together [2]

jiminjeong cross
Please Subscribe to read the full chapter

 

hi guys :>>

 

 

 

Bago pa ako tuluyang mawala sa mga malalambot na labi ni Karina ay agad kong inihawak ang mga kamay ko sa balikat niya para mapigilan ang katawang mas mapalapit pa sa kanya matapos kong maramdaman ang mga kamay niyang pumulupot sa baywang ko.

 

“K-Karina..” Mahina kong bulong ng lumipat mula sa labi ko ang mga labi niya, at ngayon ay nagdadampi ng maliliit na halik sa pisngi ko.

 

“Hmm..”

 

Diniinan ko ang pagkakakapit sa balikat niya at pilit siyang itinulak. Naramdaman ko naman kumalas ang mga braso niya sa baywang ko.

 

Mapupungay ang mata niya nang tuluyan kong makita ang buong mukha niya. Mapupula at namamasa pa ang labi habang dahan-dahan siyang dumidilat, tila ba pinipilit ibalik ang sarili sa kasalukuyan, sa sitwasyon namin ngayon.

 

Gustuhin ko man kasing hayaan ang sariling muli ay magpakalunod sa presensya ni Karina, nasa labas lang kami ng hotel.

 

Maaga pa pero paniguradong mamaya lang ay magsisisulputan na ang mga tao. At ayaw ko namang makulong for public indecency sa natitira kong bakasyon rito sa Palawan.

 

I bit my lip as I felt Karina’s black orbs once again looking at me. Dati pa man ay hilig niyang gawin ito. Ang tumitig.

 

Wow. Naaalala ko pa ‘yun?

 

“Saan ka nagsastay?” Pagbasag ni Karina sa katahimikan.

 

“Dito,” I answered, saka iminuwestra ang hotel. Inialis niya ang paningin sa akin saka saglit na pinasadahan ng tingin ang establisyemento. “Anong room number mo?”

 

Naramdaman kong muli ang kung anong pagpintig sa loob ko. Umiling ako.

 

“Kailangan nating mag-usap,” Mahinang sagot ko sa kanya.

 

“Mag-uusap nga tayo,” Nakataas ang kilay na balik niya sa akin.

 

I scoffed. I highly doubt that. Ang nangyari kanina ang ebidensya. “Not in my room,”

 

“Why not?”

 

Nag-init ang pisngi ko. Alam ko namang alam niya ang dahilan. “You know why,”

 

Ngumisi siya at pinagkurus ang dalawang kamay sa dibdib. “I don’t think so. Bakit nga?”

 

I huffed saka matalim siyang tiningnan. Tsk.

 

“I don’t trust myself around you,” Namumula kong sagot sa kanya.

 

Iyon naman ang totoo. At alam kong ganoon rin siya sa akin.

 

Whatever we had 50 years ago, nandoon pa rin.

 

That lust, that attraction that keeps on pulling us towards each other.

 

Nandoon pa rin. Like a fire rekindled once again nang magtagpo ang mga paningin namin.

 

Nawala ang ngisi niya, saka inalis ang paningin sa akin. Nakita ko ang pamumula ng tainga niya, pababa hanggang leeg.

 

“Well.. likewise,” Bulong niya.

 

Hindi ko na lang pinansin ang sagot niya saka inilahad ang kamay ko.

 

“Give me your phone, I’ll put my number in,” Tiningnan niya lang ako, saka dinukot sa bulsa niya ang phone, pagkatapos ay iniabot sa akin.

 

Matapos kong itype ang number ay tinawagan ko ito para mag-register naman sa phone ko. Nang naisave ko na ang number niya ay ibinalik ko sa kanya ang phone.

 

“Magtetext ako sa’yo kapag nakahanap na ako ng lugar kung saan tayo pwede mag-usap,”

 

Muling tumaas ang kilay niya sa akin. “Ayaw mo talaga sa kwarto mo?” Nang-aasar na tanong nito.

 

“Karina,” Nagbabanta kong sabi. “May kasama ako sa room. Hindi pwede,”

 

Nakita ko ang pag-kunot ng noo niya. “May kasama ka? Sino?”

 

“Kaibigan ko,” Maagap kong sagot. Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko sa bulsa. Tumatawag na si Ning.

 

“I have to go,” Paalam ko sa kanya. Itinaas ko ang phone “I’ll text you,”

 

Nakakunot pa rin ang noo niya ng sinundan niya akong naglalakad palayo.

 

Halo-halo ang nararamdaman ko. Andami kong tanong.

 

Nang makalayo na ay muli akong lumingon.

 

Nakatayo pa rin si Karina sa lugar kung saan ko siya iniwan. Nananatili siyang nakatingin lang sa direksyon ko.

 

Iniiwas ko ang paningin saka lakad takbong sumunod sa cottage na nirentahan nila Ning.




 

"Saan ka galing 'Te?" Nanunuri ang mata na tanong ni Ningning sa akin.

 

"Diyan lang, met someone na nakilala ko kagabi," I bit my lip. Totoo naman. Nakasalubong ko si Wendy.

 

Nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Ningning saka ngumisi. "Ohh.. ang bilis mo ha,"

 

"Gaga," Bulong ko.

 

"Well, nandito naman tayo para magbakasyon, so I'll let you go muna. I'll ask for the details pagbalik natin ng Manila," Nang-aasar niyang sagot, taas baba ang kilay na nakangisi pa.

 

"Anong plano natin for today?" Pag-iiba ko na lang ng topic.

 

Agad namang napalitan ang ekspresyon sa mukha ni Ning at nagsimulang ilista ang inihanda nila ni Giselle na itinerary namin buong araw.

 

Humarap ako sa kanya, pinipilit ang sariling makinig.

 

Inilalayo ang sarili sa imaheng paulit-ulit na gumuguhit sa utak ko.

 

Ang tagpo kanina kung saan naghahalikan kami ni Karina, at tulad lang noon, ay kung paanong malapit na ako muling bumigay sa mga labi at hawak niya.

 

Ipinikit ko ang mata saka mabilis na umiling.

 

"Huy! Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Ningning.

 

"Y-Yeah, sorry. Y-Yun lang ba gagawin natin?" Muli kong tanong sa kanya.

 

Tiningnan niya pa ako saka dahan-dahang tumango.

 

"Oo. Naisip namin ni Gi na wag masyado jam-packed at more on spontaneous lang yung gagawin for today,"

 

"Hmm.. sige sige. Mamaya pa naman tayo diba? Balik muna ako sa room," Paalam ko. After lunch pa naman kasi yung banana boat ride na pina-schedule nila ni Giselle.

 

"Okay, samahan kita?"

 

Mabilis akong umiling. "Wag na. Hintayin mo jowa mo rito,"

 

"Sige, sure ka ha? Puntahan ka namin mamaya bago mag-lunch para sabay sabay na tayo,"

 

Tumango lang ako saka tumayo.

 

Maghahanap ako ng lugar kung saan kami pupwedeng mag-usap ni Karina.



 

Malayo layo na rin ang nilakad ko mula sa cottage. Nagbabakasakali kasi ako na may madadaanan akong lugar na medyo pribado kung saan kami pupwedeng mag-usap ni Karina.

 

Yung pribado pero somewhat ay kita pa rin sa publiko. Kailangan ‘yun para makapag-usap kami ng maayos.

 

Marami akong gustong itanong sa kanya.

 

Una ay kung ano siya.

 

Magkatulad ba kami? Ano ang alam niya?

 

Alam ba niya kung paano tapusin ito?

 

Nanatili ang tanong na iyon sa utak ko.

 

Alam kong sinabi ko na kay Ningning na may plano na ako. Na nakita ko na ang tamang paraan para mawala at siguradong hindi na makakabalik pa.

 

Pero syempre, hindi ko pa naman kasi ‘yon nasusubukan. Kaya nandoon pa rin yung maliit na tsansa na hindi ito umubra, at muli ay magising na naman ako.

 

Kung ano man ang dahilan bakit ko nakilala si Karina 50 years ago, at ngayon na muli ay nagkita kami, na sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nasa parehas na estado at itsura, sigurado akong may dahilan ito.

 

Muli kong iginala ang paningin, hanggang sa makita ko ang isang kainan sa may gilid lang ng isang parang maliit na motel. Agad akong lumapit roon.

 

Pagkatapak ko pa lang sa hagdan paakyat ay may lumapit na kaagad sa aking staff.

 

“Good Morning po Ma’am!” Nakangiti nitong bati.

 

Ngumiti ako pabalik. “Good Morning. Mag-iinquire lang ako. ‘Yung mga kubo sa gilid, was it part of the establishment? Or iba ang may may-ari ‘non?”

 

Tumingin naman ang staff sa iminuwestra kong kubo sa may pinakagilid ng kainan. Malayo ang posisyon nito sa mga tao, at may malaking puno pa sa tabi nito. Saktong-sakto sa kailangan namin ni Karina.

 

Tago, at hindi kami maririnig, ngunit makikita kami ng mga tao kung may dadaan man o sadyang sisilip sa pwesto namin.

 

“Ah! Sa totoo lang po ay extension po ‘yan ng restaurant, kaso ay hindi pa po tapos, since ilang kubo pa lang po ang naitatayo,” Magalang naman na sagot ng staff.

 

“Pero pwede na ba siya magamit? Dalawa lang naman kami ng kausap ko, we just need something private, that’s why,” I quipped. Mukha namang safe yung kubo. Sana pumayag.

 

Saglit namang nag-isip ang staff. “Upo muna kayo Ma’am, papuntahin ko lang po ang manager namin rito, mas mabuti po siguro na kayo ang mag-usap,”

 

Tumango naman ako saka umupo sa isang bakanteng mesa. Marami-rami na rin ang mga taong kumakain sa may bandang loob ng kainan.

 

Sana talaga ay pumayag sila. Andaming tanong sa utak ko, at alam kong si Jimin lang ang makakasagot ng mga ito.

 

Maya-maya ay isang may edad nang babae ang lumapit sa akin.

 

“Good Morning po,” Maagap kong bati sa matanda nang umupo ito sa harap ko.

 

“Good Morning rin, pasensya ka na at natagalan,” Umiling ako, saka pinagmasdan ang matandang babae.

 

Mukhang ito ang may-ari ng kainan.

 

“Okay lang po, nasabi na po ba ng staff ninyo yung sadya ko?”

 

Tumango naman ang matanda. “Wala namang problema, kaso ay wala pang ilaw at maayos na mga saksakan ang kubo. Ano ba ang gagawin niyo ng kasama mo? Kakain lang ba kayo?”

 

Tumango ako. “Opo, saka, may pag-uusapan ho kasi kaming importante. Wala naman pong problema sa saksakan, hindi naman po kami magtatagal. Yung ilaw na lang po siguro?”

 

“Sige, pakakabitan ko ngayon din. Anong

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thelost_soul
may isa akong sinusulat na pinakalast ko siguro na entry dito? kasi I don't think makakasulat pa ako after this sem :(( ayaw ko lang mag-iwan ng false hopes kaya sinasabi ko na para sa mga nag-aabang ng part 2s ng mga fave one shots nila :(

thank you lagi sa lahat ng nagbabasa at nag-cocomment!!

Comments

You must be logged in to comment
nabs_infp
#1
Chapter 20: lahat talaga ng andito, sobrang ganda. Walang patapon 🥹
nabs_infp
#2
Chapter 4: T_T Kanina pa talaga ako kilig na kilig
clang2
#3
Chapter 25: always here for your stories 💕
kwinterrr_
#4
Chapter 25: 🥺
Hiccups_ #5
Chapter 25: It's been a while but ouch
All_Rait13
#6
Chapter 24: OLFU QC to ah
purplejoch
#7
Chapter 25: nooo, ansakit sakit sa puso 😩 pero grabe lang yung radikal na pag mamahal ni winter kay karina, sana maalala niya na si winter 🥹

salamat sa pag update author nim, fighting sa studies 🤍✨
infp23
#8
Chapter 4: Aaaaaaaaaaah so sweeeeeeeet🥹🥰😍
infp23
#9
Chapter 1: Aaaaaa b10 🥺
renrenee
#10
Chapter 25: awwwww i missed your stories huhu i really love them!! thank for still trying to update <33 best luck this sem, otor!