strangers

jiminjeong cross
Please Subscribe to read the full chapter

 

complete version na 'to hahaha sorry ang scam nung time frame na sinabi ko last time. lesson learned, di na ako magbabanggit next time HAHAHAHAHA

 

 

 

“Manila!! Sing with me!”

 

Matamis ang ngiti ni Winter habang inililibot ang paningin sa madilim ngunit puno ng maliliit na liwanag ng arena.

 

Malakas na hiyawan, at samu’t-saring ingay ang pumuno sa lugar ng tumugtog ang pamilyar na intro. Bumuhos ang sandamakmak na confetti, habang patuloy sa pagtipa ang mga daliri ni Winter para sa huling kanta sa gabing iyon.

 

Pumikit si Winter at nagsimulang kumanta, muling binabaliw ang libo-libong tao sa boses niya.

 

Look in the mirror

Tell me who that you see

 

Dumilat si Winter, iginagala ang paningin habang patuloy na kumakanta.

 

Minsan ay hindi pa rin siya makapaniwalang ganito na ang narating niya.

 

Kakaiba ang dulot na pakiramdam ng kasikatan.

 

Sa mga ganitong pagkakataon na nasa entablado siya, sa harap ng mga taong patuloy na sumusuporta at nagmamahal sa kanya, niya napapagtanto kung gaano nga ba siya ka-swerte.

 

Hindi niya mapigilan ang maliit na tawa nang makita ang mga kababaihan sa baba ng stage.

 

Marami sa kanila ang umiiyak na, habang nakatingin lang sa kanya at matamang nakikinig.

 

Kapag nakikita niya ang mga fan at kung ano ang epekto niya sa kanila, minsan ay napapaisip si Winter.

 

Kailan kaya niya mararanasan ang ganoong pakiramdam?

 

Ang humanga sa isang tao.

 

At mahalin sila ng buong puso.

 

Hindi niya alam kung paano siya nakakagawa ng kantang pag-ibig nang walang kahit anong karanasan.

 

Lumayo siya sa mic at hinayaan ang mga taong ituloy ang kanta.

 

Come a little closer baby

There's no one around only you and me

It's not the end of our story

 

“So would you please.. dance with me, even after all, we're all.. strangers,” Tapos niya sa kanta saka muling tumipa sa gitara.

 

Kita mula sa pwesto niya ang sabay sabay na pagtaas ng mga ilaw mula sa audience, sumasabay sa ritmo ng kanta.



 

“Manila! Thank you for having me!” Kaway ni Winter sa lahat ng direksyon, sinusubukan bigyan ng pasasalamat ang lahat ng pumunta sa concert niya.

 

Hindi magkamayaw ang mga tao sa pagsigaw, at pagwagayway ng mga banners, lightsticks, at kung ano-ano pang memorabilia na dala nila.



 

Sa kabilang banda, mamasa-masa ang mata ni Karina habang nakatitig sa malaking LED screen, kung saan kasalukuyang naka-pan ang camera sa mukha ni Winter, matamis ang ngiti nito habang patuloy na kumakaway, mamasa-masa rin ang mata, marahil ay naghahalo na ang pawis at luha.

 

Hindi man siya nakakuha ng ticket, laking pasasalamat na lang rin niya at may LED Screen na provided sa labas ng arena para sa mga katulad niya na hindi pinalad, at nag-team labas na lang.

 

Ang mahalaga naman sa kanya ay ma-suportahan si Winter, sa kahit anong paraan na alam niya.

 

“Manila! Thank you for having me!” Sabi ni Winter sa LED, at tuluyan nang bumagsak ang luha ni Karina. Sobrang layo na kasi ng narating ni Winter, at proud siya dahil nandyan siya noong nagsisimula pa lang si Winter, hanggang sa ngayon na sobrang taas na nito.

 

“Thank you rin, Win..” Bulong ni Karina, pinapahid ang luha sa pisngi.

 

Mahigpit ang hawak ni Karina sa sariling memorabilia ni Winter, pilit na ipinagsawalang-bahala ni Karina ang mabigat na kung anong dumadagan sa dibdib niya.

 

Fan lang.

 

Fan lang siya. Paalala niya sa sarili.




 

-


 

Isang malalim na hinga ang pinakawalan ni Winter pagkalabas niya sa backstage.

 

“Thank you everyone!” Magiliw na sabi ni Winter sa lahat.

 

Isa-isa namang lumapit sa kanya ang mga staff at team niya. Ibinaba niya muna ang gitarang nakasukbit sa kanya bago isa-isang niyakap ang mga ito, walang kapagurang nagpapasalamat para sa gabing iyon.

 

Matapos ang ilang minuto, iginaya na si Winter ng manager niya papunta sa waiting room.

 

“Good job, Winter.” Nakangiting bati sa kanya ni Irene.

 

“Thank you, Ate. Nakakapagod, pero ang saya talaga sa pakiramdam right after,” Magiliw na sagot ni Winter.

 

Hindi naman mapigilan ni Irene ang pagsilay ng mas malaking ngiti sa labi niya.

 

Isa sa mga dahilan kung bakit tinanggap niya ang offer ng pagiging manager ni Winter kahit na wala na siyang balak humawak ng artist noon ay ito.

 

Nakakahawa ang pagmamahal ni Winter sa trabaho.

 

“Nakasunod naman tayo sa schedule, Ate, diba?”

 

Tumango naman si Irene. “Nalate lang ng limang minuto. Wag ka mag-alala, marami pang masasakyan,”

 

Ngumiti naman si Winter. “Pastandby na lang rin natin ‘yung bus, Ate. Just in case. For sure may mga magpapaiwan pa diyan, mahihirapan sila mamaya mag-commute,”

 

Umiling naman si Irene. Naiintindihan naman niya ang pag-aalala ni Winter. Pero minsan talaga, hindi niya maintindihan ang takbo ng utak ni Winter.

 

Minsan kasi ay namimisinterpret ng marami ang good gestures ng alaga niya pagdating sa mga fans nito. At madalas ay dahil rin dito kaya marami ang hindi na nakakaalala sa mga limitasyon nila bilang mga fan.

 

Muli niyang tiningnan ang artista na nagkukutingting na ngayon sa phone nito.

 

Kakatapos lang ng concert nito ay nasa bubble na agad si Winter, nagpapasalamat ulit sa mga fans na pumunta, at nagsasabing mag-ingat sila pauwi.

 

Sa isip ni Irene, kung may award lang sa best fanservice, malamang ay si Winter ang sole winner.




 

“May message si Winter sa bubble!” Rinig ni Karina na sigaw ng babae hindi malayo sa kanya.

 

Sabay-sabay na naglabasan ng phone ang mga katabi niya, pati na rin siya.

 

taglamigg

 

Guys!! Thank you sa lahat ng pumunta! ^^ Ingat kayo pauwi lahatt okay? ‘Wag na gumala kung san-san! Mag-iingat! 😚

 

Sabay-sabay rin na parang kiti-kiti ang mga kababaihan na naghahampasan at pinapakita sa isa’t-isa ang mga phone, na para bang hindi pare-parehas ang nakuha nilang mensahe.

 

Napangiti lang si Karina.

 

Paano naman niya mapipigilan ang sarili mahulog kung ganito kabait ang idol niya??

 

Pinindot ni Karina ang phone saka nagsimulang mag-type.

 

Winter!! Ang galing galing mo kanina! 🥺 Proud na proud ako sa’yo. Ingat ka rin pauwi!

 

Kinagat ni Karina ang labi saka itinago ang phone sa bulsa.

 

Wala man siya sa loob ng arena, ramdam niya pa rin sa katawan ang adrenaline.

 

Nagsisimula ng maglabasan ang mga tao, pero nanatili siya sa pwesto.

 

Mamaya na siya uuwi. Nanamnamin niya muna ang post concert feels.

 

Naghanap siya nang mauupuan saka muling inilabas ang phone. Binuksan niya ang twitter.

 

Pagka-refresh niya ay bumungad agad ang iba’t-ibang fancams ng mga mutual niya. Medyo mabagal ang signal kaya naman isa-isa na lang niyang niretweet ang mga ‘yon. Sa bahay na nila niya papanuorin.

 

Nag-scroll pa siya, natatawa sa iba’t-ibang level ng pagkabaliw ng mga kaibigan niya sa twitter.


 

Ji @winterakonalang

 

gagi guys parang hindi tao si Winter ang ganda ganda niya 😭

 

Len @winterpogi

 

winter ako’y alipin mo kahit di mo batid………..

 

R @winterbakitkaganyan

 

guys ang bango ni winter legit amoy baby ko 😭


 

Natawa naman si Karina sa nakitang tweet, kaya nag-reply siya sa isa mga ito.


 

rina @wntrhaverr

 

baccla anong mabango eh genad ka kaya! bwict 😭

 

R @winterbakitkaganyan

 

rina sis wag basag trip basta amoy baby ko!!!


 

Napailing na lang si Karina saka muling pinatay ang phone niya.

 

Hindi na lang niya pinapansin ang inggit na kanina pa pasulpot-sulpot sa loob niya.

 

Mahalaga nasuportahan niya si Winter kahit na nasa labas lang siya.

 

Saka marami naman siyang kasama sa labas. Hindi siya nag-iisa!

 

Iginala niya ang paningin. Marami sa mga tao ang nagsisimula ng mag-kumpulan. Ang iba panigurado sa mga ito ay may rented na mga sasakyan, o kaya naka-carpool.

 

Mahirap kasi makasakay sa lugar na ito. Sadyain ang arena, at unless may sasakyan ka papuntang main road, (na wala rin dumadaan na pampasaherong sasakyan) matinding lakaran ang pagdadaanan mo.

 

Walang kasabay si Karina sa pagpunta, at hindi rin siya nakaabot sa mga slot ng carpool.

 

Baka mag-angkas na lang siya, pero mamaya na siya magbobook.

 

Ayaw niya pa kasi talaga umuwi.

 

Tinanggal niya ang tingin sa mga tao, at tumingala.

 

Maliwanag ang langit. Mukhang nagdilang anghel si Winter. Sabi kasi nito kanina sa bubble bago magsimula ang concert, pinagdasal nito ang magandang panahon para sa kanilang uuwi pagkatapos ng concert.

 

Pumikit si Karina at hinayaan ang malamig na hangin pakalmahin siya.


 

Ilang beses naman na niyang nakita si Winter.

 

Kung kakayanin kasi, talagang pinupuntahan niya lahat ng event ni Winter.

 

Mapa-mall tour, fan event, showcase, busking. Pati guestings kapag kaya ng schedule.

 

Talagang minalas lang siya sa concert na ‘to.

 

Kada makikita niya si Winter, parang first time lagi.

 

‘Yung bilis ng tibok ng puso niya, ‘yung kilig kapag ngumingiti si Winter sa kanila sa tuwing hindi rolling ang camera.

 

‘Yung panginginig ng kamay niya kapag nilalapitan sila ni Winter at nakikipag-small talk tuwing break sa set ng guestings nito.

 

Kapag kinukuha ni Winter ang mga munting regalo nila at saglit na nagdadaplis ang balat nilang dalawa.

 

Buong araw ata na para siyang nakalutang kapag nangyayari ‘yun.

 

Kung susumahin, dapat medyo sanay na siya.

 

Fan na siya ni Winter magmula noong magdebut ito, 5 years ago.

 

Isa siya sa mga unang nahumaling sa boses ng singer, at nagsumikap ipakalat ang magandang discography nito.

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thelost_soul
may isa akong sinusulat na pinakalast ko siguro na entry dito? kasi I don't think makakasulat pa ako after this sem :(( ayaw ko lang mag-iwan ng false hopes kaya sinasabi ko na para sa mga nag-aabang ng part 2s ng mga fave one shots nila :(

thank you lagi sa lahat ng nagbabasa at nag-cocomment!!

Comments

You must be logged in to comment
nabs_infp
#1
Chapter 20: lahat talaga ng andito, sobrang ganda. Walang patapon 🥹
nabs_infp
#2
Chapter 4: T_T Kanina pa talaga ako kilig na kilig
clang2
#3
Chapter 25: always here for your stories 💕
kwinterrr_
#4
Chapter 25: 🥺
Hiccups_ #5
Chapter 25: It's been a while but ouch
All_Rait13
#6
Chapter 24: OLFU QC to ah
purplejoch
#7
Chapter 25: nooo, ansakit sakit sa puso 😩 pero grabe lang yung radikal na pag mamahal ni winter kay karina, sana maalala niya na si winter 🥹

salamat sa pag update author nim, fighting sa studies 🤍✨
infp23
#8
Chapter 4: Aaaaaaaaaaah so sweeeeeeeet🥹🥰😍
infp23
#9
Chapter 1: Aaaaaa b10 🥺
renrenee
#10
Chapter 25: awwwww i missed your stories huhu i really love them!! thank for still trying to update <33 best luck this sem, otor!