types of love (3/3)

jiminjeong cross
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

the third type of love is the unconditional love


 

"Min..? Di ka pa ba matutulog..?" Bulong ni Jimin.

 

Tiningnan niya ang liwanag galing sa alarm clock na nasa gilid ng kama.

 

1:30am.

 

Inabot na naman siya ng madaling araw kakareview.

 

Pilit naman niyang pinagkakasya sa isang buong araw ang mga kailangan gawin sa eskwelahan at bahay para magkaroon pa siya ng pahinga sa gabi pero kulang ata talaga ang bente kwatro oras kapag med student ka.


 

Ilang araw na rin niyang hindi nakakasama ng maayos si Minjeong. Madalas ay mga panakaw na hawak sa kamay at maiikling yakap lang ang nagagawa nila kapag nagkikita sa hallway ng building na parehas silang may klase tuwing hapon.

 

Magkapit-bahay man kasi, ay pinili nilang huwag ipakita sa parehas na mga magulang na matagal na silang nagkaayos muli. Madalas ay sa mga magulang ni Jimin sila nagtatago. Lagi namang wala ang mga magulang ni Minjeong, kaya hindi na ito naging problema sa kanila.


 

Sa screen ng computer ay makikitang dagling naalimpungatan si Minjeong, at itinaas ang ulo mula sa pagkakadukdok sa mesa. "Huh..?"

 

"Baby.. sleep ka na kaya sa bed?" Nag-aalalang pakiusap ni Jimin.

 

Dahil kasi sa madalang nilang pagkikita, pinagpipilitan lagi ni Minjeong ang pakikipagvideocall sa nobya.

 

"No.. tapos ka na ba sa transes mo?" Bakas ang pagod at antok sa boses ni Minjeong.

 

Sanay man ito sa puyatan bilang isang architecture student, hindi nito madalas gawin ang pagpupuyat ng sobra. Hindi rin kasi kaya ng katawan nito ang sunod sunod na araw ng pagpupuyat, hindi katulad ni Jimin na nabatak na ata pumasok ng walang tulog dahil sa kurso.

 

"Malapit na. I'll text you bago ako matulog. Baby, sleep ka na, okay?" Sinulyapan ni Jimin ang schedule na katabi ng kanya sa study table. "May pasok ka bukas ng 9am. You need to rest na,"

 

"Ikaw..? Anong oras ka matutulog?"

 

"Isang chapter na lang 'to baby. Then I'll sleep na. Promise. Okay? Sige na sleep ka na," Malambing na sabi ni Jimin.

 

Gustuhin mang magprotesta ni Minjeong ay alam niyang hindi na kaya ng katawan niya kaya naman ay labag sa loob na lamang siyang nagpaalam sa nobya.

 

"Okay. I'll see you tomorrow, okay? I'll bring you breakfast." Paalala ni Minjeong.

 

Tumango si Jimin at matamis na ngumiti sa kasintahan.

 

Kahit na sobrang busy nila sa unibersidad ay walang palya ang pagpapaalala ni Minjeong tungkol sa agahan.

 

Dati pa man ay binabantayan na lagi nito ang kinakain niya. Nagagalit si Minjeong kapag nalalaman nitong nagsisimula ang araw niya na wala siyang kinakain kaya lagi itong nagdadala sa kanya ng almusal.

 

Minsan ay hinahatid nito. O kaya naman pinapakisuyo sa kakilala nitong kaklase niya.

 

Sa kahit anong paraan, basta meron.

 

These little gestures never fail to make her heart swoon.

 

Walang pinagbago si Minjeong sa loob ng halos mag-tatatlong taon na nilang relasyon.

 

Kung meron man ay mas lalo ata siyang inalagaan ni Minjeong.

 

Minjeong is always that person who knows how to take care of her well.

 

"Babe..?"

 

Nawala naman sa pagmumuni-muni si Jimin saka muling ngumiti.

 

"Yes, baby. Hintayin ko. Sleep na ha? Goodnight, and I love you,"

 

Minjeong smiled lazily, her eyes crinkling kahit na ba halata na rito ang sobrang antok. "I love you more, more than you can imagine. Goodnight and have the sweetest dreams, love. Siya, drop mo na yung call,"

 

Tumango si Jimin, mouthing another 'I love you' before pressing the end call.


 

Napabuntong-hininga siya.

 

These times with Minjeong are the only times na pakiramdam niya ay nakakahinga siya.

 

Don't get her wrong. She loves what she's doing.

 

She loves her course.

 

Sobra siyang nafafascinate sa iba't-ibang klaseng impormasyon na nalalaman niya araw araw sa kurso.

 

Ramdam din niya sa sarili ang kagustuhang makatulong sa mga tao.

 

What makes her tired these days is ironically, her home.


 

Hindi niya sigurado kung may alam na ba ang mga magulang niya tungkol sa kanila ni Minjeong.

 

Naging maingat naman sila.

 

Sa bahay nila ay maingat siyang wag banggitin ang pangalan ng kasintahan.

 

Sa mga pagkakataon naman na mismong mga magulang ang magbabanggit rito, sinisigurado niyang alisin ang kahit ano mang bahid ng emosyon sa tono at mukha.

 

Maingat siya.

 

Kahit sa eskwelahan ay hindi sila masyadong nagtatagpo, o nag-uusap.

 

Maliban na lang kapag kasama nila ang mga kaibigan. Alam naman ng mga kaibigan nila ang sitwasyon nilang ito kaya todo suporta rin ang mga ito sa kanila. Doon ay nakakapag-usap sila, ngunit nanduon pa rin ang distansya.

 

Distansya na magpapakitang magkaibigan lamang sila, at wala ng iba pa.



 

—----------



 

Nauna si Jimin sa mesang kinakainan nila ng kaibigan niya tuwing lunch break.

 

Minjeong gave her a full meal kanina for her breakfast, kaya naman baka magsandwich lang siya for lunch. Just something to get her by, kung kaya hanggang dinner since her classes for today matatapos ay gabi na.

 

Bumili na lang muna siya ng pagkain, saka nagkalikot sa cellphone niya, matapos sabihan ang kaibigan na nasa canteen na siya.

 

Magkaiba kasi sila ng klase ni Ningning before lunch, since irregular student ito, may additional classes itong kailangan pasukan para makasabay sa batchmates next year.

 

Tutok na tutok si Jimin sa binabasa kaya hindi nito napansin ang paglapit ng kaibigan.

 

Nang maupo na si Ningning sa tapat niya, saka lang niya nai-angat ang paningin.

 

“Ang busy mo naman ‘te, aral pa rin?! Pahinga ka naman uyy,” Natatawa man ay halata rin ang concern sa boses ni Ningning.

 

Natawa lang rin si Jimin saka umiling. “I’m not studying. May binabasa lang ako na book,”

 

“Kaloka ka, ang course natin 85% ay puro basa, tapos ang hobby mo rin ay pagbabasa, ako naaawa sa mata mo,”

 

Umiling si Jimin. “Reading is fun! You should try it,”

 

Marahas ang pagtanggi ni Ningning. “Ay di na ‘te! I know you meant well naman pero mas gusto kong mag-Netflix and chill, o kaya naman matulog or mamasyal sa free time ko, jusko buryong-buryo na ako sa libro!”

 

Ngumisi si Jimin. Sa tuwing kasama niya sa Ningning ay hindi niya mapigilang matawa talaga sa mga pinagsasasabi nito. “Med pa more,”

 

“Ay nako! Kaunti na lang magshishift na ako!” Eksaheradang reklamo pa ni Ningning.

 

Nagtawanan lang silang muli habang kumakain. Maya-maya ay natanaw ni Jimin si Giselle na kumakaway sa di kalayuan.


 

“Hey Ning, is it alright paupuin friends ko rito?” Sinilip niya ang iba pang kaibigan na nakasunod kay Giselle. Hindi sila kumpleto.

 

Wala si Yeji at Ryujin. May klase pa si Minjeong, ayon sa schedule nitong nasa phone rin niya.

 

“Sure, sure!” Maagap namang sagot ni Ningning saka nilingon rin ang mga kaibigan ni Jimin na papalapit sa table nila.

 

“Hi!” Tumayo kaagad si Jimin para salubungin ng yakap si Giselle na ibinalik rin naman ang yakap nito.

 

Sumunod namang yumakap sa kanya si Lia, Yuna at Chaeryeong.

 

Magkakaiba na kasi sila ng course, kaya madalas ay hindi na talaga nagkakatugma ang mga schedule nila.

 

Buti nga ay pare-parehas silang nakapasa sa unibersidad na ito. At least ay nakakapagkita pa rin sila kahit papaano.

 

“Hi! Sorry for intruding ha, wala na kasing table na available, napasarap ang prof magkwento ng buhay niya, akala mo hindi gutom na mga estudyante ang kausap eh,” Rant agad ni Yuna. Naupo na ito kaagad at sinimulang chumika kay Ningning.

 

“Ay ‘te gets kita! Kajirits mga ganyang prof! Tapos kapag tayo ang late, bawal! The audacity!” Sagot ni Ningning habang kumakain.

 

Natawa naman si Jimin. Ilang beses na rin naman niyang naipakilala si Ningning sa mga kaibigan kaya wala nang problema rito kung magsalo man sila sa iisang lamesa.

 

Sayang lang at never pa nitong nameet si Minjeong. Kaya hindi rin niya masabi sa kaibigan ang tungkol sa nobya. Gustong-gusto pa naman niyang makipagkwentuhan rito tungkol sa kasintahan.

 

Gustong-gusto niya ipangalandakan si Minjeong, kahit na ba sa mga tao lang na malapit sa kanya.


 

Matapos makipagkwentuhan kay Yuna tungkol sa isang professor, ay nilingon ni Ningning si Jimin na nakikipag-usap naman kay Giselle. Kaklase kasi ni Giselle si Minjeong sa morning class nito.

 

“‘Te, friend mo yung rep sa architecture, di ba??” Out of nowhere na tanong ni Ningning.

 

Sabay-sabay naman na natahimik ang magkakaibigan.

 

Halata ang pagiging maingat nila Giselle, Lia, Yuna at Chaeryeong. Kahit na ba kasi kilala nila si Ningning, hindi nila mapigilan ang pagiging protective sa kaibigan.

 

Ayaw na nilang maulit pa ang nangyari noon kay Jimin at Minjeong.

 

Si Jimin naman ay ngumiti lamang.

 

Automatic atang reaksyon niya ang pagngiti, and that familiar beat in her heart kapag naririnig ang pangalan ng nobya. “Yeah, bakit?”

 

“Ang pogi nun!” Natatawang kwento ni Ningning.

 

Tumawa si Jimin saka tumango. “Wag mo paparinig sa kanya ‘yan, lalaki ulo nun,”

 

“Legit ‘te! Yung kaklase ko kanina sa last class ko, hinabol pa ‘ko para magtanong kung close ko daw ba, since close kita,”

 

Tumaas naman ang kilay ni Giselle. Palihim nitong sinulyapan si Jimin.

 

“Oh, bakit raw Ning?” Agad na tanong ni Giselle. Natahimik kasi si Jimin matapos marinig ang sinabi ng kaibigan.

 

Conflicted ang mukha nito.

 

“Crush ata ‘nun yung friend niyo eh, grabe pinipilit ako kung may number ba daw ako, siya raw bahala sa activities ko sa subject na yun basta ibigay ko lang raw. Natetempt nga ako mga ‘te! Pwede ba ibenta yang friend niyo sa kaklase ko?”

 

Lahat ay nagtinginan kay Jimin.

 

Naramdaman ni Jimin ang pag-akyat ng pula sa mukha niya.

 

Pilit namang tumawa si Jimin saka dahan-dahang umiling. “Uhm, sino ba ‘yan Ning?” Trying to display curiosity sa mukha at boses niya.

 

“Si Somi! Kilig na kilig pa nga ata yun kapag dumadaan friend mo sa room,” Natatawang kwento ni Ningning.

 

“Oh, Somi? As in Jeon Somi?” Tanong ni Giselle.

 

Tahimik lang naman ang iba na nakikinig. Inoobserbahan ang mga reaksyon ni Jimin.

 

Tumango si Ningning. “Yep! Yung mukhang foreigner. Kaya nga ako nagulat kanina nung hinabol ako, nastarstruck ako mga ‘Te!”

 

Awkward naman na nilingon nila Lia, Yuna at Chaeryeong ang kaibigan. Hindi maipinta ang mukha nito.


 

Magsasalita na sana si Lia para ibahin ang topic ngunit naudlot ito nang manlaki ang mata ni Ningning saka mahinang pinalo ang braso ng katabing si Yuna.

 

“Huy, gaga, tinawag niyo ba yung friend niyo? Bakit papunta rito??”

 

Napaangat naman ang tingin ni Jimin mula sa pagkakayuko.

 

Papalapit nga si Minjeong sa mesa nila. Sa balikat nito ay nakasukbit ang bag, habang sa kabila ay ang canister kung saan nakalagay ang mga plates nito.

 

Nakangiti ito, bago dumako ang paningin sa hindi pamilyar na katabi ng nobya.

 

“Hello,” Bati niya.

 

Tumayo naman kaagad si Ningning at inabot ang kamay sa bagong dating. “Hello! I’m Ningning!”

 

Ngumiti naman si Minjeong saka kinuha ang kamay nito. “Oh, finally, dami nakuwento ni Jimin tungkol sayo, kaso hindi ako lagi nakakasabay sa breaks niya, ngayon lang,”

 

Naramdaman ni Minjeong ang pagkapit ni Jimin sa braso niya, hinihinila siya paupo sa tabi nito.

 

Bumalik naman sa pag-upo si Ningning, hindi pa rin inaalis ang paningin kay Minjeong.

 

Lumapit si Jimin at bumulong sa nobya. “Why are you here?” Distress evident in her voice.

 

Kumunot naman ang noo ni Minjeong. “Ayaw mo ba..? The class got canceled 30 minutes after it started at wala pa ring prof.. so I went here since break mo rin. I wanted to see you,” Pabulong rin nitong sagot. Hinagilap niya ang kamay ng kasintahan sa ilalim ng mesa. Hinawakan niya ito saka pinisil. “What’s wrong?”

 

“Uhm,” Malakas na tawag ni Yuna. Mukha kasing nakakalimutan ng mag-nobya ang mga kasama sa mesa sa pagbubulungan nito.

 

Agad naman silang naghiwalay. Tumikhim si Minjeong saka nginitian ang mga kaibigan. “Kumain na kayo?”

 

Hinati ni Jimin ang malaking sandwich niya. “Here, wag ka na bumili. Hindi mo rin naman mauubos,”

 

Tumawa si Minjeong saka inabot ang pagkain. “Thank you,” Kumagat si Minjeong sa pagkain bago humarap kay Ningning.

 

“Med student ka rin, Ningning, ‘no?” Tanong ni Minjeong.

 

Alam naman na niya ito, gusto niya lang magsimula ng usapan dahil naiilang siya sa tingin nito.

 

“Ning na lang! And, yup! Irreg lang ako this year, kaya mas marami akong units na tinatake hehe,”

 

“Aw, ang hirap niyan, andami kong nameet before na irreg, halos buong araw silang nasa univ, minsan nag-ooverlap pa classes and exams nila,” Nakakunot ang noo ni Minjeong.

 

Tahimik naman na nakikinig sa usapan ng dalawa si Giselle at Jimin, habang ang tatlo naman ay may sariling usapan sa gilid.

 

“Kinakaya ko pa naman, kaunti lang naman hahabulin ko eh. Nga pala ano, Minjeong hehe, nabanggit mo rin naman yung mga irreg, may naalala kang Jeon Somi? Nag-transfer ata siya last sem,” Nakangiting tanong ni Ningning.

 

Kita ni Giselle ang malalim na pagkunot ng noo ni Jimin. Lihim siyang natawa. Hindi naman napansin ni Minjeong ang dumidilim na mukha ni Jimin.

 

Tumingala si Minjeong saka saglit na nag-isip. “I think? Siya yung mukhang foreigner, tama ba?”

 

Ningning nodded vigorously. “Oo! Naaalala mo pa pala siya!”

 

“Is she new? Hindi ko maalala mukha niya,” Singit ni Jimin sa dalawa.

 

“Nagtransfer ‘yon last sem,” Sabat ni Minjeong. Hindi pa rin niya napapansin ang mapaklang mukha ni Jimin.

 

“You know her?” Nakataas ang kilay ni Jimin.

 

“I’m a department representative.. of course I know her,” Mahinang sagot naman ni Minjeong. Napansin na nito ang itsura ng nobya.

 

“Kilala mo pala siya MJ?” Singit ni Giselle. Na-aamuse na lang siya sa nangyayari.

 

Pakiramdam naman niya ay mapagkakatiwalaan si Ningning, kaya naman kampante na siyang malaman nito ang tungkol sa kaibigan nila.

 

“I was her buddy on her first day,” Sagot ni Minjeong, eyes never leaving her girlfriend. Hinagilap niya ang kamay nito sa ilalim ng mesa. Nang makapa ito ay pinagsalikop niya ito sa sariling kamay.

 

“I don’t really remember her..” Nakakunot ang noo na sabi ni Jimin. Her cheeks reddening upon feeling her girlfriend’s hand creeping onto her own.

 

“May sakit ka nung first day niya, that’s why,” Minjeong quipped. Pinisil niya ang kamay na hawak.

 

“Ah..” Umiwas ng tingin si Jimin nang tumama ang paningin niya sa nobya.

 

Nahihiya siya dahil wala naman dapat ikainis o galit kay Minjeong.

 

Wala naman itong ginawang masama.

 

Pero kasi ay naiinis talaga siya. Nahigpitan niya ang kamay ng kasintahan. Ngumiwi si Minjeong ngunit hindi na lang siya nagsalita.

 

Nagpabalik-balik ang tingin ni Ningning sa naging sagutan ni Jimin at Minjeong.

 

Biglang pumalakpak si Giselle kaya naman nagulat silang lahat matapos ang awkward na pananahimik ng dalawa.

 

“So! MJ, may sinasabi kasi itong si Ningning about Somi,” Nakangising sabat ni Giselle.

 

Kumunot ang noo ni Jimin, kahit na ba sa iba nakatingin ang mata nito.

 

“Oh? Bakit, anong meron?”

 

“Hehehe, Minjeong, pinapatanong ni Somi kung pwede raw ba makuha number mo?” Nakangiting tanong ni Ningning.

 

Tumaas naman ang kilay ni Minjeong saka muling tiningnan ang kasintahan. Namumula ang leeg nito, paakyat sa mukha. Ibinalik niya ang paningin kay Ningning.

 

Napakamot siya ng ulo. “Oh.. ah, bakit raw? Pwede naman siyang pumunta sa arki dept kung may tanong siya,” Suhestyon niya.

 

Naramdaman niya ang sapilitang pagkalas ni Jimin sa pagkakahawak ng kamay nila. Nanlilisik ang mata nito na tiningnan siya.

 

“You want her to go and see you??” May talim sa boses na tanong ni Jimin.

 

Hindi na alintana ni Jimin ang naguguluhang mukha ni Ningning. Pati na rin ang nagsusumamong mukha ni Minjeong para pakalmahin siya.

 

Basta naiinis siya.

 

Tahimik na nakamasid lang ang iba. Hinihintay ang napipintong pagsabog ni Jimin.

 

“Ah.. sige.. sabihan ko,” Binaling ni Ningning ang tingin kay Jimin na matalim na ang tingin sa kanya ngayon.

 

“Huy ‘te.. okay ka lang ba? Para kang natatae,” Natatawang puna ni Ningning.

 

Napamaang naman si Yuna sa katabi. Kung siya kasi ang titingnan ng ganon ni Jimin ay baka manginig na siya sa takot.

 

Ngumisi si Giselle. “Min, why don’t you try giving your number? Akalain mo, compatible kayo,” Asar pa ni Giselle.

 

Mabilis ang pagtingin ni Jimin kay Giselle. Pinangunutan niya ito ng noo. What the hell, Giselle??

 

“Uh.. I can’t, okay?? Busy ako..” Minjeong weakly argued. Gusto na lang niya umalis dala ang girlfriend at suyuin ito agad. Hindi na niya maramdaman ang kamay niya dahil sa mahigpit na hawak nito.

 

“Naku, Minjeong! Mabait yun si Somi, matalino pa,” Panggagatong ni Ningning. “Di ba, bestfriend mo si Jimin?” Nalipat ang tingin ni Ningning kay Jimin. Nginitian niya ito. “Kung paano mo siya asikasuhin, ganoon lang din sa jowa mo. Kayang kaya mo naman ‘yon!”

 

Muli ay napakamot si Minjeong sa ulo. “Ahh ano kase,” Mahinang sagot ni Minjeong. “I can’t possibly take care of two people ng sabay,” Tuloy niya sa mas mahina pang boses.

 

Tiningnan ni Giselle si Jimin para sa reaksyon nito sa sinabi ni Minjeong. Nakita niyang mas namula ito, mas lumalim rin ang kunot ng noo. Hindi na maipagkakaila ang galit at inis sa mukha nito.

 

“Gaga! Siyempre magfofocus ka na sa jowa mo!” Gatong niya ulit.


 

Nagulat ang lahat sa biglang pagtayo ni Jimin. Hindi nito binitawan ang kamay ni Minjeong kaya naman kita ng lahat ng nakaupo sa mesa ay nakita ang magkasalikop nilang kamay.

 

Nanlaki naman ang mata ni Ningning sa nakita. Mahinang tinapik ni Yuna ang likod nito.

 

“We’ll be back, saglit lang,” Mabilis na sabi ni Jimin saka hinila si Minjeong sa kung saan man niya balak pumunta.

 

Naiwan ang mga kaibigan nila sa mesa.



 

—------------------


 

“You’re mine,” Bulong ni Jimin bago muling sakupin ang labi ni Minjeong ng halik.

 

Napapikit si Minjeong sa sensasyon na dala ng labi ni Jimin. Hindi siya magrereklamo kung ganito ang magiging dulot ng pagseselos ni Jimin. Kahit na ba medyo marahas.

 

“Hmm..” Pagsang-ayon niya rito.

 

Bumaba ang labi ni Jimin, tracing Minjeong’s jaw, down to her neck.

 

Matapos halikan ito roon ay nanatili muna siya sa leeg ng kasintahan, calming her clouded mind with her lover’s scent.

 

Inis na inis talaga siya kanina.

 

Naiinis siya kasi hindi tulad ni Somi na kayang ipangalandakan kahit kanino ang paghanga nito kay Minjeong, siya ay kailangan itago ang nararamdaman.

 

Naiinis siya.

 

“Hey.. nakakunot na naman ‘yang noo mo..” Pansin ni Minjeong. Hinawakan niya ang noo ng nobya, saka marahan itong minasahe.

 

“Don’t think too much about it..” Mahinang sabi ni Minjeong. “Sayo lang ako..”

 

“I’m sorry,” Maagap na sabi ni Jimin. Ibinaon pa niya ng husto ang mukha sa leeg ng kasintahan. “I’m usually cool about people liking you.. ewan ko.. what came over me,”

 

Tuluyan nang niyakap ni Minjeong si Jimin. Hinawakan niya ang ulo nito saka hinaplos, running her fingers through Jimin’s hair.

 

“I understand, baby.. kung ako nasa posisyon mo, I would be upset too,”

 

“I want to tell everyone how you’re mine so they can back off..” Jimin murmured.

 

Tumawa si Minjeong. “There’s a right time for that, baby.. pero sa ngayon, I want you to be safe..” Inilayo niya si Jimin mula sa sarili. “I want us to be safe.”

 

“So tiis-tiis muna, okay?” Sabi niya bago muling kabigin si Jimin at kulungin sa yakap.

 

Tumango si Jimin saka ipinalibot rin ang mga kamay sa baywang ng nobya.

 

“I’ll tell Ning,”

 

Nangiti si Minjeong saka tumango. “Okay, if that’s what you want,”

 

She continued to caress Jimin’s head, before placing a light kiss on her temple. “Let’s go? Baka malate ka pa,”

 

Hindi gumalaw si Jimin sa pwesto. Nanatili itong nakayakap.

 

Matapos ang ilang segundo ay kumawala rin ito, reaching her hand out instead for Minjeong to hold it.



 

Pagbalik nila ay wala na sila Yuna sa lamesa. Ang natira na lamang ay si Giselle at Ningning.

 

Nang makita sila ay agad na tumayo si Ningning at sinalubong sila.

 

“‘Te! Sorry huhu gaga ka kasi di ka nagsasabi!” Kabado ang mukha na sabi ni Ningning.

 

Napailing naman si Jimin pero maya’t maya ay napangiti na rin ito. “Okay na. Basta wag mo na banggitin pangalan nun sa harap ko, kung ayaw mong uminit na naman ang ulo ko,”

 

Mabilis ang pagtango ni Ningning. “Promise!” Nag-gesture pa ito na sinizipper ang bunganga. “Tahimik na ako!” Bumaling ito kay Minjeong. “Sorry rin kanina, di ko knows na mag-jowa pala kayo,”

 

Nginitian siya ni Minjeong. “It’s fine, basta ano, uhm, wag ka na lang maingay, okay? We trust you, Ning,”

 

“Yes! Promise!” Masiglang sabi ni Ningning saka tumakbo pabalik ng mesa kung saan nakaupo si Giselle.

 

Pagkalapit nila sa mesa ay pabiro namang sinabunutan ni Jimin si Giselle. “ ka,”

 

Tumawa lang si Giselle saka inilayo ang sarili sa paatakeng kamay ni Jimin. “What can I say, nakakatuwa ang pagiging selosa mo,”

 

Sinamaan lang ni Jimin ng tingin ang kaibigan. Tumawa lang din muli si Giselle saka kumaway paalis. Malapit na rin kasing magsimula ang klase nito.

 

“Ning, let’s go. Hatid ko na kayo ni Jimin sa next class niyo,”


 

Nang makarating sa harap ng classroom ay nauna si Ningning na pumasok matapos kumaway kay Minjeong. Saglit lang din naman na tiningnan ni Jimin ang nobya. Kumaway siya saka pumasok na rin sa loob.

 

Sinundan lamang ni Minjeong ng tingin ang kasintahan saka umalis na rin.



 

(the one that will stay)

 

(the one that will make us feel loved, adored, safe and secured)

 

 

 

“Jimin, hindi ka ba sasabay?” Tanong ni Giselle habang nakadungaw mula sa loob ng sasakyan nito.<

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thelost_soul
may isa akong sinusulat na pinakalast ko siguro na entry dito? kasi I don't think makakasulat pa ako after this sem :(( ayaw ko lang mag-iwan ng false hopes kaya sinasabi ko na para sa mga nag-aabang ng part 2s ng mga fave one shots nila :(

thank you lagi sa lahat ng nagbabasa at nag-cocomment!!

Comments

You must be logged in to comment
nabs_infp
#1
Chapter 20: lahat talaga ng andito, sobrang ganda. Walang patapon 🥹
nabs_infp
#2
Chapter 4: T_T Kanina pa talaga ako kilig na kilig
clang2
#3
Chapter 25: always here for your stories 💕
kwinterrr_
#4
Chapter 25: 🥺
Hiccups_ #5
Chapter 25: It's been a while but ouch
All_Rait13
#6
Chapter 24: OLFU QC to ah
purplejoch
#7
Chapter 25: nooo, ansakit sakit sa puso 😩 pero grabe lang yung radikal na pag mamahal ni winter kay karina, sana maalala niya na si winter 🥹

salamat sa pag update author nim, fighting sa studies 🤍✨
infp23
#8
Chapter 4: Aaaaaaaaaaah so sweeeeeeeet🥹🥰😍
infp23
#9
Chapter 1: Aaaaaa b10 🥺
renrenee
#10
Chapter 25: awwwww i missed your stories huhu i really love them!! thank for still trying to update <33 best luck this sem, otor!