unsend 2

jiminjeong cross
Please Subscribe to read the full chapter

Karina’s POV


 

I think the first time I really noticed her was when she looked at me after my valedictory speech nung highschool.

 

Familiar face na siya sa akin, but I think I keep on forgetting kasi hindi naman kami masyadong nag-uusap.

 

Lagi ko siyang nahuhuli na nakatitig sakin though.

 

I think I remembered her face that day kasi even though we are not basically friends, yung pagka-proud ng mukha niya that day.. I find it sincere and genuine.

 

Kadalasan diba academic rivals will give each other glares, lalo na yung mga pumangalawa lang, maybe because of envy? Hatred? Ewan.

 

But us.. it’s completely different.

 

Hindi ko siya academic rival.. I never saw her as one.

 

Ewan ko lang sa kanya. Hindi niya kasi ako kinakausap.

 

Pero hindi niya rin naman ako sinasamaan ng tingin or what.

 

She just simply ignores my existence.

 

Kaya I was really intrigued nung nakita ko yung look sa mukha niya after I finished my speech.

 

Gusto kong malaman kung ano ang tumatakbo sa isip niya.

 

Gusto kong malaman what she thinks.. about me.

 

Winter Kim.. what’s your deal?




 

“Karina.. I really like you. Nung una kitang makita sa orientation, you knocked my breath away, please, try mo lang.. go out on a date with me?”

 

Nafufrustrate ako.

 

Jeno is a good guy. I think?

 

Kaso.. ang kulit kulit niya!

 

What’s with men and their inability to understand the simple meaning of ‘no’?

 

“Jeno.. I..”

 

“Please? Karina?”

 

Sumasakit na ang ulo ko, umaga pa lang.

 

Nagsisimula na akong mainis.

 

“Jeno.. no. I’m sorry. I’m not interested.” Sabi ko ng may diin. Sana naman maintindihan na niya.

 

“I can prove my worth, Karina, I promise. Hindi ko sasayangin ang oras mo. I swear. Just give me a chance, okay?” Nagsusumamo na ang mukha niya.

 

“Jeno, I’m sorry talaga. Uhm, I need to go.”

 

Hindi ko na pinakinggan pa ang mga susunod dapat niyang sasabihin. Mukhang may plano pa siyang lumuhod.

 

Buti na lang wala na kaming klase mamaya. Ayaw ko muna siyang makita.

 

Now.. where to go?


 

I decided na mag-canteen, baka pwede akong sumabay kay Giselle. Mag-sit in na lang kayo ako?

 

I roamed my eyes all over the canteen, pero mukhang wala sila ni Winter.

 

Should I just go to their classroom?


 

Pagkarating ko sa room nila, I found Winter sitting at the back, alone, hunched in her phone.

 

Why does her face look so conflicted?

 

Is she okay?

 

When I tried striking a conversation with her, I noticed her eyes flickering in the door, na para bang gusto niyang lumabas muna, or maybe she’s waiting for Giselle?

 

Or is she just uncomfortable with me?

 

"U-Uh.. n-nakakasawa na pagkain dun.."

I smiled upon hearing her small voice.

 

She’s just.. so cute.

 

Ang liit liit niya. Parang ang sarap lang niyang yakapin.

 

Like, mapayat, and yung bob ng buhok niya.

 

She looks so small and cute.

 

Parang ang sarap niyang alagaan.


 

I really wanted to talk to her pa, kaso mukhang uncomfortable siya kausapin ako.

 

Was it because she thought I forgot her?


 

Gusto ko pa sana magpaliwanag, kaso dumating naman si Giselle.

 

I saw how she interacted with Giselle.. and I can feel something stir in my chest.

 

Bakit hindi siya ganun makipag-usap sakin?


 

I smiled when she wiped Giselle’s utensils with tissue saka binigay ito.

 

She’s so sweet.

 

Nagulat ako ng inalok niya akong kumain.

 

I felt something warm flowing from my hand to my chest noong inabot ko mula sa kanya yung stick.


 

Gusto kong sapukin yung sarili ko.

 

Why did I only talk to her now?






 

“Hope you didn’t find Winter weird,” Sabi ni Giselle habang kinakain ang shawarma na binili niya.

 

Nasa food court kami ng mall ngayon. Kakatapos lang namin mag-ikot ikot.

 

“She’s not,”

 

Nakita kong umirap si Giselle. “Asus, wag mo na siya pagtakpan. Winter’s awkward, alam na ng lahat yan,”

 

Natawa naman ako. “She’s not if she’s with you though,”

 

“Eh kasi, I’m her bestfriend,” Diin ni Giselle.


 

Oh..


 

“Yep, bestfriend.” Ulit pa ni Giselle habang nakatingin sakin.

 

Bakit?

 

“What?” Tanong ko.

 

Umiling lang si Giselle at nagpatuloy na kumain. Tumusok rin ako ng isa pang siomai sa binili ko saka kinain.

 

Nabitin kasi ako kanina.



 

“Alam mo.. Winter’s really cool kapag naging ka-close mo na siya.” Kwento ni Giselle out of nowhere.

 

Lumapit naman ako lalo sa kanya, eager to hear more.

 

Nakita kong tumaas ang kilay ni Giselle pero hindi ko na lang pinansin.

 

Ano naman kung interesado akong makilala pa si Winter?

 

She’s a sweet friend.

 

I want to be her friend.


 

“Para kang may nanay at alagain in one. Minsan may tuta ka pa,” Natatawang tuloy ni Giselle.

 

I remembered Winter’s face kanina noong kausap niya si Giselle. Para siyang maltese kapag nakasimangot siya.

 

Hindi pa nakatulong yung bob haircut niya.

 

I think she’ll look super cute kapag nagpout siya.

 

I smiled at the thought.

 

Winter’s really cute.


 

Hindi ko namalayan na nanahimik na si Giselle at nakatingin na lang sa akin.

 

“W-What? Continue,”

 

“Winter’s really cute ‘no?”

 

Tumango naman ako agad.

 

Totoo naman kasi.

 

Nakita ko pang tiningnan pa ako ni Giselle bago siya nagsalita ulit.

 

“I heard Jeno asked you out?”

 

Nagulat naman ako at napatingin sa kanya. Kalat agad?

 

“Ah.. yeah.” Napakamot na lang ako sa ulo. I don’t really want to talk about it, naiinis lang ako.

 

“Seems like you’re not happy about it,”

 

Napalakas ata ang buntong hininga ko, kasi natawa si Giselle.

 

“Boys and their audacity..”

 

“Hindi talaga sapat sa kanila yung simpleng hindi,”

 

“If you don’t mind me asking.. why?” Curious na tanong ni Giselle.

 

“Bakit ayaw ko kay Jeno?”

 

“Yeah? He’s a pretty decent guy.. may itsura din? Pero gets ko rin naman if you don’t wanna settle for less,” Nakangisi na sabi ni Giselle.

 

Bakit nga ba?

 

Hindi ko rin alam.

 

“We were talking about Winter kanina.. bakit napunta tayo kay Jeno?”

 

Nakita kong nanliit ang mata ni Giselle sa akin. But her small smile remained.

 

I find Winter more interesting to talk about.. please lang.

 

Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko kaya naman kinuha ko ito mula sa bulsa ko.


 

 

 

: Mom

 

Karina, go straight home after your class.

 

 

 

 

I felt something heavy in my chest.


 

“Kailangan mo na umuwi?”

 

Napatingin naman ako kay Giselle. “Yeah.. sorry we couldn’t have dinner,”

 

“No worries. Tara na?”

 

Sabay kaming tumayo saka naghiwalay pagkalabas ng mall.



 

Ang sakit ng ulo ko.

 

Di na nga maganda ang simula kanina because of Jeno, tapos..

 

Hindi ko talaga maintindihan why can’t just my mom stay still?

 

Hindi ba siya nahihiya sa akin?

 

Sa loob ng anim na buwan, hindi ko na mabilang ang pinapakilala niya sa aking lalake.

 

I hate it.

 

But every time I see how happy she is with them, I can’t help but shut my mouth.

 

As long as she’s happy, I guess.

 

Mababait naman yung mga pinapakilala niya.. they’re good to my mom, and me.

 

I don’t know.

 

I guess I was never comfortable with men.

 

Hindi rin nakatulong na I never had a male figure around as I grow up.

 

It’s just me and my mom.

 

‘Yun ba ang dahilan bakit hindi ko mapagbigyan si Jeno?

 

Or yung mga lalaking araw-araw na nag-aabot ng kung ano-anong abubot sa akin?

 

Ewan, basta..hindi ako interesado.

 

Hindi ako interesado sa kanila.


 

Nakatulala lang ako sa kisame.

 

Winter’s face suddenly flashed in my mind.

 

Her gummy smile while talking to Giselle kanina.

 

Was she that cute and pretty noong highschool kami?

 

I find it hard to believe na hindi siya pansinin kung ganon.

 

Or the people are just too blind to see her beauty?

 

Naputol ang pagmumuni-muni ko ng nagnotif ang phone ko.

 

 

 

: Joy

 

Sis, may number ka pa ba ni Seul?

 

 


 

Napangiti ako. Ang arte naman kasi nitong kaibigan ko. Napakapakipot.

 

Tumayo ako at hinanap sa drawer ko ang luma kong sim. Sana lang hindi pa ‘to tuluyang nasira.


 

Ipinasok ko siya sa phone at hinintay itong matapos sa set up.

 

Kukunin ko lang yung number ni Ate Seulgi. Siguro yung ibang numbers din?


 

Nakatitig lang ako sa screen at naghihintay nang bigla na lang tumunog ng sunod sunod ang phone ko.

 

Huh? I checked the incoming messages and it came from SIM1, my other sim card. The one I thought na sira na.

 

Akala ko hindi na ‘to gumagana?

 

Hinintay ko matapos ang pagtunog, saka ito binuksan isa-isa.



 

 

 

: 09123456789

 

Hi, Karina! Good Morning! :)

 

 


 

 

 

: 09123456789

 

Hi, Karina.

I don't know.. if, kilala mo ako? Well, kung hindi pa, it's Winter. Friend ako ni Giselle, yung kaklase mo sa Philo. Uhm.. well hindi mo naman 'to mababasa, so I'll just straight up say na gusto kita. Hehe ang weird ba? Ewan ko kung natatandaan mo pero we're sort of childhood? Friends. Actually.. hindi ata friends kasi hindi naman kita natry kausapin noon. Childhood acquaintance siguro? If that's a thing. Kapitbahay namin kayo, tapos nag-aral tayo sa iisang highschool. Naging magkaklase tayo nung 4th year, ikaw pa nga ang president ng klase. Ang galing galing mo, alam mo yun? Pumasa yung batch natin at lahat nagmoving up on time kasi walang palya yung study sessions mo para sa mga behind sa klase. Tapos first time din yun na yung batch natin ang nanalo sa annual dance competition ng sections sa school natin. Ang galing mong mag-lead. Ang ewan ko lang kasi iisang direksyon yung inuuwian natin pero never kita tinry kausapin. Nahihiya kasi ako hahaha. Pero gusto ko lang sabihin na sobra akong proud sayo lalo na nung tumayo ka sa podium to do your valedictory speech. Kahit na nasa iisang stage tayo at magkasunod na nagsalita, nakakatawa lang dahil hindi talaga tayo nagkaroon ng time to actually talk. Sa totoo lang, andami kong pagkakataon para iapproach ka. Kaso.. ewan ko ba hahaha hindi ko kaya. Tingnan mo ngayon, I'm even confessing here.

 

I just can't really understand what I feel for you, Karina. Sobrang intense, nakakatakot. Pero yun yung klase ng nakakatakot na gusto kong maranasan? Maramdaman? Ganun. Duwag lang talaga ako hahaha.

 

You looked really good today. Bagay sayo ang blue color.

 

 

 

 

 

: 09123456789

 

Kumain ka na ba?

 

Balita ko ngayon ka yayayain ni Jeno. Alam mo, okay naman siya. Mabait din naman, mahilig mangopya pero at least hindi nambubuyo. Maingay din, pero kapag maingay din si Haechan. Madalas naman ay tahimik lang siya. Tingin ko cool siya.

 

Bagay kayo.

 

Wag mo muna siya sagutin ha? Pakipot ka muna onti hahaha. I hope he treats you well.

 

 

 

The last message was sent kaninang tanghali lang.

Hindi ko maintindihan kung bakit sobra na lang ang tibok ng puso ko.

 

Muling tumunog ang phone ko.

 

 

: 09123456789

 

Hi. Kinausap mo ako today.

 

Ang weird ng nararamdaman ko. Halo-halo, may kilig, panghihinayang, lungkot, saya, at isa pang pakiramdam na hindi ko mawari.

 

Bakit ka ganon? Kung kailan sinusubukan ko ng mag-move on sayo, saka ka lumalapit? Again, hindi kita sinisisi. Genuinely curious lang. Universe, ano ba talagang pinapahiwatig mo?

 

Mukhang legit na nainis si Giselle sa kabobohan ko. Wag siyang ano diyan. Ako din naman naiinis sa sarili ko. Sobrang duwag ko talaga.

 

Kamusta pala yung naging lakad niyo ni Jeno? Niyaya ka ba niya ng dinner? Kaya ba umuwi si Giselle galing mall nang hindi pa kumakain? Yun ba dahilan bakit ka nagmamadali?

 

Sana nag-enjoy ka sa date niyo, alam mo, bagay talaga kayo. Hindi yun sarcasm ha. Sincere 'yon. Nakita ko si Jeno kanina na tinulungan si Ma'am Irene buhatin yung mga papers namin. Inspired na inspired siguro siya.

 

Ang ganda ganda mo kanina, kaya siguro nagmalfunction ako hahahaha.

 

See you tomorrow?

 

 


 

Magmomove-on?

Bakit?

 

Akala ko ba.. gusto niya ako?

 

Why is she pushing me to Jeno?

Gusto niya ako.. right?

 

Binitawan ko ang phone at muling tumulala sa kisame.

Mamaya ko na gagawin yung hinihingi ni Joy.

 

Why does my heart hurt so much on the thought of Winter giving up on me?



 

-----


 

I think the first time I really noticed her was when she looked at me after my valedictory speech nung highschool.

 

I was contemplating paano ko siya babatiin, since she also received an award.

 

Hindi naman siya nagsusungit sa akin, but she never tried to talk to me either.

 

Nasanay ako na yung iba ang mismong lumalapit sa akin, if they ever wanted to talk to me. Madalang lang yung ako mismo nag-aapproach.

 

With her, I want to be the first one to make a move.

 

Kaso lagi na lang akong nawawalan ng lakas ng loob kapag malapit na siya.

 

Do I find her intimidating?

 

Hindi ko alam.

 

But I find myself really nervous kapag nasa paligid na siya.

 

I feel really bad kasi nasayang yung taon namin sa highschool na wala akong nababanggit sa kanya na kahit ano.

 

Siyempre hindi counted yung mga convo namin sa classroom as classmates.

 

She sounded so stiff and off kapag ako ang kausap niya, but then again, I feel no ill feelings mula sa kanya.

 

Para lang talaga akong alikabok na pinipili niyang wag pansinin.

 

Ever since the graduation from highschool, I started unconsciously looking for her name every time na pumapasa ako sa mga pinag-examan kong school for college.

 

I know it’s like looking for a needle in a haystack, pero hindi ko kasi alam paano siya makikita.

 

Bakit gusto ko siyang makita?

 

Hindi ko rin alam.

 

All I know is I want to get to know her.


 

Nag-start na ang pasok ko sa university, and I didn’t saw her name sa kahit anong list.

 

Tatlong taon pa ang dumaan at hindi ko na alam kung ano ang inaasahan ko.

 

I just really want to see her again.

 

So imagine my shock noong makita ko siya na kasama ng seatmate ko once sa canteen ng university.

 

It almost felt like a dream, seeing her there.

 

I was so sure na siya yun.

 

I vowed to never forget her face again. I know it’s her.


 

When I saw her face sa malapitan, I swear my breathing stopped.

 

That familiar gnawing feeling in my chest came back.

 

I was nervous.

 

Tumatawa siya habang kausap ang kaklase ko sa Philosophy na si.. Giselle?


 

I missed seeing her.

 

I swore to myself na I would talk to her the moment I see her again.



 

Why am I feeling like this?


 

Do I..


 

Do I like her?


 

I want her to be my friend, that I am sure of.


 

But do I like, like her?


 

-----

 

“Karina anak.. hindi ka ba papasok?”

 

Tiningnan ko si Mama na nakasilip sa may pintuan ko.

I was just starting to doze off.

I’m awake the whole night, just thinking.

 

“Hindi muna, Ma,”

Tumango lang si Mama. She never really bothered as long as I do well sa school.

 

I need time.

 

 

 

: winter

 

Hindi kita nakita ngayong araw. Nasaan ka?

 

Alam mo, namiss ata kita?

 

Ata ha, di pa ako sure.

 

May problema ka ba? Okay ka lang?

 

Nahihiya kasi akong tanungin si Giselle kung nag-text ka ba. Aasarin na naman ako nun.

 

Alam mo ba, may bagong salta kanina sa canteen. The girl in red daw hahaha. Red kasi yung buhok.

 

Papasok ka ba bukas?

 

See you tomorrow.

 

 

 

I kind of missed you too, Wint

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thelost_soul
may isa akong sinusulat na pinakalast ko siguro na entry dito? kasi I don't think makakasulat pa ako after this sem :(( ayaw ko lang mag-iwan ng false hopes kaya sinasabi ko na para sa mga nag-aabang ng part 2s ng mga fave one shots nila :(

thank you lagi sa lahat ng nagbabasa at nag-cocomment!!

Comments

You must be logged in to comment
nabs_infp
#1
Chapter 20: lahat talaga ng andito, sobrang ganda. Walang patapon 🥹
nabs_infp
#2
Chapter 4: T_T Kanina pa talaga ako kilig na kilig
clang2
#3
Chapter 25: always here for your stories 💕
kwinterrr_
#4
Chapter 25: 🥺
Hiccups_ #5
Chapter 25: It's been a while but ouch
All_Rait13
#6
Chapter 24: OLFU QC to ah
purplejoch
#7
Chapter 25: nooo, ansakit sakit sa puso 😩 pero grabe lang yung radikal na pag mamahal ni winter kay karina, sana maalala niya na si winter 🥹

salamat sa pag update author nim, fighting sa studies 🤍✨
infp23
#8
Chapter 4: Aaaaaaaaaaah so sweeeeeeeet🥹🥰😍
infp23
#9
Chapter 1: Aaaaaa b10 🥺
renrenee
#10
Chapter 25: awwwww i missed your stories huhu i really love them!! thank for still trying to update <33 best luck this sem, otor!