Chapter 21

All This Time

 

Nasa bahay na si Kim at kakatapos lang nilang kumain ng hapunan ng tumawag si Gerald.

“Hello?” Sagot ni Kim.

“Hon? Sorry, hindi ko nasagot ang tawag mo kanina ha kasi naglaro kami ng basketball nila Ray, ngayon ko lang natignan phone ko.” Paliwanag ni Gerald.

“Ok lang.” Malungkot na sagot ni Kim. “Nag dinner ka na?” Tanong nito.

“Ah, hindi pa. We’re here now sa isang restaurant I forgot the name. Hintay lang namin ang mga girls.”

“Girls? Girlfriends niyo?” Walang gana nitong pagkasabi.

“Ha? Girlfriends namin? Nila you mean?” Nahalata naman ni Gerald na nagseselos si Kim. “Kawawa nga ako eh, kasi I’m all alone here.” Paglalambing ni Gerald.

“They’re here.” Sigaw ni Matt.

Narinig naman ni Kim iyon. “Oh, nandiyan na sila sige maya na tayo mag usap.”

“Kim? Are you ok?”

“Ah, Kim na lang ngayon?” Mangiyak-ngiyak na sabi ni Kim.

“Gerald, I miss you. Did you miss me, babe?” Sabi naman ni Paula, ex-girlfriend ni Gerald. Alam nitong si Kim ang kausap ni Gerald, kaya nagsimula na itong mang-inis.

“Paula, leave me alone.” Sabay kuha ni Gerald ng kanyang kamay sa leeg nito. “Hon?”

Hindi na sumagot si Kim sa kabilang linya. Pinindot na nito ang end call button. Hindi na napigilan ni Kim ang mapa-iyak. Sinubsob na lang nito ang kanyang mukha sa kanyang unan. Hindi na din niya alam kung sino ang sasabihan niya ng problema. Pag tinawagan niya kasi si Maja, baka pagalitan lang din siya nito.

“Bro, labas muna ako.” Paalam nito kay Rayver.

“Where are you going bro?” Tanong nito.

“May tatawagan lang ako.” Mabilis nitong sagot.

“Oh! LQ?” Pang-iinis naman ni Paula.

Hindi na siya pinansin ni Gerald at lumabas na ito ng restaurant. Nag simula itong mag dial ng no. ni Kim. Pero hindi nito sinasagot. Naka-limang dial na siya pero, matigas pa rin si Kim, kaya si Maja na lang ang tinawagan niya.

“Hello? Gerald?” Mabilis na sagot ni Maja.

“Mafriend, tawagan mo naman si Kim oh.”

“Ha? Bakit? May problema ba kayo? Nag away ba kayo?” nagtatakang tanong ni Maja.

“Hindi ko nga alam eh, bigla na lang pinatay ang cellphone niya.” Paliwanag ni Gerald.

“Ha? Ano kaya nangyari dun? Sige, susubukan ko.” Sagot ni Maja.

“Thank you, madami na akong utang sa’yo.”

“Walang ano man. Sige, bye na. Tatawagan ko na lang si mafriend.”

“Sige, thank you ulit.” Sabay pindot ni Gerald ng end call button. Hindi na ito mapakali sa labas ng restaurant.

‘Bro, kakain na.” Lumabas si Rayver sa restaurant para tawagin si Gerald.

“Ok.” Sumunod naman ito sa loob.

Habang masayang kumakain ang mga kaibagan ang mga girlfriends nito, hindi naman masyado makakain si Gerald dahil sa kakaisip kay Kim. From time to time, he checks his cellphone para tignan kung tumawag na si Maja.

Nakasubson lang ang ulo nito sa unan ng marinig ang ring ng kanyang cellphone. Ilang ring nito ay hindi niya pinansin at hanggang sa nawala. Nag ring ulit ito, at tinignan na niya. Nakita niya si Maja ang tumawag kaya sinagot na niya ito.

“Hello? Mafriend? Salamat naman at sinagot mo.”

“Bakit? May problema ba?” Wala itong kagana gana sa kanyang mga sinasabi, nag-iba na rin ang boses niya galing sa pag-iyak.

“Ako nga dapat ang magtanong niyan. Tinawagan ako ni Ge, sabi niya tawagan daw kita. May problema ba kayo?”

“Wala. Ok lang ako. Siguro magulo lang isip ko ngayon.” Hindi sinabi ni Kim ang totoong rason kay Maja, dahil baka tawanan lang siya nito.

“Ha? Dahil lang sa ganyan binabaan mo ng telepono si Gerald? Feeling ko may mas malalim pa na rason.” Pangungulit ng kaibigan.

“Wala nga. Ang kulit mo.” Na-iinis na sabi ni Kim.

“Hoy, mafriend, kilala kita. Bespren kita kaya wag mo akong artehan ng ganyan. Sabihin mo sa akin ang totoo.”

“Nagseselos ako. Ano masaya ka na?” Naiiinis na sagot ni Kim.

“Waaaaaaaaa.” Sigaw ni Maja sa kabilang linya. “Mafriend, inlove ka nga talaga no. As in super duper mega to da max inlababo kay Gerald.” Sabay tawa nito.

“Alam mo mafriend, hindi ka nakaktulong. Bye na nga, itutulog ko na lang ito.”

“Hoy, teka lang. ito naman hindi mabiro. Sino ba pinagselosan mo? FYI lang po ha, yung boyfriend mo po kasi hindi na mapakali doon… o kung nasaan man siya ngayon… kaya please lang kausapin mo na.”

“Bahala siya sa buhay niya, total nandun naman ang PAULA.” Sarkastiko nitong sagot.

“Sino yun?” Nagtatakang tanong ni Maja.

“Malay ko.”

“God, mafriend, ni hindi mo nga kilala yun nagselos ka na? Over ka mafriend. As ins.” Sabay tawa nito.

“Ah, basta iba ang nafi-feel ko sa kanya.” Paliwanag ni Kim.

“Ah, si madam Auring ka na ngayon?” panunukso ni Maja. “Mafriend, konting payo lang ha. Based on my experience lang ito. ALamin mo muna ang mga bagay-bagay bago ka magselos. Ok?”

“Opo. Tatandaan ko po nay.” Sabay nitong tawa.

“Nay, ka diyan. Basta, kausapin mo na yun.”

“BUkas na. Ako nga hindi makatulog dahil sa selos, kaya hindi ko rin siya patutulugin.” Sabay tawa ni Kim.

“Hay, bahala ka na nga. Ako ang naloloka sa inyong dalawa. Bye na.”

“Bye mafriend, thanks sa tawag.” Pinindot ni Kim ang end call button at humiga ulit ito. Napa-smile ito ng maalala ang sinabi ni Maja na hindi mapakali si Gerald dahil sa kanya.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
pink_sapphire #1
Chapter 23: pordalab..pls. update..gsto q kasing malaman kng anu ang magiging reaksyon nilang dalawa lalong lalo na c kim kng magkita na cla ni rj..
:):)
TheArvie99 #2
Chapter 23: pordalab ... please update ... thank you :)
buang03 #3
Prdalab? Please update ka na! :))
teddibear #4
Hellooo :) please update!! Nakakamiss eh :")
jrc_teens #5
waaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh!!!!!!!! more upd8s plss...!!! :) can'y w9 for the hmmmmmmmmmmmmmmmm :D
KG4life #6
thanks sa updates :) kinikilig ako kay mr. jealous and ms. jealous =)) sana may mangyaring nakakakilig sa boracay ;)
lucelle #7
thanks for the update!! :)) sana update ka na ulit. waaaaaa. thanks.. FTW!!
teddibear #8
Yaaaayy!!! You updated!!! :D thank you muchooooo!!! Hehe. Kilig naman itong si mr and ms jealous <3
angel_fire06 #9
waaaahhhhhh...pasigawwww nmn!!!glad to see an update!!i just love the Ms. Jealous and Mr. Jealous portion..hahaha...more updates please ;))
teddibear #10
Adik na ako. I keep checking AFF Kung meron na bang update. I hope you update very soon. Miss ko na update mo eh :")