types of love (2/3)

jiminjeong cross
Please Subscribe to read the full chapter

 

hello sorry natagalan, research happened and natambakan ako so much T^T

 

“Mama, nakita mo yung chat ni Marie?” Tanong ng ama ni Jimin sa asawa na nagluluto sa may kusina.

 

Lumingon naman ang ina ni Jimin. Hawak nito ang sandok na lumapit sa asawa, sa kamay ay ang phone at ang nakabukas na conversation sa messenger.

 

“Naku, kawawa naman,” Sambit ng ina ni Jimin matapos mabasa ang nasa phone.

 

Napailing rin ang ama ni Jimin. “Hindi ko ba maintindihan at ayaw magtino ng batang ‘yan,”

 

May talim ang boses ng ama ni Jimin. “Napalaki naman ng maayos, pero noong nag-aral na rito sa siyudad, aba, bigla na lang nagloko!” Dagli pang tumaas ang boses ng matanda.

 

Mataman lang naman na nakikinig si Jimin sa usapan ng magulang. Sino ba ang pinag-uusapan ng mga ito?

 

“Jimin, anak, naaalala mo yung pinsan mo na si Chaewon?” Baling ng ama ni Jimin sa anak.

 

Nagulat man ay tumango si Jimin.

 

Si Chaewon ang madalas niyang kakwentuhan kapag umuuwi sila sa probinsya.

Sobrang gaan kasi nitong kausap. Nagkakaintindihan sila sa maraming bagay. Madalas ay kay Chaewon lang din niya nasasabi ang mga bagay bagay tungkol sa kanilang dalawa ni Minjeong.

 

Kung paano unti-unting nag-iiba ang pagtingin niya sa kababata.

 

Kung paanong ang dating inosenteng pagkayakap at paghalik niya kay Minjeong ay hindi niya maiwasang lagyan ng malisya.

 

Kung paanong tingin niya ay parehas lang sila ni Minjeong ng nararamdaman.

 

Mga bagay na natatakot siyang sabihin kahit na kanino.

 

“Ayon, pariwara na. Malapit ng grumaduate eh nagloko pa, sayang,” Pagalit na kwento ng tatay niya.

 

Napakunot naman ang noo ni Jimin. Kilala niya si Chaewon. Isa sa mga pangarap nito ay makapagtapos ng pag-aaral. Kaya nga ito nagpursigeng mag-aral at magpasa ng applications sa mga unibersidad sa Maynila, para makakuha ito ng scholarship.

 

“Ano po bang nangyari?”

 

“Ayun! Nung umuwi raw noong bakasyon, may dalang babae! Aba’t nobya raw niya?” Halos nandidiring sagot ng ama niya.


 

Hindi nakagalaw si Jimin matapos marinig ang sinabi ng ama.

 

“Keganda-gandang bata, nagsasayang ng panahon sa kalokohan, anong akala niya?” Patuloy na kwento ng ama ni Jimin, di napapansin ang namumutla at nanginginig na anak.

 

“Grabe ang iyak ni Marie kagabi, nagsusumbong. Hindi niya raw matingnan si Chaewon kasama yung babae. Hindi lang niya masabihan dahil nagagalit raw yang pinsan mo. Akala naman niya may maipagmamalaki na siya,”

 

Lumunok si Jimin at yumuko. Nangingilid na ang luha niya.

 

Wala na siyang marinig kundi ang parang matinis na tunog sa magkabilang tainga.

 

Dagli siyang tumayo at tumalikod, iniiwas ang basang mukha sa mga magulang na nasa kusina.

 

“M-May.. May nakalimutan po pala akong ipasa ngayong gabi, hindi na po muna ako kakain, kailangan ko po kasing tapusin, pasensya na, hahabol po ako kapag natapos ko kaagad,”

 

Hindi na niya hinintay pa ang sagot ng mga ito, saka dali-daling umakyat sa kwarto.

 

Isinarado niya ang pinto saka nilock.

 

Nanghihina siyang napaupo sa likod nito, nangangatal pa rin ang mga kamay niya sa takot.


 

Hindi sila tanggap.

 

Hinding-hindi sila matatanggap.






 

(the second type of love, is the intense love)

 

(the love, that will turn your world upside down)


 

“Saan si Minjeong, ‘Te?” Tanong ni Giselle.

 

Tumaas ang ulo ni Jimin mula sa pagkakayuko sa magkasalikop niyang mga braso.

 

Mapapansin ang parang malalalim na puwang sa palibot mata nito, na para bang walang tulog sa mga nakaraang araw. Umiling ito, nanatiling nakatikom ang bibig.

 

“Ano nga? Nag-away ba kayo?” Nag-uusisa namang tanong ni Yeji.

 

“N-No.. we didn’t. Hindi ko alam nasan siya,” Mahinang sagot ni Jimin, bago muling dumokduk sa mesa.

 

Tumaas naman ang kilay ng lahat ng nakarinig.

 

Ngayon lang nangyari ito. Nagtinginan silang lahat, saka sinenyasan si Yeji.

 

“Chat mo jowa mo,” Bulong ni Lia kay Yeji. Agad namang sumunod saka chinat si Ryujin.

 

Tahimik namang ang iba na naghihintay kay Yeji, habang panaka-nakang tumitingin kay Jimin na nakayuko pa rin.

 

Makikita sa pagtaas ng baba ng likod nito ang malalalim na paghinga.

 

Ramdam ng lahat ang tensyon.

 

“Nalate daw si Minjeong, papunta na raw sila,” Bulong ni Yeji sa mga kaibigan.


 

Maya-maya pa nga ay dumating si Ryujin, sa likod nito ay si Minjeong. Tuloy-tuloy na naglakad si Ryujin, papalapit kay Yeji, habang si Minjeong naman ay tumigil at nagpasyang umupo na lang sa mesang nadaanan, isang dipa mula sa mesang kinaroroonan ng mga kaibigan.

 

Tumaas ang kilay ni Giselle sa napansin.

 

Madalas kasi ay may dala-dalang pagkain si Minjeong para kay Jimin. Tatabihan muna nito ang best friend saka papanuoring kumain. Alam kasi nitong hindi kumakain si Jimin ng kahit ano para sa agahan kapag hindi pinilit at tinutukan.

 

Sa kamay ni Minjeong ay isang nakabalot na sandwich at tubig, pero hindi ito lumalapit sa mesa ng mga kaibigan. Nakatingin lamang ito sa cellphone.


 

“Bibi, anmeron kay Minjeong?” Tanong ni Yeji. Mataman namang nakinig ang iba sa isasagot ni Ryujin, curious rin sa kung anong nangyayari.

 

“Pati si Jimin, ang lamya, parang puyat pa, may naikukuwento ba si MJ?” Singit ni Giselle.

 

Napakamot ng ulo si Ryujin. “Wala ako masyadong alam.. basta nung nag-inom kami ni MJ nung weekend, sabi lang niya nag-usap na sila ni Jimin, tapos, ayun, ganyan na,”

 

“Nag-usap?” Nanliliit ang mata ni Giselle. Sinulyapan niya si Jimin na nakadukdok pa rin ang mukha sa mga braso, pagkatapos ay si Minjeong na tutok rin sa cellphone nito.

 

“Yup. Di ko na tinanong pa, kasi gagi, umiiyak,” Mas humina pa ang boses ni Ryujin.

 

Nanlaki naman ang mata ng lahat.

 

Mukhang seryoso man ang kung anong nangyari sa dalawa.

 

“Wag niyo na lang muna pilitin si Jimin, magkukuwento naman yan kapag kaya na niya,” Bilin ni Ryujin.

 

Hinawakan ni Ryujin si Yeji sa braso saka ngumiti rito. Nagpaalam na rin siya sa iba saka binalikan si Minjeong sa kinauupuan nito. Baka malate pa sila.

 

Sinundan lamang nila ng tingin ang dalawang naglalakad palayo.

 

“Are they gone?” Paos na tanong ni Jimin. Napatingin ang lahat sa kanya.

 

Namamasa ang mata nito. Tumango si Yuna.

 

“O-Oo.. okay ka lang Jimin..?”

 

Tumango si Jimin saka tumayo. “Tara na, malate pa tayo sa class,”

 

Wala namang nagawa ang lahat kundi sumunod.



 

Sa mga sumunod na araw ay tuluyan nang hindi lumapit si Minjeong sa grupo nila.

 

Sumasama pa rin ito kay Ryujin sa tuwing lalapit ito sa grupo ni Jimin, ngunit mananatali ito sa malayo, at doon maghihintay hanggang sa balikan siya ng kaibigan.

 

Sinubukan ni Giselle ayain itong lumapit, pero isang maliit na ngiti at iling lamang ang isinagot nito.

 

Sa tuwing lalapit si Ryujin ay nakikita ng magkakaibigan kung paanong magugulat si Jimin saka pipigilan ang sariling lumingon sa likod nito.

 

Alam nilang lahat na nag-iiwasan na nga ang dalawa. Hindi pa rin kumikibo si Jimin. Ganoon rin daw si Minjeong, ayon kay Ryujin.

 

Gusto man nilang gumawa ng paraan para pagbatiin na ang dalawa, hindi naman nila alam kung paano ito gagawin.

 

Ito ang unang beses na nag-away ng malala ang dalawa. Madalas kasi ay kung may di pagkakaintindihan, hindi ito umaabot ng araw, at madalas ay silang dalawa lang rin ang umaayos, kaya hindi na sila nangingialam pa, tutal ay ang dalawa lang rin naman ang nagkakaintindihan ng lubos.

 

Ngayon kasi nauubos na ang pasensya nila sa nangyayari. Nahahawa sila sa malungkot at madilim na awra ni Jimin, na habang dumadaan ata ang araw ay pabigat ng pabigat.

 

Si Minjeong naman ay madalas daw tulog sa klase. Napalabas pa nga daw ito noong isang araw ng prof, ani ni Ryujin.

 

May hinuha sila sa posibleng nangyari, ngunit ayaw naman nilang magpadalos-dalos.


 

“We need to do something,” Sabi ni Giselle, habang kumakain.

 

Nasa isang mesa sila sa canteen, nakakumpol. Kasalukuyang wala si Jimin, nagpaalam itong pupunta sa clinic dahil masama ang pakiramdam. Wala rin si Minjeong, dahil nagsabi ito kay Ryujin na hindi kakain at maglalagi lang muna sa library ng eskwelahan, may tatapusing gawain, kaya nagsama-sama muna sila para pag-usapan ang nangyari patungkol sa dalawa.

 

“Ano naman? Ayoko sanang makialam kasi baka may mangyari pang hindi maganda,” Sagot ni Chaeryeong.

 

“Wala ring mangyayari kung hindi tayo gagawa ng paraan. Might as well do something,” Singit ni Lia.

 

Napabuntong hininga si Giselle. Gusto niyang tulungan ang mga kaibigan. Pero paano?

 

Naramdaman niya ang pagvibrate ng phone sa bulsa. Kinuha niya ito saka sinilip.

 

May text si Minjeong.

 

mi MJ

 

Nasaan si Jimin

 

Wow ngayon hinahanap mo siya

 

Gi, please

 

Clinic. Cramps.

 

Oh. I forgot.

 

Thank you.


 

Ngumiti si Giselle.

 

Hindi na siguro nila kailangan mangialam.

 

At the end of the day, gagawa at gagawa ng paraan si Minjeong para maging maayos sila ng bestfriend niya.



 

Tahimik lamang na naglalakad si Minjeong sa mahabang pasilyo patungo sa clinic ng building.

 

Sa mga kamay niya ay ang plastic bag na naglalaman ng tubig, pagkain at gamot.

 

Kanina niya pa pinag-iisipan kung paano ba ito iaabot sa kaibigan nang hindi siya nito nakikita.


 

Ang hirap pala.

 

Sobra.


 

Kahit na ba sobra na siyang nasanay na kasama si Jimin, never din naman niyang hindi pinagbigyan ang mga kahilingan nito sa kanya.

 

Kaya, ito siya ngayon.

 

Halos walang tulog.


 

Miss na miss na niya ang presensya ni Jimin sa paligid niya.

 

Para siyang kinakapos ng hininga nitong mga nakaraan.

 

Ang OA man pero iyon ang totoo.

 

Sa totoo lang ay hindi sinabi sa kanya ni Jimin bakit siya pinapalayo.

 

Pero may ideya na siya.

 

Ang mga panakaw na tingin sa kanila ng mga magulang ng kababata, ang mga pagpaparinig ng mga ito patungkol sa pinsan ni Jimin na si Chaewon.

 

Kung paano ito naging ‘pariwara’.

 

Naiintindihan niya ang takot ni Jimin.

 

Kaya kahit labag man sa loob, sinunod niya ang gusto nito.

 

Kahit na ba sobrang sakit nito para sa kanya.


 

“Minjeong?”

 

Naalis sa malalim na pag-iisip si Minjeong, at nakita na lang ang sarili sa tapat ng pintuan ng clinic.

 

Nakatingin sa kanya ang nurse na kasulukuyang nakaduty.

 

“Ate Yeri,” Ngumiti si Minjeong.

 

Inaya ni Yeri papasok si Minjeong saka isinara ang pinto.

 

“Sabi ko na nga ba at dadaan ka. Nandoon si Jimin sa dulong bed. Parang mas malala ang cramps niya ngayon ah. Susulatan ko siya ng form, pakihatid sa room nila ha, papauwiin ko na yan,” Sabi ni Yeri habang nagsusulat sa desk nito.

 

Tumayo lamang si Minjeong, hindi gumagalaw. Napansin ito ni Yeri.

 

“Nasa dulong bed si Jimin,” Ulit ni Yeri sa sinabi. Napakamot si Minjeong sa batok.

 

“Ah.. Ate, ikaw na lang sana mag-abot nito sa kanya, akin na yung form, ako na bahala,”

 

Tumaas ang kilay ni Yeri. “Hindi mo siya pupuntahan? Umiiyak pa ata ‘yun kanina, sigurado ka?”

 

Humigpit ang kapit ni Minjeong sa dalang plastik.

 

Gustong-gusto niya puntahan si Jimin. Gusto niyang hawakan ang kamay nito, tulad ng dati niyang ginagawa sa tuwing namimilipit ito sa sakit.

 

Gusto niyang alagaan ito tulad lang ng dati.

 

Pero hindi na pwede.


 

“Ate.. p-pakiabot na lang sa kanya nito, wag mo na lang sabihin na galing sakin,” Mahinang sabi ni Minjeong, saka lumapit sa mesa. Inabot nito kay Yeri ang plastik saka hinablot ang papel. “Ako na bahala rito, thank you po,”

 

Agad ding umalis si Minjeong. Naiwan si Yeri na takang taka saka pinuntahan si Jimin sa dulong kama.

 

Nakatihaya ito, nakatitig sa kisame habang dumadaloy ang luha sa magkabilang pisngi.

 

Pinisil na lamang ni Yeri ang braso ni Jimin saka nilapag ang dalang plastik sa mesang nasa tabi ng kama nito.




 

—----------

 

Dahan-dahan ang paglalakad na ginawa ni Jimin palabas ng building.

 

Kasalukuyan kasing may klase pa ang mga kaibigan niya. May dumating ring estudyante na may bali ata sa clinic kaya naman hindi na niya inabala pa si Yeri.

 

Gusto na lang niyang umuwi sa sobrang pagod. Hindi na niya alam kung ano ang mas nakakalamang sa sakit na nararamdaman niya.

 

Ipinakita niya sa guard sa gate ang pass na ibinigay ni Yeri.

 

Naupo muna siya sa may waiting shed. Dito na lang siya maghihintay ng tricycle.


 

Makalipas ang ilang minuto ay may tumigil na tricycle sa harap niya. Tiningnan niya kung may sakay ba ito.

 

Nilapitan siya ng driver, at naaninag naman kaagad ni Jimin ang mukha nito.

 

“Kuya Heechul?” Si Heechul ang service nila ni Minjeong mula preschool hanggang elementary. Kilala kasi ito ng ama ni Minjeong.

 

Nginitian naman siya kaagad ni Heechul. “Kamusta, Jimin? Anlaki mo na ah, uuwi ka na ba? Halika,” Inabot ni Heechul ang bag ni Jimin saka ito inakay papasakay ng tricycle.

 

“Kuya? Di naman rito ang ruta mo ah.. anlayo nitong university satin, pano ka napunta rito?”

 

Natawa naman si Heechul. “Ah.. nagikot-ikot lang ako, matumal doon banda sa atin ng ganitong oras eh,”

 

“Ang layo nang narating mo,”

 

Ngumiti lang si Heechul. “Buti nga napadpad ako rito eh, tingnan mo, naabutan pa kita. Kamusta ang pakiramdam mo?”

 

T

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thelost_soul
may isa akong sinusulat na pinakalast ko siguro na entry dito? kasi I don't think makakasulat pa ako after this sem :(( ayaw ko lang mag-iwan ng false hopes kaya sinasabi ko na para sa mga nag-aabang ng part 2s ng mga fave one shots nila :(

thank you lagi sa lahat ng nagbabasa at nag-cocomment!!

Comments

You must be logged in to comment
nabs_infp
#1
Chapter 20: lahat talaga ng andito, sobrang ganda. Walang patapon 🥹
nabs_infp
#2
Chapter 4: T_T Kanina pa talaga ako kilig na kilig
clang2
#3
Chapter 25: always here for your stories 💕
kwinterrr_
#4
Chapter 25: 🥺
Hiccups_ #5
Chapter 25: It's been a while but ouch
All_Rait13
#6
Chapter 24: OLFU QC to ah
purplejoch
#7
Chapter 25: nooo, ansakit sakit sa puso 😩 pero grabe lang yung radikal na pag mamahal ni winter kay karina, sana maalala niya na si winter 🥹

salamat sa pag update author nim, fighting sa studies 🤍✨
infp23
#8
Chapter 4: Aaaaaaaaaaah so sweeeeeeeet🥹🥰😍
infp23
#9
Chapter 1: Aaaaaa b10 🥺
renrenee
#10
Chapter 25: awwwww i missed your stories huhu i really love them!! thank for still trying to update <33 best luck this sem, otor!