Chapter 16

All This Time

 

Kinabukasan ay nagpaalam na si Kim na uuwi na siya ng San Miguel dahil nag text ang kanyang kuya William na hinahanap siya ng kanyang papa.

“Mafriend, uwi na ako ha. Ako na lang bahala bukas mag sabi kay Rica na hindi ka muna makakapasok.”

“Ok mafriend, thank you. Sorry hindi kita mahatid sa terminal.” Sagot ni Maja. Hindi pa kasi ito makalabas ng hospital dahil ayaw pa siyang payagan ng doctor.

“Sorry ka diyan, ok lang no. Basta magpagaling ka ok?”

“Ok po.”

“Nay, uwi na po ako ha. Thank you nay. Labs you.” Paalam ni Kim kay nanay Elena.

“Ito naman, hindi ka na iba sa amin. HIntayin mo na lang si tatay Fredo mo, bumili lang yun ng gamut para maihatid ka niya.”

Ilang minute pa ay dumating na nga si tatay Fredo at nagpaalam na muli si Kim. Sakto naman na umalis na ang sinasakyang trisekel ni Kim ng dumating si Gerald. Dumiretso kaagad ito sa kwarto ni Maja. Kumatok ito sa pinto at si nanay Elena ang nagbukas.

“Goodmorning, nay.” Bati ni Gerald.

“Uy, Gerald anak. Goodmorning.” Bati ni nanay Elena kay Gerald.

“Oh, Ge. Kakaalis lang ni mafriend ah. Hindi mo siya nakita palabas?” Sabi ni Maja, habang inaangat ang kanyang katawan sa higaan.

“Ha? Hindi eh. Kakarating ko lang dumiretso na kaagad ako dito sa room mo.”

“Hindi mo ba siya na text na pupunta ka dito? Biglaan kasi uwi niya, hinahanap siya ng kanyang papa.” Pag eespleka ni Maja.

“Hindi eh kasi gusto ko siya isurprise sana. Ito nga pala fruits para sa’yo.” Sabay abot ng mga dala kay nanay Elena.

“Naku, salamat Ge. Hindi ka n asana nag abal pa. May dala ka bang sasakyan? Maaabutan mo pa yun sa terminal.” Suwestiyon ni Maja.

“Ha? Eh wala eh, sa coach ko kasi yung ginamit ko kagabi.” Sabay kamot ng ulo niya na parang nag-iisip kung paano niya mahahabol si Kim.

“Mag trisekel ka na lang, baka hindi pa naman aalis ang bus. Maabutan mo pa yun.”

“Sige, ma una na ako ha. I’ll try baka maabutan ko pa si Kim. Thank you mafriend, nay Elena alis nap o ako ha.”

“Welcome Ge. GO for the gold.” Natatawang sabi ni Maja, na para bang may sasalihan si Gerald.

“Mag-ingat ka anak.” Dugtong naman ni nanay Elena.

Dali-daling lumabas si Gerald sa kwarto. Paglabas niya ng hospital ay wala pang trisekel na dumadaan kaya natataranta na ito.

“Anak, tawag mo si Kimay sabihin mo na huwag muna sumakay ng bus.” Sabi ni nanay Elena kay Maja.

“Ay, oo nga pala. Naku, pati ako natataranta. Paabot naman ng cellphone ko nay.”

Pagkatapos maabot ni nanay Elena ang cellphone ni Maja, agad itong nag dial ng no. ni Kim. Nag ring lang ito ng nag ring at hindi nasasagot ni Kim. “Nay, hindi sinasagot ni mafriend, baka nakasakay nay un.”

“Try mo ulit.”

Nag dial ulit si Maja at sa pangatlong ring ay nasagot na ito ni Kim. “Hello? Mafriend, mabuti naman at sinagot mo?”

“Oh, bakit ka napatawag mafriend? May problema ba diyan?” Nag-aalalang sagot ni Kim.

“Wala naman, nasaan ka na? Terminal ka na ba?”

“Oo, nandito na ako. Si tatay Fredo pabalik na diyan. May problema ba?” Ulit na tanong ni Kim.

“Ah, wala naman. Basta wag ka munang sumakay ng bus ok?”

“Ha? Bakit? Sa susunod na bus, sasakay na ako puno na itong na una.” Nagtataka naman si Kim sa sinasabi ni Maja.

“Basta, wag ka munang sumakay. May pinahabol ako diyan. OK?”

“Wag na madaming tanong. Sige na bye na. Paubos na load ko. Bye mafriend, enjoy sa biyahe.” Nakangiti nitong sabi. “Wag ka munang sumakay.” Sabay pindot ng end call button.

Nagtataka naman si Kim sa sinabi ni Maja, pero sinunuod niya pa rin ito. Naka-alis na ang dalawang bus, pero wala pa din may dumarating. Naiinip na si Kim, kaya sumakay na ito sa pangatlong bus. “Bahala na.”

“Manong pwede po ba pakibilisan lang, kasi may hinahabol po ako eh.”

“Iho, trisekel ito hindi ito  kotse or bus. Malapit na tayo.” Sabi ng driver.

Pinapawisan na si Gerald habang nakasakay sa trisekel, hindi siya papaya na hindi sila magkita ni Kim bago pa man ito umuwi sa kanila. Ilang minuto pa ay, nakarating na sila sa terminal ng bus. Dali-daling bumaba si Gerald at hinanap na si Kim. Nalibot na niya ang pwedeng hintayan ng mga pasahero pero wala siyang nakita na Kim. Napahawak na lang si Gerald sa kanyang ulo.

“Ah, manong? Excuse me po. Tatanong ko lang po sana kung naka-alis na yung bus papuntang San Miguel?” Lumapit si Gerald sa isang konduktor ng bus.

“San Miguel? Oo kanina pa yun. Na una na umalis yun.” SAgot naman ng konduktor na abala sa pagbilang ng pera.

Parang nawalan na ng pag-asa si Gerald at umupo na lang ito. Nag-isip si Gerald kung ano pa ang kanyang pwedeng gawin. Dali-dali niyang kinuha ang kanyang cellphone at nag dial ng no. ni Kim. Pero hindi ito sinasagot ni Kim. Kaya mas lalo itong nawalan ng pag-asa. Tumayo ito at pumunat sa labasa ng bus terminal. Sakto naman na paalis na ang bus na sinasakyan ni Kim. Nakatingin ito sa bintana ng makita ang isang pamilyar na lalaki. “Si Gerald ba yun?” Tanong niya sa kanyang sarili. Habang papalapit ang bus ay namumukhaan niya ito.” Si Gerald nga, hala ano ang ginagawa niya dito.” Nagtatakang tanong ni Kim sa kanyang sarili at naalala niya ang sinabi ni Maja. Dali-dali niyang tinawag ang konduktor at sinabihan niyang baba siya. Tumigil naman ang bus at dali-daling bumaba si Kim.

“Gerald?” Sigaw ni Kim. Pero hindi iyun narinig ni Gerald dahil parang ang lalim ng kanyang iniisip. At muli siyang lumapit. “Gerald?” Bati niya ulit.

Lumingon naman si Gerald at nakita si Kim na nakatayo sa harap niya. “Kim?” At hinagkan na niya ito. “Akala ko hindi na tayo magkikita.” Sabay alis nito sa pagkakayakap kay Kim.

“Bakit ka nandito? Diba uuwi ka na din?” Nagtatakang tanong ni Kim.

“Pumunta kasi ako sa hospital, tapos sinabi ni Maja na biglaan kang pina-uwi ng papa mo. Akala ko nandun ka pa.”

“Ah, oo. May problema na naman kasi sa bahay. Pero diba uuwi na kayo ngayon?” Ulit na tanong ni Kim.

“Oo, pero gusto kita makita bago man lang ako umuwi.” Nakangiting sagot ni Gerald.

“Ah, ganun ba. Ito nagkita na tayo.” Sabay ngiti ni Kim. “Sorry, kung hindi ako nakapagpaalam sa’yo ha.”

“Ok lang.” Nakangiting sabi ni Gerald. “Hatid na kita Kim.”

“Ha? Saan? Eh, nandito na naman tayo sa terminal.”

“Sa inyo, sasamahan kitang umuwi sa inyo.” Pilyong sabi ni Gerald.

“Ha? Eh babalik ka pa ng maynila. Baka pagalitan ka ng coach mo. Ok lang ako, Ge.”

“Hindi. Basta teka lang ha.” Kinuha ni Gerald ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanyang coach. Medyo lumayo siya ng konti kay Kim para hindi nito marinig ang pag-uusap nila ng kanyang coach.

“Ok na. Tara na.” Sabay hawak ni Gerald sa kamay ni Kim.

“Ha? Anong ok na? Anong tara na?” Nagtatakang tanong ni Kim.

“Uuwi na tayo… I mean ihahatid na kita sa inyo.” Saby ngiti nito.

“Ha? Ge, ok lang talaga ako. Masaya na ako na nakita kita ngayon.”

“Kim, wag na matigas ang ulo. Tara na. Baka iwan na tayo ng bus.”

“Pero ano naman ang gagawin mo dun?” Nag-aalalang sabi ni Kim.

“Eh di, ipakilala mo ako sa papa mo, mga ate mo, kuya mo at sa bunso mong kapatid.” Seryosong sabi ni Gerald.

Hindi naman maiwasan ni Kim ang mapangiti. “Ano ito? Meet and greet with my family? Bakit boyfriend na ba kita? Panunukso ni Kim dahil nakita niyang seryoso talaga si Gerald.

“Oo, malapit na. At tsaka mabuti na yung maaga, mahirap na madami ngayon salisi gang baka maunahan pa ako.” Pilyong sagot ni Gerald,

Hindia mapigilan ni Kim ang tumawa sa sinabi ni Gerald. “Salisi gang.” Sabay tawa. “Patay na patay ka na talaga sa akin no?”

“Oo. Hindi lang patay na patay. I’m madly inlove with you, Kimberly Chiu.”Halos sumigaw na si Gerald pero mabilis na tinakpan ni Kim ang kanyang bibig. “Kaya, tara nab ago pa akong pagkamalan na baliw dito.”

Sa narinig nay un ay parang gusto na rin aminin ni Kim ang nararamdaman niya kay Gerald. Kahit hindi man siya ang first love nito at umaasa pa rin siyang magkikita sila ng batang nakilala niya nung maliit siya alam niyang mamahalin niya si Gerald ng buong-buo.

Nasa loob na sila ng bus, magtabi sila sa upuan habang ang isang kamay ni Gerald ay nasa balikat ni Kim at si Kim naman ay naka sandal sa katawan ni Gerald. Sa unang tingin ay masasabi mo talaga na sila na dahil sa ka sweetan nilang dalawa.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
pink_sapphire #1
Chapter 23: pordalab..pls. update..gsto q kasing malaman kng anu ang magiging reaksyon nilang dalawa lalong lalo na c kim kng magkita na cla ni rj..
:):)
TheArvie99 #2
Chapter 23: pordalab ... please update ... thank you :)
buang03 #3
Prdalab? Please update ka na! :))
teddibear #4
Hellooo :) please update!! Nakakamiss eh :")
jrc_teens #5
waaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh!!!!!!!! more upd8s plss...!!! :) can'y w9 for the hmmmmmmmmmmmmmmmm :D
KG4life #6
thanks sa updates :) kinikilig ako kay mr. jealous and ms. jealous =)) sana may mangyaring nakakakilig sa boracay ;)
lucelle #7
thanks for the update!! :)) sana update ka na ulit. waaaaaa. thanks.. FTW!!
teddibear #8
Yaaaayy!!! You updated!!! :D thank you muchooooo!!! Hehe. Kilig naman itong si mr and ms jealous <3
angel_fire06 #9
waaaahhhhhh...pasigawwww nmn!!!glad to see an update!!i just love the Ms. Jealous and Mr. Jealous portion..hahaha...more updates please ;))
teddibear #10
Adik na ako. I keep checking AFF Kung meron na bang update. I hope you update very soon. Miss ko na update mo eh :")