Chapter 23

All This Time

 

Pagkatapos ng trabaho, ay pumunta na lang sila sa mall malapit sa pinagtattrabahuan nila Kim. Sa starbucks na lang nila hihintayin si Matteo.

“Hon, ano nakapag-paalam ka ba kanina sa boss mo?” Tanong ni Gerald kay Kim habang naka-upo silang tatlo sa loob ng starbucks.

“Hindi pa hon eh. Nakita mo naman kanina yung mukha niya.” Sagot naman ni Kim.

“Eh, bakit naman siya maiinis. Pwera na lang kung nagseselos siya.” Dugtong ni Maja.

“Ano?” Gulat na reaction ni Gerald sa sinabi ni Maja. “Bakit, may gusto ba sa’yo yung boss mo?” Tinignan nito si Kim.

“Ha? Walang gusto yun sa’kin. May point naman kasi siya, working hours yun.”

“Pero, OA kasi yung reaction niya mafriend.” Sagot ni Maja.

“Pwede ba mafriend, ang isipin na lang natin ngayon kung paano natin siya mapapapayag sa leave natin.” Sabay inom ni Kim ng kanyang frappuccino.

“Mafriend, ano kaya kung ikaw na lang magpaalam?” Suwestiyon naman ni Gerald.

“I’ll try Ge, pero hindi ako mangangako. Itong dalawang ito ang close eh.”

“Close? Kami?” Mabilis na tanong ni Kim.

Parang umiba naman ang mukha ni Gerald dahil sa sinabi ni Maja. Napuna iyun ni Maja kaya iniba na lang niya ang usapan. Hindi naman nagkikibuan ang dalawa.

“Ang tagal naman ng boyfriend ko.” Sabi nito kahit alam niyang walang nakikinig sa kanya.

“Mag resign ka na lang kaya diyan sa trabaho mo.” Biglang sabi ni Gerald.

Nagulat naman ang dalawa sa sinabi nito. Kaya nagkatinginan sila ni Maja.

“Ha?” Tanong ni Kim, na parang hindi alam kung ano ang isasagot kay Gerald.

“Wala. Nevermind.” Mabilis nitong sagot. “Matagal pa ba si Matteo? Gabi na kasi.” Saby tingin nito sa kanyang relo.

“Ha? Akala ko bukas ka na lang uuwi?” Si Maja na ang nagtanong kay Gerald.

“Ah, ano kasi… ano nag text si mommy pinapauwi niya ako.” Alibi ni Gerald.

“Ah, ganun ba.” Tumango-tango na lang si Maja, hindi niya rin matignan ang kaibigan dahil kasi sa mga pinagsaabi niya kaya nagkga ganun si Gerald. “Oh, ayan na pala boyfriend ko.”

“Hi babe.” Bati ni Matte okay Maja, sabay kiss sa pisngi. “Kimmy, hi. Gerald, bro.”

“Bro.” Bati din ni Gerald kay Matteo na halatang pilit ang ngiti.

“Finaly, we met. Ang the one and only ni Kim Chiu.” Panunukso pa nito. Pero parang walang nakakarinig sa mga sinasabi niya. “Hellooo. May kausap ba ako?” Siniko nito si Maja. “Did I just miss something? Anong nangyayari?” Tanong nito kay Maja.

“Wala ka bang naaamoy?” Bulong na sagot ni Maja kay Matteo.

“Ha? Meron, kape.”

“Hindi yun ang ibig kung sabihin ano ka ba” Sabay nguso sa dalawa.

“Ahh, LQ? Bakit?” Tanong nito.

“Ang ingay ko kasi.” Pag-amin ni Maja.

“Ano ba sinabi mo?”

“Ah, guys. Siguro dinner na tayo? So that… maka uwi na ako.” Tumayo na si Gerald sa kanyang inuupuan at na una na maglakad.

Halos mangiyak na si Kim sa inaasta ni Gerald. Pero wala itong nagawa kundi sumunod na lang. pati sila Maka at Matteo ay sumunod na lang sa kanila. KUmain sila sa isa sa pinakamamahaling restaurant na naroon sa loob ng mall. Habang kumakain ay wala pa rin kibuan ang dalawa. Pero kahit ganun ay pinagisislbihan pa rin ni Kim si Gerald. Pagkatapos kumain ay hinatid na ni Gerald sila Kim sa kanyang bahay at si Maja at Matteo naman ay sa terminal lang ng bus nagpa hatid.

“Ingat ka.” Sabay kiss ni Kim kay Gerald. “Love you.” Dugtong pa nito.

“Love you too.” Sgot naman ni Gerald at sumakay na ito sa kanyang sasakyan.

Pumasok sa loob ng bahay si Kim at dumiretso na sa kanyang kwarto. Ganito ba talaga magkaroon ng boyfriend, ilang araw pa lang eh parang palagi na kaming may tampuhan. Siguro mahal na mahal lang naming ang isa’t-isa kaya kami nagkakaganito. Nakatulog na si Kim sa kakaisip sa nangyari sa kanila ni Gerald.

“Mafriend, ok ka lang? Sorry talaga kanina sa mga pinagsasasabi ko.” Text ni Maja kay Kim.

“Ok lang ako. Wala yun. Palipasin na muna natin yun.” Reply ni Kim.

“Grabe din pala magselos ang boyfriend mo. Lahat nadadadamay, pati pagkain walang kawala. Hahaha.”

“Ganun talaga. Patay na patay sa akin eh. Hahaha.”

“Naks. Pero kanina mangiyak-ngiyak ka na. Uyy, wag i-deny.”

“Siyempre. Kung alam mo lang kanina. Hahaha.”

“Don’t worry alam ko. Hahaha. Babawi ako, bukas ako magpapaalam kay Sir. Andy.”

“Sure ka?”

“Naman.”

“Sige, thanks mafriend. Lab you!”

“Heh! Wag ka munang magpa-salamat di pa naman sure kung papayagan tayo.”

“Akitin mo. HAHAHA. Goodnight :)”

“At ako naman ang PATAY kay babe ko niyan. Goodnight. Labs you too mafriend :D”

Kakarating lang ni Kim sa knilang opisina. Halos lahat ng ka-officemate nila ay nandoon na maliban kay Maja. Akala ko siya ang kakausap kay Sir. Andy, pero wala pa naman siya ngayon. Umupo siya sa kanyang working table at tinignan ang mga papeles na kailangan ng iapasa kay Rica.

“Maaaafriend.” Sigaw ni Maja habang papasok sa loob ng office nila.

“Oh, bakit? Saan ka ba nagpunta? Akala ko kakausapin mo si Sir…”

“Done. And yes, boracay here we come.” Sigaw ni Maja na halatang excited ito.

Nilagay naman ni Kim ang dalawang kamay sa kanyang bibig. Hindi ito makapaniwala sa sinabi ni Maja. “Talaga? Pumayag si Sir. Andy?”

“Ofcourse! Ako pa.” pagmamayabang ni Kim.

“Hoy,m ano ginawa mo ha.” Nakatingin lang ito sa kaibigan na may halong pagdududa.

“Hoy, babae. Wag mo akong tignan na ganyan. Kung ano man yan iniisip mo, ang puso’t kaluluwa ko ay para lamang sa boyfriend ko no.” Sabay tawa ni Maja.

“Pero paano mo napapayag?” Pangungulit ni Kim.

“Simple lang. Oo lang ako ng oo.”

“Ha?”

“Sabi kasi niya pag nag leave tayo, walaa tayong sweldo. Umo-o ako. Pag nag leave tayo, wala tayong bonus, umo-o ako. Oh, diba.” Lumakad na ito papunta sa kanyang table.

Gulat na gulat naman si Kim sa kwenento ng kaibigan. “Ano? Bakit ka umo-o dun sa bonus. Eh pang bayad ko sa tuition ni Jp yun.”

“Ay, ganun ba. Ok lang yun. Sa susunod na natin poproblemahin yun. Ang importante ngayon…”

“Boracay, here we come.” Sabay nilang sabi na dalawa. “Oh dali na text mo na honey mo at ite-text ko rin ang babe ko.” Pilyang sabi ni Maja.

Kinuha kaagad ni Kim ang kanyang cellphone sa loob ng kanyang bag atnag text kaagad ito kay Gerald.

“Hindi mo ba talaga ako papansinin? Mr. Jealous Guy? :p” “Text ni Kim kay Gerald.

“I’m not jealous. Miss me already? :)” Reply ni Gerald.

“Miss? Konti. :p”

“:( Miss you and sorry for the way I acted last night.”

“So, nagselos ka nga?”

“Do I have to answer that? Hehehe.”

“No need, because I know it.”

“:) Love you.”

“Love you too. Teka baka maklimutan ko na ang goodnews.”

“Ano yun?”

“Ay, parang hindi ka naman excited.”

“I’m excited. I’m jumping already here. Hahaha.”

“Sira. :) Boracay here we come.”

“Do you mean, sasama ka na? Hmmm?”

“Hoy, Mr. Anderson. FYI po, si mafriend ang nagpaalam kay SIR. ANDY kaya wag ka mag selos ok?”

“I’m not, dahil alam kong patay na patay ka sa akin. Hehehe.”

“Nagsabi ang hindi. Oh, sige, na usap na lang tayo later. Work mode muna ako. Hehehe.”

“OK hon. Love you! Mwaaaah! Be ready on Friday ok? Susunduin ko kayo.”

“Ok. Love you too hon.”

Itatago na sana ni Kim ang kanyang cellphone ng biglang mag ring ito. Ayaw sana nitong sagutin dahil baka makita siya ni Rica, pero tinignan niya ang caller at nakita ang pangalan ni Gerald. Loko talaga, ba’t kaya siya tumawag. Nagtago siya sa ilalim ng kanyang mesa at sinagot ang tawag ni Gerald. “Hon? Ba’t ka napatawag?” Tanong nito.

“Just want to say I love you soo much.”

“Loko ka talaga. Oh sige yun lang ba? Baka mahuli ako ni Rica. I love you too soo much.”

‘’Sige hon, trabaho ka na. I'll call you later. Love you.”

“Bye hon. Love you too.” Pagkatayo ni Kim galing sa ilalim ngkanyang mesa, ay nakangiti lang habang nakatingin si Maja sa kanya.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
pink_sapphire #1
Chapter 23: pordalab..pls. update..gsto q kasing malaman kng anu ang magiging reaksyon nilang dalawa lalong lalo na c kim kng magkita na cla ni rj..
:):)
TheArvie99 #2
Chapter 23: pordalab ... please update ... thank you :)
buang03 #3
Prdalab? Please update ka na! :))
teddibear #4
Hellooo :) please update!! Nakakamiss eh :")
jrc_teens #5
waaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh!!!!!!!! more upd8s plss...!!! :) can'y w9 for the hmmmmmmmmmmmmmmmm :D
KG4life #6
thanks sa updates :) kinikilig ako kay mr. jealous and ms. jealous =)) sana may mangyaring nakakakilig sa boracay ;)
lucelle #7
thanks for the update!! :)) sana update ka na ulit. waaaaaa. thanks.. FTW!!
teddibear #8
Yaaaayy!!! You updated!!! :D thank you muchooooo!!! Hehe. Kilig naman itong si mr and ms jealous <3
angel_fire06 #9
waaaahhhhhh...pasigawwww nmn!!!glad to see an update!!i just love the Ms. Jealous and Mr. Jealous portion..hahaha...more updates please ;))
teddibear #10
Adik na ako. I keep checking AFF Kung meron na bang update. I hope you update very soon. Miss ko na update mo eh :")