bulong

jiminjeong cross
Please Subscribe to read the full chapter


 

Hindi masabi ang nararamdaman

Hindi makalapit, sadyang nanginginig na lang


 

"Winter!"

 

Napapikit ka. Sinusubukang pigilan ang sarili ngunit nakita na lang ang sariling agad na lumingon.

 

Hindi mo din naman kasi siya maiiwasan.

 

Hindi mo kaya.

 

Agad siyang kumapit sayo. Nakanguso pa.

 

"Alam mo ikaw, may tinatago ka talaga."

 

Agad kang namula. Nagbigay ng ngiting alanganin. "A-Ano bang sinasabi mo?"

 

Mahigpit niyang hinawakan ang braso mo at nagbaba ng paningin. "H-Hindi mo na ako masyadong nilalapitan.. may problema ba tayo Win?"


 

Mga kamay na sabik sa piling mo

Ang iyong matang walang mintis

Sa pagtigil ng aking mundo


 

Hinawakan mo ang mga kamay niyang mahigpit ang kapit sa braso mo.

 

Ah, maliit pa rin ang mga ito kumpara sa iyo. Dati-rati, ang mga kamay na ito ang nagpapalis ng luha sa mga mata mo sa tuwing umiiyak ka. O kaya nama'y nagpapatulog sa iyo sa tuwing lumalakas ang mga ingay sa labas ng kwarto mo at hindi ka makatulog.

 

Nagdulot ito ng init sa mga araw na giniginaw ka, sa pisikal man o emosyonal na aspeto.

 

Maliit man, ito ang naging imahe sayo ng tahanan.

 

Wala pa ring mintis ang hatid nitong pakiramdam.

 

Nagpakawala ka ng ngiti.

 

"Karina, ano ba ‘yang iniisip mo? Anong problema? Walang problema."

 

"E-Eh bakit ‘di mo na ko nilalapitan? Kapag nasa inyo ako, lagi kang tulog, dumarating ako sa inyo na nasa kuwarto ka, aalis akong di man lang kita nakikita. Dati naman hindi ganon."

 

"Rina, alam mo naman na mahirap yung course ko diba? Pasensya ka na, natutulog talaga ako kapag may oras, lagi kasi akong kulang sa tulog."

 

"Eh bakit ka naglolock?! Dati naman hinahayaan mo ako tabihan ka."

 

Agad kang namula. Simula kasi ng mapagtanto mo ang nararamdaman mong ito, iniwasan mo na hangga't maaari ang makatabi siya sa kama. Pakiramdam mo kasi hindi mo kakayanin.

 

"P-Pasensya ka na. Nakasanayan ko na eh. Nakakalimutan kong tanggalin yung lock."

 

Sinuri ka niya ng tingin. "Winter. Hindi ka nag-lolock ng pinto. Simula nang makilala mo ‘ko, hindi ka na nag-lolock ng pinto."

 

Napabuntong-hininga ka. Nakarinig ka ng maliliit na singhot.

 

Hala ka. Umiyak na.

 

Agad mong hinawakan ang mukha niya. Pinapalis ang mga luhang lumalandas sa magandang mukha niya.

 

Grabe. Hindi pa nga siya sayo, pinaiyak mo na.

 

"R-Rina, huy ‘wag ka umiyak, sorry na talaga. Alam mo ganito na lang. Sleepover ako sa'yo mamaya. Ano game? Tatapusin ko lang 'tong plates ko. Tapos dideretso na ako sa'yo. May mga damit pa 'ko sayo diba?"

 

Tumango siya habang humihikbi pa din. Ah, ang cute.

 

Ngumiti ka. "Oh, wag ka na umiyak ha? Senior kita pero napakaiyakin mo."

 

Nakatanggap ka naman ng palo. Di na masakit. Sampung taon mo na itong natatanggap. Medyo immune ka na.

 

Niyakap ka niya ng mahigpit. Nagsalita habang nakabaon ang mukha sa leeg mo.

 

"Love you, Win. Wag mo ko iiwan ha?"

 

Inilayo mo siya sa katawan mo at mariing tiningnan ang mga mata niya.

 

Ang mga mata niyang parang balon sa lalim. Kung ano ang ikinatahimik ng bibig niya, ay siya namang daldal ng mga mata nito.

 

Kapag napapatitig ka sa mga mata niya, nakakalimutan mong tumatakbo pala ang mundo. Kayang-kaya ka nitong lunurin, at alam mong nalunod ka na talaga ng tuluyan. Ang nakakapanlumo lang, hindi ka na makaahon.

 

Minsan ay sa mata ka lang niya kakausapin, kuha mo na kaagad kung ano ang gusto niyang sabihin. Ganoon ninyo kakilala ang isa't-isa. O mas nararapat bang sabihin, ganoon mo na siya kamahal?

 

"Bakit naman kita iiwan? Soulmate kita diba?"

 

Matamis ang ngiting ibinigay niya sa iyo.

 

Wala na, nalunod ka na talaga.


 

Ako'y alipin ng pag-ibig mo

Handang ibigin ang 'sang tulad mo


 

Sukbit ang bag sa balikat, pilit mong sabay hawakan ang mga plates at plastik ng pagkain sa magkabila mong kamay.

 

Bitbit ang lahat ng ito, pumara ka ng tricycle at nag-pahatid sa apartment ni Karina. Habang nasa loob ay inilabas mo ang cellphone mo.

 

Hindi ka pa pala nakakapag-paalam.


 

"Hello, Eun?"

 

"Hoy. Nasan ka na?"

 

"Uh, ano, kay Karina ako matutulog ngayon."

 

"Huh? Kayo na? Umamin ka na? Hala.. congrats Sis!! Ay, eh.. nasabi mo na ba?"


 

Napapikit ka. Sana nga, nasabi mo na.

 

"Hindi pa. Basta sa kanya ko ngayon. Wala akong pasok bukas kaya okay lang. Kumain ka na diyan. Uuwi ako bukas ng hapon, or ewan basta uuwi ako. Text na lang kita."

 

"Oh.. okay. Ingat ka. Dala mo yung mga kailangan mo?"

 

"Oo. Nandito lahat sa bag ko. Wag ka mag-alala okay lang ako."

 

"Sige, tawagan mo 'ko 'pag may problema."

 

"Hmm. Salamat, sige na, ibaba ko na."

 

"Gumamit kayong proteksyon haaa."

 

Tanginang 'to. "Gago. Bye na. Nasa apartment na ako. Wag ka magkalat diyan."

 

Dali-dali mo nang ibinulsa ang phone at binitbit ang plates at pagkain. Nagbayad kay Manong pagkatapos ay pumasok sa apartment.

 

"Oh Winter! Nagbalik ka! Tagal mong di bumisita, akala ko nag-away kayo ni Karina."

 

Hindi ata napansin ng landlord na ito ang hirap mo sa mga dala-dala. "Naging busy lang 'ho. Sige po una na po ako."

 

Hindi ka na nagtagal pa para marinig ang sagot niya. Agad mong hinabol ang papasara ng elevator.

 

"Sa 5th lang Kuya. Salamat."

 

Pagkarating sa tapat ng pinto ay mahina mo lang itong sinipa gamit ang paa mo.

 

Agad kang napaatras sa biglaang yakap na bumungad sayo pagkabukas ng pinto.

 

"Win!! Ang tagal mo!!"

 

Hirap man sa mga dalahin ay hindi mo maiwasan ang ngiting bumalatay sa mukha mo. Hindi mo man kasi aminin ay namiss mo ito. Ang amoy niya sa tuwing matutulog na, ang mahihigpit niyang yakap, at higit sa lahat, ang mga ngiti niyang lalong nagpapalunod sa iyo.


 

Hangga't ang puso mo'y sa akin lang

Hindi ka na malilinlang


 

"Win.. alam mo ba kanina si Jeno.."

 

Napatikhim ka. Hindi naman lingid sa kaalaman mo ang mga kumakalat na tsismis tungkol sa kanilang dalawa.

 

'Bagay na bagay sila.'

 

'Match made in heaven.'

 

'Parehas gwapo saka maganda. Matalino pa.'

 

'Ano kayang magiging hitsura ng anak nila?'

 

Ilan lang iyan sa mga naririnig mo araw-araw sa tuwing nagagawi ka sa classroom ni Katarina. Magka-partner kasi ang dalawa sa halos lahat ng subjects, sinadya ata talaga ng mga prof.

 

"Oh anong meron?"

 

Naramdaman mo ang mga kamay niyang pumaikot sa baywang mo. Inihahanda mo kasi ang pagkain na pasalubong mo sa kanya, habang siya naman ay nakaupo kanina sa sofa.

 

Naramdaman mong ibinaon niya ang mukha niya sa likod mo. "Niyaya niya ako kumain bukas."

 

"Oh anong oras kayo bukas?"

 

"Ayoko umalis. Nandito ka eh."

 

"Magkasama naman tayo ngayon, saka bukas ng umaga?"

 

Umiling siya ng nakabaon pa din ang mukha sa likod mo. "Aalis ka na kapag umalis ako eh."

 

Natawa ka. "Malamang. Rina, di ako pwede dito matulog ulit. May pasok na ako sa susunod na araw. Kailangan ko na umuwi."

 

Hindi nagsalita ang nasa likod mo. Hinawakan mo ang mga braso niya at pumihit papaharap. "Siputin mo yun si Jeno, mabait naman yun ah?"

 

Tiningnan ka niya. Sa mismong mga mata. Ayan na naman. Nararamdaman mo na naman ang pagkalunod mo. Ang hirap, ang hirap umahon. Lalo na't ganito siya sayo.

 

"Okay, basta ngayon, sayo muna ako."

 

Niyakap ka niyang muli, iyong mahigpit. Malamlam ang ngiting bumalatay sa mga labi mo.

 

"Hmm, akin ka muna."



 

Ikaw ang ilaw sa dilim

At ang liwanag ng mga bituin



 

7 years ago.


 

"Rina?"

 

"Hmm?"

 

Nakakulong ka sa mga yakap niya, pilit kang itinatago sa gulong nasa labas ng kwarto mo. Normal na itong kaganapan sa bahay niyo. Hindi na bago.

 

"Hindi ka pa ba uuwi?"

 

Hinaplos niya ang buhok mo at marahang umiling. "Dito ako matutulog ngayon. Sige na matulog ka na hmm?"

 

"Hindi ba magagalit sila Tita?"

 

"Hindi, Win. Nagpaalam ako, kaya sige na, matulog ka na." Muli niyang hinaplos ang buhok mo, unti-unti kang pinapatulog.

 

Narinig mo ang mahinang himig na kinakanta ni Karina, nilulunod ang mga sigawan sa labas ng kwarto mo.

 

Nagiging matiwasay ang mga pagtulog mo magmula noon.


 

-----


 

"WALA KA TALAGANG DULOT! ANO ITO LANG? ANG LAKAS NG LOOB MONG MANGAKO NOON! 'MAGANDANG BUHAY?' ANO SA TINGIN MO ITO MAGANDANG BUHAY?!"

 

Kanina pa tunog ng tunog ang cellphone mo. Ngunit hindi mo ito magawang sagutin, dahil abala ang mga kamay mo sa pagpunas ng mga luhang kanina pa lumalandas sa mukha mo.

 

Kailan ba sila titigil?

 

"EH ANONG GUSTO MONG GAWIN KO?! AKO NA LANG ANG NAGTATRABAHO! AT WAG KANG MAGMALINIS! ANONG AKALA MO HINDI KO ALAM NA NAKIKIPAGKITA KA PA DIN DOON SA LALAKING 'YON? HINDI KA NA NAHIYA SA MGA ANAK MO!"

 

Isang sampal.

 

"ANG KAPAL NG MUKHA MO! HINDI BAT IKAW RIN NAMAN?! PARE-PAREHAS LANG TAYO DITO!"

 

"Winter!"

 

Agad kang napalingon sa bintana mo.

 

Si Karina. Nakaupo sa isang sanga, sa taas ng punong katabi ng bintana mo.

 

Agad mong binuksan ang bintana. Nakatingin sayo si Karina, madilim man ay nakita mo ang pag-aalala sa mukha niya. Maputi siya, at mas lalo pa siyang pumuti sa ilalim ng sinag ng buwan.

 

Napaka-perpekto niya.

 

Hindi mo namalayan ang pagpasok niya sa kwarto mo.

 

Halata ang dagli niyang pagkagulat dahil sa mga sigawan na narinig. Tila ba napagtanto niya kung bakit hindi mo nasagot ang mga tawag niya.

 

Ibinuka niya lang ang mga kamay at humarap sa iyo.

 

Walang sabi-sabi ay muli kang nagpakulong sa mga bisig niya.

 

Ito, ito ang tahanan mo.



 

Hindi mapakali, hanggang tingin na lang

Bumubulong sa 'yong tabi


 

Vanilla. Hindi mo alam kung bakit sa tinagal-tagal ng panahon, hindi nanawa si Karina sa amoy nito.

 

Kasalukuyan kayong nakahiga sa kama, yakap niya ang isang braso mo habang ikaw naman ay nakatihaya.

 

"Win? Kamusta pala si Kuya Eun Woo?"

 

"Hmm.. okay naman. Stable na yung trabaho niya sa call center. Kaunti na lang mabibili na ulit namin yung bahay."

 

"Yung tuition fees mo?"

 

"Okay na yun, diba sabi ko sayo may nailaan si Tatay noon na pera. Yun yung ginagamit ko. Kapag nagkukulang may naibibigay naman si Eun."

 

Marahan itong tumango. "Eh si.. mama mo?"

 

"Ewan ko, hindi namin siya macontact."

 

Nanahimik lang ang nasa tabi mo. Pero ramdam mo ang pag-higpit ng yakap niya at paglapit niya sayo.

 

"Kamusta ang pag-aaral mo?"

 

"Okay lang, nakakapasa naman ako. Ikaw ba? Pa-graduate ka na. Sigurado busy ka na."

 

Tumango lang ito. "Oo, nabusy ako, at sinamantala mo naman. Talagang kung hindi pa kita nilapitan kanina, hindi mo maaalalang halos isang buwan na tayong hindi nakakapag-usap."

 

"Hehe. Sorry na talaga. Nandito na ako diba? ‘Yun ang mahalaga."

 

Marahang umupo ang katabi mo at dinungaw ang mukha mo.

 

"Pero Win, seryoso. Bakit? Oo alam kong busy. Ganun din tayo nung 4th year highschool ka at 1st year college ako diba? Pero nakakapag-usap pa din tayo kahit saglit lang."

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thelost_soul
may isa akong sinusulat na pinakalast ko siguro na entry dito? kasi I don't think makakasulat pa ako after this sem :(( ayaw ko lang mag-iwan ng false hopes kaya sinasabi ko na para sa mga nag-aabang ng part 2s ng mga fave one shots nila :(

thank you lagi sa lahat ng nagbabasa at nag-cocomment!!

Comments

You must be logged in to comment
nabs_infp
#1
Chapter 20: lahat talaga ng andito, sobrang ganda. Walang patapon 🥹
nabs_infp
#2
Chapter 4: T_T Kanina pa talaga ako kilig na kilig
clang2
#3
Chapter 25: always here for your stories 💕
kwinterrr_
#4
Chapter 25: 🥺
Hiccups_ #5
Chapter 25: It's been a while but ouch
All_Rait13
#6
Chapter 24: OLFU QC to ah
purplejoch
#7
Chapter 25: nooo, ansakit sakit sa puso 😩 pero grabe lang yung radikal na pag mamahal ni winter kay karina, sana maalala niya na si winter 🥹

salamat sa pag update author nim, fighting sa studies 🤍✨
infp23
#8
Chapter 4: Aaaaaaaaaaah so sweeeeeeeet🥹🥰😍
infp23
#9
Chapter 1: Aaaaaa b10 🥺
renrenee
#10
Chapter 25: awwwww i missed your stories huhu i really love them!! thank for still trying to update <33 best luck this sem, otor!