unsend

jiminjeong cross
Please Subscribe to read the full chapter

- Kailangan ni Winter ng closure. Kailangan daw kasing buksan ang pinto para maisara na ng maayos. -

 

 

"Gis, sure ka ba na tamang number 'tong binigay mo sakin?"

Giselle rolled her eyes. "Oo nga! Eh sure ka ba na naisend mo yang message mo? Baka naman sa sobrang nginig mo nakalimutan mo pa pindutin yung send."

Namula si Winter at nanghihinang napaupo katabi ng kaibigan.

"Baka.. ayaw niya lang talaga mag-reply? I mean, baka, ano.. wala siyang interes?" Mahinang bulong nito sa sarili.

Mukha namang naawa si Giselle sa kaibigan kaya naman kinuha nito ang cellphone na hawak ni Winter. "Ano bang sinend mo?"

Ilang saglit pa itong nagkuting-kuting sa naturang phone. Makikita ang unti-unting pagkunot ng noo nito. "Winter, dati ka bang shunga?"

Pulang-pula ang leeg na inangat ni Winter ang mukha. "Eh ano bang dapat kong sabihin?"

Saglit na napapikit si Giselle sa sobrang inis. Kaya naman pala hindi nagrereply si Karina.

"Winter naman- ano ka ba! Hindi naman siya obligado sagutin yung 'Good Morning mo'! If I know di pa niya nababasa yan."

Lalong nanlumo ang kawawang mukha ni Winter. "Hindi ko kasi alam yung sasabihin.."

"Dapat yung obligado siya sumagot. Kung hindi mo alam sasabihin sana nagsabi ka muna sakin."

Sinamaan ni Winter ng tingin ang kaibigan. "Wag na. Baka lalo pa ako mapahiya."

Ngumisi si Giselle. "Okay, you're loss. Mastuck ka sana sa 'Good Morning' mo lol."

Tumayo si Giselle at sinimulang ayusin ang mga pinagkainan. "Una na ko sa class ko, 'lam mo naman, mahirap na malate, nandun pa naman si Karina."

Pumalungbaba si Winter at naiinggit na tiningnan ang kaibigan. "Ge. Mapagalitan ka sana ng prof niyo kasi maingay ka."

Tumawa lang si Giselle ng malakas at iniwan ang kaibigang nakapalumbaba pa din at palihim na tinitingnan ang babaeng nasa kabilang banda ng canteen na makakatabi niya rin mamaya sa klase.


-----



Hindi naman ganoon katigas ang puso ni Giselle, kaya naman plano niyang pasimpleng tanungin mamaya si Karina kung may natanggap na message ito mula kay Winter.

Unlike Winter kasi, mabilis niyang nakapalagayan ng loob ang dalaga, hindi naman ito kasing misteryoso tulad ng sinasabi ni Winter. Sadyang duwag lang ata talaga ito lumapit.

"Rina!"

Ngumiti si Karina mula sa pintuan at dire-diretso na umupo sa katabing upuan na nireserba ni Giselle para sa kanya. "Nakita kita sa canteen kanina. Kasama mo yung friend mo? Sana nagsabay na lang tayo papunta dito."

Ngumisi lamang si Giselle. Ang totoo niyan ay sinadya niya iyon. Disaster kasi ang resulta kapag masyadong malapit si Karina kay Winter. Hindi naman niya hahayaang mapahiya ang kaibigan in public, kahit na alam niyang magiging sobrang entertaining niyon.

"Naiihi na kasi ako nun hahaha. Anyway, hayaan mo next week sabay na tayo."

Tumango lamang si Karina at nilabas ang sariling binder.

"Uhm.. Rina?" Tumingin si Karina kay Giselle. "Yeah?"

"Uhm.. kagabi kasi, I messaged you para sa assignment natin for today, hindi ka nag-reply. Hindi ka naman nagalit na nagtanong ako kung pwede mangopya, di ba?"

Gumuhit ang pagkalito sa mukha ni Karina bago nito nilabas ang sariling phone.

"Oh, I almost forgot. Nagpalit ako ng sim the other day, bigla na lang kasi atang nasira yung dati kong sim. Hindi ako nakakareceive ng texts at tawag."

Inilahad nito ang kamay kay Giselle. "Amina phone mo, I'll put my new number in. Sorry, wala din kasi akong back up ng numbers saved sa luma. I'll just help you with your assignment today. Hindi ako galit, ano ka ba."

Ibinigay ni Giselle ang phone kay Karina. "Ah.. akala ko naman nagalit ka hahaha. No worries, tinapos ko na din siya last night."

"Oh okay, okay. Here. Naisave ko na. Delete mo na lang yung luma ha? Hindi ko na ginagamit yung luma eh."

Giselle gave her a thumbs up. "Noted. And you know my friend Winter pala?"

Natigilan saglit si Karina. "Y-Yeah.. pero by face lang. Lagi ko kasi kayo nakikita magkasama sa canteen."

"Oh.. akala ko naman you know her personally. I think magkakasundo kayo nun if ever. Mahilig din yun sa music, kumakanta at sumasayaw din."

Full blown na ang pangmamarket ni Giselle sa kaibigan. Ano pa't may koneksyon siya kay Karina at hindi ito gagamitin, diba?

"Oh.. 'bat di siya sumali sa clubs? We could've used her sa club kung all-rounder siya."

Natawa si Giselle sa naalala niyang ganap nuong simula ng club fair. Paano ay nagsayang sila ng halos dalawang oras sa harap ng booth nila Karina. In the end ay tumakbo si Winter palabas ng court ng muli ay sinubukan niya itong hilain para magpalista sa table kung saan si Karina ang nagmamanage.

"Mahiyain kasi 'yun. Hahahaha hayaan mo I'll tell her kapag nag-open uli club niyo."

Ngumiti si Karina. "Okay! I'll tell you na lang pag nagpa-audition. You'll be the first one to know kapag may sinabi silang date, para makapag-prepare si Winter."

Tumango lamang si Giselle at palihim ng natatawa sa iniimagine na kaitsurahan ni Winter mamaya once she tells her kung ano ang pinag-usapan nila ni Karina.

Pumasok ang professor nila sa pintuan kaya naman nanahimik na ang dalawa at nagkanya-kanya na ng labas ng libro.



-----


"Ako? Pinag-usapan niyo ako??"

Natawa si Giselle. "Oo nga, binenta kita sa kanya, gurl. I'm such a good friend 'no?"

Hindi inasahan ni Giselle ang malakas na palo sa braso na ibinigay ni Winter.

"Ano ka ba!! What did she say???"

Giselle glared. "Ang demanding mo din ha. You basically slapped me tapos hihingi ka ng infos para sa harot mo? Aba miss Winter, masyado mo ko inaabuso."

"'Bat mo kasi ginawa yun!!! Susubukan ko na dapat siya kalimutan eh, since.. mukha namang di siya interesado."

Giselle rolled her eyes. "Ang dramatic mo. Karina changed her number."

Mabilis na napatingin si Winter kay Giselle. "Grabe.. ganon niya ako di kagusto? To actually change her number?"

Hindi maipinta ang mukha ni Giselle. "Paano ka nakarating sa conclusion na yan???"

"Eh sabi mo.. she changed her number."

"Kasi nasira dati niyang sim. Hindi dahil sayo. Sino ka ba?"

Tumulis ang nguso ni Winter. "Hindi ko alam kung supportive ka ba talaga o natutuwa ka lang asarin ako."

Tinapik ni Giselle ang likod ni Winter, inaalo ito. "Nagpapakatotoo lang, my friend. Masyado ka kasing duwag. Alam mo yun? Kung umakto ka para kang kakainin ni Rina sa tuwing malapit siya."

Namula ang mukha ni Winter. "A-Ano ka ba, ayusin mo nga yang words mo."

"Ikaw lang 'tong green-minded. Anyways, nakuha ko na new number niya."

Bumuntong hininga si Winter. "Ewan ko.. siguro.. sign na 'to na tumigil ako."

Bakas ang gulat sa mukha ni Giselle. "Huh? Bakit ngayon ka pa titigil? Eh itetext mo lang naman siya?"

Naalala ni Winter ang usapang narinig niya sa mga kaklase kaninang hapon.



"So.. liligawan mo si Karina? Wew, grabe antapang," Na-aamaze na sabi ni Haechan.

"Oo 'tol, desidido na ako. I mean, wala naman siyang boyfriend diba? So okay lang."

"Tingin mo, may pag-asa ka kaya?"

"Alam mo 'tol, kaya nga manliligaw eh. Para magka-chance. Saka, sa mga experience ko naman, wala pang pumapalya. Lahat napapasagot ko."

"Naaaks, grabe talaga pag boss Jeno!"

"Gago, hahahaha. Yayayain ko siya bukas."

"Gegege. Pakain ka kapag sinagot ka na ha!"

"Saan ba?"

".."

Umalis na si Winter dahil hindi na nito matiis pang makinig.

Sana all.

Siya kasi ay inabot ng dalawang taon bago pa nasabi kay Giselle ang lihim na pagtingin kay Karina.

Ngayon naman ay mag-iisang taon ng nasa kanya ang number ng dalaga, pero last week lang siya nagkalakas ng loob mag-text.

Lumang number pala. Sobrang nagkataon naman na kung kailan siya nag-text, saka ito nasira.

Baka.. paraan ito ng universe para patigilin na siya.

Malaki na kasi ang nasayang sa buhay niya kay Karina. Hindi naman sa.. sinisisi niya ito.

Siya lang talaga ang problema. Hindi niya kasi maintindihan ang sarili, para siyang hindi makahinga kapag malapit ang dalaga.

Ang lakas lakas ng tibok ng puso niya, tapos ay hindi niya na rin naririnig ang sarili. Para siyang aatakihin sa puso, tapos ay nanlalamig siya kapag naririnig ang boses nito.

In short ay mukha siyang tanga kapag nasa paligid ito.

Sinusubukan niya namang kumalma, pero ewan ba niya, nagiging hyper-aware siya sa oras na makita ito. Hindi niya alam kung nagayuma ba siya o ano.


"Hoy!! Nakikinig ka ba?"

"Ha??"

Tinulak siya ni Giselle sa palabas ng kama at sumalampak dito. "Ang walang kwenta mo kausap Winter."

"Sorry.. may naalala lang."

"So titigil ka na dahil lang kay Jeno? Ang hina mo naman."

Sinamaan ni Winter ng tingin ang kaibigan. "Napapagod na din kasi ako."

"Napapagod saan? Sa patingin-tingin?"

"Alam mo ikaw ang harsh mo."

"Totoo naman. Wala ka naman talagang ginawa kundi tumingin ah?"

Ngumuso si Winter at ipinatong ang baba sa kama. "Masyado siyang.. mataas? Para sakin. Okay na rin siguro na hindi ako gumawa ng move. Mas madami namang mas maganda o gwapo at deserving mapili niya."

Nilapitan ni Giselle si Winter at piningot ang tainga nito. "Aray! Ano ba!"

"Ang pangit mong mag-drama."

"Eh sa ayoko na nga."

"Bahala ka. Ano kukunin mo pa new number ni Karina?"

"Di na. Part of the moving on process."

"K. Your loss."

Tumayo si Giselle at dumiretso sa CR. "Order ka na lang pagkain, tinatamad akong magluto."

Sinundan lang ni Winter ng tingin ang kaibigan at tumitig sa pinto ng CR.

Tama naman siguro ang desisyon niya. Para sa kanya din naman 'yon.





Nakadim na ang ilaw sa bedside table ni Winter. Sa kabilang kama ay ang nakatalikod na si Giselle, mahimbing na ang tulog.

Nakatulala lang siya sa kisame.

Ngayon niya lang narealize. Kailangan niya pala ng closure.

Closure???? Hindi naman naging sila???

Pero isa kasi sa mga natutunan ni Winter sa mga fanfic na binabasa niya, ay para matapos ang isang unrequited love, (love????) kailangan niya itong ilabas, o sabihin.

Para magsara ang isang pinto ng maayos, kailangan mo muna itong buksan.

Ngayon.. paano niya ilalabas ang nararamdaman? Sasabihin niya kay Karina?

Hindi pwede!

Baka makagulo pa siya sa pausbong nilang lovestory ni Jeno. Ayaw niyang maging epal.

A sigh came out from her lips. Pang-ilan niya na ba 'to? Makakatulog pa kaya siya?

Sinilip niya ang orasan. 1:30.

5 hours na lang ang maitutulog niya.

Kinuha niya ang cellphone. Binabaan niya ang brightness saka nagtungo sa messaging app.

Pinindot niya ang malamig nilang convo(kung convo nga bang matatawag iyon) at nagsimulang mag-type.


Dito na lang niya ilalabas ang nararamdaman. Si Karina pa rin naman ito, diba?

Tama. Dito na lang.
 


Hi, Karina.

I don't know.. if, kilala mo ako? Well, kung hindi pa, it's Winter. Friend ako ni Giselle, yung kaklase mo sa Philo. Uhm.. well hindi mo naman 'to mababasa, so I'll just straight up say na gusto kita. Hehe ang weird ba? Ewan ko kung natatandaan mo pero we're sort of childhood? Friends. Actually.. hindi ata friends kasi hindi naman kita natry kausapin noon. Childhood acquaintance siguro? If that's a thing. Kapitbahay namin kayo, tapos nag-aral tayo sa iisang highschool. Naging magkaklase tayo nung 4th year, ikaw pa nga ang president ng klase. Ang galing galing mo, alam mo yun? Pumasa yung batch natin at lahat nagmoving up on time kasi walang palya yung study sessions mo para sa mga behind sa klase. Tapos first time din yun na yung batch natin ang nanalo sa annual dance competition ng sections sa school natin. Ang galing mong mag-lead. Ang ewan ko lang kasi iisang direksyon yung inuuwian natin pero never kita tinry kausapin. Nahihiya kasi ako hahaha. Pero gusto ko lang sabihin na sobra akong proud sayo lalo na nung tumayo ka sa podium to do your valedictory speech. Kahit na nasa iisang stage tayo at magkasunod na nagsalita, nakakatawa lang dahil hindi talaga tayo nagkaroon ng time to actually talk. Sa totoo lang, andami kong pagkakataon para iapproach ka. Kaso.. ewan ko ba hahaha hindi ko kaya. Tingnan mo ngayon, I'm even confessing here.

I just can't really understand what I feel for you, Karina. Sobrang intense, nakakatakot. Pero yun yung klase ng nakakatakot na gusto kong maranasan? Maramdaman? Ganun. Duwag lang talaga ako hahaha.

You looked really good today. Bagay sayo ang blue color.



Send.

Pinatay na ni Winter ang phone at nilapag ito sa bedside table. Pinatay na rin niya ang ilaw.

2:15. May 4 hours pa siya.





"Waa.. so totoo 'yang moving on mo ha?"

Sinamaan ni Winter ng tingin ang kaibigan. "Wag kang makulet, Gis. Kung gusto mong kumain sa canteen, walang pumipigil sayo."

"Oo na, oo na. Ang sungit. May papabili ka ba? Bili lang ako lunch pero dito ako kakain, kawawa ka naman."

"Bili mo ko siomai."

Nagbigay naman si Winter ng pera at saka umalis si Giselle.

Dumungaw siya sa bintana. Pinagmamasdan ang mga estudyanteng dumadaan.

Hihintayin niya si Giselle bago magsimulang kumain.


Malamang ay ngayon aayain ni Jeno si Karina.

Sana all talaga matapang.

Inilabas ni Winter ang phone at muling nagtype ng message.


Kumain ka na ba?

Balita ko ngayon ka yayayain ni Jeno. Alam mo, okay naman siya. Mabait din naman, mahilig mangopya pero at least hindi nambubuyo. Maingay din, pero kapag maingay din si Haechan. Madalas naman ay tahimik lang siya. Tingin ko cool siya.

Bagay kayo.

Wag mo muna siya sagutin ha? Pakipot ka muna onti hahaha. I hope he treats you well.




Send.



"H-Hey, Winter."

Muntik ng mabitawan ni Winter ang cellphone na hawak.


"K-Karina."

"Uhm, Hi. Do you mind?"

Tinuro nito ang upuan sa harapan niya.

Wala namang nakaupo diyan. Sige, sayo na yan, isip ni Winter. Pakiramdam niya ay nanunuyot ng husto ang lalamunan niya.

Sobrang diin ng pagkakakuyom ng kamay niya. Biglang uminit ang hangin, hindi siya makahinga.

Despite of everything that has been happening to her, Winter managed to shake her head.

Hindi niya kasi ata kaya magsalita.

Buti na lang ay kakaunti lang ang tao ngayon sa classroom. Siya lang, si Karina, at dalawang babae sa harapan.

Maingat na umupo si Karina. "Are you okay? You look.. red."

Nahiya ka pa, Karina. Sana sinabi mo na lang.

Constipated.

Pinipigilan kasi ata ni Winter ang paghinga. Masyadong malapit si Karina, naaamoy niya ang pabango nito.

Nasaan na ba si Giselle?!

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thelost_soul
may isa akong sinusulat na pinakalast ko siguro na entry dito? kasi I don't think makakasulat pa ako after this sem :(( ayaw ko lang mag-iwan ng false hopes kaya sinasabi ko na para sa mga nag-aabang ng part 2s ng mga fave one shots nila :(

thank you lagi sa lahat ng nagbabasa at nag-cocomment!!

Comments

You must be logged in to comment
nabs_infp
#1
Chapter 20: lahat talaga ng andito, sobrang ganda. Walang patapon 🥹
nabs_infp
#2
Chapter 4: T_T Kanina pa talaga ako kilig na kilig
clang2
#3
Chapter 25: always here for your stories 💕
kwinterrr_
#4
Chapter 25: 🥺
Hiccups_ #5
Chapter 25: It's been a while but ouch
All_Rait13
#6
Chapter 24: OLFU QC to ah
purplejoch
#7
Chapter 25: nooo, ansakit sakit sa puso 😩 pero grabe lang yung radikal na pag mamahal ni winter kay karina, sana maalala niya na si winter 🥹

salamat sa pag update author nim, fighting sa studies 🤍✨
infp23
#8
Chapter 4: Aaaaaaaaaaah so sweeeeeeeet🥹🥰😍
infp23
#9
Chapter 1: Aaaaaa b10 🥺
renrenee
#10
Chapter 25: awwwww i missed your stories huhu i really love them!! thank for still trying to update <33 best luck this sem, otor!