spaces 2:07 - 2:41

jiminjeong cross
Please Subscribe to read the full chapter


matagal na din ‘to sa drafts ko eh :-]

warning: magulo (ulit), choice niyo 'kung gusto niyo basahin hehe ^^

 

 

“Winter, wala ng vacant sa lib,” Rinig kong hingal na sabi ni Ryujin sa kabilang linya.

 

Tumingala ako mula sa quadrangle, at sinipat si Ryujin na nakasilip rin sa bintana ng SJB.

 

Sumenyas ito, muling sinasabi na puno na naman ang library.

 

Napabuntong-hininga ako. Itinuro ko ang daliri pataas. “Try mo sa quiet room?” Sagot ko kay Ryujin.

 

“For sure puno ng SHS ‘yun,” Kita ko ang busangot na pinakawalan ni Ryujin. “Try mo lang,” Pilit ko sa kanya.

 

Need na kasi namin tapusin ang activity na ‘to, dahil bukas, laboratory activities naman sa anaphy ang aasikasuhin namin.

 

Narinig ko siyang umangal, pero kita ko namang umalis siya mula sa bintana, at nagsimulang umakyat sa hagdan.

 

Tiningnan ko lang ang kaibigan ko, nananatiling nakatingala sa malaking building ng SJB.

 

Hapon na rin naman, so hindi na ganoon kainit. Marami rin namang puno rito, kaya hindi abot ang sinag ng papalubog nang araw.

 

Dumapo sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin. Napapikit ako, pinapakiramdaman ang patuloy na pag-ihip ng hangin, at pagdampi nito sa balat ko.

 

Namiss ko rin ang pagtambay ng ganitong oras sa university.

 

Muling nag-ring ang phone ko. 

 

“Akyat na, may bakanteng dalawang cubicle.” Sabi lang ni Ryujin, sabay baba ng tawag.

 

Ibinulsa ko lang ang phone, saka umakyat papuntang 3rd floor ng SJB.


 

Hindi katulad ng naunang library sa 2nd floor, medyo mainit ang library sa 3rd floor.

 

Hindi ko rin alam bakit. 

 

Dinaanan ko ang mga grupo ng mga naka-unipormeng college at shs na umookopa sa mga mesa, at dumiretso sa quiet room na nasa dulo ng library.

 

Pagkabukas ko ng pinto, ay sinalubong naman ako ng malakas na buga ng aircon, pati ang mangilan-ngilang mahihinang tanungan ng mga iba pang tao na nasa loob ng quiet room.

 

Nakita ko si Ryujin na nakaupo sa may dulo, nakalagay ang bag niya sa upuang katabi.

 

Nang makita ako ay kinuha niya ang bag, saka ako umupo.

 

“Wala ka namang pinaalis para magkapwesto tayo, diba?” Mahinang bulong ko sa kanya.

 

Madalang lang magkaroon ng bakanteng cubicle sa quiet room. Sa lahat kasi ng room sa mga library ng university, ito lang ang may maraming socket, tapos malamig pa. Hindi tulad sa discussion room.

 

Inikutan lang ako ni Ryujin ng mata. “Nag-ML lang naman sila. Ang sama na nga rin ng tingin sa kanila ng iba kasi ang ingay nila, eh quiet room nga ‘to diba? I just did every one of us a favor,”

 

Umiling lang ako. Minsan ay hinihiling kong magkaroon ng ganitong ugali ni Ryujin. ‘Yung pagiging palaban niya kasi, nagagamit sa mga ganitong sitwasyon.


 

Inilabas ko ang makapal na libro ng Theories of Personality.

 

“Sino na ang nagawan mo ng table?” Bulong ko pa rin sa kanya.

 

Kahit naman malakas ang tunog ng aircon ay ayokong makadistorbo sa ilang kasama namin, kahit na ba minsan ay umiingay rin sila.

 

“Si Freud at Jung pa lang,” Buntong-hininga ni Ryujin.

 

“Lapit ka na, si Erickson at Adler na lang,” Pag-cheer up ko sa kanya. 

 

Hilig kasi nito magpaliban ng gawain. Ngayong pinapakolekta na sa amin ang mga discussion tables na pinapagawa ng prof for prelim, naggagahol siya.

 

‘Yung kay Horney na lang gagawin ko.

 

Binuklat ko ang libro, saka hinanap ang bookmark na nilagay ko para kay Horney.

 

Saglit pang tumulala si Ryujin bago nagsimula ring maglabas ng gamit, saka nagsimulang mag-draft ng discussion table.



 

“Win, daan tayo kay Kuya Pits,” Sabi ni Ryujin habang nagliligpit ng gamit. Pinapanuod ko na lang siya, dahil kanina ko pa nasinop ang gamit ko.

 

Tumango lang ako sa kanya. Gusto ko rin bumili ng chicken fillet, para hindi na ako magluluto for dinner sa dorm. Nakakatamad.

 

Lumabas kami sa gate, kasabay ang iilang mga nakaputi ring uniporme.

 

Pharma siguro ‘to. Same kasi kami ng style ng uniform. Nakapalda lang sila, habang nakapants kami.

 

Hinila na ako ni Ryujin papunta sa pwesto ni Kuya Pits, na hindi nauubusan ng tao.

 

Pagkakita sa akin ay agad ngumisi si Kuya. “O Madam! Anong atin? Chicken fillet?”

 

Tumango lang sa kanya at ngumiti, saka dumukot sa bulsa ng blouse ko ng pera. Alam na alam na ni Kuya Pits ang order ko.

 

Chicken Fillet na 30 pesos, dalawang scoop ng gravy.

 

“Upo muna kayo diyan Ma’am, kukuha lang ako ng bagong luto na chicken fillet,” Mabilis ang kilos ni Kuya Pits na pumunta sa likod, kung saan may nag-abot sa kanya ng plato na puno ng chicken.

 

Dati, kapag nandito kami ni Ryujin at kumakain, nakakakwentuhan namin si Kuya Pits. Maboka si Kuya. Kahit na busy ang kamay niyang mag-asikaso ng mga order, magsukli, at maggupit ng mga paninda, kapag kinausap mo siya, game na game ‘yan makipag-tsismisan.

 

Isa siya sa mga hinanap ko, at thankfully, bumalik after ng pandemic. Andami rin kasi sa mga tindahan dito sa hepalane ang nanatili nang sarado, o iba na ang tao nang magsimulang mag-face to face dito sa University. 

 

“Ayan Ma’am, mainit-init pa ‘yan, plastik ko ba?” Abot ni Kuya sa akin ng umuusok pa na baso kung saan nakalagay ang chicken fillet kong lubog sa gravy.

 

Natatakam ako agad.

 

Dalawahin ko kaya?

 

“Isa pang order, Kuya,” Nakangiti kong sabi sa kanya.

 

“Nako, mapaparami ang kain mo ah,” Nakangiti lang na sinabi ni Kuya, pero inilapag ang baso sa tabi ko, at muling naggupit ng panibago bilang dagdag sa order ko.

 

“Hoy, mauubos mo ba ‘yan? Minsan nga hirap ka na ubusin ‘yung isa lang, diba?” Sabat ni Ryujin, hawak ang plastik na naglalaman naman ng order niya.

 

“Kaya ko ‘yan,” Sabi ko na lang sa kanya.

 

Habang hinihintay matapos si Kuya sa order ko ay lumingon ako sa likod, kung saan may dumaan na grupo ng mga nakaputi rin na college.

 

White na blouse sa pang-itaas, tapos ay white pants rin sa pang-ibaba.

 

Halos kaparehas lang rin ng uniform namin. Pero ang collar ng blouse nila, parang chinese collar. Habang v-neck naman sa aming mga Psych. Sa mga lanyard nila, ay nakalagay ang malalaking letra ng ‘College of Nursing’.

 

Tumabi kami ni Ryujin nang tumigil ang grupo nila sa harap ng pwesto ni Kuya Pits.

 

Palihim kong sinilip isa-isa ang mukha nila.

 

Maliliit ang halos lahat ng mga babae, kaya naman napahinga ako ng maluwag.

 

“Hoy.. sino hinahanap mo?” Mahinang bulong sa akin ni Ryujin, nang-aasar.

 

Sinamaan ko lang siya ng tingin, saka tiningnan si Kuya Pits na sakto namang nilalagay na ang order ko sa plastic. 

 

“Thank you po,” Sabi ko lang kay Kuya, sabay abot ng bayad. Busy na rin kasi siya asikasuhin ang mga taga-Nursing na kasalukuyang umoorder.

 

Binagtas namin ni Ryujin ang daan palabas.

 

Nag-aagaw na ang kahel at asul na kulay sa langit. Tumingala ako, sumasagi sa isip ang isang alaala.


 

“Sinabihan na kitang magdahan-dahan lang diyan,” Nakakunot ang noo na sermon niya. 

 

“Minsan lang naman,” Nakanguso kong dahilan. Totoo naman. Minsan lang ako kumain ng chicken skin. Nananawa rin kasi ako kaagad, kaya minsan kapag sinusumpong ako, pinagbibigyan ko na ang sarili ko at bumibili.

 

Narinig ko siyang bumuntong-hininga. “Huli na ‘yan for this week ah,”

 

Tumango lang ako sa kanya, saka sinubo ang huling piraso ng chicken skin sa baso ko. 

 

Sulit na sulit talaga, lalo na’t hindi madamot si Kuya Pits sa gravy.

 

Nakita ko siyang nakatingin lang sa akin, may ngiti sa labi niya.

 

“Crush mo na naman ako,” Pang-aasar ko sa kanya.

 

Inikutan lang niya ako ng mata. “Talaga lang ha?”

 

“Oh bakit? Bakit mo kasi ako tinitingnan ng ganyan,” 

 

“Baka nga crush na kita,” 

 

Napatigil naman ako sa paglalakad. Nasa gilid naman kami ng daan, saka papagabi na, kaya naman wala na masyadong sasakyan ang dumadaan.

 

“U-Umayos ka nga..” Sabi ko lang.

 

Narinig ko ang tawa niya. “Ang tapang mong asarin ako, tapos kapag pinatulan kita, bigla kang magugulat,” Naiiling niya lang na sabi. “What do I do with you..” Narinig ko pang bulong niya.

 

Lalo lang ata namula ang mukha ko sa narinig.

 

“Karina kasi!” 

 

Mas malakas lang na tawa ang sinagot niya.



 

“Hoy!” 

 

“Oh?”

 

Masama lang ang tingin ni Ryujin sa akin. “Aalis na ako, sabi! Sabog ka ba?”

 

Umiling lang ako. “Sorry, pagod lang,” 

 

“Matulog ka muna pag-uwi,” Bilin lang ni Ryujin, saka kumaway. 

 

“Ingat!” Sigaw ko. Tumawid na siya, at sakto namang may jeep na tumigil sa kabila. Kumaway lang siya muli sa akin bago sumakay.

 

Naihilamos ko na lang sa mukha ang parehas na kamay bago pinilit na gisingin ang sarili.

 

Baka lumagpas pa ako sa bababaan ko kung magpapakasabog ako ngayon.



 

Year 2018, Grade 11.

 

 

Umalingawngaw ang malakas na tunog ng alarm ko.

 

Inabot ko lang ang phone saka ko ito pinatay. Nagising ako 5 minutes before ang alarm, pero hindi muna ako bumangon para hayaan ang sarili kong magmuni-muni pa ng ilang minuto.

 

Maya-maya rin ay bumangon na ako at sinimulang ligpitin ang higaan.

 

Di na lang siguro ako kakain ng agahan since pagdating namin mamaya kila Ning ay for sure kakain na kami agad. Magkakape na lang ako.

 

Inabot ko ang phone mula sa sidetable saka naglakad palabas papuntang kusina.


 

Nakalabas na ako ng banyo, bihis at nakapag-sepilyo na rin nang tumunog ang phone ko.

 

mc (favorite)

 

1 new message


 

Binuksan ko ito.

 

karina: win? gising ka na?

 

winter: hello hello yes po. otw na mee

 

karina: okiii, ingat ka ha. 

 

winter: yezz see u 

 

Nakita kong nilike na lang niya ang message ko, saka ko binulsa ang phone at lumabas na ng bahay.



 

Ramdam ko ang pagdikit ng tshirt ko sa likod ko dahil sa pawis. Grabe lang ang tirik ng araw. Naramdaman ko ang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thelost_soul
may isa akong sinusulat na pinakalast ko siguro na entry dito? kasi I don't think makakasulat pa ako after this sem :(( ayaw ko lang mag-iwan ng false hopes kaya sinasabi ko na para sa mga nag-aabang ng part 2s ng mga fave one shots nila :(

thank you lagi sa lahat ng nagbabasa at nag-cocomment!!

Comments

You must be logged in to comment
nabs_infp
#1
Chapter 20: lahat talaga ng andito, sobrang ganda. Walang patapon 🥹
nabs_infp
#2
Chapter 4: T_T Kanina pa talaga ako kilig na kilig
clang2
#3
Chapter 25: always here for your stories 💕
kwinterrr_
#4
Chapter 25: 🥺
Hiccups_ #5
Chapter 25: It's been a while but ouch
All_Rait13
#6
Chapter 24: OLFU QC to ah
purplejoch
#7
Chapter 25: nooo, ansakit sakit sa puso 😩 pero grabe lang yung radikal na pag mamahal ni winter kay karina, sana maalala niya na si winter 🥹

salamat sa pag update author nim, fighting sa studies 🤍✨
infp23
#8
Chapter 4: Aaaaaaaaaaah so sweeeeeeeet🥹🥰😍
infp23
#9
Chapter 1: Aaaaaa b10 🥺
renrenee
#10
Chapter 25: awwwww i missed your stories huhu i really love them!! thank for still trying to update <33 best luck this sem, otor!