Chapter 6

All This Time

 

Patulog na si Kim ng may na receive itong text. Kinuha niya kaagad ang kanyang cellphone at tinignan kung sino ito.

“Mafrieeeeeeeeeeeen.” Sabi sa text ni Maja.

Pinindot ni Kim ang reply button, “Kung makasigaw ka naman mafriend. Bakit? Hala. Siguro may ginawa kayo ni Matteo no? Kakauwi mo lang no?” Pinindot ni Kim ang send button.

Medyo matagal din ang reply ni Maja dahil naligo pa ito. Inayos na lang muna niya ang kanyang damit na susuotin at inayos na niya ang kanyang mga unan dahil matutulog na ito. Pahiga na siya ng mag ring ulit ang kanyang cellphone. Si Maja tumatawag.

“Hello?” Bati ni Kim sa kaibigan.

“Hoy, ikaw talaga ang dumi ng iniisip mo noh?” Sumbat ni Maja.

“Bakit naman? Ano ba sinabi ko?” Pa inosente ni Kim.

“Kung may ginawa kami ni Matteo, kung bakit ngayon lang ako naka-uwi.”

“Eh bakit parang guilty ka?” Pangungulit ni Kim. “Siguro nga totoo no?”

“Tse! Wala kaming ginawa ni Matteo no?” Depensa ni Kim sa sarili.

“Ok. Madali naman akong kausap eh.” Dinugtongan pa nito ng tawa kaya mas lalong nainis ang kabigan.

“Ah, sige tawa lang. May sasabihin pa sana akong good news eh. Tungkol sana sa CRUSH ng isa diyan.”

“Ano? Ano?” Excited na sagot ni Kim.

“Ay, nakalimutan ko na.” Tukso ng kaibigan. “Siguro inaantok na ako.”

“Mafrieeend, ito naman kinukulit lang kita. Napipikon ka na kaagad. Joke lang yun, lab you.” Paglalambing ni Kim sa kaibigan.

“Yan! Ganyan ka. Kung di lang kita bff eh.”

“Ano ang goodnews?” Naka ngiti si Kim, at nakatingin lang ito sa isang poster ni Gerald sa kanyang kwarto.

“May practice sila dito sa amin sa Friday.” Hindi rin napigilan ni Maja ang kiligin.

“Kailan?” Tanong ulit ni Kim kay Maja.

“Sa Friday nga. Paulit-ulit ka mafriend.” Sagot ni Maja.

“Hala. Paano yan, may trabaho pa tayo niyan.” Nag-aalalang sagot ni Kim.

“Eh di mag half-day tayo. 4pm pa naman daw practice nila.”

May naalala si Kim. “Alam ko na ako bahala.”

“Ano gagawin mo?” Tanong ni Maja sa kabilang linya.

“Magpapaalam ako kay sir. Andy.”

“Wow! Ganun? Close na kayo? Kailan pa yan?” Gulat na tanong ni Maja.

“Kanina lang. Basta akong bahala. Gagawin ko ang lahat, mapanuod ko lang ang practice ni Ge.” Nakangiting sabi ni Kim, hindi pa rin naaalis ang tingin sa poster ni Gerald.

“Hay! Hopeless romantic ka na talaga mafriend. Ok sige, ikaw na bahala. Sabi mo yan ok?”

“Oo nga. Kita na lang tayo bukas sa office. Thank you mafriend. Paano na lang ako kung wala ka.” Sabay tawa ni Kim.

“Nag drama pa. Sige goodnight na.”

“Goodnight mafriend. Labs you! Pero teka…” Pahabol ni Kim.

“Ano?”

“Yung totoo, may ginawa kayo ni Matteo no?” Tawa ng tawa si Kim at bigla nitong pinindot ang end call button.

Nagsalubong ang kilay ni Maja, sa pang-iinis sa kanya ng kaibigan. Kaya nag text ito kay Kim. “NO! HINDI! DILI!”

Umaga pa lang ay nag-ayos na si Kim ng kanyang sarili, pati breakfast ni Jp siya na rin ang gumagawa nito. Halos hindi na sila magkita ng kanyang papa, kahit siya ay iniiwasan niya ito dahil hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob niya sa kanyang ama dahil pinabayaan sila nito. Pero kahit ganun, eh sinisilbihan pa rin ni Kim ang kanyang pamilya.

“Jp, kumaik ka na dito. Baka ma late ka na naman.” Sigaw ni Kim sa nakakabatang kapatid. Nasa baba na siya at tapos na rin mag luto.

“Nandiyan na Ate.” Sagot ni Jp na nasa kwarto niya pa at nag-aayos na rin para pumasok.

“Oh, an gaga natin ngayon ah? Saan ang punta?” Gulat na tanong ni Kim sa kanyang kuya William, naka bihis na ito.

“Mag-aaply ako ng trabaho. Bakit masa ba?” May angas na sagot ng kanyang kuya.

“Hindi naman. Diba may trabaho ka na? Pero…” Nilapitan nito ang kanyang kuya at hinawakan sa noo. “Hindi ka naman mainit, ano nakain mo? Or baka naman sinaniban ka ng masamang espiritu.”

“Tigilan mo nga ako kimpot. Sinaniban ka diyan.”

“May nililigawan kasi yan ate, kaya nagpapalakas.” Sabad naman ni Jp na pababa na ng hagdan.

“Ah, kaya naman pala. Naku, mabuti yan kuya. Kasi alam mo, kaming mga babae, hindi kami nagkakagusto sa mga batugan.” Patuloy na pangungulit ni Kim.

“Wag mo nga ako pagsabihan ng ganyan. As if naman nagka-boyfriend ka.” Natatawang sabi ni William. Pati si Jp ay natawa na rin.

Natahimik si Kim sa sinabi ng kanyang kuya. “Kumain na nga lang kayo. Ikaw, Jp sige tawea ka. Di ko babayaran tuition mo.” Pananakot ni Kim.

“Naku ate, kampi ako sa’yo alam mo yan. Ikaw kuya, totoo naman ang sinabi ni ate Kimmy eh.” Pagbabawi ni Jp.

“Plastic.” Sabay na sabi ni Kim at William. Nagtawanan silang tatlo. Na realize nila na simula ng gumulo ang kanilang buhay, ngayon lang ulit sila nakapagbonding na tatlo.

Pagkatapos mang hugas ng pinggan ni Kim, ay umalis na ito. Gusto kasi niyang dumating ng opisina ng maaga para makausap niya ang kanyang boss na si Andy.

Dumating si Kim sa kanilang opisina, konti pa lang ang nandun na mga ka officemate niya. Pumunta ito sa room ni Andy pero wala pa ito. Kaya nag desisyon na lang na hintayin na lang niya sa labas. 30 minutes ang nakaraan, ng dumating si Rica.

“Ms. Chiu? Why are you here?” Tanong ni Rica, na nakapamewang pa.

“Goodmorning po Sir.” Mahinhin na sagot ni Kim.

“Anong sir?” Nakataas na ang kilay ni Rica.

“Ay, sorry MS. Rica pala.” Ano po, hinihintay ko lang si sir. Andy.”

“Bakit ano ang kailangan mo kay sir. Andy? May problema ba? Diba sabi ko sa inyo na sa akin niyo muna sabihin?” Pagsusuplada ng bakla.

“Ah, wala naman problema, MS. Rica. May itatanong lang po ako kay sir. Andy.”

“Ano nga? At ako na ang magtatanon.” Pangungulit ng bakla.

“What is it?” Kakarating lang ni Andy at narinig nito ang usapan ng dalawa.

“Oh, sir. Andy. Good morning.” Abot tenga ang ngiti ni Rica, at parang nilalandi nito si Andy.

“Ang landi talaga ng baklang ito.” Bulong ni Kim sa sarili.

“May sinasabi ka Ms. Chiu?” Nilingon ni Rica si Kim dahil parang narinig nito ang sinabi.

“Ah, wala po MS. Rica.”

“Ah, is there something you wana say? Because I have a lot of things to do pa.”

“Ah, pwede po bas a office niyo na lang sir. Andy?” Nahihiyang tanong ni Kim.

“Sa office?” Napalakas naman ng boses si Rica.

“Ok. Let’s go.” At lumakad na ito papasok sa sarili niyang opisina.

Nasa loob na sila ng opisina ni Andy, at hindi man lang pinaupo nito si Kim.

“So, what can I do for you?” Nakatitig ito ng matagal kay Kim. At mas lalo itong nagandahan kay Kim. Simple lang kasi si Kim, simpleng make-up at simple lang manumit.

“Ah, sir. Andy…” Nahihiyang pa si Kim sa sasabihin nito. “Ano po, magpapaalam po sana ako kung pwede kaming mag absent ni Maja this Friday afternoon.”

“Yun lang ba? Bakit kailangan mo pang magpaalam?”

“Kasi po, pag hindi ako nagpaalam condsider absent na po iyon at mababawasan po ang sweldo naming ni Maja.” Esplika ni Kim.

“Ha? Bakit naman mababawasan sweldo niyo?” nagtataka si Andy sa sinabi ni Kim. Halatang hindi nito binasa ang rules and guidelines ng business niya.

“Yun po ang nakasulat sa policy.”

“Ah, ganun ba. Sa Friday ba kamo? Ok sige, para maka-bawi ako sa nangyari kahapon.”

“Talaga sir. Andy?” Naku, salamat po.” Sobrang saya ni Kim sa sinabi ni Andy. Excited na kasi itong makita si Gerald.

“No problem.” Naka-ngiting sagot ni Andy.

“Sige, po sir. Andy balik na po ako sa table ko. Thank you po ulit.” Masayang nag paalam si Kim.

“Ah, Ms. Chiu?” Pahabol na tawag ni Andy.

Nagulat naman si Kim ng tinawag siya nito sa kanyang apelyido.

“Ah, yes sir.?”

“Please call me, Andy. No need to say sir.”

“Naku, nakakahiya naman po yun sir. Andy anak kayo ng boss namin… baka.”

“I insist. Once na tinawag mo akong sir. Hindi ko kayo papayagan ni Maja na mag half day.”

“Naku! Wag naman po sir… I mean Andy.”

“Good! You may go now.” Naka-ngiti lang ito sa dalaga.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
pink_sapphire #1
Chapter 23: pordalab..pls. update..gsto q kasing malaman kng anu ang magiging reaksyon nilang dalawa lalong lalo na c kim kng magkita na cla ni rj..
:):)
TheArvie99 #2
Chapter 23: pordalab ... please update ... thank you :)
buang03 #3
Prdalab? Please update ka na! :))
teddibear #4
Hellooo :) please update!! Nakakamiss eh :")
jrc_teens #5
waaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh!!!!!!!! more upd8s plss...!!! :) can'y w9 for the hmmmmmmmmmmmmmmmm :D
KG4life #6
thanks sa updates :) kinikilig ako kay mr. jealous and ms. jealous =)) sana may mangyaring nakakakilig sa boracay ;)
lucelle #7
thanks for the update!! :)) sana update ka na ulit. waaaaaa. thanks.. FTW!!
teddibear #8
Yaaaayy!!! You updated!!! :D thank you muchooooo!!! Hehe. Kilig naman itong si mr and ms jealous <3
angel_fire06 #9
waaaahhhhhh...pasigawwww nmn!!!glad to see an update!!i just love the Ms. Jealous and Mr. Jealous portion..hahaha...more updates please ;))
teddibear #10
Adik na ako. I keep checking AFF Kung meron na bang update. I hope you update very soon. Miss ko na update mo eh :")