types of love (1/3)

jiminjeong cross
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Alam niyo yung audio sa tiktok na 3 types of love? Ito yung interpretation ko nun dito. Hehehe.

 

 

 

(they say that we fall in love with 3 people in our lifetimes)



 

(the first one, is the puppy love, the fairytale love, the one that we think would last forever)


 

"J-Jimin.." Naiiyak na rin na tawag ni Minjeong sa batang babae na nakayuko sa mesa nito.

 

Umangat ang mukha ng bata at tumambad kay Minjeong ang basa nitong mga pisngi, habang patuloy pa rin ang pagdaloy ng luha rito.

 

"Minmin!" Sinugod ni Jimin ng yakap ang kaibigan.

 

Agad naman siyang niyakap pabalik ni Minjeong, di alintana ang nababasa na niyang uniform dahil sa walang tigil na iyak ni Jimin.

 

Kanina kasi, habang naglalaro ang dalawa sa playground ng daycare, ay nalaglag si Minjeong mula sa mataas na parte ng slide. Nagdugo ang noo nito, kaya naman agad siyang dinala ng kanilang guro sa pinakamalapit na ospital para maicheck kaagad.

 

Naiwan si Jimin pati ang iba nilang mga kaklase kasama ang teacher aide sa classroom, hinihintay ang dismissal. Hindi na tumigil pa ang palahaw ng iyak ni Jimin pagkaalis ni Minjeong at ng teacher nila, pakiramdam kasi niya ay kasalanan niya ang nangyari kay Minjeong.

 

Dapat ay idederetso na si Minjeong ng teacher nila sa bahay upang makapagpahinga, pero matigas ang pagpupumilit ni Minjeong balikan si Jimin.

 

Alam kasi niyang umiiyak ito, at malamang ay sinisisi ang sarili sa nangyari.

 

Sa murang edad ay para bagang marami nang naiintindihan si Minjeong sa mga bagay bagay.

 

Una ay si Jimin.

 

Ang sabi sa kanya ng mama niya, bagaman mas matanda si Jimin ng isang taon sa kanya, bunso naman ito ng pamilya nila. Kaya minsan ay intindihin na lang daw niya ito. Habang siya naman ay nag-iisang anak lang, at kahit bata pa lang ay naturuan na ng nga magulang alagaan ang sarili.

 

Kaya naman tuwing magkasama sila ni Jimin, automatic na niyang inaako ang responsibilidad ng pag-aalaga sa kaibigan, kahit na ba mas bata siya.

 

Ayaw na ayaw niyang nakikitang umiiyak si Jimin.

 

Hindi siya iyaking bata, pero kapag nakikita na niya ang luhang dumadaloy sa madalas ay nakangiting mukha ni Jimin, pakiramdam niya ay automatic din na naiiyak siya.

 

Mahigpit pa rin ang yakap ni Jimin kay Minjeong. Silang dalawa nalang ang nasa classroom, kasama ang teacher at aide nito. Nakauwi na ang lahat ng kaklase nila.

 

"Jimin, Minjeong, halina kayo, ihahatid ko na kayo," Tawag sa kanila ni Teacher Irene.

 

Magkapitbahay lang naman sila kaya walang problema ito sa guro. Kailangan rin kasi nito kausapin ang nga magulang ni Minjeong patungkol sa insidenteng nangyari sa playground.



 

Magkahawak ang kamay ng dalawang bata habang naglalakad papalabas ng classroom. Nakalingkis pa si Jimin sa braso ni Minjeong. Tumigil na ito sa pag-iyak, ngunit maya't-maya ang pagtingin nito sa kaibigan, sinisiguradong okay lang ito.

 

"Jimin.. okay lang ako. Natingnan na ako nung doktor.. sugat lang daw," Pagpapaliwanag ni Minjeong.

 

Ngumuso si Jimin. "May nakita akong dugo.."

 

"Kasi may sugat. Gagaling din naman, wag ka na mag-alala,"

 

"Sorry talaga.."

 

"Wala kang kasalanan, tumigil ka nga,"

 

Ngumuso pa lalo si Jimin at muli ay niyakap na lamang ang hawak na braso ni Minjeong.

 

Nangingiti lamang na nanunuod ang dalawang guro na nakasunod sa kanila.

 

"Buti walang naging problema, Rene?" Mahinang tanong ni Seulgi sa guro.

 

"Actually kinabahan rin ako, kasi nga dugo ng dugo. Pero sa results wala naman daw concussion.. binendahan na lang nila ng maayos yung sugat para di na magdugo,"

 

"Buti naman.. sana di magalit yung magulang," Halata sa mukha ni Seulgi ang kaba.

 

"Natural lang na magalit yun, ano ka ba, kailangan lang natin kausapin ng maayos at ipaliwanag, saka iassure na hindi na mauulit yung nangyari,"

 

Tumango na lamang si Seulgi. "Ang tibay din ng mata ni Jimin. Hindi talaga siya tumigil kanina sa pag-iyak hangga't di kayo nakakabalik."

 

"Si Minjeong rin eh. Sabi ko nga idederetso ko na siya ng uwi, kaso ayaw. Gusto niya balikan si Jimin," Muli ay tiningnan nila ang dalawang bata.

 

Nasa loob na sila ng sasakyan, nasa likod naman ang dalawang bata na magkahawak pa rin ang mga kamay. Nakasandal na si Jimin kay Minjeong, mahimbing na ang tulog.

 

"Teacher.. pwede po bang hinaan yung aircon? Baka po ginawin si Jimin.." Mahinang pakiusap ni Minjeong.

 

Agad naman itong hininaan ni Seulgi na nakaupo sa passenger's seat. "Ayan, okay na ba?"

 

Tumango naman si Minjeong at kinabig si Jimin papalapit pa sa kanya. "Opo, thank you po, Teacher Seulgi.."

 

Matamis naman ang ngiti ni Seulgi. "You're welcome, Minjeong."



 

Nang makarating ay si Minjeong na ang gumising kay Jimin. Nung una ay ayaw pa nitong dumilat, bagkus ay lalo pang sumiksik sa kaibigan.

 

Mapagpasensya naman ang naging kilos ni Minjeong.

 

Niyakap rin nito ang kaibigan saka binulungan.

 

Nagkatinginan lamang ang dalawang guro habang hinihintay ang mga bata lumabas ng sasakyan.

 

Matapos nga ang ilang minuto ay kusa na ring lumabas si Jimin, bagama't nakasimangot ito, mahigpit pa rin ang hawak kay Minjeong.

 

Lumabas mula sa bahay ang nanay ni Minjeong, kasunod naman nito ang asawa na sinalubong ang dalawang bata saka kinarga sa magkabila nitong mga braso.

 

"Oh?! Anyare rito, anak?" Nag-aalalang tanong ng tatay ni Minjeong.

 

Maagap naman ang sagot ni Irene. Kinausap nito ang nanay ni Minjeong habang nanatili sa tabi nito ang asawa na karga pa rin ang dalawang bata.

 

Nakasiksik lamang ang mukha ni Jimin sa balikat ng ama ni Minjeong, muli nang inaagaw ng antok. Mataman namang nakikinig si Minjeong sa usapan ng mga matatanda.

 

"Pasensya na po talaga sa nangyari. Sa susunod po ay babantayan na namin sila ng maayos," Mapagkumbabang sabi ni Irene.

 

Yumuko rin si Seulgi bilang tanda ng paghingi ng paumanhin.

 

"Ay naku Ma'am, lapitin talaga ng disgrasya ang mga bata, ang mahalaga ay okay lang si Minjeong hindi ba?"

 

"Opo, ang sabi po ng doctor, medyo malaki lang ho ang sugat kaya may dugo, pero wala naman daw hong problema sa xray ng bata,"

 

"Mabuti naman kung ganoon, salamat rin sa maagap na pagdala sa kanya sa ospital Ma'am,"

 

"Iyon po ang trabaho ko," Sagot ni Irene ng may ngiti sa labi. Bumaling naman siya kay Jimin, na karga ng tatay ni Minjeong.

 

"Jimin..?"

 

"Ah, teacher, dito po muna si Jimin sa amin, kasi po wala pa pong tao sa kanila ngayon," Sabi ni Minjeong nang makita na akmang gigisingin ni Irene si Jimin para ihatid sa sarili nitong bahay.

 

"Ay oo Ma'am, ibinibilin sa akin si Jimin ng ganitong araw, paano ay parehas na nasa trabaho ang mga magulang saka nasa eskuwelahan pa ang mga kapatid, walang mag-aalaga,"

 

"Ah, ganon po ba, sige po, maiwan ko na po siya sa inyo, salamat po ulit," Paalam ni Irene sa kanila.

 

"Thank you rin Ma'am, ingat ho,"

 

"Bye, teacher," Kaway ni Minjeong sa dalawang guro.





 

"Minmin.." Mahinang tawag ni Jimin. Nakahiga ito sa kama ng kaibigan.

 

Habang si Minjeong naman ay nakaupo sa tabi nito, tahimik na nagkukulay. "Hmm?"

 

Mahina namang tinapik ni Jimin ang espasyo sa tabi niya. "Dito ka.."

 

Tumigil sa pagkukulay si Minjeong saka tiningnan si Jimin.

 

Nakatingin rin ito sa kanya, naghihintay.

 

Itinabi ni Minjeong ang notebook at pangkulay na hawak. Saka humiga sa tabi ni Jimin.

 

Ibinuka ni Minjeong ang mga braso, sanay na sa madalas na request ng kaibigan.

 

Dahan-dahan namang umusod si Jimin papalapit, saka isiniksik ang sarili sa kaibigan.

 

Tahimik lang silang dalawa nang magsalita si Jimin.

 

"Minmin.. masakit..?"

 

"Ang ano?"

 

"Yung sugat mo.. andaming dugo.. nakakatakot.."

 

"Mahapdi.."

 

"Eh bakit di ka umiyak?"

 

"Ayoko.. di naman gaanong masakit eh,"

 

"Sumakit ba ulit kanina?"

 

"Kailan?"

 

"Pagkabalik niyo sa room.. umiyak ka,"

 

"Ah.." Hindi na nagsalita si Minjeong kaya naman kumalas si Jimin mula sa pagkakayakap nito. Tiningnan niya kung nakatulog ba ito. Hindi naman.

 

"Ano nga?? Masakit kanina??" Pagpupumilit niya.

 

"Hindi.."

 

"Eh bakit ka umiyak?"

 

Ngumuso si Minjeong. "Ikaw kasi,"

 

Nagulat naman si Jimin. "Ha? Bakit ako?"

 

"Eh umiiyak ka.."

 

Kumunot ang noo ni Jimin. "Ano naman?"

 

"Naiiyak rin ako kanina,"

 

Nanahimik si Jimin.

 

Maya-maya ay tumawa ito.

 

"Bakit mo ko ginagaya?" Natatawa niyang sabi sa kaibigan.

 

Mas tumulis pa ang nguso ni Minjeong. "Hindi kita ginagaya.. ganun lang talaga.. okay? Wag ka na magtanong, sumasakit yung sugat ko lalo,"

 

Napalitan naman agad ng pag-aalala ang ekspresyon sa mukha ni Jimin.

 

Magaan nitong hinawakan ang benda na nasa noo ni Minjeong, saka dahan-dahang dumampi ng halik roon.

 

Matapos ay muling ibinalik ni Jimin ang sarili sa pagsiksik kay Minjeong.

 

Hindi na nito nakita ang matamis na ngiti sa labi ni Minjeong.



 

Kinabukasan ay nangingiti si Jimin na umupo sa loob ng tricycle. Gustong gusto niya kapag kasabay si Minjeong sa pagpasok. Amoy baby kasi ang kaibigan niya.

 

Siya rin naman, hindi umaalis ng bahay na hindi sinisigurado ng mama niya na mabango at malinis. Pero ang bango bango lang kasi ni Minjeong. Natutuwa siyang amuy-amuyin.

 

Nakita ni Jimin na hinalikan si Minjeong ng sabay ng kanyang mga magulang sa pisngi, bago sumakay sa tricycle na maghahatid sa kanila sa school.

 

Pagkasakay ni Minjeong ay humalik rin si Jimin sa pisngi niya, malaki ang ngiti na nasa labi nito.

 

“Minmin, ang lambot ng pisngi mo, parang cupcake!” Nakangiting sabi ni Jimin.

 

Hindi naman na bago kay Minjeong ang mga paghalik ni Jimin. Likas na malambing ang

kaibigan niya, kaya naman

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thelost_soul
may isa akong sinusulat na pinakalast ko siguro na entry dito? kasi I don't think makakasulat pa ako after this sem :(( ayaw ko lang mag-iwan ng false hopes kaya sinasabi ko na para sa mga nag-aabang ng part 2s ng mga fave one shots nila :(

thank you lagi sa lahat ng nagbabasa at nag-cocomment!!

Comments

You must be logged in to comment
nabs_infp
#1
Chapter 20: lahat talaga ng andito, sobrang ganda. Walang patapon 🥹
nabs_infp
#2
Chapter 4: T_T Kanina pa talaga ako kilig na kilig
clang2
#3
Chapter 25: always here for your stories 💕
kwinterrr_
#4
Chapter 25: 🥺
Hiccups_ #5
Chapter 25: It's been a while but ouch
All_Rait13
#6
Chapter 24: OLFU QC to ah
purplejoch
#7
Chapter 25: nooo, ansakit sakit sa puso 😩 pero grabe lang yung radikal na pag mamahal ni winter kay karina, sana maalala niya na si winter 🥹

salamat sa pag update author nim, fighting sa studies 🤍✨
infp23
#8
Chapter 4: Aaaaaaaaaaah so sweeeeeeeet🥹🥰😍
infp23
#9
Chapter 1: Aaaaaa b10 🥺
renrenee
#10
Chapter 25: awwwww i missed your stories huhu i really love them!! thank for still trying to update <33 best luck this sem, otor!