together [3]

jiminjeong cross
Please Subscribe to read the full chapter

 

hello ulit, belated merry christmas at happy new year wahahaha

 

 

 

“Good Evening Miss Winter! Dito po tayo,” Masayang bati sa amin ng staff. Hinatid kami nito sa kubo na pinaayos ko kanina. “Ipapahatid ko na po ba ang mga pagkain?” Tanong niya pagkaupo namin ni Karina.

 

Tiningnan ko si Karina. “Gutom ka na?”

 

Umiling naman siya. “Hindi pa naman, ikaw ba?”

 

Umiling rin ako, saka bumaling sa staff. “Okay lang ba kung tubig muna, and then yung tempura?”

 

Tumango naman agad ang staff. “Okay po! Hatid ko po in a minute. Tawagin niyo lang po kahit sino sa malalapit na staff para po if ever ihatid na po namin yung main course,”

 

Nginitian ko ang staff. “Thank you,”

 

Mababa siyang yumuko sa amin ni Karina, saka umalis para kunin ang tubig at tempura na pinahanda ko.

 

Tahimik lang si Karina na nakatingin sa akin the whole time na kausap ko ang staff.

 

Nang makalayo na ang staff, tiningnan ko pabalik si Karina.

 

Sa mga titig niyang ito, naalala ko lahat ng nangyari sa amin 50 years ago.

 

What I told Ningning noong gabing kinuwento ko sa kanya si Karina, isn’t the whole truth.

 

Well, yes, Karina and I really locked ourselves up. Lumabas lang ata kami nun to pick up some groceries, o kaya naman siya para magpakita sa nanay niya para hindi ito mag-alala. But most of the time, nasa loob lang talaga kami.

 

Pero isa sa mga hindi ko nasabi kay Ningning ay kung gaano kalalim ang naging koneksyon namin ni Karina noon. I didn’t tell her anything about my immortality. But anything aside from that; she knows.

 

The hardships I went through, small achievements that I’m very proud of. Some of the memories na akala ko wala na. Things na hanggang ngayon, minsan ay nahihirapan pa rin ako ikwento kay Ningning. Or I don’t really intend to tell her na, since I don’t see the reason to.

 

It wasn’t so hard to open up kay Karina.

 

Just like how she’s good in bed, ganoon din siya sa ibang bagay.

 

She’s a great cook, a good listener, and I can tell, a good person too, with the way she talks about her supposed family noon.

 

Now that I think of it, alam kaya ng pamilya niya noon ang tungkol sa kanya?

 

That thought brought me back sa kasalukuyan.

 

Sa harap ni Karina.

 

Nakatingin pa rin siya sa akin, a soft smile now adorning her face.

 

“You still do that a lot, ‘no?”

 

“Ang ano?”

 

“Spacing out,” Natatawa niyang puna. Inayos niya ang tempura na nasa gitna namin, saka inilapag ang isang baso sa gilid ko at nilagyan ng tubig mula sa pitsel na nasa tabi naman niya. Naihatid na pala ng staff. Hindi ko man lang namalayan.

 

Napakamot naman ako sa ulo. I guess di na talaga ‘yun mawawala sa akin. Narinig kong huminga ng malalim si Karina.

 

“Hmm.. bakit hindi tayo magsimula sa pinakaumpisa?” Tumikhim siya, saka inilahad ang kamay sa akin.

 

“Hello Winter, I’m Karina. Long time no see?” Maliit ang ngiti niyang sabi sa akin.

 

Tiningnan ko ang kamay niyang nakalahad sa akin.

 

Nang hindi pa rin ako kumikilos, I saw how her face faltered, and the small smile on her lips slowly disappeared.

 

Bago pa niya maibaba ang kamay ay kinuha ko ito, shaking her hand.

 

“S-Sorry, nagulat lang,” Tumikhim rin ako, saka sinagot ang introduction niya. “Hello Karina, I’m-”

 

Isang ideya ang pumasok sa isip ko. “I’m Minjeong,”

 

Nagitla siya, saka ngumiti kalaunan. “Hello, Minjeong,”

 

Nang maghiwalay ang kamay namin, biglang naging blangko ang utak ko.

 

Parang lahat ng hinanda kong tanong, naglaho na parang bula.

 

“So,” Panimula ni Karina. “What happened to you?”

 

Napatingin ako sa kanya. Nakahalumbaba siya, nakapatong ang mukha sa kamay habang nakatingin rin sa akin.

 

“Nothing much,” Sagot ko. “Nagtrabaho lang ako, bought some properties, kung ano ano lang..”

 

Tumango naman siya. “Anyone that knows about you?”

 

“Si Ning, yung friend ko,” Kumunot ang noo niya, siguro ay inaalala kung sino si Ningning sa mga kaibigan ko na nakita niya kanina pagkababa namin sa banana boat ride. “I see,”

 

“Ikaw?” Maagap kong balik sa kanya ng tanong.

 

“Ah,” Napakamot siya sa ulo. “Kakabalik ko lang actually,”

 

“Oh, san ka galing?”

 

“Korea,” Mahina niyang sagot.

 

Huh? “Oh..” Ayaw ko namang mag-assume.

 

“Whatever it is that you’re thinking, it’s right,” Natatawa niyang sagot. “I was looking for you,”

 

“All these years?!” Buti na lang napigilan ko ang sariling paluin siya.

 

Naghahanapan lang kami?

 

Tumango siya, saka yumuko. “Andami nating nalaman at naikwento sa isa’t-isa, but ironically, it was all about our past. Wala tayong alam sa kasalukuyan natin noon,”

 

“The only thing I know about you noon ay Koreana ka. Galing kang Korea. Everything that you’ve told me, happened in Korea,” Kwento niya, her eyes having this faraway look na para bang isa-isa niyang binabalikan ang mga impormasyong sinabi ko sa kanya.

 

“Naturally, the first thing na maiisip kong lugar upon looking for you is Korea,” Tuloy niya. “I was there for years, hoping for a glimpse of you kahit isang beses lang,”

 

“I was here,” Bulong ko.

 

Natatawa siyang umiling. “Kaya nga eh, natatawa na lang ako, paano tayo somewhat parang pinaglaruan,”

 

“W-Why were you looking for me?”

 

Huminga siya ng malalim saka ngumiti. “The same reason why you wanted to talk?”

 

It was now my time to heave a deep sigh. Hindi kami matatapos kung walang magsisimula.

 

“How did you end up like this?”

 

She gave me a tight-lipped smile. “Like what?”

 

“Like..

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thelost_soul
may isa akong sinusulat na pinakalast ko siguro na entry dito? kasi I don't think makakasulat pa ako after this sem :(( ayaw ko lang mag-iwan ng false hopes kaya sinasabi ko na para sa mga nag-aabang ng part 2s ng mga fave one shots nila :(

thank you lagi sa lahat ng nagbabasa at nag-cocomment!!

Comments

You must be logged in to comment
nabs_infp
#1
Chapter 20: lahat talaga ng andito, sobrang ganda. Walang patapon 🥹
nabs_infp
#2
Chapter 4: T_T Kanina pa talaga ako kilig na kilig
clang2
#3
Chapter 25: always here for your stories 💕
kwinterrr_
#4
Chapter 25: 🥺
Hiccups_ #5
Chapter 25: It's been a while but ouch
All_Rait13
#6
Chapter 24: OLFU QC to ah
purplejoch
#7
Chapter 25: nooo, ansakit sakit sa puso 😩 pero grabe lang yung radikal na pag mamahal ni winter kay karina, sana maalala niya na si winter 🥹

salamat sa pag update author nim, fighting sa studies 🤍✨
infp23
#8
Chapter 4: Aaaaaaaaaaah so sweeeeeeeet🥹🥰😍
infp23
#9
Chapter 1: Aaaaaa b10 🥺
renrenee
#10
Chapter 25: awwwww i missed your stories huhu i really love them!! thank for still trying to update <33 best luck this sem, otor!