Chapter 20

All This Time

 

Maganda naman ang naging communication nilang dalawa kahit first nila pero, si Kim first time na magkaroon na boyfriend at si Gerald naman ay first na magkaroon ng girlfriend na malayo sa kanya. Nahihirapan na rin si Gerald dahil kahit anong pwedeng gawin nito para magkita lang sila ni Kim ay paranh may hadlang. Pero hindi pa rin sila nawawalan ng pag-asa at mas lalong tumitibay ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa.

“Sige nah on, sumama ka na please.” Si Gerald nasa kabilang linya.

“Hon, alam mo naman na hindi pwede diba. Alam mong gustong-gusto kong sumama.” Sagot ni Kim sa kabilang linya.

“Pero pwede ka naman mag leave diba? Sige na hon. Please. Kahit isama mo pa si Maja.” Pagmamakaawa ni Gerald. Sila kasi ang nanalo sa championship kaya nagplano ang team nila na magkaroon ng celebration sa boracay.

“Hon.” Hindi na alam ni Kim kung ano pa ang isasagot nito, alam niya kasi na malungkot si Gerald. “Sige, susubukan ko kung payagan akong mag leave ng boss ko, tambak kasi ang trabaho naming ngayon.”

“Thank you hon, kung hindi ka makakasama hindi na lang ako sasama.”

“Ha? Hindi, ayokong hindi ka sumama. Ikaw ang MVP kaya dapat nandun ka. Tsaka baka magalit pa mga ka team mate mo.”

“Ok lang, ano naman gagawin ko dun kung hindi naman kita kasama.” Malungkot na sabi ni Gerald.

“Eh dati diba, kahit hindi mo pa naman ako nakilala sumasama ka din naman sa kanila.”

“Noon yun Kim, iba na ngayon.” Parang may inis na sabi ni Gerald.

Nahalata naman iyon ni Kim. “Naiinis ka ba?” Tanong nito.

“Sino ba naman ang hindi maiinis niyan Kim. Ako lang yata ang may gusto na magkita tayo.” Sagot nito.

“Gerald, alam mong gustong-guso na kita magkita, kahit araw-araw pa yan. Pero intindihin mo naman sana ako, iba ang patakaran ng trabaho ko. Pag nag leave ako wala akong sweldo. Alam mo sa akin lang umaasa ang pamilya ko.” Pigil na pigil na si Kim na umiyak dahil hindi na alam nito ang kanyang gagawin.

Huminga si Gerald sa kabilang linya. “Na-iintidihan kita Kim, pero ginagawa ko lang ito para sa atin. Miss na miss na kita.” Malungkot nitong sabi.

“Parang na guilty naman si Kim sa sinabi nit okay Gerald. “Hon, sorry. Kasi hindi ko na alam ang gagawin ko.”

“Ganito na lang, mag paalam ka sa boss mo tapos pag hindi ka pinayagan, ako na lang pupunta diyan.”

“Sige, susubukan ko. Sorry.”

“OK lang, sorry din kung na inis ako kanina. I love you, Kim.”

“Mahal din kita, tandaan mo yan ha.”

Pagkatapos nilang mag-usap ni Gerald, nagpatulong si Kim kay Maja kung ano pwede niyang gawing alibi para makapag leave sila.

“Oh, ano sabi ni Gerald?” Tanong ni Maja kay Kim, habang nakatayo ito sa may working table ni Kim. Wala si Rica, kaya pwede silang mag tsikahang dalawa.

“Ayon nga, pinipilit niya ako sumama sa celebration nila sa bora, tapos isama daw kita.” Sagit ni Kim, habang inaayos ang mga gamit sa ibabaw ng kanyang mesa.

“Oh, tara.” Nakangiting sabi ni Maja.

“Ikaw talaga, nalaman mo lang sa bora tayo pupunta hindi mo na iniisip trabaho natin.” Tumayo na ito at kinuha ang ibang papeles sa kabilang table.

“Hello, bora nay an. Free board ang lounging, kahit itong opisina natin hindi mabibibgay sa atin yan.” Nakapamewang na sagot ni Maja habang nakasunod kay Kim.

“Eh paano nga may trabaho tayo.” Humarap ito kay Maja.

“Eh diba close naman kayo ni ANDY, eh di magpaalam tayo.” Nakapamewang pa rin ito.

“Ewan ko, hindi ko na alam ang gagawin ko.” Lumakad uli ito pabalik sa kanyang table. “Tapusin na muna natin itong mga papeles na ito, tsaka tayo mag paalam. Ok?” Sabay upo.

“O, game na. Kahit mag overtime pa ako. Basta makasama lang tayo sa bora.” Sabay alis ni Maja at pumunta sa kanyang working table. Lingid kasi sa kaalaman ni Kim ay kinausap na ni Gerald si Maja para tulungan itong pilitin si Kim para sumama sa boracay. Kapag napasama niya si Kim ay pwede silang sumama ni Matteo at libre lahat. Kaya hindi na tinanggihan ni Maja ang offer ni Gerald.

“Bro, ano napapayag mo na ba si Kim?” Umupo si Rayver sa tabi ni Gerald na may dalang dalawang San Miguel Light.

“Hindi pa nga eh. Ang hirap talaga pilitin si Kim pag trabaho ang kalaban.” Nakatingin lang si Gerald sa garden nila. Nag-iisip ng kung ano pang pwedeng pakiusap ang sasabihin niya kay Kim.

“Eh paano kung hindi nga siya sasama?” Sabay inom ng dalang beer.

“Eh di, hindi na rin ako sasama. Tapos.” Kinuha nito ang isang beer na dala ni Rayver at ininom.

“What. C’mon bro. Celebration ito ng championship natin, you have to be there. At alam ko hindi ka papayagan ni coach pag hindi ka sumama.”

“Eh, ano gagawin ko dun lahat kayo may girlfriend na dala tapos ako?” Sarkastikong sagot ni Gerald.

“Ay, oo nga pala isasama ni Tin si Paula.” Pag-amin ni Rayver.

“What?” Sabay tayo nito. “Alam mo naman na isasama ko si Kim. You know Paula, I’m sure guguluhin niya lang kami dun.”

“Easy bro, kahapon ko lang din nalaman. And don’t forget magkakabarkada ang mga girlfriends natin.”

“Girlfriends niyo lang.” Pagko-correct ni Gerald.

“Ok. Basta you have to be there. Period.”

Hindi na sumagot si Gerald kay Rayver, sa mga ganitong oras ay ayaw niyang makipagbangayan. Gusto lang niya mapag-isa para makapag-isip kung ano pa ang pwede niyang gawin. Hindi na muna siya nag text kay Kim, dahil gusto nitong kapag-isip ang girlfriend.

“Bye, mafriend, kita na lang tayo bukas.” Sabay beso ni Maja kay Kim.

“Bye. Ingat mafriend.” Magkaibangterminal ang sakayan nila Maja at Kim. Hindi naman nasundo ni Matteo si Maja dahil nag overtime ito para makakuha ng leave.

“Pssst. Pag-isipan mo ha. Sayang.” Pagpapaala ni Maja kay Kim

“Opo.”

Habang nasa bus ay nag-iisip si Kim ng kung anong pwede niyang gawin. Kung sasama ba siya kay Gerald sa boracay or hindi dahil sa trabaho niya. Tinignan nito ang kanyang cellphone pero walang text or miss call man lang galing kay Gerald. Naku, baka galit na yun sa akin.

“Hon? Galit ka :(“ Sabay pindot ng send button.

Nasa basketball court naman sila Gerald at mga kaibigan nito kaya hindi niya kaagad nabasa ang text message ni Kim.

Malapit na siyang dumating sa kanila, pero hindi pa rin naka reply si Gerald. Kaya nag dial ito ng no. ni Gerald, ngunit hindi pa rin ito sinasagot.

“Sorry :( Talk to me kung hindi ka nag alit.” Sabay pindot ng send button.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
pink_sapphire #1
Chapter 23: pordalab..pls. update..gsto q kasing malaman kng anu ang magiging reaksyon nilang dalawa lalong lalo na c kim kng magkita na cla ni rj..
:):)
TheArvie99 #2
Chapter 23: pordalab ... please update ... thank you :)
buang03 #3
Prdalab? Please update ka na! :))
teddibear #4
Hellooo :) please update!! Nakakamiss eh :")
jrc_teens #5
waaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh!!!!!!!! more upd8s plss...!!! :) can'y w9 for the hmmmmmmmmmmmmmmmm :D
KG4life #6
thanks sa updates :) kinikilig ako kay mr. jealous and ms. jealous =)) sana may mangyaring nakakakilig sa boracay ;)
lucelle #7
thanks for the update!! :)) sana update ka na ulit. waaaaaa. thanks.. FTW!!
teddibear #8
Yaaaayy!!! You updated!!! :D thank you muchooooo!!! Hehe. Kilig naman itong si mr and ms jealous <3
angel_fire06 #9
waaaahhhhhh...pasigawwww nmn!!!glad to see an update!!i just love the Ms. Jealous and Mr. Jealous portion..hahaha...more updates please ;))
teddibear #10
Adik na ako. I keep checking AFF Kung meron na bang update. I hope you update very soon. Miss ko na update mo eh :")