Chapter 3

All This Time

 

Hapon na ng makatapos sila sa pag encode ng mga papeles. Naghihintay na si Matteo sa labas para sunduin ang kanyang girlfriend na si Maja.

“Babe.” Sabay kiss ni Matteo sa pisngi ni Maja. “Hello, Kimmy.”

“Hello.” Tugon naman ni Kim. Matagal ng mag boyfriend sila Maja at Matteo. Since college pa sila. Nag tatrabaho si Matteo sa isang call center. Si Kim naman ay NBSB, marami nga ang nagtataka kung bakit hindi pa ito nagkaka-boyfriend eh maganda naman ito at matalino pa.

“Ano mafriend, ayaw mo ba talaga sumabay sa amin? Kakain lang tayo, tapos uuwi din.” Pag-aya ni Maja sa kaibigan. Monthsary kasi nila ni Matteo.

“Naku, hindi na. Tsaka monthsary niyo, makakasira lang ako sa moment.” Pagtanggi ni Kim.

“Mag boyfriend ka na kasi Kimmy, para naman may taga hatid sundo rin sa iyo.” Sabat ni Matteo.

 “Mafriend, alam mo ang daming nanliligaw sa’yo pero ni isa wala ka pang sinagot.”

“Mafriend, ang kulit kulit mo. Alam mo naman diba na hindi ko priority ngayon ang mag boyfriend? Sagabal lang yun, trabaho muna.” Depensa ni Kim sa sarili.

“Sagabal? Or baka naman umaasa ka pang makita mo yung batang nakilala mo sa dagat nung maliit ka pa.” Hindi tinitigilan ni Maja ang kaibigan, dahil alam nito isa ito sa mga dahilan kung bakit ayaw nito sa ibang manliligaw.

Natahimik naman si Kim sa sinabi ng kaibigan. Dahil totoo ito, umaasa pa rin ito na magkita sila. Kung matatandaan pa kaya siya ng batang lalaking naging kaibigan niya noon.

Flashback!

May kaya ang pamilya ni Kim noon. Malakas ang kita ng kanilang siomai business. Ngunit lumubog sila sa utang nung iniwan sila ng kanilang ina at sumama sa ibang lalaki. Hindi ito natanggap ng kanyang papa at naging lasenggero ito at kung sino-sinong babae ang dinadala sa bahay nila. Kaya napabayaan nito ang kanilang negosyo at nalugi ito. Lumubog pa sila sa utang.

Pang-apat si Kim sa limang magkakapatid. Ang dalawa niyang ate ay may kanya-kanya ng pamila. Ang kuya naman niyang si William may trabaho nga, pero ang daming bisyo nasanay kasi sa marangyang buhay at si Jp na nag-aaral sa isang pribadong paaralan.

Masaya ang pamilya nila noon, mga panahon na mahal pa ng kanyang mama ang kanilang papa. Every weekends ay pumupunta sila sa isang beach at doon nga niya nakilala ang isang batang lalaki. Tahimik lang ito sa isang tabi nung makita niya.

“Bata, why are you sad?” Tumabi si Kim sa batang lalaki na nakaupo sa isang kahoy habang nakabaon ang kanyang dalawang paa sa buhangin.

“Leave me alone.” Sagot ng batang lalaki.

“I just want you to be my friend.” Sabay simangot ni Kim sa batang lalaki.

“I don’t want you to be my friend. I know you’ll leave me also.” Galit na sagot ng batang lalaki.

“I won’t leave you. I promise!” Kim held her right hand to the boy.

Tinignan muna ng batang lalaki ang kamay ni Kim, nag-aalangan kung makikipag kabigan ito sa kanya. And then a few moment he shook hands with Kim.

Kim smiled to the boy. “I’m Kim. Ikaw?”

“Me?”Ulit na tanong ng batang lalaki.

“Yes! You.” Ulit ni Kim.

“I’m Rj. Do you live here?”

“No, vacation lang. You? Sino kasama mo?”

“I’m with my family.” Malungkot na sagot ni Rj.

“Why are you sad?” Tinignan ni Kim si Rj.

“My dad don’t love me.” Sabay yuko ni Rj at pinaglaruan na lang ang buhangin sa kanyang paa, dahil ayaw niyang makita siya ni Kim na malungkot.

“That’s not true. All daddy loves their children.” Nilagay ni Kim ang kanyang right hand sa shoulder ni Rj.

“Except my dad.”

“Don’t be sad. Always remember your dad loves you okay? Ako nga minsan pinapagalitan din ako ng daddy ko, pero sabi niya ginagawa lang daw niya yun para matuto ako. At sabi pa niya, kapag daw pinapagalitan ka, ibig sabihin love ka ng daddy mo.”

“Totoo?” Tinignan ni Rj si Kim sa mata.

“Oo, totoo. Kaya don’t be sad na ha.” Kinurot ni Kim ang tenga ni Rj.

“Ouch!” Gusto gumanti ni Rj kay Kim kaya kiniliti niya kili-kili nito.

“Rj, stop it. Please. Nakikiliti ako.” Habang tumatawa si Kim.

Rj, didn’t expect that he will meet someone that can make him happy. 8 years old pa lang siya noon at 7 naman si Kim. Bata pa man sila, he knew that they both had that special feelings to each other kahit kakakilala pa lang nila. By looking in her eyes, he knows that she can give all the care and love that he wanted.

Habang nag-kukulitan sila Kim at Rj, kanina pa pala hinahanap ni William si Kim dahil kakain na sila.

“Kimmy, nandito ka lang pala. Pinahirapan mo pa ako. Sino yang kasama mo?” Tanong ni William kay Kim na halatang naiirita.

“Kuya, meet Rj. My new friend. Rj, my kuya William.”

“Hello.” Bati ni Rj sa kuya ni Kim.

“Psst. Uwi na tayo. Hinahanap ka na ng mommy.” Sabay alis ni William at iniwan na nito ang kapatid.

“Oh! Sorry, I think your kuya is mad. Will you go back here tomorrow?” Malungkot na tanong ni Rj.

“Oo naman, diba nag promise ako sa’yo.” Itinaas ni Kim ang kanyang huling daliri sa harap ni Rj.

“What’s that?”

“Pinky promise. Ibig sabihin niyan, may promise tayo na dapat tuparin. Ganito.” Kinuha ni Kim ang kamay ni Rj at nag pinky promise sila.

“Thank you.” Niyakap ni Rj si Kim, at nagulat ito sa ginawa ng una. “I’ll see you tomorrow.”

“Bye.” Paalam ni Kim, masaya siya na habang nagpapalaam ito sa bagong kaibigan ay nakangiti na ito sa kanya. Lumakad na ito papalayo kay Rj, ng tinawag siya nito.

“Kim, wait.” Pahabol na tawag ni Rj, kay Kim.

Lumingon ito. “Bakit?”

Tumakbo si Rj papunta sa kinatatayuan ni Kim. Inakbayan nito si Kim at tinutok ang camera sa kanilang dalawa. “Smile, Kim.” Nag smile naman si Kim, at pinindot na ni Rj ang camera. “I’ll wait for you here tomorrow ha.”

“Ang kulit mo talaga.” Sabay pingot sa tenga ni Rj, at tumakbo na ito.

“Thank you, Kim.” Sigaw ni Rj, habang si Kim naman ay tumakbo pabalik na sa kanilang cottage.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
pink_sapphire #1
Chapter 23: pordalab..pls. update..gsto q kasing malaman kng anu ang magiging reaksyon nilang dalawa lalong lalo na c kim kng magkita na cla ni rj..
:):)
TheArvie99 #2
Chapter 23: pordalab ... please update ... thank you :)
buang03 #3
Prdalab? Please update ka na! :))
teddibear #4
Hellooo :) please update!! Nakakamiss eh :")
jrc_teens #5
waaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh!!!!!!!! more upd8s plss...!!! :) can'y w9 for the hmmmmmmmmmmmmmmmm :D
KG4life #6
thanks sa updates :) kinikilig ako kay mr. jealous and ms. jealous =)) sana may mangyaring nakakakilig sa boracay ;)
lucelle #7
thanks for the update!! :)) sana update ka na ulit. waaaaaa. thanks.. FTW!!
teddibear #8
Yaaaayy!!! You updated!!! :D thank you muchooooo!!! Hehe. Kilig naman itong si mr and ms jealous <3
angel_fire06 #9
waaaahhhhhh...pasigawwww nmn!!!glad to see an update!!i just love the Ms. Jealous and Mr. Jealous portion..hahaha...more updates please ;))
teddibear #10
Adik na ako. I keep checking AFF Kung meron na bang update. I hope you update very soon. Miss ko na update mo eh :")