Chapter 11

All This Time

 

2:30 ng hapon ay tinipon na sila Gerald ng kanilang coach para sa kanilang strategies before the game. Nasa isang function hall sila ng hotel. Halos hindi na binitiwan ni Gerald ang kanyang cellphone, at kahit sila Rayver ay napapansin ito. Habang nagsasalita ang kanilang coach, napuna nito na parang wala si Gerald sa sarili, parang lumilipad ang isip nito.

“Anderson, are you okay?” Tumigil ang kanilang coach para kamustahin si Gerald.

Pero parang wala itong narinig kaya siniko na siya ni Rayver at nagulat nga ito. “Ah, yes?” Tanong nito, halatang wala ang focus sa pinag-uusapan.

“What’s happening Anderson? Are you not feeling well?” Ulit nitong tanong.

“Ahh, I’m fine coach. Sorry.” Pag hingi ng despensa ni Gerald. Tinignan naman siya ni Rayver na parang nagsasabi, focus bro!

“As I was saying, I want you ALL to FOCUS on this game. Mahigpit ang kalaban. Nanalo na once ang Kapatid Team, and you know all that they’re also aiming for the championship this year. Which I doubt it. We are the champion last year and – AND that’s what I want it this year. We only need 2 wins to proceed to the championship. We need to FOCUS. Each of you have to connect with each other, for you – for us to win this game. Are we all in this together?” Sabay lagay ng coach ng kanyang kamay sa gitna at isa-isa na rin nag lagay ang bawat team members. “Yes coach!” Sabay na sagot nilang lahat.

Pagkatapos nilang mag-usap ay nagkanya-kanya na silang kumuha ng kanilang mga gamit sa kanilang kwarto. Habang papunta sa kanilang room, hindi mapigilan ni Rayver na kausapin ang kaibigan.

“Bro, you know what napipikon na ako sa’yo. Kanina pa! What’s happening to you bro?” Inis na sabi ni Rayver habang nag-aayos sila ng kanilang mga damit.

“I’m okay bro – don’t worry im not losing my focus in our game.” Sagot ni Gerald, habang nagtutupi ng kanyang jersey uniform.

“Baka dahil yan dun sa babae kaya ka nagkakaganyan ka bro. I tell you, not worth it.” Medyo galit na ang boses ni Rayver. Matagal na silang mag bestfriend ni Gerald at ngayon lang niya nakikitang nawawala ang focus ni Gerald sa kanilang laro.

“I said, leave her alone. She’s nothing to do with this.” Naiinis na rin si Gerald sa sinasabi ng kaibigan.

“Leave her alone? How? You know na importante ang laro natin ngayon, and you’re losing focus because of that girl. You know what, this is the first time you acted like a complete . And, just a little reminder, you even don’t know that b****.” Galit na sagot ni Rayver na halos nakalapit na sa mukha ni Gerald. Nagulat din ito sa kanyang sinabi pero huli na ang lahat.

Tinulak ni Gerald si Rayver at dahil sa lakas ng pagkakatulak, napaupo si Rayver sa sahig. “Don’t you dare – ever call her that again, because you know what?  I can gave this all up – but not her. NOT HER!” Sabay kuha ni Gerald ng kanyang bag at lumabas na sa kanilang kwarto. Naiwan naman si Rayver sa pagkaka-upo sa sahig, gulat sa sinabi ng kaibigan.

“Mafriend, ok na ba itong ayos ko? Yung buhok ko, ok lang ba na ganito lang?” Natatarantang tanong ni Kim kay Maja. Naka simpleng pink blouse at pantalon lang ang suot nito at naka ponytail lang ang buhok niya.

“Oo, ok nay an. Mas simple – mas maganda. Teka mafriend…” Sabay hawak nito sa kanyang tyan.

“Bakit? Hoy, saan ka pupunta?” Nagtatakang tanong ni Kim.

Hawak-hawak ni Maja ang kanyang tiyan. “Teka lang, CR lang ako. Sumakit tyan ko eh.” At tuloy-tuloy na ito papunta ng banyo.

Sumunod naman si Kim kay Maja habang tumatawa ito. “Mafriend, ikaw yata ang excited eh.” Biro nito.

Nasa loob ng banyo si Maja at naka upo naman si Kim sa malapit na upuan. “Mafriend, ang sakit talaga. Ouch! Sigaw pa nito.”

“Sige, ilabas mo lang yan.” Habang tumatawa lang ito.

“Maaaafriend…” Sigaw ni Maja sa loob ng banyo. “Ayaw talaga lumabas, ang sakit ng tiyan kooo.” Namimilipit na ito sa sakit ng tiyan.

Naalala ni Kim na may ulcer pala si Maja, kaya dali-dali itong pumunta sa banyo. “Mafriend, buksan mo yung pinto.” Sumisigaw ito habang kumakatok sa pinto. Binuksan naman ni Maja ang pinto, at kinabahan si Kim ng makita niyang maputla na ang kaibigan at namimilipit ito sa sakit.

‘Maaafriend, teka lang tatawagin ko si tatay.” Dali-daling lumabas si Kim papunta sa labas ng bahay ngunit wala doon ang tatay Fredo nila. Kaya linibot nito ang buong bahay hanggang sa nakita niya ito sa likuran ng sisibak ng kahoy.

“Tay, si mafriend po sumasakit ang tiyan. Baka umaatake na naman ulcer niya.” Sigaw ni Kim habang tumatakbo papunta kay Fredo.

“Ha? Nasaan siya?” Tarantang tanong nito.

“Nasa banyo po.”

“Sige, tara.” Sabay na silang tumakbo papuntang banyo.

Halos basa na si Maja ng kanyang pawis at parang bumabalik na ang natural na kulay nito. Pero sumasakit pa din ang kanyang tiyan.

“Anak? Anak? Dalhin ka na naming sa hospital.” Sabi ni Fredo, na alalang-alala sa anak.

“Ha? Wag na po itay. Kailangan ko pang samahan si mafriend manuod ng basketball.” Nakakunot ang mukha nito sa sakit at halos mabali na ang kahoy na hinahawakan nito.

“Mafriend, ok lang. Mas importante naman ang kalagayan mo. Kaya pumayag ka na, dadalhin ka na naming ni tatay sa hospital.”

Binuhat na ni Fredo si Maja at dinala na palabas ng kanilang bahay. Mabuti na lang at may dumaan kaagad na trisekel.

“Mafriend, ma una ka na lang dun. Susunod ako.” Sabi ni Maja kay Kim habang nakapikit ang kanyang mata. Halatang pinipigilan nito ang sakit.

“Hindi na mafriend, ok lang. Makakanuod pa naman ako niyan sa tv eh.”

“Pero, paa – paano ang promise mo kay Ge?”

Naalala ni Kim na nag promise pala it okay Gerald. Napa-isip ito kung ano ang gagawin niya, sasamahan ang kaibigan or tutupad sa pangako.

“Mafriend, pumunta ka na. Ok lang ako. Sige ka magagalit ako sa’yo pag hindi ka nanuod. Sayang ang ticket, pang 1 week na lunch mo din yan.” Nakuha pang magbiro ni Maja, para hindi na mag-alala si Kim sa kanya.

“Sige, sasamahan ko na lang muna kayo ni tatay sa hospital. Maabutan ko pa naman siguro yung game.”

Nang maihatid na ni Kim si Maja sa room nito, ay nagpaalam na siya para makahabol sa game ni Gerald.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
pink_sapphire #1
Chapter 23: pordalab..pls. update..gsto q kasing malaman kng anu ang magiging reaksyon nilang dalawa lalong lalo na c kim kng magkita na cla ni rj..
:):)
TheArvie99 #2
Chapter 23: pordalab ... please update ... thank you :)
buang03 #3
Prdalab? Please update ka na! :))
teddibear #4
Hellooo :) please update!! Nakakamiss eh :")
jrc_teens #5
waaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh!!!!!!!! more upd8s plss...!!! :) can'y w9 for the hmmmmmmmmmmmmmmmm :D
KG4life #6
thanks sa updates :) kinikilig ako kay mr. jealous and ms. jealous =)) sana may mangyaring nakakakilig sa boracay ;)
lucelle #7
thanks for the update!! :)) sana update ka na ulit. waaaaaa. thanks.. FTW!!
teddibear #8
Yaaaayy!!! You updated!!! :D thank you muchooooo!!! Hehe. Kilig naman itong si mr and ms jealous <3
angel_fire06 #9
waaaahhhhhh...pasigawwww nmn!!!glad to see an update!!i just love the Ms. Jealous and Mr. Jealous portion..hahaha...more updates please ;))
teddibear #10
Adik na ako. I keep checking AFF Kung meron na bang update. I hope you update very soon. Miss ko na update mo eh :")