." sagot niya.

 

"Ako? Pwede rin ba akong manligaw sa iba?" bigla niyang tanong at nagulat ako.

 

"What?!" tanong kong napabaling sa kanya sa nakakamatay na tingin.

 

"Kung sakali ba pwede---" hindi ko na siya pintapos sa sasabihin niya at tuluyan akong bumangon and immediately moved over her and sit on her belly. I saw her surprised and so am I, surprised at what I did but to late to retract. Just then the door swung open and we both shifted our gaze to the person standing at the door. Suzy.

 

- - -

 

Seulgi

 

"Oh, I'm sorry. I just came to check on you Sweetie. Did I come at a bad timing?" sabi ng babaeng nakatayo sa may pintuan, halatang gulat sa nakita niyang ayos namin ni Irene. Nagulat din ako sa biglang pagkilos ni Irene at biglaang pag upo niya sa tiyan ko.

 

"No, Suzy come in. We're just talking." rinig kong sagot ni Irene pero nanatiling nakaupo sa tiyan ko. Talking? Ganito ba ang pag uusap? Tanong ko sa sarili ko at napansin ko siyang tumingin sa akin at taas kilay na parang nagbabanta ang tingin kaya hindi na ako nagsalita. Napansin kong lumapit ang tinawag niya na nakangiti, parehong ngiti na meron si Irene. 

 

"Suzy I want you to meet my friend Seulgi. Seul meet my sister, Ate Suzy." pakilala ni Irene sa amin pero sa sobrang hiya ko ay hindi ako makagalaw.

 

"Hi Seulgi, nice meeting you." ngiting kaway ni Suzy sa akin.

 

"Hello Ate Suzy, nice meeting you too." hiya kong sagot dahil sa posisyon namin ni Irene. Manhid lang? Ayaw umalis.

 

"Aren't you making your friend uncomfortable li'l sis? Mukhang nahihiya siya oh." pansin ng ate niya, buti pa siya pansin niya samantalang si Irene walang paki.

 

"I don't care, we're having a serious talk." katwiran niya, serious talk? Sa ayos naming ito?

 

"You call that serious talk?" tanong ni Suzy. Mabuti pa talaga ang ate niya.

 

"Yes, this is the way to corner and interrogate her." sagot niya saka nagcrossed arms. Talaga naman ang taray. Napailing lang si Suzy saka bumaling sa akin at kinindatan ako.

 

"Ok, have it your way. Just wanted to check on you. Manang said you have a guest, I thought she's in the guest room. I'm sorry to interrupt your serious talk. I'll go ahead then, we'll talk tomorrow. Goodnight." sabay lapit ni Suzy at halik kay Irene saka bumaling sa akin na natatawa.

 

"Goodnight to you too, sweetie. Pasensiya ka na sa kapatid ko. Ibang klase minsan ang trip niyan." bulong niya sa akin at humalik.

 

"Suzy!" sigaw ni Irene pero tinawanan lang siya ng ate niya.

 

Kumaway muli siya at kumaway din ako pabalik. Paglabas ni Suzy sa kwarto ay binalikan ako ng masamang tingin ni Irene. 

 

"So. Where we?" tanong niya.

 

"Ahm, matutulog na tayo?" tanong ko pabalik, pero mas lalong lumalim ang tingin niya at ramdam kong dahan dahan siyang yumuko habang ang dalawang kamay niya ay nasa magkabilang tabi ng ulo ko.

 

"Niloloko mo ba ako?" tanong niya at napalunok ako.

 

"Hindi, Irene. Sorry." sagot ko, iba ng nararamdaman ko sa mga nangyayari, umiinit ng pakiramdam ko. Irene umalis ka na pakiusap ko sa isip ko.

 

"So, anong pinaguusapan natin kanina?" tanong niya muli.

 

"Kung pwede akong---"

 

"Subukan mo lang Seul" putol niya sa akin. "Makita ko o malaman ko lang na may nililigawan kang iba. Makikita mo." mahina niyang banta habang titig na titig sa mga mata ko. Matagal kaming nagkatitigan, ang posisyon naming lalong nagpapalalim ng hininga naming pareho at ang malapit naming mga mukha. Irene, pag hindi ka pa umalis susunggaban na talaga kita. Kanina pa ako nagpipigil banta ko sa isip ko."Malinaw ba?" gising niya sa diwa ko. At tumango lang ako pero walang reaksiyon.

 

"O-po malinaw, Irene." sagot ko ng makitang ayaw niya ng tango lang. Saka siya umalis sa pagkakaupo sa akin. Hay salamat, hinga kong malalim at napansin ata niya dahil mahina siyang tumawa. Humiga siya at yumakap sa akin.

 

"It's alright Seul, hindi lang ikaw ang nahihirapang magpigil. But I'll do it to prove you that, like you, it's not all about the urge or lust. I can love you more than that." sabi niya sabay halik sa balikat ko. "Goodnight, Seul. I like you... for now." sabi niya at napangiti ako. Binaling ko ang ulo ko sa kanya at hinalikan ko siya sa noo.

 

"Goodnight din Irene. Mahal ko..." bulong ko at nakita ko siyang ngumiti.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
Ito na ang dessert!

Tapos na siya!!! Thank you for reading this story, I hope I made you guys satisfy. kahit parang minadali na siya HAHAHAHAHA

BTW SEE YOU ON MY NEXT STORY "HER PROXY BRIDE" BASAHIN NIYO RIN!

Comments

You must be logged in to comment
xantheaverielle
0 points #1
Chapter 13: Nag-I love you na si Irene ajhdkahdkajs kakilig huhu and ngayon na lang ulit ako nakabasa ng Seulrene Tagalog fic na super dama 'yung pagiging couple nila 🥹🥹🥹 I'm so glad that I took the time to read this
xantheaverielle
0 points #2
Chapter 12: AAAA intense per chapter and I like Irene's spontaneity rin at times, it adds thrill sa story 😁
xantheaverielle
0 points #3
Chapter 7: Ang bagal ko magbasa pero ang ganda-ganda ng storyline nito. I love how complex Seulgi and Irene's characters are lalo na't nababasa namin 'yung thoughts nila. 🥹 Will continue reading this! 🤍
xantheaverielle
#4
Just discovered this story!! Aaaa thank you po sa pagsusulat at nakahanap rin ako ng isa pang tagalog Seulrene fic. Will start reading now 🤍
_rtempest
1026 streak #5
Chapter 13: Jahahaha ang cute naman 😆
Mmjose #6
Chapter 33: Rastro?
Pristinemoon
34 streak #7
Chapter 24: Hello po otor, kamusta po. Tanong ko lang po kung kelan niyo po ibabalik yung chap 17 hehe. Thank you!
Adm_06 #8
Chapter 17: deleted ponba chapter 17?
Sanatozaki9
#9
Chapter 22: ako lang ba naf-frustrate sa ugali ni irene? 😩 sorry pero annoying lang kasi sa akin na mabilis magalit or magtampo i think perfect talaga si seulgi sa kaniya kasi understanding :)
yoonhyunseo
#10
SeulRene nalang talaga nagpapakilig sakin. Kahit for the nth time naghost nanaman ako. hahahahahhahaha