Chapter 5

All This Time

 

“Hoy, mafriend? Hello? Ano na? Natahimik ka na diyan? Siguro iniisip mo na naman yun no?” Pangungulit ni Maja kay Kim.

“Ano? Umalis na nga kayo. Enjoy kayo sa date niyo ok?” Pagtataboy ni Kim sa kaibigan at sa boyfriend nito. “Hoy, Matteo wag mong dalhin kung saan-saan itong kaibigan ko ah.” Dugtong nito.

“Ikaw talaga mafriend kung ano-ano ang iniisip mo.” Guilting sagot ni Maja.

“Eh, bakit guilty ka diyan?”

“Tse! Alis na nga kami. Ingat ka mafriend.” Sabay beso-beso kay Kim.

“Don’t worry Kimmy, ibabalik ko ng buong-buo ang kaibigan mo. Walang labis walang kulang.”

Natawa naman si Kim sa sinabi ni Matteo. Para kasi siyang nanay ni Maja. “Oo na. Basta mag enjoy kayong dalawa ha. Bye mafriend. See you na lang bukas.” Sabay beso-beso kay Maja.

“Ingat ka mafriend, see you tom.” Paalaam ni Maja. “Bye, Kimmy.” Dugtong ni Matteo.

Umalis na ang dalawang magkasintahan. Naiwan si Kimmy sa may labas ng kanilang opisina. Aakma na itong lumakad pero may dumaan na isang magarang sasakyan, muntik na ma out-balance si Kim mabuti na lang at naka hawak ito sa pader. “Grrr. Kung makapagpatakbo naman ng sasakyan niya, parang sa kanya itong daan ah.” Inis na inis na usal ni Kim sa sarili. Huminto naman ang sasakyan sa hindi kalayuan at bumaba ang isang matangkad na lalaki. Naka suot ito ng isang suit na para bang isang president ng isang kompanya. Habang papalapit ay nakikilala na niya ito, at papalapit nga ay nagulat siya dahil anak pala ito ng may ari ng pinagtatrabahuan niya.

“Sorry Ms. I have an urgent meeting kasi, I didn’t…” hindi na natapos ni Andy ang kanyang sinasabi dahil sumagot kaagad si Kim sa kanya.

“Naku, sir. Ikaw pala. Ok lang po yun.” Habang inaayos ang kanyang isang sapatos. “Kung hindi lang kita boss eh.” Bulong niya sa sarili.

“Are you sure, you’re ok? If you want I can bring you to the hospital to check if you some injury.” Alok ni Andy.

“No need sir. I’m absolutely fine. Baka ma late nap o kayo sa URGENT meeting niyo.”

“Yeah, I really have to go. But if there’s any problem just tell my secretary or tell Ricardo, para naman hindi ako ma guilty. Anything na makabawi ako.”

“Ok po sir.” Ang nasagot na lang ni Kim kay Andy, ayaw na niyang humaba pa ang kanilang usapan.

“Goodbye!” Sabay alis ni Andy patakbo sa kanyang sasakyan.

“Grrr. Ang yabang!” Reklamo nito sa sarili. Tinignan nito ang kanyang relo, “Naku, malapit na mag 6pm, manunuod pa ako ng basketball ni Anderson.” Tumakbo na si Kim papuntang terminal ng trisekel. Sasakay ito ng trisekel, papuntang terminal ng bus pa uwi sa kanilang lugar.  45 minutes lang naman ang kailangan niyang i-travel pa uwi. 5;30 na ng hapon at mahuhuli lang siya ng konting sa panunuod ng basketball.

Pagdating ni Kim sa terminal ng kanilang bayan, ay sumakay kaagad ito ng trisekel pauwi sa kanilang bahay. Tumakbo itong papunta sa kanilang bahay para mas marami pa siyang maabutan. Pagdating niya ay walang ka taong-tao sa loob ng bahay nila. Hindi na niya hinanap kung nasaan na si Jp dahil alam niyang baka naglalaro na naman yun. Nasa sala na siya, tinapon niya ang kanyang bag sa kanilang sofa at dali-daling pinaandar ang tv. Nilagay sa channel 38, 2nd quarter na ng laro ang naabutan niya.

Tamang-tama at nasa freethrow si Gerald. “Wohooo. Shoot, Anderson. Shoot.” Nakatayo pa ito sa harap ng tv.

“Anderson, shoot.” Sabi naman ng announcer sa tv. “One free throw from Anderson. He’s really playing his game, no wonder he will be again the year’s MVP.” Dugtong ng isa pang announcer sa tv.

Talon ng talon si Kim dahil na shoot na naman ni Gerald ang pangalawang free throw. Maganda ang labanan ng Star Magic VS. Kapuso Star. Lamang ng 5 points ang Star Magic team. Pero hindi naman nagpapatalo ang Kapuso Star. Hanggang sa natapos ang 2nd quarter.

“Magluluto muna ako.” Sabay tayo ni Kim papuntang kusina.

“On Saturday, the Philippine Network  Basketball Association (PNBL) will have their out of town game in San Andress Coliseum. The game will start at 6 pm. Watch out!”

Narinig iyon ni Kim habang nagluluto sa kusina. Totoo pala talaga ang sinabi ng kanyang kaibigan na si Maja. Nakatira si Maja sa San Andress at siya naman ay sa San Miguel. Dalawang oras lang ang byahe papunta sa kanila Maja.

Bumalik na ang game at 3rd quarter na. Tuwing nakaka-shoot si Gerald ay patalon talon si Kim. Kahit na nagmumukha na siyang baliw sa ginagawa niya wala siyang pakialam. Hindi niya namamalayan na papasok na si William sa kanilang bahay.

‘Hoy, Kimmy. Ang ingay-ingay mo. Hanggan labas eh rinig ang sigaw mo. Ano ba pinapanuod mo?” Umupo ito sa sa sofa para tignan ang pinapanuod ni Kim. Hindi siya sinagot ni Kim dahil nakatutok ito sa pinapanuod. “Basketball lang pala kung maka-sigaw ka naman. Bakit may boyfriend ka ba diyan?” Tanong ulit ng kanyang kuya habang tumatawa na ito.

Nagulat naman si Kim sa tanong ng kanyang kuya William. Nilingon niya ang kanyang kuya, “Kuya, ang ingay mo naman eh. Nanunuod ako.” At balik sa pinapanuod. Nasa kalaban ang bola pero na agaw ni Gerald ang bola. “Wohoo, go Anderson.”

“Andersooon, three-points.” Sabi ng announcer sa tv.

Napapatalon na naman si Kim. “Yes!”

Natapos ang 3rd quarter. Malaki na ang lamang ng Star Magic sa Kapuso Star. Nasa kusina na si Kim para ipagpatuloy ang kanyang niluluto. Lumapit naman ang kanyang kuya at uminom ng tubig.

“Anderson? Si Gerald Anderson? Boyfriend mo?” Pangungulit ng kanyang kuya at tumatawa ito halatang iniinis ang kapatid.

“Paano ko naman magiging boyfriend yun? Eh hindi ko pa nga nakikita yun.” Inis na sagot ni Kim sa kanyang kuya.

“Alam ko. Bakit sinabi ko ban a boyfriend mo sa totoong buhay. Ang ibig kong sabihin boyfriend mo sa PANAGINIP.” At tumawa ito ng malakas dahil alam niyang naisahan na naman niya ang kanyang kapatid.

Inis na inis na si Kim sa kanyang kuya. “Pwede ba kuya, wag ka dito. Nagluluto ako.”

S’Sige, ayaw mo ako dito?” Pumunta ito sa kanilang sala at umupo sa sofe. Kinuha niya ang remote control at pinalitan ang channel.

“Kuyaaaaa.” Sigaw ni Kim.

Hindi naman mapigilan ni William ang tumawa. Mas lalo kasing nainis si Kim sa ginawa nito. Tumakbo pa puntang sala si Kim at inaagaw nito ang remote control sa kanyang kuya.

“Kuya akin na yan. Baka nagsisimula na yung 4th quarter.” Nahihirapan itong agawin ang remote control sa kanyang kuya at hindi na napigilan mapaiyak.

“Hoy, bakit ka umiyak? Ang tanda-tanda mo na. Parang  basketball lang eh. Baliw ka na sa Anderson na yan. Oh ito na.” Sabay pindot nito sa channel kung saan pinapalabas ang basketball.

2 minutes remaining na lang at matatapos na ang laro. Tumigil na sa pag-iyak si Kim.

“Last 2 minutes.” Warning ng isang announcer. Nagkakagulo na sa loob ng araneta coliseum. 3 lamang ang lamang ng Star Magic sa Kapuso Star at nasa huli pa yung bola. Lalong umingay ang mga tao ng ma –steal na naman ni Gerald ang bola sa kalaban.

“As expected, Anderson steal the ball again. Man, he’s really a ball stealer.” Commento ng isang announcer.

“Lord, please sana ma shoot niya.” Nakapikit na si Kim, dahil kinakabahan na ito.

“Andersooon, three points.” Sigaw ng announcer at lalaong gumulo na ang mga tao sa loob ng coliseum. Humingi ng time-out ang kalaban. “Ang galing-galing mo talaga Anderson. I love you.” Sigaw ni Kim, kahit pa naririnig siya ng kanyang kuya.

“Adik!” Sabay bato ng unan ni William kay Kim.

“Aray. Shhh. Ayan na. Panalo na yan, 35 seconds na lang eh.”

“Congratulation, Star magic Team. 3 win for the Championship.”

“Oh, ang galing ng boyfriend ko sa panaginip no?” Sabay bato pabalik ni Kim ng unan sa kanyang kuya at dali-dali itong pumunta sa kusina.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
pink_sapphire #1
Chapter 23: pordalab..pls. update..gsto q kasing malaman kng anu ang magiging reaksyon nilang dalawa lalong lalo na c kim kng magkita na cla ni rj..
:):)
TheArvie99 #2
Chapter 23: pordalab ... please update ... thank you :)
buang03 #3
Prdalab? Please update ka na! :))
teddibear #4
Hellooo :) please update!! Nakakamiss eh :")
jrc_teens #5
waaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh!!!!!!!! more upd8s plss...!!! :) can'y w9 for the hmmmmmmmmmmmmmmmm :D
KG4life #6
thanks sa updates :) kinikilig ako kay mr. jealous and ms. jealous =)) sana may mangyaring nakakakilig sa boracay ;)
lucelle #7
thanks for the update!! :)) sana update ka na ulit. waaaaaa. thanks.. FTW!!
teddibear #8
Yaaaayy!!! You updated!!! :D thank you muchooooo!!! Hehe. Kilig naman itong si mr and ms jealous <3
angel_fire06 #9
waaaahhhhhh...pasigawwww nmn!!!glad to see an update!!i just love the Ms. Jealous and Mr. Jealous portion..hahaha...more updates please ;))
teddibear #10
Adik na ako. I keep checking AFF Kung meron na bang update. I hope you update very soon. Miss ko na update mo eh :")