Chapter 4

All This Time

 

Flashback continuation.

Mahimbing na natutulog sila Kim at Jp sa kwarto ng inupahan nilang cottage ng ginising sila ng kanilang mommy.

“Kim, Jp, gising na kayo.”

“Hmmm. Mommy, it’s too early.” Reklamo ni Kim, na nakapikit pa ang kanyang mga mata.

“We need to go home. May emergency sa negosyo. Kaya bilisan niyo na diyan, maligo na kayo. Jp, gising na.” Inaayos na ng kanilang mommy ang mga gamit nito.

“Ano mommy? Hindi pwede.” Naalala nito na may promise it okay Rj, na magkikita pa sila.

“Anong hindi pwede?” Galit na ang kanilang mommy dahil natataranta na ito sa kanyang ginagawa. “Kilos na, maligo ka na at kakain na tayo.”

Walang nagawa si Kim kundi maligo ito. Pagkatapos siyang bihisan ng kanyang mommy, ay bumaba na ito. Inaalala pa rin niya ang kanyang promise kay Rj, alam niyang magagalit ito sa kanya kapag hindi niya tinupad ang kanyang pangako.

Kaya tumakbo ito papalabas ng kanilang cottage. Nakita siya nito ng kanyang daddy.

“Teka, my princess saan ang punta?” Pigil ng kanyang daddy.

“Ah, daddy can I go outside? Promise I’ll be right back.” Paglalambing ni Kim sa kanyang daddy.

“Uyy, magkikita lang kayo ng bago mong friend eh.” Panunukso ng Kuya William niya.

“Ano? May bagong kaibigan ang princess ko. Can I met her?”

“Daddy, correction. Him not her. Uyy, my little boyfriend na si little Kimmy.” Patuloy na panunukso ng kanyang kuya.

“Oh! A boy then. Kimmy? Little boyfriend?” Tinaasan ng kilay si Kim ng kanyang daddy.

‘Oh no daddy, it’s not what you think. I’m too young for that.” Pa cute na sabi ni Kim sa kanyang daddy.

Hindi naman napigilan ng kanyang daddy ang mapatawa sa sinabi ni Kim, na para bang may alam na ito. “I believed you, princess. Don’t mind your kuya, he’s just teasing you. OK you can go now, but be sure wag kang magtagal.”

“Yehey! Thank you daddy.” Sabay kiss sa pisngi ng kanyang daddy. Tumakbo na ito palabas ng lumingon ito sa kanyang kuya William. “Bleeeh!” Sabay tawa.

Pinuntahan ni Kim ang lugar kung saan sila nagkita ni Rj kahapon, pero wala pa ito. Kaya umupo na lang muna siya sa kahoy at nilaro ang buhangin sa kanyang paa.

Halos magi sang oras na ang nakalipas pero wala pa ito, at kailangan na niyang bumalik sa kanilang cottage.

“Rj, saan ka na ba? Please dumating ka na. Baka pagalitan na ako ni mommy.” Tumayo ito at pabalik balik sa kakaupo. Kung saan saan na siya tumitingin, pero wala pa rin si Rj.

“Sorry, Rj. Kailangan ko ng umuwi.” Kinuha nito ang kanyang kwintas na bigay ng kanyang daddy at nilagay sa kahoy na inuupuan nila. “Sana wag ka magalit sa akin, iiwan ko na lang ito para alam mo na bumalik ako dito, at tumupad ako sa usapan. Hindi ko alam kong magkikita pa tayong muli. Per hindi kita makakalimutan. Sana kung magkita man tayong muli, maalala mo pa rin ako. Paalam Rj.” Halos tumutulo na ang luha ni Kim, kahit isang araw pa lang silang magkakilala ni Rj, ay parang matagal na silang magkaibigan at habang buhay niya ito itre-treasure.

“Mommy, can I go out?” Tanong ni Rj sa kanyang mommy habang nagbabasa ito ng magazine.

“Where are you going?”

“Somewhere.”

“OK, but be back before lunch time ok?”

“Ok mommy. Thank you.” Sabay kiss sa pisngi ng kanyang mommy.

Tumakbo papunta si Rj sa meeting place nila ni Kim, patatalon-talon pa ito kasi excited siyang makita ulit ang kaibigan. Pero nabigo ito nung madatnan niya na wala pa ito.

“Maybe, she’s late lang.” Umupo si Rj sa kahoy at may nakita itong parang kumikinang. Kinuha niya ito at tinignan. Silver necklace with heart shape pendant. “Kanino kaya ito? Oh maybe, this is Kim’s necklace naiwan niya kahapon.”

Halos dalawang oras na ang paghihintay niya kay Kim pero hindi pa rin ito dumarating. Inaliw na lang niya ang kanyang sarili sa paglaro sa buhangin.

“Kim, where are you?” Malungkot niyang tanong sa sarili. “You promised to me.” Hawak-hawak pa rin nito ang kwintas.

Dumagdag pa ang isang oras pero hindi pa din dumadating si Kim. Hindi na niya alam kung ano ang nararamdaman niya. Alam niyang dadating si Kim. Alam niyang tutuparin nito ang promise sa kanya.

“Rj? Rj?” Sigaw ng kanyang yaya. Kanina pa nito hinahanap si Rj. “Naku, nandito ka lang palang bata ka. Ano ginagawa mo dito? Taran na umuwi na tayo, hinihintay ka na ng mommy mo, hindi pa kumakain kasi hinintay ka niya.”

“Yaya.” Yumakap si Rj sa kanyang yaya at umiyak ito.

“Oh, Rj bakit? Bakit ka umiiyak? May umaway ba sa iyo dito?” pag-aalalang tanong ng kanyang yaya.

Hindi pa rin sumagot si Rj, nakayakap lang ito sa kanyang yaya habang umiiyak. “Bakit, hindi ba dumating ang kaibigan mo?” Kwenento ni Rj sa kanyang yaya tungkol sa bagong kaibigan niyang nakilala niya kahapon. Masaya ito para kay Rj dahil nakikita na niyang ngumi-ngiti ang kanyang alaga.

“She leaves me yaya, she didn’t fulfill her promise. I hate her.”

“Rj, hindi naman siguro baka nagka emergency lang kaya hindi siya nakapunta. Ganito na lang ha, mamaya pagkatapos mong kumain babalik tayo dito sasamahan kita. Hintayin natin ang kaibigan mo. OK bay un?”

Tumango lang si Rj sa kanyang yaya.

“Ok, stop crying na ok?” Teka ano yang hawak mo?” Naka luhod ito sa buhangin para mag pantay sila ni Rj.

Tinaas naman nito ang kwintas na hawak hawak niya.

“Sa kaibigan mo ba ito?” Tanong ng kanyang yaya.

“I guess so.” Kibit balikat si Rj.

“Nandito ba ito kahapon, Rj?”

“I saw that earlier, when I got here yaya.” Sagot ni Rj.

“Oh, hindi kaya your friend is here na kanina? Na una lang siya sa iyo and she left her necklace so that you’ll know that she fulfill her promise?” Pag-aanalisa ng kanyang yaya.

“Is that so yaya? So Kim, didn’t break her promise? Kim is here?” Masayang sabi ni Rj sa kanyang yaya.

“Oo, Rj, Tinupad ni Kim ang promise niya sa’yo kaya wag ka na malungkot ha. Baka mamaya bumalik siya dito. Magkikita na kayo.” Sabay ayos ng buhok ni Rj.

“Yes yaya.” Nakangiti na ngayon si Rj, na kanina lang ay sobrang lungkot ang mukha.

“Kaya.” Kinuha ng yaya ni Rj ang kwintas at sinuot nit okay Rj. “Ingatan mo ito ha. Simbolo ito ng pagkakaibigan niya sa’yo.”

“Yes, yaya. I will take care of this.”

“Very good. Kaya umuwi na tayo baka yung mommy mo eh puting-puti na sa gutom.”

Tumawa si Rj sa sinabi ng kanyang yaya. “I’m so very happy yaya.”

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
pink_sapphire #1
Chapter 23: pordalab..pls. update..gsto q kasing malaman kng anu ang magiging reaksyon nilang dalawa lalong lalo na c kim kng magkita na cla ni rj..
:):)
TheArvie99 #2
Chapter 23: pordalab ... please update ... thank you :)
buang03 #3
Prdalab? Please update ka na! :))
teddibear #4
Hellooo :) please update!! Nakakamiss eh :")
jrc_teens #5
waaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh!!!!!!!! more upd8s plss...!!! :) can'y w9 for the hmmmmmmmmmmmmmmmm :D
KG4life #6
thanks sa updates :) kinikilig ako kay mr. jealous and ms. jealous =)) sana may mangyaring nakakakilig sa boracay ;)
lucelle #7
thanks for the update!! :)) sana update ka na ulit. waaaaaa. thanks.. FTW!!
teddibear #8
Yaaaayy!!! You updated!!! :D thank you muchooooo!!! Hehe. Kilig naman itong si mr and ms jealous <3
angel_fire06 #9
waaaahhhhhh...pasigawwww nmn!!!glad to see an update!!i just love the Ms. Jealous and Mr. Jealous portion..hahaha...more updates please ;))
teddibear #10
Adik na ako. I keep checking AFF Kung meron na bang update. I hope you update very soon. Miss ko na update mo eh :")