Chapter 13

All This Time

 

Nahihiyang pumasok si Kim sa loob dahil may naririnig siyang ibang babae na nagrereklamo kung bakit siya ang pinapasok. Nagka-ngitian lang sila ni Ali. Nagulat si Kim ng nakita niyang nakatayo si Gerald sa labas ng isang kwarto malapit sa dressing room nila. Iniwan na sila ni Ali.

Nung una ay nagkahiyaan pa ang dalawa. Pero halos hindi na mawala ang ngiti sa kanilang mga labi na abot hanggang tenga.

“Hi.” Bati nila ng sabay, nakangiti pa rin.

“Ahh, thank you pala for coming.” Parang nagbibinata lang si Gerald sa kanyang boses.

“Wala yun. Sayang ang ticket at… na promise ako sa’yo diba.”

Naka-ngiti pa rin si Gerald. “Ah, so may gagawin ka ba after this?”

“Ako? Gagawin ko?” Gulat na tanong ni Kim na mas lalong nahihiya dahil hindi niya inaasahan na itatanong ni Gerald yun sa kanya.

“Yes, I mean. If you’re free can i…” hindi na natapos ni Gerald ang sasabihin ng magsalita kaagad si Kim dahil alam nito kung ano ang karugtong, dahil medyo assuming na ang lola niyo.

“Oo eh, kasi babalik pa ako sa hospital. Si mafriend kasi…”

“What happened? Yung kasama mo kahapon?” Alalang tanong ni Gerald.

“Kasi inatake na naman siya ng ulcer niya kaya nga hindi siya nakanuod ng laro niyo.” Pag-eespleka ni Kim.

“Ah ganun ba? Kasi invite sana kita sa dinner namin. Alam ko na, wait lang Kim ha.”

“Ha? Saan ka pupunta. Baka pagalitan ka na ng coach mo, aalis na lang ako.”

“No, don’t worry. Basta, I’ll be right back. Wait here ok?” Hindi na hinintay ni Gerald ang sagot ni Kim, dali-dali itong pumasok sa kanilang dressing room. Tapos na ang mga ka teammate niyang mag-ayos at paalis na ang mga ito. Dumiretso siya sa kanilang coach para magpaalam.

“Coach, can I talk to for a second?” Sabay akbay sa coach niya.

“Ano yun, Anderson?”

“Coach, can I go out? I mean… there’s this girl kasi waiting for me outside… I want..” halos nahirapan si Gerald mag explain sa kanyang coach.

‘”Direct to the point, Anderson.”

“Coach, pwede ba hindi na muna ako sumama sa dinner. I really want to be with this girl, waiting for me outside.”

Hindi alam ni Gerald, na naririnig sila ni Rayver. “Coach, payagan mo na. First time ma-inlove niyan.” Bulong nito sa kanilang coach at nakangiti ito.

“Ok, papayagan kita kasi nakabawi ka kanina. But please don’t make any trouble. Remember hindi natin lugar ito.”

“Yes coach! Thank you.” Kulang na lang ay halikan niya sa pisngi ang kanyang coach, pero hindi niya ito ginawa. Awkward tignan. Nagpa thank you din siya sa kaibigan. Paalis n asana siya ng bumalik ito sa coach nila, “Coach, one more thing. Can I borrow your car? Please coach. Don’t worry I’ll bring it back safe and sound. Please.” Parang batang nagmamakaawa si Gerald sa kanyang coach.

“What love can do.” Sabay haggis ng susi ng sasakyan kay Gerald.

Dali-dali itong pinuntahan si Kim, nakita niya itong naka-upo sa hagdan. “Sorry, to keep you waiting Kim.” Despensa niya.

“Ok lang.”

“So, tara na?”

“Ha? Anong tara na? Saan tayo pupunta?” nagtatakang tanong ni Kim.

“Doon sa mafriend mo, in the hospital.”

“Ha? Sasama ka doon?” Gulat na tanong ni Kim. Hindi ito makapaniwala ng bonggang-bonnga. Si Gerald Anderon. As in si Gerald Anderson, sasamahan siya papuntang hospital.

“Yes.” Nakangiti nitong sabi. “Let’s go.” Sabay hawak ni Gerald sa kamay ni Kim, na parang magka-holding hands na silang dalawa.

Sa ibang labasan sila dumaan para hindi makita si Gerald. Naka cap ito, naka blue Ambercrombie na tshirt at naka short. Dumiretso na silang dalawa sa sasakyan ng kanyang coach. Ng makapasok na sila sa loob, pinaandar na ni Gerald ito.

“Ge, ok lang talaga kahit hindi mo na ako samahan. Baka kasi pagalitan ka ng coach mo.” Nag-aalalang sabi ni Kim.

Hinawakan niya ito sa kamay. “Kim, don’t worry nagpaalam ako. Ok?” At nag smile ito sa kanya. Yung nakakatunaw na smile ni Gerald Anderson.

Nagsmile din ito. “OK.”

Pagdating nila sa hospital ay dumiretso na sila sa room ni Maja, pero ibang pasyente ang nadatnan nila. Kayo pumunta sila sa nurse’s station kung lumabas na si Maja.

“Ah, miss. Ah, itatanong ko lang po sana kung lumabas po yung pasyente sa room 238?” Tanong nito sa isang nurse. Habang si Gerald ay nakatingin lang sa kanya.

“Check ko lang po Ms. Ano po name ng pasyente?”

“Maja Salvador nurse.”

“Sanadali lang po ms. check ko lang po sa record namin.”

Habang nag-checheck ang nurse na piangtanungan nila. Meron dalawang nurse na parang kinikilig. Nakatingin ang mga it okay Gerald. Narinig pa nila ang sabi ng isang nurse. “Diba, si Gerald yan. Yung gwapong basketbolista. Gusto ko nga sana manuod ng laro nila eh kaya lang may duty naman taoy dito. Bakit kaya siya nandito at sino yang kasama niya?” Halatang tsismosa itong isang nurse. “Grabe ang gwapo niya talaga no. Siguro girlfriend niya yan. Infairness bagay sila.” Dugtong pa ng isa.

Halos mamula ang pisngi ni Kim sa narinig, hiyang-hiya it okay Gerald. Hinawakan ni Gerald ang kamay ni Kim sa ilalim at nag-smile ito. Mukhang gustong-gusto ng lolo ang naririnig mula sa mga sinasabi ng nurse.

“Ah, ms. Nalipat mo sila sa room 348.”

“Ah, ok nurse. Thank you po.”

Kinilig naman ang nurse ng makitang magka-holding hands sila Kim at Gerald. Hindi na kasi binitiwan ni Gerald ang kamay ni Kim.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
pink_sapphire #1
Chapter 23: pordalab..pls. update..gsto q kasing malaman kng anu ang magiging reaksyon nilang dalawa lalong lalo na c kim kng magkita na cla ni rj..
:):)
TheArvie99 #2
Chapter 23: pordalab ... please update ... thank you :)
buang03 #3
Prdalab? Please update ka na! :))
teddibear #4
Hellooo :) please update!! Nakakamiss eh :")
jrc_teens #5
waaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh!!!!!!!! more upd8s plss...!!! :) can'y w9 for the hmmmmmmmmmmmmmmmm :D
KG4life #6
thanks sa updates :) kinikilig ako kay mr. jealous and ms. jealous =)) sana may mangyaring nakakakilig sa boracay ;)
lucelle #7
thanks for the update!! :)) sana update ka na ulit. waaaaaa. thanks.. FTW!!
teddibear #8
Yaaaayy!!! You updated!!! :D thank you muchooooo!!! Hehe. Kilig naman itong si mr and ms jealous <3
angel_fire06 #9
waaaahhhhhh...pasigawwww nmn!!!glad to see an update!!i just love the Ms. Jealous and Mr. Jealous portion..hahaha...more updates please ;))
teddibear #10
Adik na ako. I keep checking AFF Kung meron na bang update. I hope you update very soon. Miss ko na update mo eh :")