they don't know about us

jiminjeong cross
Please Subscribe to read the full chapter

 

eto na!! hahaha may nakikita agad akong papart 2 diyan sa comment, umayos kayo!! hahaha i made sure as much as possible na di siya bitin so i hope you guys like it. enjoy!

 

 

“Sino kaya mananalo sa tatlong ‘yan by the end of filming?” Rinig kong tanong ng isa sa mga co-actress ko.

 

“Malakas chemistry with Yeonjun, pero malakas din hatak ni Heeseung, so wala akong hula as of now,” Pabulong naman na sagot ng isa rin sa mga kasama namin sa set ngayon.

 

Pinigilan ko ang sariling lingunin sila. Mga chismosa.

 

Walang mananalo sa tatlo! Kasi may nanalo na kaya. Hmp.

 

Pinabayaan ko ang inis na humupa, bago huminga ng malalim.

 

Ibinalik ko ang tingin sa eksena na ngayon ay kinukuhanan ng iilang camera rin.

 

Kung nakakamatay lang ang pagtitig, siguro kriminal na ako pagkatapos humandusay ng tatlong ‘to sa sahig.

 

Mga malalandi!

 

Buti na lang masama talaga ugali ko sa script. At least hindi ako maiissue na laging nakabusangot sa set.

 

Nakakainis.

 

Bakit ko ba tinanggap ang role na ‘to?

 

Hay. Siyempre, dapat supportive tayo.


 

“Winter!” Naramdaman ko ang mabigat na kamay sa balikat ko.

 

“Teka lang, Ning,” Sabi ko sa kanya bago muling ibinalik ang tingin sa tatlong lalaki na ngayon ay nakapalibot sa lead actress namin.

 

Mga asungot.

 

“Ikaw lang rin nagpapahirap sa sarili mo, Winter. Tara sa tent mo, kikitain ka daw niya mamaya after this scene,” Bulong ni Ning.

 

Agad namang nabuhayan ang loob ko.

 

Yes!!

 

Baby time!!

 

Hindi na ‘ko nagpahila pa kay Ning at kusa nang nagtungo sa tent na reserved para sa’kin.

 

Agad kong inayos ang mga nakakalat na damit at bagahe, habang pumwesto naman si Ning sa labas ng tent.

 

Hinihintay siya.

 

Nang masigurong maayos na ang lahat, umupo ako dahil sa pagod.

 

The memory of them flirting earlier clouding my mind.

 

Ano ba ‘yan.

 

Alam ko namang dapat professional ako, since literal na senior ako ng halos lahat ng mga artista dito.

 

Pero siyempre, tao lang din naman ako, nakakaramdam ng selos.

 

I sighed loudly. Tatayo na sana ako para lumabas dahil parang nasusuffocate ako rito sa loob ng maramdaman ko ang pamilyar niyang braso na pumapaikot sa katawan ko.

 

“Hi baby..” Bulong niya, before nuzzling her face in my hair.

 

“Hi..” Sagot ko, ruffling her hair before settling my hand sa ulo niya, caressing it softly.

 

Ito lang siguro ang advantage ng pagiging magkatrabaho namin.

 

I get to see her anytime, kahit na ba nakakapag-tagpo lang kami ng patago.

 

Dati kasi, when I’m just the one that is working, naguguilty ako sa tuwing umuuwi ako days after and she looked like she didn’t get enough sleep.

 

She always says she sleeps better when I’m with her, but because of my work, mas madalas kaming magkahiwalay kesa magkasama.

 

I guess she never got used to me being away.

 

“You smell good..” Muli niyang bulong.

 

I smiled. Niluwagan ko ang yakap niya sa’kin saka pumihit paharap sa kanya.

 

“Hi, my baby..” Muli kong bati sa kanya, cupping her face.

 

Pumikit siya, succumbing more on my touch. Halata ang pagod sa mukha niya.

 

I can only imagine her exhaustion. May tatlong asungot pa siyang tinitiis. Hay.

 

“Kapagod..” Sumbong niya. Tumango naman ako before pulling her on a makeshift couch na nandito sa loob ng tent.

 

Umupo ako rito, and patted my lap.

 

“Sleep ka muna? I’ll wake you up later,” Suggestion ko.

 

Baguhan pa lang siya sa ganitong set-up, so I understand kung bakit napapagod siya kaagad.

 

She nodded before placing herself sa hita ko, sitting sideways with her thighs over mine. She leaned and placed her head on the crook of my neck.

 

“I can’t imagine how you do this everyday..”

 

Tumawa lang ako. Ang baby baby niya talaga kapag inaantok. “Sanayan lang ‘yan, baby. Sleep ka muna, hmm?”

 

Umiling siya. “No, I realized I only got to see and touch you today. I can sleep later,” She said stubbornly.

 

Hay na’ko, ang kulit. Oras na para gawin ang ipinagbabawal na teknik.

 

I placed a hand on her jaw, caressing it softly. Kinuha naman niya agad ang kamay ko. “I know what you’re doing, Winter, stop that,”

 

Ay, busted agad. Natawa lang ako. “Babyyy, you need to rest kasi,”

 

“I’m resting now.” Ungot niya, caressing my hand with her thumb.

 

Dahil matigas ang ulo niya, hinayaan ko na lang. Makakatulog naman ‘to kapag di na talaga niya kaya.


 

Jimin Yu-Kim.

 

Karina Yu sa mga billboard.

 

I met her noong kumukuha ako ng vocational course during my hiatus period. Kaklase ko siya.

 

Being a child star, hindi na ako nagkaroon ng chance na makapag-aral ng normal, let alone a choice to pick up a 4 year course na gusto ko.

 

At bilang ngayon lang ata ako nagkaroon ng mahabang panahon para totoong makapag-pahinga since I was casted noong 10 years old ako, I took the opportunity.

 

Indefinite din naman kung hanggang kailan ang pagka-wala ko sa harap ng camera.

 

No, hindi ako naissue, nacancel, nabuntis (yuck) o ano pa man.

 

Let’s just say the iron was finally ruined kakastrike ko while it’s still hot.


 

Nagpakasal kami ni Jimin 5 years after we started dating. She’s everything to me. The half of my soul. Ang pahinga ko pagkatapos ng buong araw at di matapos-tapos na shooting. She saw me on my highest and lows; at nanatili siya despite seeing my flaws, the ones not captured on camera.

 

Nang bumalik ako mula sa hiatus ko, which by the way lasted for almost 2 years rin, I decided na gawing public sana ang relationship ko with her.

 

But then she got casted.

 

At sino ba naman ako para pigilan siya, diba?

 

So we decided to hide our relationship.

 

Pero shet, nag-backfire.

 

Bakit ba kasi ang ganda ng asawa ko?

 

First project pa lang, tatlong asungot na agad ang nag-aagawan sa kanya.

 

Kaimbyerna.


 

Nang tinawagan ako ni Ning, ang manager ko, about a role offered sa isang bagong project which is to be lead by a ‘newbie’ raw, excited pa ako.

 

Wala naman kasi akong problema sa mga newbie. Cute nga sila kasama sa set.

 

And mas natuwa pa ako upon knowing na it’s my wife’s first project pala. ‘Di syempre tinanggap ko na!

 

Doon ako nagkamali.

 

Tinanggap ko without actually reading the role offered sa’kin.

 

Nalaman ko na lang noong umuwi ang asawa ko, an amused smile on her lips.



 

“Baby? I’m home,” Rinig kong tawag ni Jimin.

 

“Babe! I’m here sa kusina!”

 

Maya-maya naman ay naramdaman ko na ang presensya niya sa likod ko looking over sa hinahalo kong ulam.

 

“Menudo?” She asked excitedly.

 

“Opo, for my very magaling na baby!”

 

Humarap ako sa kanya, throwing my hands over her shoulders at niyakap siya.

 

Ang bango bango naman, hay.

 

“Congratulations sa very first project mo!” Sabi ko sa kanya, opting out the role offered and I accepted kanina.

 

Baka kasi hindi pa nasasabi sa kanya. Pero naeexcite na agad ako!

 

She placed smooches on my cheeks repeatedly, before she settled on my neck, inhaling deeply.

 

“Thank you, but we have something to talk about pala, would you be done after I go and change?” Bulong niya seconds after.

 

Kumalas naman ako sa kanya before getting back sa pagluluto.

 

“Yup! Go change, matatapos na rin ako, sa sala tayo?”

 

Tumango siya before giving my temple a final kiss. Saka siya lumabas ng kusina.

 

Ano kaya ‘yung pag-uusapan namin?



 

“Ha..?”

 

“Baby, do you just accept a role ng ganun ganun na lang?” She asked, bewildered.

 

Kinuha ko agad ang phone ko na nasa center table at dinaial ang number ni Ning.

 

What the heck.

 

Di sumasagot!

 

“I swear Babe! Hindi ko alam!”

 

Jimin squinted her eyes at me bago kinuha ang phone kong kanina ko pa dinudutdot.

 

Ano ba ‘tong si Ningning! Hindi sumasagot!

 

“Ning’s probably resting na, Babe. Just call her tomorrow. Pero seriously? Why do I feel like tinanggap mo agad upon hearing na I’ll be leading it? Without asking for other details?”

 

Namula naman agad ako.

 

Obvious ba?

 

Syempre gusto ko maging supportive!

 

I bit my lip.

 

Ano ba ‘tong gulo na pinasok ko!

 

Huminga ng malalim si Jimin bago ako hinila papalapit sa kanya.

 

Speechless pa rin ako sa kashungahan ko.

 

Naramdaman ko ang pagkabig sa akin ni Jimin papalapit. Hugging my body closer to her.

 

Isinandal ko ang ulo sa dibdib niya.

 

Realizations dawned on me.

 

“Babe, hindi ko kayang sampal-sampalin ka!” Naghihysterical kong sabi sa kanya.

 

I felt her giggling against me.

 

“Hoy! Wag mo ko tawanan! Seryoso ako. Baby, hindi ko kayang awayin ka! Umiiyak nga ‘ko kapag inaaway mo ‘ko diba?”

 

Agad naman niya akong nilayo sa kanya, looking at me directly. “Kailan naman kita inaway?”

 

“Kahapon! Pinatay mo ‘yung wifi! Tapos nagalit ka,”

 

She looked at me, deadpanned. “It was 2 in the morning, Baby. Nakatulog na ako’t nagising to go on a shoot, ikaw, gising pa rin, playing. Of course I’m upset,”

 

I pouted. Edi sorry naman!

 

Niyakap naman niya ako ulit. “Well, it’s your fault naman. So I guess problema mo na how to act accordingly once we’re on set,”

 

Napatingin naman ako agad sa kanya. “Baby, okay lang sa’yo sampal-sampalin kita???”

 

She shrugged. “You’re the one who taught me about professionalism. Besides, according to the script, I’m not fighting you back. I think at some point I like you secretly there, since sobrang submissive ko sa’yo hahaha,”

 

Kumunot ang noo ko. Ang unfair naman!

 

“Ano ba ‘yannnn,” Ungot ko.

 

I heard Jimin chuckle before placing a chaste kiss sa ulo ko. “I guess I’ll just see you sa shooting next week,”



 

“Winter?” Rinig kong tawag ni Ning sa labas ng tent.

 

“Pasok,” Tawag ko sa kanya.

 

Pumasok naman siya at isinara ang pinto ng tent kaagad.

 

She smiled softly upon seeing my wife sleeping peacefully on my lap.

 

“Hinahanap na siya ni Giselle,” Bulong niya sa akin.

 

I sighed. Ang hirap naman ng sitwasyon na ‘to.

 

Si Ning lang kasi ang nakakaalam ng tungkol sa amin. Nanay niya ang manager ko dati, and noong grumaduate si Ning, siya naman ang pumalit ng magkasakit ang nanay niya.

 

Ning’s been there ever since Jimin and I started dating, and later on nang magpakasal kami. Isa nga siya sa mga witness namin, aside from our family.

 

Hindi pa nasasabi ni Jimin kay Giselle, ang manager nito, since according to her, Giselle’s a diehard fan ng ship nila ni Yeonjun. Yuck. Naghahanap pa siya ng right timing. I respect her decision naman, so hinayaan ko na lang.

 

Kaya sa tuwing nagkikita kami ni Jimin, inientertain ni Ning si Giselle.

 

I guess Baby time is over for now.

 

Hinaplos ko ang likod ni Jimin, trying my best to wake her up in the most gentle way possible.

 

Nakapag-power nap naman siguro siya, 30 minutes din siyang di gumalaw sa pwesto niya eh.

 

“Babe..?” Jimin groggily called.

 

“Hey,” Tawag ko sa kanya, pushing the hair out of her face. “Hanap ka na ni Giselle,”

 

Tumango lang siya, before putting her legs down.She combed her hair back, using her fingers, before patting her face to check for any signs of sleep.

 

Humarap siya sa’kin. Ngumiti naman ako.

 

Ang ganda ganda lang ng asawa ko. “Hi, gorgeous,”

 

“Baliw,” Sabi lang niya bago inialis ang tingin sa akin. Hinarap niya si Ning na nakaupo at nakatingin lang sa’min.

 

“Hi, Ning. Thank you ulit,”

 

“No probs, Mrs. Kim,” Pabirong sagot ni Ning. “Iniwan ko si Giselle sa trailer niyo, sabi ko ako na hahanap sa’yo eh,”

 

Tumango lang si Jimin, before clasping my hand. Tumayo siya, pulling me with her.

 

Naglakad kami papalabas, at bago niya buksan ang pinto ay muli siya humarap sa akin, cupping my face.

 

Jimin kissed me, her hand making its way on the back of my head, preventing me from pulling back. As if gugustuhin kong lumayo, ‘di ba?

 

I kissed her back with the same fervor, smiling onto her lips when I heard the softest whimper from her.

 

It was a sweet kiss. She smiled ng maghiwalay kami and pecked me one last time before opening the door.

 

Nang wala na siya ay huminga ako ng malalim.

 

“Malapit naman nang matapos ang shooting,” Pag-alo sa akin ni Ning.

 

Tumango ako, dreading the final scenes to shoot.


 

Ang pangit lang kasi ng ugali ng character ko.

 

Hayok na hayok sa hotdog! Professional naman akong artista, pero minsan talaga di ko maiwasan mag-cringe internally everytime kailangan kong mag-act na nagpapapansin kay Heeseung.

 

Tapos kay Rina ako magagalit kapag hindi ako pinapansin?! May sapak talaga sa ulo ‘yung character ko eh.

 

Ishoshoot na kasi namin sa mga susunod na araw ‘yung confrontational scene talaga sa pagitan namin ni Rina. Nung mga nakaraan kasi, death glares at tulak tulak lang ginagawa ko sa kanya as an antagonist.

 

Ngayon na ‘yung sampalan.

 

Jusko, feeling ko iiyak ako after ko siya sampalin.

 

Ang ewan pa naman nung director namin. Gusto ng maraming take para raw may mapagpilian for the final cut.

 

Muli akong huminga ng malalim.

 

Magbabakasyon talaga kaming mag-asawa after all this. I need to make up with my wife.





 

“Kim! Ano bang ginagawa mo!”

 

I heaved a deep sigh, before putting my game face on, again.

 

Jimin looked at me encouragingly.

 

“Again, rolling in 3! Kim! Umayos ka, please!”

 

Tumango lang ako without looking at the director.

 

Baka mairapan ko lang siya.

 

Ibinalik ko ang kong mukha.

 

I internally pouted. Ang demonyo talaga ng character ko. Grabe, pa’no niya naaatim na awayin ang mukhang ‘to?

 

Eh sobrang ganda kaya ng asawa ko! Mukhang anghel huhu tapos aaway-awayin lang niya?

 

I heaved a sigh, then I heard the familiar snap, cueing the start of that scene.


 

“Win, I already told Hee, okay? I don’t like him,”

 

Sinamaan ko siya ng tingin. “Liar! Akala mo hindi ko kayo nakita kahapon? You tell me that pero patago mo naman siyang nilalandi!”

 

Rina’s eyes welled with tears. “That’s because I told him I don’t like him, and he should stop pursuing me, b-because,” Nag-iwas ito ng tingin. “B-Because I like someone else,”

 

“‘Wag mo ‘kong pinipikot, Rina. I know girls like you. Kaya ka lumalapit sa akin is because you know I’m a threat, ‘di ba? I despise people like you!” I shouted with spite.

 

“W-Win, no,” Akma itong lalapit sa’kin. Agad akong humakbang paatras.

 

“Don’t come near me! Akala mo kung sino kang mabait!”

 

A lone tear dropped from Rina’s eye, as she fought a whimper from coming out. “Y-You can have him, Win, I promise I won’t interfere—”

 

I slapped her, hard.

 

“Wow, ganyan ba kababa ang tingin mo sa akin?! Na you need to ‘give him away’ so I can have him?! , I can have him nandyan ka man o wala. Pokpok!”

 

She didn’t answer, just standing there looking at me.



 

“And, cut!”

 

I heard the collective sigh na pinakawalan ng lahat.

 

It was a long day.

 

Iniwas ko ang tingin kay Jimin na ngayon ay nakayuko. Huminga ako ng malalim, trying to calm my rapid beating heart.

 

Nakita ko naman ang paglapit ni Yeonjun sa amin.

 

“Hey, Jimin, you did great,” Sabi niya sabay abot ng tubig. Tumingin din siya sa akin. “You as well,” Dagdag niya, smiling.

 

Yuck.

 

Tumango lang ako, before leaving the two of them alone.

 

Baka di ko kasi mapigilan ang sarili ko, at kunin ko ang bote ng tubig na nasa kamay ni Jimin, saka ihagis ‘to sa mukha ni Yeonjun.

 

Mas gusto ni Jimin ng juice after ng mabigat na eksena. Mas gusto niya matamis.

 

Saka ang kapal ‘non, nakiki-Jimin, amp. Pangit!

 

Pumasok ako ng tent, at nanghihinang napaupo sa isang bakanteng upuan.

 

Nanginginig ang kamay ko. Buti na lang di napansin ni Direk.

 

Mamaya-maya naman ay pumasok si Ning sa tent ko. “Hey, tapos na ‘yung scene?”

 

Nanghihina naman akong napatango. She patted my shoulder. “At least tapos na. Light na ‘yung mga susunod. You did great,”

 

“I don’t feel great,” I mumbled.

 

Natawa siya. “Well magtataka ako kung you feel great, eh sinampal mo lang naman ang asawa mo,”

 

I heaved a sigh. “Can I see her later?”

 

Tumango lang naman si Ning. “May meeting mamaya ang managers regarding sa location ng final shooting, around 30 minutes to 1 hour din siguro ‘yun. Papuntahin ko na lang si Jimin dito mamaya,”

 

“Thank you,”



 

Sumabay ako kay Ning nang lumabas siya. Bibili ako ng juice, saka sweets for my wife. I don’t know kung nakakain na ba siya prior to visiting me mamaya pero I just want to have something prepared for her.

 

Nang makabalik ako sa tent ay nagulat ako dahil nasa loob na siya, her face void of makeup, naka-comfortable clothes na rin siya, since wala naman na kaming dapat ishoot sa location na ‘to for tonight.

 

“Hi,” Bati niya sa’kin, hindi na tumayo mula sa makeshift couch.

 

Inilapag ko lang sa mesa ang mga dala ko saka ko siya nilapitan.

 

I placed myself on her lap, putting my arms around her as I straddled her, squeezing my face in on the crevice between her neck and shoulder.

 

“Hello..” I whispered, kissing her neck.

 

Humigpit naman ang yakap niya sa’kin, her hands doing slow, circular motions sa likod ko.

 

Maya-maya ay kumalas ako sa kanya, cupping her face with both of my hands. Hinalikan ko ang nakaawang niyang labi, before moving all over her face, dropping soft kisses here and there.

 

My final stop was her lips, kissing her passionately before landing one last peck on her nose.

 

Tinitigan ko ang mukha niya. She looked back at me, a lazy smile on her moistened lips.


 

“Does it hurt?” Tanong ko sa kanya after minutes of just silence and basking in each other’s embrace.

 

I cupped her cheek, softly caressing the one I slapped earlier.

 

Umiling siya. “Kung ganito lang din naman ang kapalit, I’ll let myself be slapped by you everytime,”

 

“Jimin!” Saway ko sa kanya, letting her see how serious I am.

 

Syempre, gusto ko malaman, baka kasi totoong nasaktan ko siya.

 

She cupped my cheek. “No, sweetheart, it doesn’t, okay? Don’t worry,” She leaned closer, and gave me an eskimo kiss.

 

“Pero at least alam ko na ngayon na wag kang gagalitin,” She added, chuckling.

 

Mahina ko siyang hinampas sa braso.

 

Kahit ata magalit ako sa kanya, hindi ko magagawang saktan siya ng ganon.

 

“Last shooting na lang, and it’s all over,” Bulong ko sa kanya.

 

She leaned closer to me, her forehead bumping with mine.

 

“Can’t wait to have you all by myself,” I whispered.

 

She smirked. “Patience, Baby,” Sagot niya, stealing a chaste kiss before opening her eyes.

 

“Soon,”




 

Nasa last shooting scene na kami.

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thelost_soul
may isa akong sinusulat na pinakalast ko siguro na entry dito? kasi I don't think makakasulat pa ako after this sem :(( ayaw ko lang mag-iwan ng false hopes kaya sinasabi ko na para sa mga nag-aabang ng part 2s ng mga fave one shots nila :(

thank you lagi sa lahat ng nagbabasa at nag-cocomment!!

Comments

You must be logged in to comment
nabs_infp
#1
Chapter 20: lahat talaga ng andito, sobrang ganda. Walang patapon 🥹
nabs_infp
#2
Chapter 4: T_T Kanina pa talaga ako kilig na kilig
clang2
#3
Chapter 25: always here for your stories 💕
kwinterrr_
#4
Chapter 25: 🥺
Hiccups_ #5
Chapter 25: It's been a while but ouch
All_Rait13
#6
Chapter 24: OLFU QC to ah
purplejoch
#7
Chapter 25: nooo, ansakit sakit sa puso 😩 pero grabe lang yung radikal na pag mamahal ni winter kay karina, sana maalala niya na si winter 🥹

salamat sa pag update author nim, fighting sa studies 🤍✨
infp23
#8
Chapter 4: Aaaaaaaaaaah so sweeeeeeeet🥹🥰😍
infp23
#9
Chapter 1: Aaaaaa b10 🥺
renrenee
#10
Chapter 25: awwwww i missed your stories huhu i really love them!! thank for still trying to update <33 best luck this sem, otor!