sagutan ng baliw

jiminjeong cross
Please Subscribe to read the full chapter

'Please, please oras, bagalan mo,' tahimik na dasal ko sa kung sino mang nakakataas na makakarinig.

 

Kasi naman, buong araw kong hindi nakatabi o nakausap man lang si Karina. Sobrang busy niya kasi dahil malapit na ang school fest, kaya kapag tapos na ang klase ay agad din siyang lalabas para pumunta ng office nila.

 

Miss ko na siya.

 

Okay exaggerated ata pero namimiss ko na talaga siya. Hindi kami masyadong nakapagkwentuhan nung weekend kasi natulog lang siya halos buong araw.. tapos nitong mga nakaraan hindi na rin kami nakakagala after class, kasi nga pagod siya.

 

Hindi niyo ko masisisi, miss ko lang talaga ang bestfriend ko.

 

"Winter.."

 

Agad na napalitan ang hopeful kong mukha.

 

Alam ko yang boses niya na yan.

 

Sabi ko nga.

 

Ayaw ko siya mapagod.

 

Okay lang yan, Winter.

 

May ibang araw pa.

 

Okay lang yan.

 

Tinanggal ko kaagad ang simangot sa mukha ko at agad hinarap ang bestfriend kong isang buga na lang ata ay tutumba na sa sobrang pagod ng itsura.

 

Unfair, ang ganda pa din.

 

"I'm sorry talaga.. these days.. problems just keeps on piling up.." sabi ni Karina habang hawak ang noo niya.

 

Naawa naman ako sa bestfriend ko.

 

Grabe, ang selfish ko lang para magmaktol kanina dahil di niya ako nabibigyan ng oras.

 

Hinawakan ko ang noo niya para salatin ito.

 

Nako patay na. Mainit.

 

"Rina.. uminom ka kaagad ng gamot bago matulog.. okay? Ang init mo,"

 

Tumango naman siya at niyakap ako.

 

Sanay naman na dapat ako dahil natural na clingy si Karina.. pero ewan ko ba bakit ako biglang kinabahan ng sandaling 'yon.

 

Siniksik niya ang mukha sa balikat ko saka nag-inhale. Nakikiliti ako sa hininga niya pero hinayaan ko na lang.

 

Namiss ko kasi talaga siya okay?!

 

Hindi kasi kami ganito sa school. Hindi naman sa ayaw niya kami makita ng iba pero alam niyo yun mutual agreement na namin na lowkey lang kami sa school.

 

"I'm really sorry.. miss na kita kasama," narinig kong sabi ni Karina.

 

I smiled and tightened my hug sa kanya. Asus alam na alam niya talaga paano ako paamuhin.

 

Hindi pa ako nagsastart magtampo okay na kami ulit, ano ba yan.

 

"Miss na rin kita bebe, pero may responsibilities ka at gets ko naman 'yon. Saka mas nag-aalala ako sa health mo." Ang ewan ko lang kasi kanina handang-handa na ako magtampo sa kanya. Hay.

 

"I'll be fine.. tatapusin ko lang talaga yung fest and exams.. tapos let's go out after, maybe out of town?" sabi niya habang nakasubsob pa rin ang mukha sa balikat ko. Nakasiksik na siya ngayon sa may leeg ko. Feeling ko makakatulog na 'to anytime soon kasi bumibigat na siya.

 

"Okay let's talk about that kapag nasa huwisyo ka na okay? Babagsak ka na, alam mong hindi kita kaya. Halika na ihahatid kita sa kwarto mo,"

 

Tumango si Karina pero hindi pa rin umaalis sa pagkakayakap. Ay nako talaga.

 

"Karinaaaa,"

 

Gumalaw naman ito pero lumipat lang ng pwesto. Pumwesto siya sa likod ko at muling yumakap, sinubsob na fully ang mukha sa leeg ko.

 

Ano ba tooooo.

 

"Karina hindi tayo makakapaglakad ng maayos ng ganito,"

 

"We can try," mahina nitong bulong saka ako tinulak palakad.

 

Itong bestfriend ko na 'to matalino naman kaso hindi ko talaga minsan gets takbo ng utak.

 

Nakarating naman kami ng matiwasay sa kwarto niya after around 10 minutes.

 

Pinapasok ko siya ng kwarto para magbihis habang naghahalungkat naman ako sa kusina niya ng kahit ano para makain niya.

 

Inabot pa kami ng siyam siyam sa pagtanggal ng mga kamay niya sakin.

 

Ang kulit kulit kase! Hindi maganda ang pakiramdam ko, feeling ko magtutuloy-tuloy ang sakit niya. Ganon kasi ang signs eh.

 

Magiging sobrang clingy siya, tapos magpapababy ng sobra jusko.

 

Hindi siya pwedeng magkasakit ngayon, unfortunately. Matatambakan siya ng gawain.

 

Nilabas ko ang phone ko at nagsend ng message sa nanay ko. Hindi muna ako uuwi.

 

Nang maisalang ko na ang nakitang noodles sa cabinet, pinuntahan ko si Karina sa kwarto niya.

 

Nakatayo ito sa harap ng salamin at pinapatuyo ang buhok. Namumungay na yung mga mata niya sa sobrang antok.

 

"Bebe, wag ka muna matulog ha. Nagluto ako ng noodles. Kumain ka muna bago matulog."

 

Nakita ko namang tumango siya pero nakita ko na napapapikit-pikit siya.

 

"Dito muna ako matutulog. May damit pa ako dito diba?" Tinuro naman ni Karina ang cabinet niya.

 

"You should bring more clothes here next time. Kaunti na lang yung nandiyan,"

 

Madalas kasi akong magsleep-over dito sa unit niya, kaya nagdala ako dati ng isang bag na puro damit ko.

 

Tumango na lang ako saka namili ng isusuot ko mamaya pagkatapos maligo.

 

Lumabas ako ulit ng kwarto saka chineck ang niluluto ko sa kusina. Luto naman na kaya hinanda ko na ang lamesa saka tinawag si Karina.

 

Lumabas naman siya na nagkukusot ng mata. Halatang antok na antok na talaga.

 

Ang cute cute huhu.

 

Umupo siya sa tabi ko at nagsimulang kainin ang noodles na nilagay ko sa mangkok.

 

Tumayo naman ako at nagpaalam lang na maliligo. Tumango lang siya at nagpunta naman ako ng kwarto niya to take a bath.

 

Sana lang talaga di siya tuluyan ng sakit.


 

--


 

Kasalanan ‘to ni Ningning!!

 

Nasa canteen kami at hindi ako makatingin ngayon kay Karina habang kumakain siya at seryosong nakikipag-usap kay Giselle.

 

Hindi siya tinuluyan ng sakit. Gumana yung gamot kaagad at nauna pa siyang magising kesa sa akin nung umaga. Di niyo naman ako masisisi bakit ako nalate ng gising. Binantayan ko kaya yung temperature niya magdamag. Tapos talagang on the dot na every 4 hours gumigising ako to make sure na painumin siya ng gamot. So pagka-umaga, plakda talaga ako, habang si Karina naman ay parang nabuhay matapos ang tatlong araw.

 

Sobrang energetic at motivated sumabak sa hamon ng buhay, hindi ako makasabay.

 

Balik tayo sa kasalanan ni Ningning.

 

Kasi naman..

 

Hindi ako mapakali doon sa sinabi niya.


 

“Ateng, legit ba?”

 

“Oo nga, buti nga hindi tumuloy sa lagnat. Kawawa naman yun kapag natambakan.”

 

“Ang effort mo naman for a friend,”

 

“Siyempre naaawa naman ako. Saka bestfriend ko siya.. so natural lang na alagaan ko siya since yung family niya nasa province and mag-isa lang siya sa unit niya,”

 

“Alam mo, kung sa unit ka lang niya nakatira, iisipin kong mag-asawa kayo,”

 

Muntik na ako malaglag sa upuan. Gago, ano raw?

 

“Don’t get me wrong ha, grabe kasi yung dynamic niyo,”

 

“Eh kasi nga.. mag-bestfriend kami?”

 

Tiningnan naman ako ni Ningning na para akong tinubuan ng tatlong ulo.

 

“Kami rin naman ni Giselle mag-bestfriend, pero wala pa ata kami sa kalingkingan ng pagiging ‘mag-bestfriends’ niyo. Take note, childhood bestfriends rin kami,”

 

“Iba-iba naman kasi ang mga tao,”

 

“Oky pi. Wala naman akong pinopoint-out sa sinabi ko. Saka bakit, doon ka na ba nakatira kay Karina?”

 

Naalala ko ang isang bag ko ng damit doon. Yung tsinelas kong nasa shoe rack. Yung toothbrush kong nasa banyo ni Karina. Yung white kong tuwalya na katabi ng blue naman na tuwalya ni Karina.

 

“H-Hindi.”

 

“Edi ayun naman pala bakit ang defensive mo?”

 

“Di naman ako defensive!”

 

Nakita kong pinanliitan ako ng mata ni Ningning. “Oky pi,” Sabi niya lang saka humarap na sa klase.


 

Bakit niya ba kasi kailangan sabihin ‘yon?!

 

Napa-isip tuloy ako.

 

Normal naman yung dynamic namin ah?

 

Nakita kong kinuha ni Karina ang gulay na nasa plato ko.

 

Tiningnan niya ako. “Eat your food. Kanina ka pa nakatulala. Pwede mo namang ilagay sa plato ko yung gulay hinintay mo pa talaga ako.” Masungit niyang sabi.

 

Hindi na lang ako sumagot at nakangusong sinimulan kainin ang pagkain ko.

 

Nakita ko namang sinilip niya ako bago muling nakipag-usap kay Giselle.

 

Normal lang ‘to. Normal lang magbigayan ng food as bestfriends!

 

Bumulong naman sakin si Ningning na katabi ko.

 

“Sweet naman,”

 

Tiningnan ko siya ng masama. Peste ka!


 

--


 

Tahimik akong nakayuko sa upuan ko sa loob ng classroom.

 

Ramdam ko ang titig ni Karina sa likod ko.

 

Wag niyo tanungin paano ko alam, basta alam ko.

 

Nagsuot ako ng earphones. Ramdam ko na tumatalim na yung tingin ni Karina sa likod ko.

 

Pinindot ko ang shuffle sa app para makapagplay na ng kanta.


 

Now playing: Sagutan by SUD

 

Kahapon pa ako nag-iisip

'Wag sana akong maubusan ng pag-uusapan

Para tumagal naman ang ating kwentuhan


 

Napapikit ako ng marinig ko ang ingay ng upuan sa tabi ko.

 

Pakshet.

 

Naramdaman ko ang paghawak ni Karina sa upuan ko ng iusog niya ang inuupuan papalapit sa akin.

 

Nang magkadikit na ang upuan namin, sumandal siya sa akin at kinuha ang isang earbud sa tenga ko.

 

Bakit ba siya ganitoooo?

 

Bakit ako namumula putangina.

 

May mas malala pang galawan si Karina dito dati.

 

Bakit ako kinakabahan?

 

Dahil ba first time niya itong gawin na may ibang nakakakita?

 

Hindi rin.. niyakap niya ako dati sa harap ng mga kaklase namin sa swimming class noong muntik na akong malunod.. nahiya lang ako that time for her kasi nabasa yung tshirt niya kasi fresh ako from the pool. Hindi naman ako kinabahan nun.

 

Anong meron ngayon?

 

Kinuha ni Karina ang braso ko at niyakap ito as she leaned her head in my shoulder.

 

Dati naman ay wala lang sa akin ang mga ganito.

 

Kasalanan talaga to ni Ningning huhu.


 

Kanina ko pa pinoproblema

Mga sasabihin ko

Bitin na bitin sa mga tawa mo


 

“What’s wrong with you today?” Mahina lang ang boses ni Karina pero dahil sa lapit lang naman naming dalawa, hindi naging problema sakin marinig yon.

 

“Anong wrong?” Naramdaman ko ang pagpisil niya sa braso kong yakap niya.

 

“You’re weird,”

 

Nag-try akong tumawa para paalisin ang atensyon kong nadako bigla sa mukha niya.

 

Jusko ang ganda ganda paano ako hindi nanghihina sa tuwing tinitingnan ‘to?

 

“W-Weird naman talaga ako,”

 

Mas sumiksik pa si Karina sa akin at hinigpitan pa ang yakap sa braso ko.

 

“More weirder than usual I mean,”


 

Dito ka muna

Dito ka lang

Dito ka muna


 

“Weird ka diyan.. miss mo lang ako eh,” Biro ko.

 

“Kanina pa kita kasama, ayoko muna mag-isa..” Pagsabay ni Karina sa kanta.

 

Hindi ako makasagot.

 

Anong gusto niyang sabihin?

 

“Kahit konting usap lang. ayoko lang mapag-isa,” Sabay pa ulit ni Karina sa kanta.

 

“H-Huy.. Rina..”

 

“Hmm?” Umakyat ang ulo ni Karina sa balikat ko at siniksik na niya ang mukha sa leeg ko.

 

Nakikita ko na ang mga palihim na tingin sa amin ng mga kaklase namin kaya naman pinisil ko ang kamay niyang nakapatong sa kamay ko.

 

“Ano.. nakatingin sila,”

 

“Let them see,” Sabi lang niya habang humihinga ng malalim.

 

Juskoooo ano bang nakain niya?

 

“Okay ka lang ba?” Mahinang tanong ko. Sumama na naman ba ang pakiramdam niya? Nabinat ba siya? Ang init kasi ng hininga at balat niya.

 

Sumiksik lang siyang muli sa akin. Naramdaman ko ang labi niya sa gilid ng leeg ko.

 

Jusmiyoooooo huhuhuhu.

 

Bakit ba siya ganito?!

 

“Kanina pa ako nagtitiis..” Ang sabi lang ni Karina.

 

Okay sumabay lang siya kanta pero yung balahibo ko huhuhu ano bang nangyayari rito sa babaeng to??

 

Naramdaman kong huminga pa siya ng malalim bago biglang tinanggal ang earbud sa tenga niya at tumayo.

 

Inayos niya ang nagulong buhok, saka nilapit ang kamay sa may baba ko. She lightly scratched my chin saka pinisil ang pisngi ko.

 

“Let’s talk later. Wait for me after class,” Umalis siya at lumabas ng classroom.

 

Nahigit ko ang hininga matapos ang ilang segundo.

 

Pero 'di ko kaya'ng maalis

Ang boses mo sa isip ko

Sa'yo'y hinding-hindi magmimintis

Ngayon lang sa'kin dumating

Anong sasabihin mo

Kita naman sa'ting mga tingin

 

Jusko hindi ko kinakaya.


 

--


 

Tumambay ako sa labas ng council office. May meeting pa si Karina kaya naman nandito ako sa isang upuan sa labas umupo at naghintay.

 

Sabay daw kami eh.

 

Sumasakit ang ulo ko.

 

Pilit kong inaalis sa utak ko yung mga sinabi ni Ningning at mga realizations ko kanina tungkol sa amin ni Karina.

 

Normal lang yun.

 

Lahat ng ginagawa namin ni Karina, normal lang.

 

Naalala ko ang naramdaman ko nung dumampi ang labi niya kanina sa may gilid ng leeg ko.

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thelost_soul
may isa akong sinusulat na pinakalast ko siguro na entry dito? kasi I don't think makakasulat pa ako after this sem :(( ayaw ko lang mag-iwan ng false hopes kaya sinasabi ko na para sa mga nag-aabang ng part 2s ng mga fave one shots nila :(

thank you lagi sa lahat ng nagbabasa at nag-cocomment!!

Comments

You must be logged in to comment
nabs_infp
#1
Chapter 20: lahat talaga ng andito, sobrang ganda. Walang patapon 🥹
nabs_infp
#2
Chapter 4: T_T Kanina pa talaga ako kilig na kilig
clang2
#3
Chapter 25: always here for your stories 💕
kwinterrr_
#4
Chapter 25: 🥺
Hiccups_ #5
Chapter 25: It's been a while but ouch
All_Rait13
#6
Chapter 24: OLFU QC to ah
purplejoch
#7
Chapter 25: nooo, ansakit sakit sa puso 😩 pero grabe lang yung radikal na pag mamahal ni winter kay karina, sana maalala niya na si winter 🥹

salamat sa pag update author nim, fighting sa studies 🤍✨
infp23
#8
Chapter 4: Aaaaaaaaaaah so sweeeeeeeet🥹🥰😍
infp23
#9
Chapter 1: Aaaaaa b10 🥺
renrenee
#10
Chapter 25: awwwww i missed your stories huhu i really love them!! thank for still trying to update <33 best luck this sem, otor!