Chapter 17

All This Time

 

Ummandar na ang bus na sinasakyan nila madami na rin ang napagkwentohan nilang dalawa tungkol sa mga buhay nila. Nalaman din ni Kim na hiwalay na din pala ang mga magulang ni Gerald. At sa mommy na lang niya ngayon at siya ang magkasama, pero meron isang parte ng buhay ni Gerald na hindi pa niya masabi kay Kim.

Huminto ang bus malapit sa isang beach at nakita iyon ni Gerald.

“Ganda naman ng beach na yan. Parang nakapunta na ako diyan, pero baka iba yung pinuntahan namin.” Nakatingin sila ni Kim sa may bintana, tinitignan ang kulay asul na dagat. Hindi na matandaan ni Gerald dahil nag-iba na ang itsura ng beach, simula ng ipina-renovate ng bagong may-ari.

“Talaga? Kelan? Alam mo nung bata pa ako, parati kami diyan. Every weekend, pumupunta kami diyan.” Malungkot na sabi ni Kim, naalala niya ang mga masayang pangyayari nung time na hindi pa sila iniwan ng kanilang mommy.

“Oo, parang malapit sa akin itong beach. Pagbalik ko dito, punta tayo diyan ha.” Sabay sabi nit okay Kim, habang hinawi ang buhok ni Kim.

“Kailan ka ba babalik dito?” paglalambing ni Kim.

“Hindi ko pa alam, pero sure ako babalik ako dito. Ok?” Sabay kiss sa noo ni Kim.

Tumango naman si Kim habang naka-ngiti sinandal niya muli ang kanyang ulo sa dibdib ni Gerald. Isang oras na lang at marating na nila ang bayan ni Kim.

Napa-isip naman si Gerald tungkol doon sa sinabi ni Kim. Nakatulog na rin itong nakasandal ang kanyang ulo sa ulo ni Kim.

Pagkalipas ng isang oras ay dumating na sila sa bayan ni Kim. Bumaba sila at dumiretso na sa terminal ng mga trisekel. Ng dumating sila sa bahay, unang nakita ni Kim ang kanyang kuya William. Nakasunog lang si Gerald sa likod ni Kim.

“Kuya.” Bati ni Kim. Si Gerald ay nakatayo lang sa likod ni Kim.

“Oh, kimpot nandito ka na pala. Teka, sino yan kasama mo?” Nagulat ito ng biglang maalala ni William ang mukha ni Gerald. “Gerald? Gerald Anderson? Ikaw bay an?” sabay kapkap kay Gerald na para bang multo ito.

“Bro.” Bati ni Gerald kay William.

“Pasok-pasok.” Pag-aya ni William kay Gerald. “So, hindi ka lang pala sa panaginip na boyfriend ni Kimpot?” Panunukso niya ito.

“Kuya?” Mabilis na sagot ni Kim. “Ge, wag mong pansinin ang mga sinasabi niya. Upo ka muna dito ha. Ano gusto mong kainin?” Tanong ni Kim kay Gerald.

Nakangiti lang ito, “Kahit ano lang.” Sagot niya.

“Kuya, bili ka muna merienda, sige na.” Utos ni Kim sa kanyang kuya.

“Sige, babalik ako. Teka? Kelan ka uuwi bro?” Lumingon it okay Gerald.

“Ah, uuwi din ako kaagad. Hinatid ko lang si Kim.” Mabilis na sagot ni Gerald.

“Kuya, bilis na.” Utos nitong muli sa kanyang kuya.

“Eto na.” Muli ito lumingon kay Gerald. “BUkas ka na umuwi, inuman muna tayo dito. Sasabihin ko sa mga kaibigan ko na nandito ka bahay naming.” Pagmamayabang ni William.

“Kuya, pwede ba wag mo isama si Gerald sa mga kalokohan mo.” Galit na sabi ni Kim.

“Ito naman, basta Ge ako bahala sa’yo.” Sabay alis ni William.

Nakatayo si Kim sa may pintuan nila ng lumapit si Gerald. “Paano nga kung bukas na lang ako umuwi.” Sabay lagay ng kanyang kamay sa bewang ni Kim.

“Ha? Hindi pwede pagagalitan ka ng coach mo. Tsaka ayoko umiinom ka kasama ang kuya ko at mga kabarkada niya.” Inis na sabi ni Kim kay Gerald.

“Sige na.” Paglalambing ni Gerald. “Ngayon lang promise, tsaka hindi ako iinom ng marami. Gusto mo isama pa naming papa mo.”

“Mas lalong hindi ako papaya na isama niyo ang papa. Ah basta.” Sabay alis ni Kim “Diyan ka na muna, hahanapin ko lang si Papa.

“Kimmmm.” Naiwan si Gerald na nakatayo sa pinto kaya bumalik ito sa upuan.

Lumakad si Kim papunta sa kwarto ng kanyang papa. Nagulat ito ng buksan niya ang pinto. Nakita niya ang kanyang papa na nakahiga na may kasamang ibang babae. Biglang nanikip ang kanyang dibdib at tumulo na lang ang kanyang luha. Isinara na lang niya ang pinto at pumunta sa kanyang kwarto. Hindi niya alam kung paano niya ipapakilala ang kanyang pamilya kay Gerald. Ikinahihiya niya ang kanyang papa.

Dumating naman si William, kasama ang mga kabarkada nito at si Gerald lang ang nakita nitong naka-upo sa sala.

“Oh, nasaan si Kimpot?” Tanong ni William kay Gerald. Hindi naman makapanila ang mga kaibigan nito na nandun nga si Gerald sa kanialng bahay.

“Ah, pinuntahan lang niya ang papa mo.” Sagot naman ni Gerald.

“Ah, Gerald mga kaibigan ko nga pala. Idol ka ng mga yan, kaya dinala ko dito. Ayaw maniwal sa akin eh. Oh, kita niyo na? Sabi ko sa inyo eh.” Pagmamayabang ni William.

“Idol, pa autograph naman.” Sabin g isang lalaki.

“Ako din.” Dugtong na isa.

“Idol, akin na lang yang sombrero mo.” Sabi ng isa.

“Psssst. Uunahan mo pa ako, sa akin niya ibibigay yan ako ang kapatid ng girlfriend niya eh. Diba bro.”

Tumango na lang si Gerald. Hindi naman alam ni Gerald ang kanyang gagawin. Palingon-lingon ito dahil hinahanap niya si Kim.

“Ge, tara na sa labas.” Yaya ni William sa kanya.

“Ha? Eh, kayo na lang. Baka kasi magalit si Kim. Bibilhan ko na lang kayo ng maiinom.”

“Ako bahala kay Kimpot. Tara na.” Pangungulit ni William.

“Sorry talaga, mahirap na. Ito pambili niyo ng maiinom.” Sabay abot ng pera kay William.

‘”Ikaw ang bahala, sige labas na kami.” Nauna ng umalis ang kanyang mga kaibigan ng bumalik it okay Gerald. “Alam mo, gusto kita para sa kapatid ko. Siyempre, sino ba naman hindi Gerald Anderson ka. Pero payo ko lang sa’yo pag-igihan mo ang panliligaw, may first love nay an si Kimpot at hanggang ngayon hindi niya pa rin nakakalimutan. Ok? Alam mo ba yung patience is a virtue?”

Tumango naman si Gerald. Naging seryoso ang kanyang mukha.

“Yun!” Sabay tapik sa balikat ni Gerald at umalis na.

Naiwan si Gerald na naka-upo sa sala, nag-iisip tungkol sa sinabi ni William sa kanya. Kung sino man ang first love nay un, buburahin ko ang alala niya kay Kim. I will never give up on you Kim.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
pink_sapphire #1
Chapter 23: pordalab..pls. update..gsto q kasing malaman kng anu ang magiging reaksyon nilang dalawa lalong lalo na c kim kng magkita na cla ni rj..
:):)
TheArvie99 #2
Chapter 23: pordalab ... please update ... thank you :)
buang03 #3
Prdalab? Please update ka na! :))
teddibear #4
Hellooo :) please update!! Nakakamiss eh :")
jrc_teens #5
waaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh!!!!!!!! more upd8s plss...!!! :) can'y w9 for the hmmmmmmmmmmmmmmmm :D
KG4life #6
thanks sa updates :) kinikilig ako kay mr. jealous and ms. jealous =)) sana may mangyaring nakakakilig sa boracay ;)
lucelle #7
thanks for the update!! :)) sana update ka na ulit. waaaaaa. thanks.. FTW!!
teddibear #8
Yaaaayy!!! You updated!!! :D thank you muchooooo!!! Hehe. Kilig naman itong si mr and ms jealous <3
angel_fire06 #9
waaaahhhhhh...pasigawwww nmn!!!glad to see an update!!i just love the Ms. Jealous and Mr. Jealous portion..hahaha...more updates please ;))
teddibear #10
Adik na ako. I keep checking AFF Kung meron na bang update. I hope you update very soon. Miss ko na update mo eh :")