Chapter 8

All This Time

 

Pagkatapos manuod ng practice ay umuwi na sila Kim at Maja sa bahay nito. Hindi pa rin makapaniwala ang dalawa lalong-lalo na si Kim sa nangyari AT binigyan pa siya ng no. ni Gerald. Habang nakasakay sa tisekel ay hawak-hawak ni Kim ang kanyang cellphone.

“Hoy, mafriend kung hawakan mo yang cellphone mo kahit sino pang pinakamagaling na snatcher di maagaw yan.”

“Bakit ba? Mahirap na no, nandito future ko.” Pagmamalaking sabi ni Kim.

“Future? Saan? Boyfriend?” Kinatok ni Maja ang ulo ng kaibigan para magising ito. “Hello, feeling ko may girlfriend na yun.” Dugtong ni Maja.

“Kontrabida lang? Tsaka bakit, sinabi ko bang boyfriend? Ha! Feeling ko wala siyang girlfriend, na ba-vibes ko oh.” Sabay pikit at taas ng kanyang dalawang kamay sa mukha ni Maja.

“Itigil mo nga yan mafriend, puro ka kalokohan.” Naiinis na sabi ni Maja.

Madilim na din ng dumating sila sa bahay nila Maja. Pagdating nila ay hinihintay na lang pala silang dalawa para maghapunan. Nagmano ang dalawa sa tatay at nanay ni Maja.

“Oh, kamusta ang practice? Nakita niyo ba ang gusto niyong makita?” Tanong ng kanilang tatay habang kumukuha ng kanin.

Nagtinginan ang dalawa. “Naku tay, hindi lang nakita naka-usap pa namin.” Pagmamalaki ni Maja.

“Mabuti naman kung ganun, para naman maysaysay pag-absent niyo sa trabaho at pagpunta ni Kimay dito.” Masayang sabi ng tatay ni Maja.

Habang kumakain sila ay parang napuna ng nanay ni Maja na hindi gaanong kumakain si Kim.

“Kimay, anak? Ok ka lang ba? Parang wala kang ganang kumain. Masakit ba pakiramdam mo?” nag-aalalang tanong ng nanay ni Maja.

“Naku, ok lang po ako nay.” Nag smile si Kim na para bang pilit.

“Naku nay, intindihin mo na. Nakita ang ultimate crush eh. Kung nakita niyo lang yan kanina, ang sarap batukan.” Inis na sabi ni Maja habang nagsusubo ng kanyang pagkain.

“Ikaw talaga anak, brutal ka. Intindihin mo na.” pagtatanggol ng nanay ni Maja kay Kim.

“Grabe, hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala.” Sabay lagay ni Kim ng dalawang kamay sa ibabaw ng mesa at nakatingin lang ito sa bubungan nila Maja na para bang nag di-daydreaming.

“Oh, kita mo na nay? Tignan mo.” Sabay turo kay Kim.

“Kumain ka na nga diyan. Pabayaan mo na si Kimay, mukhang inlove.”

Hindi lang si Maja ang nagulat sa sinabi ng kanyang nanay, pati na rin si Kim. Mukhang bumalik sa katinuan si Kim mula sa kanyang iniisip. “Inlove? Naku, hindi po nay. Masaya lang po talaga ako.” Sabay ngiti abot hanggang tenga.

“Ok, yang ngiti na yan, ay hindi inlove. Ok. Mga kabataan ngayon.” Pang-aasar na rin ng nanay ni Maja kay Kim habang tumatawa.

Pagkatapos maghapunan ay nag-ayos na sila para matulog. Pero nagpaalam muna si Kim kay Maja na doon na muna siya sa veranda. Di kasi matulog ang lola niyo. Hindi maka move-on sa nangyari kanina.

“Oh sige, inaantok na ako eh. Pasok ka na lang kung matutulog ka na.”

“Ok mafriend. Goodnight.” Sabay labas ni Kim sa kwarto nila ni Maja.

Pumunta ito sa veranda at naupo sa isang kahoy. Hawak niya ang kanyang cellphone. Tinignan niya ito, nag-iisip kung itetext niya ba si Gerald.

Nasa terasa ng kanilang kwarto sa hotel si Gerald naka-upo, hawak ang kanyang cellphone. Kanina pa siya check ng check sa kanyang cellphone, pero hindi pa din nag text ang babaeng binigyan niya ng no. niya kanina. Isang room lang sila ni Rayver, kaya napuna nito na parang may iniisip si Gerald.

“Bro, ano ginagwa mo diyan? Di ka pa ba matutulog?” Lumapit it okay Gerald na may dalang isang basong tubig. “Wag kang magpuyat, baka pagagalitan ka na naman ni coach.” Dugtong pa nito.

“Oo, ma una ka na. I’m not yet sleepy.” Sagot ni Gerald.

“Not yet sleepy? Or may hinihintay kang text? Sino na naman yan bro?” nagtatakang tanong ng kaibigan.

“Wala bro. baka mag text kasi si mommy. Matulog ka na, susunod ako.”

“Hoy, bro! Kilala kita ha, yung girl na yun kanina no? Tama na yan bro. Nakita ko siya kanina, parang napakaamo ng mukha niya, maawa ka naman bro.”

“Pwede ba, wala pa nga akong ginagawa eh para bang ang sama-sama ko na.” Depensa ni Gerald sa sarili.

“OO, wala ka PANG ginagawa and I know very well how you play this game. Diyan ka na nga.” Iniwan na ni Rayver si Gerald, pumasok na ito sa kanilang kwarto para matulog.

Naiwang naka-upo si Gerald, tinignan ang kanyang cellphone baka wala lang itong signal at hindi naka receive ng text. “Lord, mag text lang siya magbabago ako. Promise, I’ll play the right game this time.” Nakatingin lang ito sa langit habang kausap ang sarili.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
pink_sapphire #1
Chapter 23: pordalab..pls. update..gsto q kasing malaman kng anu ang magiging reaksyon nilang dalawa lalong lalo na c kim kng magkita na cla ni rj..
:):)
TheArvie99 #2
Chapter 23: pordalab ... please update ... thank you :)
buang03 #3
Prdalab? Please update ka na! :))
teddibear #4
Hellooo :) please update!! Nakakamiss eh :")
jrc_teens #5
waaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh!!!!!!!! more upd8s plss...!!! :) can'y w9 for the hmmmmmmmmmmmmmmmm :D
KG4life #6
thanks sa updates :) kinikilig ako kay mr. jealous and ms. jealous =)) sana may mangyaring nakakakilig sa boracay ;)
lucelle #7
thanks for the update!! :)) sana update ka na ulit. waaaaaa. thanks.. FTW!!
teddibear #8
Yaaaayy!!! You updated!!! :D thank you muchooooo!!! Hehe. Kilig naman itong si mr and ms jealous <3
angel_fire06 #9
waaaahhhhhh...pasigawwww nmn!!!glad to see an update!!i just love the Ms. Jealous and Mr. Jealous portion..hahaha...more updates please ;))
teddibear #10
Adik na ako. I keep checking AFF Kung meron na bang update. I hope you update very soon. Miss ko na update mo eh :")