Chapter 15

All This Time

 

Hindi naman alam ni Kim kung saan sila kakain ni Gerald, mas lalo na si Gerald dahil hindi niya kabisado ang lugar na ito. Hanap sila ng hanap ng makakakainan ng may nakita silang 24/7 na maliit na restaurant. Hindi gaano sosyal ang lugar, kaya nahihiya si Kim dahil baka hindi kumakain si Gerald sa mga ganoong kainan.

Naka-upo na sila sa isang mesa sa sulok ng nilapitan sila ng waitress. Hindi na tinanggal ni Gerald ang kanyang cap dahil baka may makakilala ulit sa kanya. Binigay kaagad ng waitress ang menu at iniwan na niya ang dalawa.

Halos mga native foods ang naroon sa menu, kaya nag-aalala si Kim. “Ah, Ge? Gusto mo lumipat na lang tayo?”

“Ha? Bakit? Ayaw mo ba dito?” Nagtatakang tanong ni Gerald.

“Ah, hindi baka lang kasi hindi mo gusto yung mga pagkain.” Sagot naman niya.

“Ah, hindi gusto konga matikaman mga ganitong pagkain.”

Si Kim na ang pumili ng makakain nila. Tatlong rice, isa kay Kim dalawa naman kay Gerald. Isang bowl ng sinigang na isda, isang platitong dilis na may ksama pang kamatis at dalawang itlog na pula. Nang madala na ng waitress ang kanilang inorder, nagulat si Gerald sa maliit na isda.

Tinignan niya ito, “Makakain ba to? Mukhang malaki pa yung mga isda naming sa aquarium ah.” Nagtataka talaga ito.

Natatawa nama si Kim kay Gerald, halatang ngayon lang nakakakita ng ganoong pagkain. “Oo, nakakain yan. Ito tikman mo.” Sabay kuha ng isa at sinubo ka Gerald. Hindi pa sana iyon kakain ni Gerald pero wala itong nagawa. Nagulat ito, “Oo nga no, masarap.” Habang nginunguya ang dilis.

“Sabi ko sa’yo eh. Sige kain ka na.” Nakangiti nitong sabi.

Gutom nga si Gerald, dahil kahit ganoon lang ang ulam ay naubos pa rin nito. Pagkatapos nilang kumain ay nagbayad na si Gerald. Nagulat ito dahil hindi kalakihan ang kanyang binayaran. Pagkatapos magbayad ay lumabas na sila sa restaurant.

“Ah, Kim babalik ka nab a ng hospital?” Parang malungkot ito.

“Ah, oo sana. Para makapagpahinga na rin sila nanay Elena.” Sagot nito, pero nahalata niyang malungkot si Gerald. “Ah, bakit?”

“Wala naman, kasi baka gusto mong lumakad-lakad muna. Pero sige, hatid na lang kita sa hospital. Baka kasi kailangan ka din dun.”

Napa-isip naman si Kim. “Ah, sige ok lang itetext ko na lang si mafriend.” Nakatingin ito kay Gerald habang nakatingin sa kanya.

“Talaga? Sure ka ha. Sige, iwan na muna natin yung sasakyan diyan.”

“Sige.”

Habang naglalakad kung ano-ano ang napagkukwentohan nilang dalawa. Getting-to-know-each-other stage under the moon. Romantic diba. Sabi ng isip ni Kim.

“Matagal nab a kayong magkaibigan ni Maja?” Tanong ni Gerald kay Kim.

“Oo, siguro 8 years na rin kaming magkaibigan. Since elementary kasi magkaklase na kami.”

“Ah ganun ba? Ah, nasaan na nga pala family mo Kim?” Tanong niya ulit?

“Sa San Miguel talaga ako nakatira, pumunta lang ako dito kasi…” Hindi alam ni Kim kung itutuloy pa niya ang kanyang sasabihin kung bakit nandito siya ngayon sa lugar ni Maja.

“Kasi…?” Tumingin ito kay Kim, “kasi… manunuod ka ng game ko?”

Nahihiya man ay inamin din ni Kim. “Oo – ganun na nga.”

Ngumiti lang si Gerald sa sinabi ni Kim, napa-isip ito siguro ganun na lang ang paghanga ni Kim sa kanya pero ayaw niya mag take advantage dito. This time he’s willing to take it slow para maipakita kay Kim na sincere ang hangarin niya sa dalaga.

“Kung ganun uuwi ka na bukas?”

“Oo eh, kasi may trabaho pa kami sa lunes. Iisa lang din ang pinagtatrabauhan naming ni mafriend.” Sagot ni Kim.

“Mabuti naman para may bantay ako.” Bulong nito sa sarili.

“Ha? Ano sabi mo?” Nagtatakang tanong ni Kim dahil parang may narinig ito.

“Ah, wala. Sabi ko mabuti naman kung ganun.”

“Ok.” Hindi na rin pinilit ni Kim ang totoong sinabi ni Gerald. “Kayo? Uuwi na kayo bukas?”

“Oo, eh.” Malungkot na sagot ni Gerald. “May game pa kami this coming Tuesday.”

“Ah, oo nga pala.”

“Gusto mong manuod?” Hindi na rin napigilan ni Gerald na hayain si Kim.

“Ha? Hindi kasi ako pwede, Ge. May trabaho pa ako, tapos ang layo ng maynila. Thank you na lang sa offer.”

“Ok lang naiintindihan ko. Kailan kaya ulit tayo pwede magkita ulit?” Wala ng paligoy-ligoy si Gerald sa pagtatanong kay Kim. Lumalalim na ang gabi at gusto nito ay kahit maka 10% man lang siya kay Kim.

“Yun… ang hindi ko din alam. Bahala na.” Malungkot na sagot ni Kim. Kahit siya man ay nag-aalinlangan sa sagot. Gustuhin man niyang magkita sila araw araw ni Gerald, malayong mangyari ito. Ilang milya din ang pagitan nilang dalawa.

Hinawakan nito ang kamay ni Kim at pinaharap niya Kim sa kanya. “Wag kang mag-alala, hahanap ako ng paraan ha.” Naka-ngiti ito habang tumitingin sa mga mata ni Kim.

Hindi alam ni Kim kung ano ang nagawa niyang kabutihan kung bakit nangyayari ito ngayon sa kanya, para bang sa lahat ng paghihirapan niya sa pamilya niya ay nabaliwala dahil kay Gerald. Nakangiti rin itaong nakatingin sa mga mata ni Gerald. Pero nahiya ito at siya na ang unang bumitaw.

Nagsimula na silang maglakad ulit, ngunit hindi na binitiwan ni Gerald ang kamay ni Kim. Lumalakad sila ng makarating sila sa plaza. Kahit mag ala-una na ay madami pa rin ang tao sa plaza, merong perya sa kabila nito dahil fiesta sa siyudad. Mabuti na lang at naka-cap si Gerald kaya hindi siya masyado napapansin ng mga tao.

“Pagod ka na?” paglalambing na tanong ni Gerald kay Kim.

“Medyo. Pero ok lang.” Sagot naman ng niya.

Nakita ni Gerald ang swing sa tapat ng mini garden ng plaza kaya niyaya niya si Kim na maupo na muna. Pero bago sila pumunta sa swing, dumaan sila muna sa nagbebenta ng cotton candy at ice cream. Pagkatapos ay umupo na sila sa swing.

“Alam mo first time ko sa mga ganito.” Pag-amin ni Gerald.

“Totoo? Kung sa bagay, yung mga pinupuntahan mo kasi mga bar, mga gimikan na sosyal. Di ba?”

“Hindi naman sosyal.” Deny ni Gerald.

“Hindi daw. Siguro ang dami-dami mo ng nakikilala na magagandang babae doon no? Nagulat naman si Kim sa kanyang sinabi. Naku Kim, hinay-hinay lang. Baka halata ka na.

“Magagandang babae? Wala naman silang panama sa ganda ng kasama ko ngayon.” Naka-ngiti nitong sagot.

Mabuti na lang at medyo madilim kaya hindi kita ang pamumula ni Kim. Change topic. “Alam mo, hindi bagay sa’yo.”

“Ha? Alin ang hindi bagay?” pagtataka ni Gerald.

“Maging bolero.” Mabilis na sagot ni Kim.

Natawa naman ito sa sinagot ni Kim. “Hindi ako nambobola. Promise! Sobrang ganda mo talaga.” Nakaniti nitong sabi. This is it.

Hindi na alam ni Kim ang kanyang sasabihin sa mga pinagsasabi ni Gerald sa kanya, natameme na lang ito habang kumakain ng cotton candy. Kaya hindi na nagsayang ng oras si Gerald.

“Ikaw, siguro dami mo ng naging boyfriends? Or should I say ang dami mong manliligaw.”

“Boyfriend? Naku, wala sagabal lang yun sa trabaho. Tsaka pareho-pareho lang naman ang mga lalaki eh.”

Parang binagsakan ng malamig na tubig si Gerald sa sinabi ni Kim. Kim, ang aiming for 20% thistime, pero bumagsak ulit. “Bakit naman sagabal? Diba nga you’re more inspired to work if you’re inlove? And what do you mean na pare-pareho?”

Napa-isip naman si Kim sa sinabi ni Gerald. Naku, bakit ganun ang sinabi ko. Baka akala niya man hater ako. “Kasi, kayong mga lalaki, pagnagsawa na sa amin mga babae, iiwan niyo rin. Sasabihin niyo lang, please give me space. Ganun.”

“Pero hindi ako ganun.” Mabilis na depensa ni Gerald sa sarili.

“Hindi daw, siguro nga every month iba-iba girlfriends mo.” Pangungulit ni Kim..

“Aaminin ko ang dami kong naging… flings. And then I had 3 gf’s… I mean… ex.. Pero yung tatlo na yun sila lahat ang nakipag-break sa akin. Ay hindi, yung dalawa lang pala. Yung last, ako ang nakipag break.”

“Ha? Bakit?” Nagtatakang tanong ni Kim.

“I saw her sa mall, with some other guy. She told me na cousin daw niya, but in the end na paamin ko rin siya. Kaya ako na yung nagkipag-break. So, don’t tell me LAHAT ng lalaki nagsasawa.”

“Sorry, sige except you.” sabi ni Kim kay Gerald.

“Yun!” Nabuhayan ulit si Gerald ng lakas ng loob.

Tumunong naman ang cellphone ni Kim at dali-dali naman niyang kinuha yun sa kanyang bag. Tinignan niya ito at nakitang nag text sa kanya si Maja.

“Si mafriend, nagtext.” Sabi nit okay Gerald.

“Hala, baka hinahanap ka na nila.”

“Oo, parang ganun na nga.” Nahihiyang sagot ni Kim.

“Ah ganun ba, sige hatid na kita.” Tumayo ito at inabot ang kamay ni Kim para tulungan siyang tumayo.

“Salamat.”

“Ako nga ang dapat mag pa thank you sa’yo Kim. If you only knew, how happy I am. Thank you Kim, for coming into my life. Before, I wasn’t like this, but now na nakilala na kita I’m willingto change everything, I’m willing to gave up everything to be with you Kim.” Nakangiting sabi niya kay Kim.

“Thank you din, Ge. Sobrang saya ko din nanakilala kita, I mean… sa personal. Nakilala ko ang totoong ikaw. Thank you sa time, hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na ito. Kahit hindi man tayo magkita, atleast, meron pa rin alaala na maiiwan sa akin. Pero ayoko na you’ll gave up everything dahil sa akin, ayokong mangyari yun. Dahil kahit hindi kita nakilala ngayon, siguro habang buhay na ang support ko fo you.” Nakangiti rin it okay Gerald.

“I promise, Kim. Hindi ito ang huli nating pagkikita. Promise ko yan sa’yo. Ok? Trust me.”

Tumango si Kim sa sinabi ni Gerald. Pero nagulat ito ng yakapin siya ni Gerald. Hindi na rin niya napigilan ang yumakap dito. “I like you, Kim. I realy do. Sana you’ll gave me chance, para maipakita ko sa’yo yun. Kahit malayo tayo, I’ll do everything I can para lang mapada sa’yo na sincere ang nararamdaman ko.”

Tumango lang si Kim sa mga sinasabi ni Gerald sa kanya, ayaw niyang mag-expect na magiging ok ang lahat. Pero kung ano man yun, tadhana na lang ang bahala sa kanila ni Gerald. Alam niyang mahirap, pero kakayanin niya ang lahat, basta nandiyan lang si Gerald na lumalaban din para sa kanya.

Umalis silang hawak-hawak niya si bewang si Kim. Sumakay sila sa trisekel papunta doon sa restaurant na pinag-iwanan nila ng sasakyan. Pagkadating doon ay sumakay na sila sa sasakyan at hinatid na ni Gerald si Kim. Pero bago pa man bumama, ay hinalikan ni Kim si Gerald sa pisngi. “Thank you.” at agad-agad itong bumaba sa sasakyan. Hindi na napigilan ni Gerald si Kim, dahil natememe ito sa ginawa ni Kim. Pinaandar na lang niya ang sasakyan at nag drive na naka smile patungo sa hotel nila.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
pink_sapphire #1
Chapter 23: pordalab..pls. update..gsto q kasing malaman kng anu ang magiging reaksyon nilang dalawa lalong lalo na c kim kng magkita na cla ni rj..
:):)
TheArvie99 #2
Chapter 23: pordalab ... please update ... thank you :)
buang03 #3
Prdalab? Please update ka na! :))
teddibear #4
Hellooo :) please update!! Nakakamiss eh :")
jrc_teens #5
waaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh!!!!!!!! more upd8s plss...!!! :) can'y w9 for the hmmmmmmmmmmmmmmmm :D
KG4life #6
thanks sa updates :) kinikilig ako kay mr. jealous and ms. jealous =)) sana may mangyaring nakakakilig sa boracay ;)
lucelle #7
thanks for the update!! :)) sana update ka na ulit. waaaaaa. thanks.. FTW!!
teddibear #8
Yaaaayy!!! You updated!!! :D thank you muchooooo!!! Hehe. Kilig naman itong si mr and ms jealous <3
angel_fire06 #9
waaaahhhhhh...pasigawwww nmn!!!glad to see an update!!i just love the Ms. Jealous and Mr. Jealous portion..hahaha...more updates please ;))
teddibear #10
Adik na ako. I keep checking AFF Kung meron na bang update. I hope you update very soon. Miss ko na update mo eh :")