Chapter 10

All This Time

 

Maagang nagising si Kim, dahil hindi ito makatulog. Bumangon ito at napatigil dahil naalala niya ang kwentohan nila ni Gerald kagabi. Para bang hindi pa rin siya makapaniwala, alam niyang hindi lang siya nananaginip alam niyang totoo ang nangyayari. Nakatingin lang sa bintana si Kim habang naka-ngiti ito. Ngunit bigla itong napakanta ng No Ordinary Love, favorite na kanta niya ito. “Coz, this is not your ordinary no, ordinary love. I was not prepared enough to fall so deep inlove… coz…” Napatigil ito ng may humampas sa kanyang unan. “Aray!” reklamo nito.

“Pwede ba mafriend, ang aga-aga wag ka muna mag concert diyan. Oo, maganda boses mo pero pwede ba, gusto ko pa matulog. Kung gusto mo doon ka na sa labas kumanta.” Pagsusungit ni Maja habang nakapikit pa ang kalahati ng kanyang mata.

“Ito naman, kumakanta lang yung tao eh. Makalabas na nga.” Tumayo si Kim sa kanilang higaan at lumakad na papunta sa kusina.

“Goodmorning po nay.” Bati nito sa nanay ni Maja na itinuring na rin niyang ina simula nung maging magkaibigan sila ni Maja.

“Oh, goodmorning anak. Ang aga mo naman gumising, di ka ba nakatulog?” Naghihiwa ng kamatis si nanay Elena para sa kanilang almusal.

“Nakatulog po ako nay, masarap nga tulog ko eh.” Naka-ngiti niyang sabi. “Sanay lang talaga ako magising ng maaga kasi ako ang naghahanda ng breakfast at baon ni Jp.

“Ah ganun ba. Sige, teka lang ha. Gutom ka na ba? Mabilis lang ito.”

“Hindi pa nay, ok lang po. Labas po muna ako ha.” Paalam ni Kim.

“Ok, sige anak.”

Bago lumabas ng bahay, bumalik muna si Kim sa kanilang kwarto para kunin ang kanyang cellphone. Kailangan niyang mag text sa kanyang kuya William na bukas na lang siya uuwi. Pagpasok niya sa loob ng kwarto ay nakita nitong tulog na tulog pa rin ang kaibigan at malakas pang humilik, na sanay na rin siya. Pagkakuha ng cellphone, ay lumabas na ito patungo sa labas ng bahay.

Umupo siya sa isang kahoy na upuan sa ilalim ng punong mangga at nagsimula ng mag text kay William. Pagkatapos nitong mag text ay nag walis na lang iya ng mga tuyong dahon sa paligid. Habang abala sa pagwawalis, tumunog ang kanyang cellphone. Hindi niya muna binasa ito dahil akala niya ang kuya William lang niya ang nag text. Tinapos na muna niya ang pagwawalis bago tinignan ang nag text sa kanya. Ang kuya William nga niya ang ang text, nagsabi nito na ok lang pero may nakita pa siyang iba, si Gerald nag text din sa kanya. Nagtaka ito dahil hindi naman siya nag text kay Gerald. Tinignan niya kung ano ang message ni Gerald sa kanya. “Good morning. See you later :)” Napangiti ito sa nabasa. First time kasing may nag text sa kanya ng good morning na hindi naman niya kaano-ano. Mag rereply na sana siya ng maisipan niyang, “Mamaya na ako mag reply, baka akalain niya patay na patay ako sa kanya. Konting pakipot lang.” Natawa siya sa kanyang sarili. Nilapag na muna niya ang kanyang cellphone, at nilagay ang dalawang kamay sa ibabaw ng kanyang mga tuhod habang ang kanyang mukha ay naka patong dito. Napangiti na lang siya habang iniisip ang mangyayari mamaya. Nag daydream na naman ang lola mo.

“Goodmorning bro.” bati ni Rayver sa kaibigan nauna na itong bumaba sa dining room ng hotel, pati mga ka team mate niya ay nandun na rin. “Parang maganda gising natin ah.”

“Goodmorning. Bakit? Ganito naman palagi ako ah.” depensa ni Gerald sa sarili.

“Hindi rin.” Pagtutol ni Matt, isa rin sa mga matalik na kaibigan ni Gerald sa kanilang team.

“Teka, sino ba yung kausao mo kagabi bro?” Nagtatakang tanong ni Rayver.

“Ha? Saan? Wala akong kausap. Nananaginip ka lang.” Deny ni Gerald.

“Eh, ano yung narinig kong, sige, see you tomorrow. Tapos meron pa, promise? Pinky promise? Bro, are you sick or something?” Todong pang-iinis ni Rayver sa kaibigan sabay tawa nito.

“Shut up, bro. Mind your own business ok?” nagsalubong na ang kanyang dalawang kilay dahil alam niyang pagtitripan naman siya ng mga ito.

“New prospect huh!” Dugtong pa ni Matt.

“She’s different. So please pwede ba, wag na lang natin siyang pag-usapan.” Naiinis na sabi ni Gerald sa mga kaibigan.

“Wow! Different daw oh.” Sabay na sabi ni Rayver and Matt at tumawa ang mga ito at nag high-five pa.

Mas lalong nainis si Gerald sa mga kaibigan. Can’t they see I’m trying to change. Tumahimik na lang ito dahil ayaw na niyang humaba pa ang kanilang usapan at baka magkapikonan lang sila. Mas lalo siyang nainis ng maalala niyang hindi pa pala nag reply si Kim sa kanya, inisip na lang niya na baka tulog pa ito.

Dumating na ang kanilang coach at ibang pa nilang team mate at nagsimula na silang kumain. May kanya-kanyang topic ang bawat magkatabi sa table nila, pero si Gerald ay tahimik lamang at napuna iyon nila Rayver. “Bro, are you ok? Joke lang namin kanina yun, baka napikon ka na.” Pero hindi pa din iyon napansin ni Gerald. “Bro, sorry if we offended you.” Despensa ni Matt at hindi pa rin narinig ni Gerald yun. “Bro, malala na’to.” Bulong ni Rayver kay Matt. “Pabayaan mo na.” Sagot naman ng isa.

Nasa labas na rin si Maja ng kanilang bahay, may dalang kape para sa kanila ni Kim. Habang naka-upo sa katabing upuan na gawa sa kahoy, napag-usapan nila si Gerald.

“Hoy, mafriend sino yung kausap mo kagabi?” Nagtatakang tanong ni Maja, sabay inom ng mainit na kape.

“Ha? Ano, wala yun. Wrong number lang.” Painosenteng sagot ni Kim.

“Ganun, wrong number? Bakit may narinig akong promise na sabi mo? Umamin ka nga mafriend! Naku ha, maytinatago ka na sa akin. Sino yun?” Pilit nitong pinapaamin ang kaibigan dahil alam niyang hindi rin siya matitiis nito.

“Wala nga, ito naman ang kulit.” Ayaw pa rin umamin ni Kim na si Gerald ang kausap niya kagabi, baka kasi kung ano na naman ang masabi sa kanya ng kaibigan.

“Anong wala! Ah ganyanan na pala ngayon ah. Siguro si Gerald yun no, umamin ka.” Sabay kalabit ng tagiliran ni Kim.

“Ano ba! Oo – OO na! Si Gerald nga kausap ko kagabi.” Hindi na nakapagdeny si Kim dahil alam nitong hindi siya titigilan ng kaibigan.

Napatayo naman si Maja mula sa kina-uupuan. “OHH EEM GHEEE. Si Gerald? AS in si Gerald Anderson?” Halos sumisigaw na ito dahil hindi siya makapaniwala sa revealation ng kaibigan.

“Mafriend, tumigil ka nga. Ang ingay-ingay mo.” Pigil nito sa kaibigan.

Muling na upo si Maja at nag-isip. “Hmmm.” Nilagay nito ang ang isang daliri sa kanyang pisngi at para bang may iniisip. Tinignan nito si Kim, parang knowing-look at naka taas pa ang isang kilay nito.

“Anong hmmm! Mo diyan? At kung makatingin ka parang may masama akong ginagawa ah.” Sabay inom ng kanyang kape, kahit mainit ito sige pa rin ito sa kakainom.

Tumayo si Maja at namewang. “Sino ang unang nag text – kanino?” Nilingon nito si Kim. “Aha! Mafriend? Wag ka na mag deny ok? Kasi sa pagkakaalam ko, walang number si Gerald sa’yo. So it means..” Nakatingin lang ito kay Kim habang nagsasalita.

“OO na. Nag text ako sa kanya kagabi.” Hiyang-hiyang pag-amin ni Kim sa kaibigan.

“Gosh, mafriend.” Lumapit ito kay Kim at hinagkan niya ito “dalaga ka na mafriend, hindi lang dalaga – you’re inlove. Spell IN-Lurve!” Habang nag palibot libot ito na para bang sumasayaw.

“Mafriend, anong dalaga na ako? Matagal na no, tsaka FYI hindi po ako inlove.” Tumayo ito at namewang habang nakaharap kay Maja. “No! No! No!”

“Mafriend, atlast magkaka-jowa ka na rin.” Umupo na ito at uminom utli ng kape.

“Pwede ba, hindi ako type nun. Ikaw na rin ang nagsabi na may girlfriend na siya.” Sabay balik sa inuupuan na parang nagdadabog.

“Eh, bakit parang naiinis ka na ngayon? Nag text ba siya sa’yo ulit?” Tanong ni Maja.

“Oo, kanina. Nag goodmorning, pero di ako nag reply eh.” Sagot ni Kim.

“Ano? Mafriend, kailangan ko pa bang alugin yang utak mo? Saan na yung cellphone mo ako mag reply.”

“Ako na, baka kung ano pa ang sabihin mo.” Kinuha ni Kim ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa at nag kunwaring nagtetext. Hard-to-get mode on!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
pink_sapphire #1
Chapter 23: pordalab..pls. update..gsto q kasing malaman kng anu ang magiging reaksyon nilang dalawa lalong lalo na c kim kng magkita na cla ni rj..
:):)
TheArvie99 #2
Chapter 23: pordalab ... please update ... thank you :)
buang03 #3
Prdalab? Please update ka na! :))
teddibear #4
Hellooo :) please update!! Nakakamiss eh :")
jrc_teens #5
waaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh!!!!!!!! more upd8s plss...!!! :) can'y w9 for the hmmmmmmmmmmmmmmmm :D
KG4life #6
thanks sa updates :) kinikilig ako kay mr. jealous and ms. jealous =)) sana may mangyaring nakakakilig sa boracay ;)
lucelle #7
thanks for the update!! :)) sana update ka na ulit. waaaaaa. thanks.. FTW!!
teddibear #8
Yaaaayy!!! You updated!!! :D thank you muchooooo!!! Hehe. Kilig naman itong si mr and ms jealous <3
angel_fire06 #9
waaaahhhhhh...pasigawwww nmn!!!glad to see an update!!i just love the Ms. Jealous and Mr. Jealous portion..hahaha...more updates please ;))
teddibear #10
Adik na ako. I keep checking AFF Kung meron na bang update. I hope you update very soon. Miss ko na update mo eh :")