Chapter 9

30 Days with you

Seulgi

 

Pagdating namin sa bahay ay napansin ko ang sasakyan nila Kuya Daniel, Kris at Yeol. Anong ginagawa nila dito? Tanong ko sa loob loob ko. Inalalayan ko si Irene pagbaba kay Shadow. Nakakatuwang isipin na pati si Shadow ay napagentle bukod nong nasa may tabing ilog kami, akala siguro maglalaro ulit kami. Madalas ko kasi siyang basain pag nagagawi kami doon.

 

"Welcome to our house." nakangiti kong anyaya sa kanya, gumanti siya ng ngiti at tiningnan ang kabuuan ng bahay, halata ang tuwa at mangha sa kanyang mukha.

 

"Huge one, I can see. Mukhang mansion ah." biro niya sabay siko sa akin ng matapat na kami sa harap ng bahay namin.

 

"Hindi naman, tradisyonal na sinaunang bahay lang at inayos upang maisalba ang dating hitsura niya." paliwanag ko, isa kasi itong lumang mansion. "Tara mukhang gutom ka na eh."aya ko habang hawak ko ang kamay niya maingat ko siyang hinila.

 

"Mukhang ikaw kaya ang gutom." patol niya sa sinabi ko at sabay na kaming pumasok habang magkahawak kamay at parehong nagtatawanan. Walang gustong bumitaw ng kamay ng isa man sa amin. Pareho kaming nagulat ng pagpasok namin ay sinalubong kami ng mga matang nakangiti at mukhang nagaabang. Napansin kong biglang nahinto si Iren at namula at ako naman ay kunot ang noong balik tingin sa mga nasa harap namin.

 

- - -

 

Irene

 

Hindi agad ako nakagalaw, I can't seem to move seeing those eyes smilingly staring at us. "Kuya anong ginagawa niyo dito?" bati ni Seulgi sa mga lalaking ngayon ay patayo na at akmang hahakbang ng nagsalita ang isang mas may edad ng lalaki.

 

"Anak andito na pala kayo, tamang tama nakahain na." sabi niya sabay tayo "Hindi mo ba kami ipapakilala sa magandang binibining kasama mo?" dugtong pa niya na ngumiti sa akin at ginantihan ko ng ngiti at marahang tango. Nakita kong nagkamot sa batok si Seulgi.

 

"Tay talaga." sabi niya saka lumingon sa akin. She gestured me to walk closer to them still holding my hand. "Irene nais kong makilala mo ang buo kong pamilya, hindi rin ako makapaniwala bakit andito rin sila kuya na nakatira sa Maynila. Si Tatay Felix." maingat akong lumapit at nagmano kasunod ni Seulgi. "Kuya Daniel, panganay naming lalaki, si Kuya Kris, Kuya Kai at Kuya Yeol. Sila Kuya Kris at Daniel ang nasa Manila" sabay kaway at tanggap ng kamay na naklahad ang dalawang lalaking tinawag "at si Kuya Yeol. ang nasa kapitolyo" sumaludo naman kunwa ang tinawag bago nagkamay rin. "At si Kuya Kai ang bunsong lalaki na kasama namin nakatira dito sa bahay." at masaya akong nginitian at kinamayan.

 

"Wow, bunso. Mas maganda nga sa personal ang artista ano?" sabi ni Kuya Yeol. pero binato lang siya ng seryosong tingin ni Seulgi at tawanan lahat.

 

"Hala ka matunaw ka na sa tingin." kantiyaw ng panganay na lalaki, si Daniel.

 

"Anong ginagawa niyo dito? hindi naman piyesta ah." tanong ni Seulgi. Nagkatinginan ang magkakapatid at ang Tatay nila.

 

"Tumawag si Nanay eh. Espesiyal daw ang araw na to." sagot ni Kuya Daniel at lalong napakunot ang noo ni Seulgi.

 

"Oh, anak andito na pala kayo." bungad ng isang may edad na babaeng papalapit at kasunod ang nakilala ko ng Ate Yeon. Paglapit nila sa amin ay nakangiti na ang may edad na babae. "Napaka ganda naman ng kasama mo, Anak. ako nga pala ang Nanay ni Seulgi." sabay yakap at halik sa akin. "Irene, hindi ba?" hindi agad ako nakasagot at tumango na lang ako at nagmano. "Kaawan ka ng Diyos, Hija."

 

"Nice meeting you, Ma'am." ngiti kong bati. Sa wakas may lumabas ng boses sa akin.

 

"Tita Cristy na lang." ngiting sabi ng ina ni Seulgi. 

 

"Hello Irene." bati ni Ate Yeon sabay halik sa akin.

 

"Hello, Ate. Nice to see you again." sagot ko ng maghiwalay kami.

 

"Nay, bakit andito sila Kuya?" tanong ni Seulgi ng makalapit at magmano sa ina.

 

"Di ba hiniling mo kagabi kung maaring magluto ako ng paborito mong tanghalian dahil sabi mo may ipakikilala kang espesiyal na kaibigan sa amin. Kaya tinawag ko sila." ngiting sagot ni Tita Cristy.

 

"Nay!" taas boses ni Seulgi na biglang namula. She's really cute when she's blushing.

 

"Halina na kayo baka lumamig ang pagkain." aya na lang na sabi ni Tita Cristy at inaya na ako hawak ang braso ko papunta sa dining table.

 

- - -

 

Seulgi

 

Hindi ako makaimik sa hapag kainin dahil panay ang tanong ng mga kapatid ko kay Irene, ang mga projects niya at kung anu ano pa.

 

"Alam mo Irene, sa tagal namin ni Kuya sa Maynila, iniisip namin sana kahit minsan matiyempuhan ka namin para makapag papicture man lang kami." - Kuya Daniel.

 

"Pwede po akong mag papicture sa inyo mamya kung gusto niyo." alok naman ni Irene at nag apir pa ang mga kuya kong tuwang tuwa. Napansin kong bumaling si Irene sa akin.

 

"Ayos ka lang, Seul?" malambing niyang tanong. Nginitian ko lang siya.

 

"Siyanga pala Anak, kailan mo balak mag pa Maynila para ayusin ang tutuluyan mo? Alam ko matagal pa ang susunod na pasukan pero dapat ay maihanda mo na lahat. Sigurado ka bang ayaw mong tumira sa mga kuya mo?" tanong ni Tatay at nakita ko na masayang bumaling sa akin si Irene.

 

"Hindi ko pa po alam, Tay. Ayusin ko muna mga iiwanan ko dito sa 'tin." sagot ko.

 

"Ahm, kung ok lang po sa inyo I can help Seul look for a place to stay. It would probably good if she stays near my place para mabantayan ko rin po siya, I-I mean. I can look after her." mahinang sabi ni Irene at nakita kong ngumiti ng makahulugan ang mga kapatid ko at sila Tatay at Nanay ay may ngiting pasasalamat?

 

"Naku, Hija hindi mo na kailangang gawin yon. Andon naman ang mga kapatid ni Seulgi para tingnan siya. Nga lang ayaw lang kasi ni Seulgi ng laging binabantayan pero pag ikaw siguro ang titingin sa kanya ay wala siyang magagawa, hindi ba Anak?" balik ni Nanay sa akin.

 

"Nay, naman. Parang sinasabi niyo naman na matigas ang ulo ko." reklamo ko.

 

"Hindi ba, Bunso?" si Ate Yeon. Hay naku ako lang talaga ang nakikita nila sa bahay na to. Tiningnan ko lang si Ate at hindi na ako umimik. 

 

"Pero baka magkaron ng problema, hija dahil artista ka at sikat pa. Baka masilip ka ng mga taga media pag makikitang maging malapit ka kay Irene." paliwanag ni Tatay kay Irene, at sumang ayon ako sa loob loob ko. Yon ang ayaw kong mangyari ang mapunta sa alanganing sitwasyon si Irene lalo na pag nalaman ng media kahit sabihin pang mgkaibigan lang kami.

 

"I don't care, Tito. Seul's my friend and I'm willing to help her." sagot niya pero tiningnan lang namin siya. Hanga naman ako sa paninidigan niya.

 

"Please, Tita, Tito. It's just next door. Ang alam ko po kasi available pa yon. I will try to check on it later. Seul helped me in her own way when I was down, it's just a way of giving back her kindness." ngiti niyang sabi.

 

"Irene hindi naman ako humihingi ng kapalit." sabi ko.

 

"I know, I know." hawak ni Irene sa kamay ko. "I'm doing this because I want to. Please Seul." sabi niya sa mapupungay na tingin at paglingon ko sa aking mga magulang at mga kapatid ay napako ang kanilang mga tingin kay Irene at sa akin, palipat lipat na para bang nakikiusap na pumayag na ako. Ano ba tong mga to?

 

"Anak, sagot na. Pumayag ka na." mahinang sabi ni Nanay.

 

"Pero, Nay." tingin kong protesta kay Nanay.

 

"Hayaan mo, Hija kakausapin namin si Seulgi." sabi ni Tatay.

 

"Hindi na po kailangan, Tito. Ayaw ko po ng napipilitan lang." mahinang sabi ni Irene.

 

"Seulgi!?!" sabay sabay nanaman nilang tawag lahat sa akin. Ano? ako nanaman? Hindi na ako nakaimik. Pero natuwa ako ng makita kong napangiti si Irene kahit na nakatungo ito. Kaya sumandal ako palapit sa kanya at bumulong.

 

"kakampi mo na agad sila ha." malambing kong sabi at tuluyan na siyang mahinang tumawa. Kaya natawa na rin sila Ate at Kuya.

 

"Ikaw ng bahala sa kanya Hija ha, hindi rin siya sanay sa media kaya sana isa alang alang mo din, yon lang pakiusap namin sa 'yo." narinig kong sabi ni Tatay. "May bahay din kami roon pero tagapag bantay lang ang namamalagi dahil may sariling bahay din ang mga kuya niya sa Manila. Doon siya namamalagi noon kaya nagawa niyang maglihim ng tunay niyang kalagayan dahil walang tumitingin sa kanya. Kung sakali ba Hija, maging mata ka namin sa batang to?" pakiusap ni Tatay.

 

"Tay, hindi na ako bata!" protesta ko pero lahat sila tiningnan lang ako ng hindi makapaniwalang tingin.

 

"Huwag po kayong mag alala Tito, ako pong bahala sa kanya. Every day po akong magrereport sa inyo." sakay naman ni Irene.

 

"Irene." tawag ko pero tinawanan niya lang ako at marahang hinaplos ang braso.

 

"You're turning red again, Seul." bulong niya at mas lalo akong namula sa hiya dahil nasa akin talaga ang atensiyon ng buong pamilya ko.

 

"Tita Seulgi, namumula ilong mo." pansin ni NingKai, isa sa mga anak ni Ate Yeon, kaya nagtawanan na lahat.

 

"Tama na, tama na yan. Hindi na makakain si Seulgi." saway ni Nanay, iba talaga ang ina. Salamat Nay, sa isip ko.

 

"So kailan mo balak lumuwas ng Manila." tanong muli ni Irene, kulit din talaga eh.

 

"Pagkatapos na lang siguro ng piyesta." mahina ko na sagot.

 

"Really?! Piyesta niyo na? Kailan?" may galak at medyo excited sa boses niya.

 

"Oo nga pala, Seulgi. Bakit hindi imbitahan si  Irene sa piyesta natin." singit naman ni Ate Yeon. 

 

"Kahit naman hindi ko siya imbitahan, kayo rin naman magiimbita sa kanya di ba?" masungit ko na sagot.

 

"Hey, Seul." pansin ni Irene sa akin sabay haplos sa braso. "What's wrong?" napatingin ako sa kanya. Hindi ko mawari na kaya niyang ipakita ang malasakit at pag lalambing niya sa akin sa harap ng pamilya ko. Kung sakali kayang maging tayo Irene gagawin mo pa rin ang mga bagay na ginagawa mo? Tanong ko sa kanya sa isip ko lang.

 

"Hoy Seulgi, matutunaw na si Irene niyan." pukaw ni Kai sa pagkakatitig ko kay Irene. At muli namula nanaman ako.

 

"Now I know why you're so loved by your family. You make them happy." puna ni Irene at nangiti siya.

 

"So ibig sabihin mapapamahal ka din sa akin kasi lagi kitang napapasaya?" tanong kong balik at siya naman ang natulala.

 

"Ahem, hindi dapat nagliligawan sa hapag kainan." Pukaw ni Tatay sa titigan naming dalawa ni Irene at muling napuno ang kainan ng malakas na tawanan. Umiling na lang ako at patuloy na kumain.

 

"Alam ko na kung saan ka nagmana ng magaling mang asar, pero pag sa kanila pala taob ka." pahabol pa na bulong ni Irene at kinindatan ako.

 

"Oo na, oo na." sagot ko na lang at patuloy ng kumain.

 

- - -

 

Irene

 

Matapos ang masaya at masarap na tanghalian at picture taking ay hinatid na ako pabalik ng resort ni Seulgi. As much as I wanted to stay a bit longer ay pabalik na kami ng Maynila at sabi ni Seulgi ay ayaw niya akong gabihin sa biyahe. She's very thoughtful talaga.

 

"Humihingi muli ako ng paumanhin sa inasal ng mga kapatid ko." she said when we're in front of my room.

 

"Ano ka ba, no biggies. I find them cute nga dahil mga fanboys pala sila." I said giggling. "I love your family." wala sa loob kong sabi, too late to take back my words. Here you go again Irene. Can't hold your tongue.

 

"Ngayon mo lang sila nakilala, minahal mo na agad sila. Paano pa kaya ako?" she said and I was left speechless. I was just staring at her when she spoke again. "Uy, natulala ka na diyan. Hindi ba nga mas dapat mas mahal mo ako dahil ako ang una mong nakilala, huwag mong sabihin sila ng mas malapit mong kaibigan kesa sa akin?" tanong niya at doon lang ako natauhan. Kaibigan nga pala. Bakit ano bang alam mo, Irene? Balik sagot ko sa sarili ko.

 

"Oo naman siyempre, mas love kita." sabi ko ng nakangiti. "Ikaw ang special friend ko at special na din sila kasi pamilya mo sila." sabi ko pa. What special Irene, gosh you're totally betraying yourself in front of Seulgi.

 

"Hindi ka magbabago, Irene?" malumanay na tanong niya.

 

"Why should I?" may kaba kong tanong pabalik at tiningnan ko siya pero umiwas siya at tumungo.

 

"Wala lang, kasi mahirap akong maging kaibigan lalo na ng mga straight."

 

"Bakit?" I asked.

 

"Hindi ko rin alam, siguro dahil hindi ako straight."

 

"You're really funny. Why do you always conclude without even trying?"

 

"Masakit kasi eh, dahil nasubukan ko na."

 

"What you're saying is that it hurt because you fell in love with your friend." paliwanag ko.

 

"Yon nga eh."

 

"And you're afraid it will happen again?" deretsa ko ng tanong. Tiningnan niya lang ako.

 

"Oo." maiksi niyang sagot.

 

"What if that person falls in love with you, too?" I boldly asked.

 

"Hindi maaari." sagot niya.

 

"And why not?"

 

"Masisira ko lang ang buhay niya." sagot niyang hindi nagaalis ng tingin sa akin.

 

"You don't trust her then." balik ko.

 

"Kaya kong isakripisyo ang lahat para sa kanya."

 

"What if she's willing to sacrifice everything for you, too?" hamon ko, seriously Irene? tanong ng isip ko.

 

"Baka nabibigla lang siya. Maaring ngayon oo pero pagdating ng panahon, pag napuno ng pagsubok ay susuko din siya."

 

"Don't assumed too much if you don't know the person, Seulgi. Don't judge her if you don't know her heart and don't be a coward to fight for her because it only proves how you love her less." sabi ko sabay bukas ng pinto ng kwarto ko. "Sige na Seul, aayusin ko lang ang gamit ko, hindi mo na ako kailangan pang samahan. I can handle. Bye." sabi ko sabay pasok at sara ng pinto. Nasaktan ko man siya mas nasaktan ako sa sinabi niya. We know we have something for each other but she's too guarded to let it show just as I'm too afraid to let her know what I'm feeling for her, too.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Eyli_Bae
Ito na ang dessert!

Tapos na siya!!! Thank you for reading this story, I hope I made you guys satisfy. kahit parang minadali na siya HAHAHAHAHA

BTW SEE YOU ON MY NEXT STORY "HER PROXY BRIDE" BASAHIN NIYO RIN!

Comments

You must be logged in to comment
xantheaverielle
0 points #1
Chapter 7: Ang bagal ko magbasa pero ang ganda-ganda ng storyline nito. I love how complex Seulgi and Irene's characters are lalo na't nababasa namin 'yung thoughts nila. 🥹 Will continue reading this! 🤍
xantheaverielle
#2
Just discovered this story!! Aaaa thank you po sa pagsusulat at nakahanap rin ako ng isa pang tagalog Seulrene fic. Will start reading now 🤍
_rtempest
1025 streak #3
Chapter 13: Jahahaha ang cute naman 😆
Mmjose #4
Chapter 33: Rastro?
Pristinemoon
34 streak #5
Chapter 24: Hello po otor, kamusta po. Tanong ko lang po kung kelan niyo po ibabalik yung chap 17 hehe. Thank you!
Adm_06 #6
Chapter 17: deleted ponba chapter 17?
Sanatozaki9
#7
Chapter 22: ako lang ba naf-frustrate sa ugali ni irene? 😩 sorry pero annoying lang kasi sa akin na mabilis magalit or magtampo i think perfect talaga si seulgi sa kaniya kasi understanding :)
yoonhyunseo
#8
SeulRene nalang talaga nagpapakilig sakin. Kahit for the nth time naghost nanaman ako. hahahahahhahaha
baeddeulgi_
#9
Chapter 32: Thank you sa story na 'to, Author 🧡 Ang ganda ng pagkakasulat hehe and ok 'yung pacing. Ka-enjoy din bawat ganaps. Evident kung paano nagprogress 'yung relationship nila and 'yung growth nila as individual. Irene being the pasaway before na unti-unting mas naging understanding and patient then si Seulgi na medyo dense tapos naging more caring, thoughtful, and aware sa feelings ni Irene. Maganda rin kasi talagang focused lang halos sa kanilang dalawa 'yung story and wala ng other chenes haha. Satisfied reader here! emz
baeddeulgi_
#10
Chapter 31: Wow nagkadiligan na rin sa wakas haha ang cute