paraiso

jiminjeong cross
Please Subscribe to read the full chapter

 

hello.. hehe ^^

I suggest you listen to this song habang nagbabasa.

 

paraiso

 

Ikaw ang kahulugan ng pag-ibig


 

“Jimin.. Mahal kita,” Pabulong kong sambit, di alintana ang malalaking patak ng ulan na unti-unting bumabakat sa damit ko.

 

Kita ko sa mga mata niya ang pagkagulat

 

Kung paano gumuhit ang isang matamis na ngiti sa labi niya, at kung paano niya mas inilapit pa ang sarili sa akin, habang pumipikit siya at nilalasap ang sandaling ito sa pagitan naming dalawa.

 

Naramdaman ko ang mga braso niyang umakyat sa balikat ko. Inilapit niya ang sarili sa akin, mahinang tumatawa habang magaang pinagkikiskis ang ilong naming dalawa.

 

“Mahal din kita, Minjeong,”

 

Andito na ako, Jimin.


 

Ang araw na tayo'y magsama ay 'di kayang isipin


 

Dahil alam ko ang dami kong pagkukulang

Kahit sa iilang beses na kitang nasaktan


 

“Babe..?”

 

Lumingon siya sa akin, lumilipat ang tingin mula sa isang litrato sa kamay niya papunta sa akin. “Ano ‘yan?”

 

Iminuwestra niyang lumapit ako.

 

“Look at this,” Mahina niyang bigkas, bakas pa rin ang tuwa sa boses.

 

Sa litrato na pinakita niya ay picture naming buong barkada noong high school pa lang kami.

 

Napangiti ako. Hindi ko ata makakalimutan ang mga nangyari bago makunan ang litrato na ito.

 

“I was so mad at you..” Bigkas ni Jimin, habang nakatingin rin sa litrato.


 

“I hate you! I hate you!” Malakas na sigaw ni Jimin, namumula na ang mata, nagbabadya na ang luha.

 

“Jimin, para rin ito sa ating dalawa..” Mahinang sabi ni Minjeong.

 

“Who are you to decide for myself? Napaka-selfish mo!” Sigaw pa rin ni Jimin. Pinahid nito ang luha na tuluyan nang pumatak sa pisngi.

 

“Hindi mo man lang ba naisip na mas sinasaktan mo ‘ko sa ginagawa mo?” Tuloy ni Jimin, bakas na ang pagod sa boses at mukha nito.

 

“The last thing I would do is hurt you..” Naluluha na ring sagot ni Minjeong.

 

“Then why are you doing this..” Tuluyang nang umiyak si Jimin. “There’s nothing else na gusto ko, Min..” Iniangat nito ang mukha, tuloy tuloy ang luhang lumalandas sa pisngi. “It’s always gonna be you I want to be with..”

 

Nanghihinang lumapit si Minjeong sa kaibigan, saka ito niyakap. “Okay.. we’ll figure things out, okay?” Bulong nito.

 

Ibinalik ni Jimin ng mahigpit ang yakap. Ibinaon niya ang mukha sa balikat ni Minjeong. “I still hate you..”

 

Basa man ang pisngi dahil sa luha, ay natawa si Minjeong. Naglapat siya ng halik sa sentido ni Jimin. “Okay,”


 

“I remember how you stuttered so bad habang nag-eexplain kila Gi at Ning why do we have red, puffy faces,” Natatawa na kwento ni Jimin.

 

Hindi ko na rin mapigilan ang pag-ngiti.

 

Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa amin kung hindi naging matapang si Jimin para sa aming dalawa.

 

Kung hindi siya mag-isang tumayo at lumaban, habang walang kasiguraduhan na naghihintay sa akin makasabay sa kanya.


 

Ikaw ang kahulugan ng pag-ibig


 

'Di ko akalain akin ka na pala

Nag-iisang hiling at ikaw ang himala

 

Paraiso


 

“Minjeong!”

 

Napatigil si Minjeong nang marinig ang boses nito. Napapikit siya. Pakiramdam niya ay hinahalukay ang dibdib niya.

 

Ganito pala ang pakiramdam.

 

Naramdaman niya ang hawak ni Jimin sa palapulsuhan niya bago siya nito marahas na pinaharap sa kanya.

 

“When did you come here? Bakit ka umalis?” Mahigpit man ang hawak ni Jimin sa kamay niya, malambot naman ang boses nito habang sunod sunod na nagtatanong.

 

Nag-iinit na ang gilid ng mga mata ni Minjeong. Paulit-ulit na lumalabas sa utak niya ang eksena kanina sa stage, kung saan yumuko ang kapareha ni Jimin papalapit sa mukha nito, akmang hahalikan ang kaibigan niya.

 

“G-Gusto k-kong suportahan ka..” Mahinang sagot ni Minjeong. Naramdaman niyang muli ang pagguhit ng kirot sa dibdib niya.

 

Gusto na niyang umalis. Pilit niyang binawi ang braso.

 

“Then why are you crying? Why did you leave?” Mahinang tanong ni Jimin.

 

Umiling si Minjeong. Hindi na niya kaya pang magsalita.

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thelost_soul
may isa akong sinusulat na pinakalast ko siguro na entry dito? kasi I don't think makakasulat pa ako after this sem :(( ayaw ko lang mag-iwan ng false hopes kaya sinasabi ko na para sa mga nag-aabang ng part 2s ng mga fave one shots nila :(

thank you lagi sa lahat ng nagbabasa at nag-cocomment!!

Comments

You must be logged in to comment
nabs_infp
#1
Chapter 20: lahat talaga ng andito, sobrang ganda. Walang patapon 🥹
nabs_infp
#2
Chapter 4: T_T Kanina pa talaga ako kilig na kilig
clang2
#3
Chapter 25: always here for your stories 💕
kwinterrr_
#4
Chapter 25: 🥺
Hiccups_ #5
Chapter 25: It's been a while but ouch
All_Rait13
#6
Chapter 24: OLFU QC to ah
purplejoch
#7
Chapter 25: nooo, ansakit sakit sa puso 😩 pero grabe lang yung radikal na pag mamahal ni winter kay karina, sana maalala niya na si winter 🥹

salamat sa pag update author nim, fighting sa studies 🤍✨
infp23
#8
Chapter 4: Aaaaaaaaaaah so sweeeeeeeet🥹🥰😍
infp23
#9
Chapter 1: Aaaaaa b10 🥺
renrenee
#10
Chapter 25: awwwww i missed your stories huhu i really love them!! thank for still trying to update <33 best luck this sem, otor!