Chapter 14

All This Time

 

Nang papalapit na sila Kim at Gerald sa room ni Maja ay binitiwan na nito ang kamay ni Gerald. Baka kasi makita sila ng kanyang kaibigan at hindi na siya tigilan na tuksuhin nito. Nasa pinto na sila ng kumatok muna si Kim bago pumasok. Nakatulog naman si Maja dahil sa binigay sa kanya na gomot at ang kasama lang niya doon ay si nanay Elena kaya siya na ang nagbukas kay Kim.

“Kimay, anak.” Bati ni nanay Elena habang binubuksan ang pinto. “Pasok.” Nagulat ito ng makita na hindi lang si Kim ang nasa labas. Dahil hindi mahilig sa basketball si nanay Elena ay hindi nito nakilala ang kasama ni Kim. “Oh, may kasama ka pala. Pasok ka iho.” Pag imbita ni nanay Elena.

“Thank you po tita.” Sagot naman ni Gerald.

“Upo muna kayo. Kumain na ba kayo anak?” Tanong nit okay Kim habang nag-aayos ng gamit ni Maja.

“Ah, di pa po nay. Pero mamaya na lang po.” Sagot nito sa nanay Elena niya. Katabi nito si Gerald na nakikinig lang sa usapan. “Nga pala po nay, si Gerald po… ka… kaibigan ko.” Nahihiyang pakilala ni Kim.

Nang marinig ang pangalan bigla itong lumingon kay Kim. Hindi niya akalain na ang kasama pala ni Kim ay ang matagal na nitong crush. “Ikaw – ikaw si Gerald? Gerald Anderson? Ang nag-iisang…” Hindi nanatuloy ang sasabihin ni nanay Elena ng tumayo si Kim.

“Opo nay, siya po yan.” Tinignan nito si nanay Elena niya na parang nagsasabi na huwag ng ituloy kung ano man ang sasabihin nito. Alama kasi niya na ang sasabihin nito ay ang parating sinasabi ni Maja sa kanila na - nag-iisang crush ni Kim si Gerald. Naku, masyado pang maaga para malaman niya.

Ngunit hindi naman pinalampas ni Gerald yun, dahil pilyo din ito. “Ah, nay.”

Nagulat si Kim sa tawag nito sa nanay Elena nila ni Maja. Aba! Feeling close na ang lolo. Pero hindi nito maiwasang kiligin. Infairness kinilig ako dun.

“Ano yun anak?” Aba si nanay Elena feeling na din.Natatawa ito sa sinasabi ng kanyang isip.

“Ano po yung karugtong ng… nag-iisang…?” Nakangiti nitong tanong na naka tingin naman kay Kim.

“Ha? Eh.. nag-iisang…” Hindi alam ni nanay Elena ang sasabihin nito kaya si Kim na ang sumagot.

“Ano, nag-iisang most valuable player. Oo, yun.” Sabay kibit balikat nito.

“Anak, kumain na muna siguro kayo, tulog pa naman si Jaja (palayaw ni Maja sa kanila). Baka gutom na si Gerald.”

Nilingon nito si Gerald “Gutom ka na ba, Ge?”

"Bhe?" Pangungulit ni Gerald.

Nataranta naman si Kim sa sinabi ni Gerald. Yun ba ang sinabi ko? Tanong niya sa kanyang isipan. "Ge. G-E." Ulit nito.

“Ah, mabuti na yung maliwanag pero kung yun ang gusto mong itawag sa akin, di naman ako magrereklamo. 

Parang namumula na si Kim sa mga sinasabi ni Gerald sa kanya. "Yabang." Yun na lamang ang nasagot niya.

Nakangiti lang si Gerald habang nakatingin ka Kim at nagkaroon ng katahimikan. Ilang minuto ang nakalipas ng magising si Maja. Una nitong nakita ang kanyang nanay. Nakatalikod kasi ito mula sa kinauupan nila Kim kaya hindi kaagad nito nakita ang kaibigan.

“Nay, wala pa si mafriend?” Tanong nito sa kanyang inay.

“Ayun oh, naka upo at… may kasama pa.” nakangiting sabi ng kanyang ina.

“Ha? Sino?” Nagtatakang tanong nito, sabay lingon sa kinaroroonan ni Kim. Nagulat ito sa kanyang nakita. Kanina ay halos mawalan ng boses kakasigaw dahil sa sakit ng kanyang tiyan pero ngayon ay sumigaw ito dahil kay Gerald. “Gerald? Gerald Anderson, ikaw ba talaga yan? Waaaaaaaaa. Bigla nawala ang sakit ng tiyan ko ah.” Pilya nitong sabi.

Hindi naman napigilan ni Gerald na tumawa. “Oo, ako nga ito. Sorry, kung wala kaming dalang fruits or kahit food man lang kasi galing pa ako sa game.” Paghingi ng despensa ni Gerald.

“Naku, ok na ok lang. Ikaw pa lang eh solb na solb na ako. Hindi ka lang prutas, ulam ka pa.” Kinilikg na sabi nit okay Gerald.

Hindi naman na pigilan ni Gerald ang mapatawa sa sinabi ni Maja.

“Teka, paano?” Napa-isip ito. Tumingin ito kay Kim na nakayuko lang sa sobrang hiya. “Mafriend? Ilang oras lang na di tayo magkasama, ano ito? Explain this to me. NOW NA!”

Tumayo si Kim at pumunta ito sa kama ni Maja. Inaayos nito ang buhok ng kaibigan. “Alam mo mafriend, pwede ba?” Binigyan ni Kim si Maja ng knowing-look. “Pwede, mamaya na tayo mag usap? Ano kasi gutom na ako. Kaya kakain muna kami ha, tapos kailangan ng umalis ni Gerald kasi pagalitan siya ng kanyang coach. Ok?”

“Ganyanan na talaga ngayon?” Pangungulit ni Maja kay Kim. Habang si Gerald ay nakangiti lang na nakikinig sa tuksuhan ng kaibigan.

“Mafriend, please. Mamaya promise ikukwento ko sa’yo.” Pabulong na sabi ni Kim sa kaibigan.

“Ok. Mamay ok. Gusto ko yung detailed.”

“Oo. Ito naman. Kain muna kami ha.” Paalam nito sa kaibigan.

“Hindi pa kayo nakakain? Si Gerald baka gutom nay an, galing pa naman ng game yan. Grabe, pordalab talaga.”Sabay kurot sa tagiliran ni Kim.

Napasigaw naman ito, dahil nakikiliti siya doon. “Alis na nga kami. Babalik ako kaagad. Nay, alis po muna kami ha. May gusto po ba kayong kainin?” Tanong nito sa kanyang nanay Elena.

“Ah, kahit ano na lang anak.”

“Sige po. Alis na po muna kami ha.” Paalam niya ulit. “Mafriend.” Tinanguan lang nito si Maja.

“Ah, mafriend alis na kami. Nice meeting you. Nay, alis na po kami.” Paalam ni Gerald.

“Goooosh! Ano ang nangyayari a mundo?” Hindi kasi ito makapaniwala na para bang matagal na nila kakailala si Gerald. “Thank you sa pag visit, Ge.” Nakangiti nitong sabi. “Pssst!” Tawag niya si Kim. “Alam mo na yan.”

“Tse!” Sagot nito.

Papalabas na sila ng kwarto ni Gerald ng dumating naman ang tatay Fredo nila. “Oh, kimay anak saan ka pupunta?” Nagulat pa ito ng makita si Gerald. Namumukhaan niya ito dahil nakikita niya sa poster ang mukha ni Gerald. “Si Gerald ka diba?” Tanong ulit nito.

“Ah tay, opo si Gerald yan.” Si Kim na ang sumagot.

“Naku, pasok muna kayo.”

“Ha? Bakit pot ay?” Nag-aalalang tanong ni Kim. Habang sila Maja at nanay Elena ay kinakabahan.

“May problema ba tay?” Tanong ni Maja.

“Nakita ko kasi diyan sa labas, daming mga teenagers ang nagpupumilit na makapasok dito sa loob. Tinanong kung yung gwardya kung ano ang pinagkakaguluhan nila. Sabi naman sa akin ay nandito daw si Anderson, si Gerald. Hindi ko naman inakala na nandito ka pala sa kwarto ng anak ko.”

“Hala… paano yan?” Nag-alalang tanong ni Kim habang nakatingin kay Gerald.

“It’s ok. Dito na muna tayo, baka mamaya eh aalis din naman ang mga yan. Mahirap na kasi pag lumabas tayo, hindi na tayo maka-alis pati ikaw madamay pa.” Suwestiyon ni Gerald.

Hindi napigilan ni Maja ang mapangiti sa narinig, dahil hindi lang ang sarili ni Gerald ang iniisip niya kundi pati na rin ang kanyang kaibigan.

“Mabuti pa nga, titignan ko sa labas kung naka-alis na.” Sabi ni tatay Fredo.

“Teka, paano nila nalaman na nandito si Gerald?” Tanong naman ni nanay Elena.

“Baka po yung mga nurse sa station, nakilala po kasi nila si Gerald.” Sagot naman ni Kim.

“Naku, mga nurse talaga mga tsismosa.” Pagbibiro ni Maja.

Umupo na lang muna sila Kim at Gerald, nagkukwentohan sila ni Maja. Habang ang kanilang tatay Fredo ay pababalik-balik sa labas para tignan kung nandun pa ang mga fans ni Gerald. Mag alas-onse na pero hindi pa rin umaalis ang mga ito. Gutom na si Kim at mas lalong gutom na si Gerald.

“Kim, gutom na ako.” Bulong nito kay Kim na may kasamang paglalambing.

“Gutom ka na? Sorry Ge ha.” Alala nitong sagot. “Teka lang tignan ko kung may makakain dito.” Pinuntahan ni Kim si nanay Elena at tinanong nito kung may pagkain pang naiwan. “Tinapay na lang anak. Ok lang ba yan? Magpabili na lang tayo sa tatay Fredo mo. Hintayin na lang natin siya makabalik.

Ilang minute pa ay bumalik na si tatay Fredo, “Kimay, anak? Pwede na kayo lumbas. Kinausap ko na yung guard, pinaalas na niya yung mga batang naghihintay kay Gerald. Sabi ng guard, sa isang exit na lang kayo lumabas.”

“Talaga pot ay? Sige po. Salamat, gutom na kasi si Ge.” SAbi nito sa kanyang itay.

“Sige, na kumain na kayo.” Sagot ni tatay Fredo.

“Mafriend, balik ako kaagad. Nay, alis po muna kami.” Paalam ni Kim.

“Bye po.” Paalam din ni Gerald.

Sabay na silang lumabas na dawala at dumaan nga sa sinabi ng guard at dumiretso na sa dalang sasakyan ni Gerald.

“Alam mo anak, malakas ang tama nitong si Gerald kay Kimay.” Kausap ni nanay Elena si Maja.

“Oo nga nay, nafi-feel ko din yan. Ang swerte ni mafriend, pero deserve naman niya yun. Mas swerte si Gerald sa mafriend ko.Mabait, matalino, masipag at higit sa kahat MAGANDA pa. Nasalo na niya lahat, siya na. Pati ba naman si Gerald Anderson sa kanya?”Sabay tawa nito.

“Oo ang sa kanya – ay sa kanya lang. May Matteo ka na, wag ka ng umasa.” Sagot ng kanyang ina habang tumatawa.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
pink_sapphire #1
Chapter 23: pordalab..pls. update..gsto q kasing malaman kng anu ang magiging reaksyon nilang dalawa lalong lalo na c kim kng magkita na cla ni rj..
:):)
TheArvie99 #2
Chapter 23: pordalab ... please update ... thank you :)
buang03 #3
Prdalab? Please update ka na! :))
teddibear #4
Hellooo :) please update!! Nakakamiss eh :")
jrc_teens #5
waaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh!!!!!!!! more upd8s plss...!!! :) can'y w9 for the hmmmmmmmmmmmmmmmm :D
KG4life #6
thanks sa updates :) kinikilig ako kay mr. jealous and ms. jealous =)) sana may mangyaring nakakakilig sa boracay ;)
lucelle #7
thanks for the update!! :)) sana update ka na ulit. waaaaaa. thanks.. FTW!!
teddibear #8
Yaaaayy!!! You updated!!! :D thank you muchooooo!!! Hehe. Kilig naman itong si mr and ms jealous <3
angel_fire06 #9
waaaahhhhhh...pasigawwww nmn!!!glad to see an update!!i just love the Ms. Jealous and Mr. Jealous portion..hahaha...more updates please ;))
teddibear #10
Adik na ako. I keep checking AFF Kung meron na bang update. I hope you update very soon. Miss ko na update mo eh :")