before that always

jiminjeong cross
Please Subscribe to read the full chapter

“Bes, try not to scare away new students ha?” Seryosong bilin ni Giselle sa kaibigan as they walk to their respective classes.

 

“Kung may attitude na simula pa lang, I can’t help it then, Gi.”

 

 

“Asus, excuses. Swerte ka magaling ka mag-lead kaya ikaw pa rin elected president. Sobrang lacking mo sa socializing department for an officer, alam mo ba ‘yun?”

 

“I’m quite aware. Sige na umalis ka na,”

 

Umikot lang ang mata ni Giselle as she waved her hand sa kaibigan bago pumasok ng room nito.

 

Isang malalim na buntong-hininga ang pinawalan ni Karina.

 

Alam naman niyang medyo hindi talaga maganda ang ugali niya.

 

Masisisi niyo ba siya?

 

Nakakapagod makipag-socialize.

 

Hindi nga niya alam paano niya naging kaibigan si Giselle, ang naturingang social butterfly sa campus nila.


 

She’s not really a people person.


 

Pero she’s glad din minsan, kasi nakakatulong ang trait niya na ito when it comes to her duties as the president.

 

Everyone scampers off to do her bidding isang sabi niya lang, and she doesn’t really care if they see her as the terror officer.

 

As long as it gets the job done.


 

Pumasok siya sa classroom at automatic naman na nanahimik ang mga kaklase niya.

 

See? Hindi pa siya nagsasalita niyan.

 

She took her place sa upuan sa likod ng classroom at tahimik lang na umupo, using the time to space out habang wala pa ang professor.

 

Isang hindi pamilyar na mukha ang nakita ni Karina na sumilip sa classroom nila.

 

Nakita pa niyang sinilip ng babae ang hawak nitong papel bago ibinaba ito, marahil ay nasigurado na, na nasa tamang classroom siya.

 

Muli ay nanahimik ang mga kaklase niya, pero this time, hindi na dahil kay Karina.

 

And Karina herself understood why everyone was silent all of a sudden.

 

She herself is speechless.

 

Pumasok ang babae at nagbow sa harap bago umupo sa upuang bakante pa na katabi ng bintana.

 

Hindi nito alintana ang tingin ng lahat habang inilalabas ang mga gamit na kailangan sa partikular na klase na iyon.

 

Sabay-sabay na nagulat si Karina at ang mga kaklase niya ng narinig nila ang malakas na pagbagsak ng mga libro ng professor nila na nakatayo na pala sa harapan.

 

“Good Morning, everyone. Kilala ko naman na kayo and I believe you do know me as well. Unless may mga bago tayong kasama?”

 

Nakita ni Karina ang mangilan-ngilang ulo na lumingon sa hindi pamilyar na mukha na pumasok sa klase nila kanina.

 

Nagtaas ito ng kamay.

 

“Oh, okay. Please come here in front, Miss?”

 

“Kim po.”

 

Tumango naman si Prof. Kang, iminumuwestra ang gilid niya.

 

Tumayo rito ang babae at taas-noong humarap at tumingin sa kanilang lahat.

 

Hindi ito nakangiti, pero malambot ang ekspresyon ng mukha nito. 

 

"Good Morning, everyone. I'm Winter Kim."

 

Nanaig ang katahimikan matapos niyang sabihin ‘yon.

 

“That’s it?”

 

Tumingin naman si Winter sa professor, saka dahan-dahang tumango.

 

Tumawa naman si Prof. Kang saka hinayaan na ang bago naming kaklase na bumalik sa upuan nito.

 

Kita ni Karina ang maliit na usapan ng mga kaklase niya matapos muling mag-bow sa harap ang bagong kasama nila.

 

Alam niyang hindi lang siya ang palihim na sinundan ng tingin ang babae nang magtungo ito sa upuan nito sa may bintana.

 

The girl's strong demeanor, swift foot movements, and noticeable confidence in her steps suggests that hindi basta basta ang bago nilang kaklase.

 

Hindi naman ito masungit tingnan.

 

Mukha lang itong strikta. Snob siguro.

 

With how her uniform is flatly ironed, her bob hair neatly styled and her obviously clear face (devoid of make up), ang perfect niya lang tingnan.

 

Karina felt something skip on her chest.


 

"Ms. Yu."


 

Agad na lumingon si Karina sa harap, seeing their adviser looking at her.

 

"Can you please accompany Ms. Kim for today? Guide her sa mga klase niya."

 

Nakita ni Karina sa peripheral vision niya ang pagtaas ng kamay ni Winter.

 

"Miss, I don't want to be a bother po."

 

Ngumiti lamang ang adviser nila.

 

"As you can see Ms. Kim, Karina's the student council president. It's her duty to guide new students like you. Right, Miss Yu?"

 

Tumango naman si Karina.

 

Sa unang pagkakataon ay nagtama ang paningin nilang dalawa. Maliit na tumango si Winter, tahimik na nagpapasalamat.


 

--


 

Karina couldn't help but sneak a glance as they walked through their building's corridors.

 

Tahimik lang din si Winter na naglalakad, minsang lumilinga sa mga classroom na nadadaanan nila.

 

Pakiramdam ni Karina ay masusuka siya.

 

Kanina pa may parang umiikot sa tiyan niya. Kanina pa rin siya nag-aalala kung naririnig ba ng kasama ang malakas na pagkabog ng dibdib niya.

 

Ano na lang ang idadahilan niya kapag nagtanong ito?

 

Kailangan niyang magsalita.

 

She needs to divert her attention, and mask the loud beating her heart is making kanina pa simula noong sabay silang lumabas ng bagong kaklase sa classroom.


 

"Uhm,"


 

Nilingon siya ni Winter.


 

"Welcome pala sa school namin." 


 

Gustong murahin ni Karina ang sarili.

 

What a pathetic conservation starter.


 

Muli ay tumango si Winter. "Thank you. Sorry din pala."


 

Kumunot naman ang noo ni Karina. "Why are you sorry?"


 

"I.. well.. hindi ka ba busy?"


 

Karina felt her face heating up. She actually forgot the mountain of papers na nakatambak sa office niya. "Kind of. Pero okay lang din namang samahan kita for now."


 

Nakita ni Karina ang maliit na ngiti sa labi ni Winter.

 

Karina almost stood frozen.


 

Kanina niya pa pinipigilan ang sariling sapuin ang sariling dibdib para patigilin ang mabilis na pagtibok nito.

 

Grabe lang, para siyang mauubusan ng hininga.


 

How can someone be this beautiful?


 

And that's not even her full smile.


 

Pero halos mamatay na siya sa sobrang..


 

kilig..?


 

"Karina? Okay ka lang?"


 

Bumalik ang huwisyo ni Karina pero pakiramdam niya ay mawawala ulit ito nang mapagtanto ang posisyon nilang dalawa.

 

Sobrang lapit ni Winter.

 

Mas matangkad siya ng kaunti sa bagong kaklase, kaya naman noong lumapit ito, amoy na amoy lang naman niya ang pabango ni Winter.

 

Hindi masakit sa ilong.

 

Mawiwirduhan ba si Winter kung tatanungin niya bigla kung ano ang pabango nito?


 

"O-Okay lang,"


 

Lumayo si Winter pero nanatili ang maliit na distansya sa pagitan nila.


 

"Ang pula mo.. sure ka?"


 

Tumango naman si Karina at ipinagpag ang mga kamay, pilit na ginigising ang sarili.


 

"Y-Yeah, sure. Sorry, may— may naalala lang. Anyway, uhm, Winter.."


 

"Hmm?"


 

Karina bit her lower lip, knowing she failed to stop her face from getting red. "I know this is weird pero.. what's your perfume?"


 

Nakita naman ni Karina ang pagdaan ng gulat sa mukha ni Winter. Natawa ito saka umiling.


 

"Uh.. Elizabeth Arden Green Tea. Why?"


 

"Oh.. ah.. ano.. uhm it's.. it's good,"


 

Tumaas ang kilay ni Winter.


 

"Thank you?"


 

Tinanggal ni Karina ang paningin sa kaklase saka pilit na kinalma ang sarili. Baka makagawa pa ulit siya ng kahihiyan.


 

"Tara na, hatid kita sa next class mo."


 

Naunang naglakad si Karina, habang nakasunod naman sa kanya si Winter.

 

Maya-maya ay napansin ni Karina na sumabay na sa kanya si Winter sa paglalakad.

 

She can't help but notice kung paanong ang malawak na distansya sa pagitan nila kanina ay nawala.


 

She smiled.


 

---


 

A week has passed since the school year started.

 

A week since Karina found herself becoming soft:

 

Soft for a particular girl.


 

"Karina!"

 

Napatigil si Karina sa paglalakad at nilingon ang boses na isinigaw lang naman ang pangalan niya sa hallway.

 

Handa na siyang tarayan at bigyan ng slip for detention ang kung sino man ang sumigaw na ‘yon pero napatigil siya nang mapagtanto kung kanino ang boses na ‘yon.

 

"Winter..?"

 

Nanatiling nakatayo si Karina, hinihintay ang bagong kaklase na makalapit.

 

Winter ran to Karina, unwavering confidence still present. 

 

Aware si Karina sa mga tingin na nakukuha nila mula sa ibang estudyante.


 

One of Karina’s rules:

 

No running in the hallway.


 

Yet, here she is.


 

Karina, on the other hand, is having a really hard time. Her rules long forgotten in the back of her mind.


 

How can someone be that gorgeous, eh tumatakbo lang naman ito?


 

People should look haggard and all kapag natakbo diba?


 

What's with Winter and her perfect self being this beautiful while doing the menial task called running?


 

Halos mahigit ni Karina ang hininga ng tuluyan nang makalapit ang kaklase. 


 

"May.. may ginagawa ka ba? Busy?"


 

Casual na inabot ni Winter ang libreng kamay ng kaklase ng yumuko ito, holding unto it as she tried to catch her breath.


 

Pakiramdam ni Karina ay parang nawalan ng pakiramdam ang kamay niya.


 

Hahawakan niya ba pabalik ang kamay nito?


 

Mahigpit ba dapat?

 

O maluwag lang?

 

Inalala ni Karina kung pasmado ba siya.


 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thelost_soul
may isa akong sinusulat na pinakalast ko siguro na entry dito? kasi I don't think makakasulat pa ako after this sem :(( ayaw ko lang mag-iwan ng false hopes kaya sinasabi ko na para sa mga nag-aabang ng part 2s ng mga fave one shots nila :(

thank you lagi sa lahat ng nagbabasa at nag-cocomment!!

Comments

You must be logged in to comment
nabs_infp
#1
Chapter 20: lahat talaga ng andito, sobrang ganda. Walang patapon 🥹
nabs_infp
#2
Chapter 4: T_T Kanina pa talaga ako kilig na kilig
clang2
#3
Chapter 25: always here for your stories 💕
kwinterrr_
#4
Chapter 25: 🥺
Hiccups_ #5
Chapter 25: It's been a while but ouch
All_Rait13
#6
Chapter 24: OLFU QC to ah
purplejoch
#7
Chapter 25: nooo, ansakit sakit sa puso 😩 pero grabe lang yung radikal na pag mamahal ni winter kay karina, sana maalala niya na si winter 🥹

salamat sa pag update author nim, fighting sa studies 🤍✨
infp23
#8
Chapter 4: Aaaaaaaaaaah so sweeeeeeeet🥹🥰😍
infp23
#9
Chapter 1: Aaaaaa b10 🥺
renrenee
#10
Chapter 25: awwwww i missed your stories huhu i really love them!! thank for still trying to update <33 best luck this sem, otor!