together

jiminjeong cross
Please Subscribe to read the full chapter

Winter lived a long life already.

 

Too long, to be honest.

 

Wala na siyang balak pang magpatuloy once na umalis na din si Ningning, ang itinuturing niyang pamilya.

 

So why is she in Palawan?

 

May inaasahan ba siyang makita dito?

 

Ah, that girl.

 

50 years ago.

 

Kamusta na kaya siya?


 

-----



 

Ang init.

 

Haaaay. Ang sarap magbabad sa tubig pag ganitong ang sakit sa balat ng araw. Gusto kong magbeach!

 

"Winter!"

 

Tanginaaaa. Andyan na naman yung makulit, peste!

 

"Uy, Gyu. Bakit?"

 

Napahawak si Gyu sa batok, halatang nahihiya habang nangingiti. Hay, alam ko na 'to.

 

"Kakain ka na ba ng lunch? Kung mag-isa ka lang, sabay na tayo! Libre kita. San mo ba gusto?"

 

Patago akong napabuntong-hininga.

 

"Uh, Gyu.. ilang beses ko ba sasab-"

 

Naputol ang balak kong pag-reject ulit sa kanya ng biglang may kumapit sa mga braso ko at bahagya akong nilayo kay Gyu.

 

"Uy, Hi Gyu! May sinasabi ka ba kay Winter? Importante ba yan? Nagugutom na kasi ako, sabay kasi kami mag-lunch." Sabat ni Ningning.

 

Bilib na talaga ako sa instincts netong batang 'to. Alam na alam niya kung kailan ko siya kailangan.

 

Nakita ko ang dagling pagdaan ng iritasyon sa mukha ni Gyu bago ito napalitan ng isang pekeng ngiti.

 

"Ah, di wala hahaha. next time na lang siguro. Una na 'ko. May baon pala ako sa taas. Ingat kayo." Sabay alis. Ang kulit kasi. Ilang beses ko ng nareject ayaw pa din papigil.

 

"Ganda mo naman ateng. Di halatang gurang na gurang ka na. Baka nga nakalaro mo pa lola sa tuhod niyan." pang-aasar ni Ningning.

 

"Hoy! Kung kokompyutin, nasa ibang bansa ako nung pinanganak lola niyan. Tsk. 50 years ago simula nung nag-stay ako dito sa Pinas. Kaya imposibleng nakalaro ko ninuno niyan." Pambabasag ko sa asar niya. Totoo naman! Ngayon-ngayon lang ako nagpasya mag-stay dito sa Pinas. Nakakapagod mag-travel eh.

 

Umasim ang mukha ni Ningning. "Alam mo ikaw halatang-halata na gurang ka na. Wala kang sense of humor. Ang pangit mong kausap. Bakit ba kita sinasamahan." sabay irap pa niya.

 

Napakama-attitude! Di naman bagay sa kanya. Pwe.

 

"Oh eh bakit mo nga ba ako sinasamahan ha? Isa ka din eh! Manggagamit!" tinulak ko siya palayo. Batang 'to, may balak 'to eh. Ramdam ko.

 

"Ano ba! Wala akong pera ngayon. Libre mo 'ko." Sabay kapit ulit sa braso ko.

 

Sabi na eh! Sinimangutan ko siya.

 

"Dali na! Madami ka namang pera eh! Kakapadala ko lang kela Tatay, ubos sweldo ko." Hinila niya ako sa isang fast food chain.

 

Umorder muna kami, pagkatapos ay naupo sa isang table para magpatuloy mag-usap. Sumeryoso ako.

 

"Oo nga pala. Kamusta na Tatay mo? Sabi ko naman sayo ilipat mo na pamilya mo doon sa bahay ko sa Bukidnon. Walang nakatira doon. Caretakers lang. Pwede tayong maghire ng maids para may tumingin sa kanila. That way, nasa maayos silang tirahan, di ka pa mag-aalala kung may kinakain sila o wala."

 

Nayuko lang siya habang tinitingnan ang mga daliri. Hinawakan ko ang mga kamay niya.

 

"Ning, kung iniisip mong nakaka-abala, ako na nagsasabi sayo, hindi. Alam mo kung gaano kadami ang properties ko. Yung bahay sa Bukidnon, di yun kawalan. Binili ko lang yun kasi ang ganda nung tanawin sa likod. Mas maganda kung may mag-aalaga nun."

 

Tiningnan niyo na ako at ngumiti ng bahagya. "Bilhin ko na lang kaya sayo?"

 

Nangiti na lang ako sabay iling.

 

"Whatever you want. Di ko na tanda magkano benta sakin diyan. Isa yan sa mga unang property na binili ko noong lumipat ako dito, 50 years ago. Malamang patay na yung nakausap ko nun, matanda na din yun eh. So wala akong maibibigay na presyo sayo."

 

Dumating ang orders namin. Pagka-alis ng waiter, binato niya sakin ang tissue. Anak ng kagang, ang balahura talaga neto!

 

"Eh paano ko mabibili?! Yung mga dokumento?"

 

"May safe ako sa bahay kung saan nakalagay lahat ng papeles. Ikaw na maghanap, nakakatamad halungkatin 'yon. Libre mo na lang ako lunch bukas. Yun na yung presyo ng bahay." Sinimulan kong hiwain ang burger steak. Di kasi ako mahilig sa chicken unlike Ningning na literal na hinihigop yung balat.

 

Tiningnan niya ako ng matalim. "Gago ka ba? Bibilhin ko yun sa tamang presyo. Pupunta ako bukas sa bahay mo para hanapin yung papeles."

 

Ang tigas ng ulo! Di ko naman kailangan ng pera niya! Madami ako nun!

 

Inirapan ko na lang siya. "Bahala ka sa buhay mo. Basta ako di ko kailangan ng pera mo. Madami ako niyan."

 

Binato niya ulit ako ng tissue. Kaso gamit na. "Yabang mo."

 

"TANGINA MO NING YIZHUO, ANG DUGYOT PUTA."



 

--------------------


 

Binuksan ko ang ref at kumuha ng wine. Di ako makatulog.

 

Umupo ako sa sofa, na nakaharap sa may bintana. Tamang star-gazing lang ganon. Baka sakaling antukin ako after some glasses of wine. Nag-soscroll ako sa phone ko ng biglang tumawag si Ningning.

 

"Win? Gising ka pa?" Medyo gumagaralgal ang boses niya.

 

"Oo, di ako makatulog. Anyare sayo?"

 

"Nasa Bar ako malapit sa bahay mo. Pwede makitulog? Peste si Giselle eh."

 

Ay, may LQ.

 

"Nag-away kayo? Sige, punta ka dito. Ano sunduin pa ba kita?"

 

"No, wag na, wag na. Mag-taxi na lang ako."

 

"Hey, you sure? Kaya mo pa ba?"

 

"Win, di ako lasing. I had a couple of bottles, pero di ako lasing, nor tipsy. Inaantok lang."

 

"Okay, I'll wait. Text mo sakin plate number ng taxi. I'll tell the guards."

 

"Hmm, okay. Text ko na lang. See you."

 

"Ingat, shunga. See you."

 

Binaba ko na ang tawag. Bat na naman kaya sila nag-away?

 

Matapos kong matanggap ang plate number ay agad kong sinabihan ang mga guards na papasukin na lang if ever na dumating. Naupos ako sa sofa at tumulala sa langit.

 

In my 423 years sa mundo, Ningning became one of the people I cherish the most. I would like to say my family, kaso sa sobrang tagal ko nang nabubuhay, I already forgot about them.

 

I'm immortal. Based on my foggy memory, I saw this weird thing in the middle of the fields, doon sa Korea. I touched it, and then the next thing I knew, I woke up, with my younger brother looking like my grandpa. He explained to me how I was 'asleep' for a very long time. They found me in the fields, akala nila patay na ako, but I was uninjured, para lang akong natutulog. They brought me to the doctor, kaso sabi nila there's nothing wrong with me. I am completely healthy. They noticed my immortality after years of taking care of me, at walang nagbago sa hitsura ko. They kept me hidden, saying I was dead to people when they noticed I didn't get older with them. My parents are already dead. My brother, he was my only family. After a few years, he also left. I adjusted a lot after that. I need to take care of myself.

 

I don't have special powers and such. Ang natatanging bagay na kaya kong gawin ay to heal fast. Be it external or internal injury, I just need time and I'll heal completely.

 

Noon, ng napapagod na ako, I did a lot of things to kill myself. But I always ended up living. I'll be in a hospital for a week or so, then I'll come back, good as new, as if I didn't fall from the 15th floor. Or as if I wasn't run down by a train. And the list goes on and on. I had to change names and places to protect myself. Slowly, I got the hang of how to live, despite being immortal.

 

Then I just let things happen. I studied. And worked, a lot. Kung ano-anong course at trabaho. People in my life come and go. Di rin ako nagtatagal sa isang lugar, to avoid suspicions. I already created a lot of identities. Winter, is my 8th. My original name was Minjeong, yun lang ang nag-iisang naaalala ko pa ng malinaw.

 

May kumatok sa pinto. I immediately opened the door and I saw Ningning, may hawak na beer cans at chicken.

 

"Inom tayo?" Tinaas niya ang mga dala at pumasok sa loob.

 

Pagkasara ko ng pinto ay sinundan ko siya sa sala. Pumwesto na siya sa sofa, habang binubuksan ang box ng chicken.

 

"Wash your hands first!" Sabi ko ng akma siyang kukuha na ng drumstick. Ang dugyot talaga.

 

Umirap siya, pero tumayo naman at pumuntang kusina para maghugas.

 

Pagbalik niya ay tinabihan ko siya at nagbukas na din ng isang canned beer.

 

"So, anyare?" usisa ko.

 

"Wala, simpleng away lang. Nainis lang ako kasi ang kulit." sabi niya habang ngumangata na ng chicken. Pinunasan ko ang baba niyang mamantika na gamit ang tissue.

 

"Sigurado ka ba? Gusto mo pagsabihan ko si Gi?"

 

"Ay nako Win, hayaan mo na. Seryoso, hindi malala. Misunderstanding lang. Besides ako lang yung inis, binobomba na niya yung phone ko ng tawag eh."

 

"Then at least tell her na you're with me para di siya mag-alala ng sobra."

 

"Yoko nga! Nauurat pa kong kausapin siya. Kung gusto mo, ikaw na."

 

Sinimangutan ko lang siya, pagkatapos ay kinuha ko ang phone ko. Saktong tumawag din si Giselle sakin, agad ko na ding sinagot.

 

"Hello? Winter?"

 

"Hey Gi. Nandito si Ning."

 

"Hay nako. Umiiyak ba siya?"

 

"Uhm, no. She's drinking though."

 

". C-can you do me a favor Win?"

 

"Don't worry, I'll take care of her. She said it was nothing serious. Totoo ba? Kasi it looks serious to me."

 

"I think she saw something Win. Kaya siya nagkakaganyan."

 

"Hoy, Uchinaga Aeri. Are you perhaps cheating?"

 

"Hoy, gaga no! I think may kinalaman sila Dad. I'll talk to her tomorrow. But until then, please, look after her?"

 

"No need to tell me. Sige, tawagan mo na lang ako kung anong plano mo. I'll hang up na."

 

"Thank you, Win."

 

Binaba ko na ang tawag at binalikan si Ning. She’s scrolling aimlessly on her phone.

 

"Minmin, how old are you again?"

 

Hmm. Mukhang lasing na'to. She called me Minmin. Hinawakan ko ang mukha niya.

 

"Lasing ka na ba Ning? Should I put you to bed na?"

 

Hinawi niya ang kamay ko. "Nooo. I still feel heavy, so nope, wag muna. Mamaya na kapag antok na antok na ko. Besides, 2nd can ko pa lang 'to 'no. Hoy! Answer my question." Umayos siya ng upo at humarap sa akin.

 

"Kakabirthday ko lang."

 

Umirap siya. "Duh, I know. Ako kasama mo kumain non. I'm asking about your age."

 

Ang kulit kulit! Bat ko ba to inalagaan.

 

"423. Okay na?"

 

Tumango-tango siya. "So like 400 years ago na since you got laid?" Ngumisi siya.

 

Binato ko siya ng throw pillow. "NING YIZHUO!"

 

Tawa siya ng tawa. Naluha-luha pa ang balahura, habang ang hawak ng tiyan niya. Pasalamat talaga 'to may problema siya. Tsk.

 

"H-Hahahahaha, okay titigil na. Hahahaha kidding aside. Curious lang ako Win. Kailan ka huling may naka-?"

 

"Tangina ka. Ano bang tanong yan?"

 

"Seryoso kasi ako! Curious lang. You don't need to tell me the details. Just tell me kailan. I'm curious." Uminom siyang muli sa can at matamang tumingin sa akin, naghihintay ng sagot.

 

Napapikit ako. Gahd, ang kulit.

 

"Around 40? 50? Ganun."

 

"Years ago? So like pagkadating mo dito sa Pinas?"

 

"Yeah. Dumiretso akong Palawan ‘non."

 

"How was it?" Excited niyang tanong.

 

"Akala ko ba no need na to tell the details?"

 

Nagmaktol naman siya kaagad. "Ehh!! Sinimulan mo na, why don't you continue?"

 

Napairap na lang ako. Wala talaga akong kawala sa batang 'to.

 

"It was amazing. She was smoking hot, we even met again the following day. She was good. Really good. Sa loob ng isang linggo ko sa Palawan, ni hindi ko naikot yung lugar. Katawan niya yung nakabisado ko. Nakakulong lang kami sa loob ng suite ko. If not eating food, we're eating each other. Ayan. Happy?"

 

Napanganga siya. Ayan bahala ka. Ikaw may gustong malaman.

 

"W-wow. Wild ka pala Win?"

 

I felt myself getting red in the face. Binatukan ko siya. "Tange. Hindi, I was just, captivated? Ganon."

 

"Anong nangyari after?"

 

"Anong after?"

 

"After the amazing week with her! Did you get her number? Name?"

 

Tinitigan ko siya. "Ning, you know I don't do that."

 

Napansin ko ang bahagyang paglamya ng mata niya.

 

"After how so many years of living, napagtanto ko na ayoko nang maattach sa ibang tao. Kasi alam kong iiwan ko din sila, or worse, ako ang iwan nila." Tiningnan ko siya.

 

"Ikaw lang ang nakakaalam ng sikreto ko. Ikaw lang ang pinagkatiwalaan ko. Ikaw lang ang nakapasok sa buhay ko. And I plan na ikaw na ang huli."

 

Mabilis niya akong nilingon.

 

"What do you mean, Winter?" nakita kong napuno ng pangamba ang mukha niya. Agad ko siyang hinawakan.

 

"Shunga, don't worry. I won't leave all of a sudden. Ang drama ‘non."

 

I saw her roll her eyes before squeezing my hand.

 

"M-May plano ka na ba?"

 

I smiled at her.

 

"The moment you leave sa future, I'll go somewhere far. May mga nakausap na akong tao. I'll hopefully die peacefully by then."

 

"Pero p-paano? Sabi mo hindi umuubra yung mga ginawa mo before."

 

"I found a way. Don't think too much about it. Matagal pa yun. As long as you're living, hindi ako aalis. Don't worry."

 

Tumango lang siya.

 

"Her name's Karina by the way."

 

Muli siyang tumingin sakin.

 

"Sa last day ko sa Palawan, we did a couple of rounds. When she fell asleep, I left. She doesn't know saan ako pupunta non. She only knows my name."

 

"Which name?"

 

"Minjeong. She's really nice though. Matanda na siya ngayon, and maybe has grandkids if ever na napagtanto niyang mas gusto niya ng hotdog."

 

"Sure kang di na siya deads?" Nagbibiro niyang tanong.

 

"I'm pretty sure. Mukha naman siyang healthy eh. When we met, wala din siyang bisyo nun. Tamang inom lang ng alak."

 

Nanahimik si Ningning kaya naman tiningnan ko siya. "What?"

 

Ngumiti siya. "Wala lang. It's just fascinating to see someone like you talk about weird things."

 

I chuckled. Weird huh?

 

"Weird naman talaga. Imagine if nagkita kami. Ugod-ugod na siya, habang ako, walang nagbago."

 

"Did you have flings all throughout the 423 years? O si Karina lang?"

 

"I did one night stands.. hindi ko nakuha ang pangalan ng mga yun. Si Karina lang yung ilang beses naulit at nakuha ko yung name."

 

"Wow, she must be special then. Bat di mo siya hanapin?"

 

"Lol. At anong sasabihin ko? 'Hi Karina! Ako yung naka mo 50 years ago sa Palawan. How are you?' Tf Ning, utak nga."

 

", wala ka din naman kasing ginagawa dito sa Manila. Andami mo ng pera sa dami din ng negosyo mo. Bat ka pa ba nagtatrabaho?"

 

"Eh gusto ko eh! Psh. Nababaliw ka na ba? Ano naman gagawin ko pag nakita ko siya?"

 

"Wala! Di ba pwedeng gusto mo lang siya makita ganun?"

 

"Ewan ko sayo Ning Yizhuo."

 

"O kaya hanap ka na lang ng fling!!"

 

"Ning, I told you. After you, mawawala na din ako. What's the use?"

 

"Kaya nga! Make the most out of it!"

 

"Believe me, sa tagal ko nang nabubuhay, I already did a lot. Kung di dahil lang sayo, I already left."

 

Napatigil siya. Amp, that’s not what I meant!

 

"Do you wanna leave na?" She asked in a small voice.

 

I let out a sigh. Hay, this girl.

 

"Ning, I may look and heartless, but believe me when I say I wanted to live for a bit more because of you. So don't you dare think na you're holding me back or something. Nonsense yan. Okay?"

 

I noticed na ubos na yung chicken. There's still some beer though.

 

"You know what? Why don't we sleep na? It's getting late na din. We still have work." I started to clean the mess habang nakaupo pa din si Ningning sa sofa while watching me clean.

 

Matapos ko itapon ang mga basura at siguraduhing nakabunot lahat sa kusina, I went back sa sala to pick Ningning up.

 

"Oy, shunga. Tara na. You should shower first before sleeping. Let's go." Hinila ko ang kamay niya to get her up.

 

She obliged and stood up. Pagdating sa kuwarto, umupo siya sa kama. I rummaged my dresser for some spare clothes. When I came back, she looked at me intently.

 

"Winter."

 

I looked at her. "Hmm? Wash up ka na."

 

"I think we should really look for Karina." Sabi niya.

 

Argh! Ano ba 'to! Napakakulit! Gyu 2.0!

 

"Ning Yizhuo, wag mo antaying mainis ako. Sa sala ka talaga matutulog sinasabi ko sayo."

 

Tumawa lang siya ng mahina. "I just want you to have a different life besides me Win. Even though matanda na si Karina by this time, looking for her isn't bad right? You said it yourself, she's pretty great. Kahit hindi na sa kama. I know you, kahit anong galing niya pa, you wouldn't stay with her if you didn't see something in her. Kaya nga ako curious eh." She stood up at kinuha ang tuwalyang hawak ko.

 

"I'll go shower na. You can go sleep na if you want. Thank you for staying up for me. Goodnight Win! Labyu." She shouted while making her way sa CR.

 

Crazy girl.

 

Naalala ko si Karina. Even though 50 years na ang nakalipas, her face is still quiet evident in my mind.

 

...I guess she is special then.

 

"Win! Stop fantasizing about Karina! Rinig ko mula dito. Mahiya ka naman, lola na yun!" Ningning shouted mula sa CR.

 

"TANGINAMO. SA SALA KA MATUTULOG PESTE KA."

 

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA."



 

--------------------


 

"Tell me why did I agree with you?"

 

Nababagot kong tanong habang nasa waiting area kami, naghihintay ng boarding, papuntang Palawan.

 

Ning rolled her eyes. "Kasi, gusto namin magpahinga ni Gigi."

 

I looked at Giselle. Nagthumbs-up siya.

 

"Yes, Winter. After the fight, I thought we both needed it. Too much stress."

 

"Eh bakit kailangang kasama pa ako?!" Iyon ang pinagtataka ko. If this is supposed to be their getaway, bakit nandito ako? Aba, di ako pang-third wheel.

 

"Kasi kailangan namin ng guide. You've been there right? Besides! As if you don't want to go. Admit it. Masaya kang makakaalis ka kahit saglit lang sa pangungulit ni Gyu." Well, she has a point. Gyu's pursuing game makes me so stressful na pinag-iisipan ko na mag-resign. I don't need the job anyway. Nandun lang ako to be with Ning, and because I'm bored.

 

"Guide mo mukha mo. A lot of things has changed na sa Palawan. Ang tagal na simulan nung napunta ako dun."

 

"Ugh, just come, okay? Para sayo din 'to Winter!"

 

I rolled my eyes. "Yeah whatever. You two ."

 

Tumawa lang si Ningning. "Sure, Win. Love you too."

 

This getaway is going to be so chaotic. I can already see it.



 

"Mabuhay! Welcome to Palawan!"

 

Tuwang-tuwa si Ningning habang sinusuutan siya ng flower garland ng mga staff.

 

"Thank you!!! Baby!! I'm so excited!! Ang babait ng mga staff, may paganto pa, this getaway will surely be fun!!"

 

Ngumiti lang si Giselle at inakbayan si Ning. "Sure, sure. Fun it is."

 

Kinuha niya ang maleta ni Ning at kusa na itong hinila, papasok ng hotel habang inaalalayan ng mga staff.

 

Ning looked at me. "Hey, Winter. You don't look happy. Masama pa rin ba loob mo sa paghila ko sayo dito?" She looks apologetic. The duality talaga.

 

I rolled my eyes at her. "Baliw, hindi na. I'm just feeling, nostalgic? Ganon. I just needed some sleep I guess."

 

Binigyan niya ako ng nang-aasar na ngiti. "Muling ibalik, ang tamis, ng pag-ibig~"

 

What a . "Bwisit ka. Tara na nga."

 

Hinila ko na siya pasunod kay Giselle. I'm feeling under the weather. Bakit kaya? Hindi naman ako naulanan.

 

Ang pinili namin ay isang malaking suite. Two bedrooms, at may sala. Ayokong makishare sa kanila ng kuwarto 'no. At ayoko ding kumuha ng hiwalay talaga na room.

 

"Winter, san mo 'to nahanap? This place is good." Sabi ni Giselle habang naglilibot sa suite.

 

I shrugged. "Connections."

 

Tumawa lang si Ningning. "So libre na ba kami dito?"

 

"Ang kapal mo naman Ning Yizhuo."

 

"HAHAHAHAHAHA I'm k

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thelost_soul
may isa akong sinusulat na pinakalast ko siguro na entry dito? kasi I don't think makakasulat pa ako after this sem :(( ayaw ko lang mag-iwan ng false hopes kaya sinasabi ko na para sa mga nag-aabang ng part 2s ng mga fave one shots nila :(

thank you lagi sa lahat ng nagbabasa at nag-cocomment!!

Comments

You must be logged in to comment
nabs_infp
#1
Chapter 20: lahat talaga ng andito, sobrang ganda. Walang patapon 🥹
nabs_infp
#2
Chapter 4: T_T Kanina pa talaga ako kilig na kilig
clang2
#3
Chapter 25: always here for your stories 💕
kwinterrr_
#4
Chapter 25: 🥺
Hiccups_ #5
Chapter 25: It's been a while but ouch
All_Rait13
#6
Chapter 24: OLFU QC to ah
purplejoch
#7
Chapter 25: nooo, ansakit sakit sa puso 😩 pero grabe lang yung radikal na pag mamahal ni winter kay karina, sana maalala niya na si winter 🥹

salamat sa pag update author nim, fighting sa studies 🤍✨
infp23
#8
Chapter 4: Aaaaaaaaaaah so sweeeeeeeet🥹🥰😍
infp23
#9
Chapter 1: Aaaaaa b10 🥺
renrenee
#10
Chapter 25: awwwww i missed your stories huhu i really love them!! thank for still trying to update <33 best luck this sem, otor!