Chapter 22

All This Time

 

“Rise and shine, Ms. Jealous girl ;).” Text message ni Gerald para kay Kim.

“Grrrr.” Unaga pa lang ay parang nainis na si Kim sa kanyang nabasa. “Mafriend, lagot ka talaga sa akin mamaya.” Bumangon na ito at dumiretso na sa banyo para makaligo.

Maagang nagising si Gerald, dahil pinaplano nitong puntahan si Kim sa trabaho. Naligo na siya at nagbihis, pagkatapos nun ay pinaandar na niya ang kanyang sasakyan. Gusto kasi nito na kung possible ay maunahan niya si Kim sa opisina nito, binigyan na rin siya ni Maja ng address kaya doon na siya dederetso.

“Oh, ang aga-aga nakasimngot na iyang mukha mo.” Bati ni Maja sa kaibigan. “May surprise pa naman sana ako.” Naka-ngiti nitong sabi.

“Tse! Bakit mo sinabi kay Gerald na nagseselos ako?” Sabay upo nito.  “Surpise! Wala ako sa mood sa mga surprise ngayon.”

“Aba, ang taray mo ngayon. Siguro may buwanang dalaw ka ngayon?” Sabay tawa nito.

“Ewan ko sa’yo.”

Mag alas diyes na ng umaga pero hindi pa rin dumadating si Gerald. Baka naligaw na yung mokong, ma text nga. Sabi ni Maja sa kanyang isip.

“Ge, saan ka na?” Text ni Maja para kay Gerald.

Ilang minute din natanggap ni Maja ang reply ni Gerald.

“I’m here na sa parking lot? Dederetso lang ba ako sa loob?” Reply ni Gerald.

“Oo, sabihin mo sa guard, Lim Inc. Office. Si Kim, papasunduin ko sa’yo ok?” Pagkatapos mag reply ni Maja kay Gerald, tinawagan nito ang guard ng kanilang opisina.

“Hello? Kuya Ben? Oo, si Maja to’ nandiyan na yung bisita ni Kim? Oo, si Gerald. Basta alam mo na ang gagawin ha?” Pagkababa nito ay, narinig niyang nag ring ang telepono sa table ni Kim. Sinagot naman kaagad iyon ni Kim. “Hello. Kuya Fredo? Ah, package? Kanino po galing? Ah, ganun po ba? Sige babain ko na lang po. Salamat po.” Pagkababa ng telepono ay tumayo na si Kim para pumunta sa baba.

“Mafriend, saan ka pupunta?” Lumingon it okay Kim.

“Ah, may package dawn a dumating. Hmmm. May kinalaman ka dito no?” Huminto muna si Kim sa table ni Maja.

“Ha? Kinalaman saan? Nandito po ako nagtatrabaho oh. Wala akong time sa mga ganyan.” Sabay tawa ni Maja.

“Heh! Humanda ka sa akin pagbalik ko.”

“Ok.” Sabay ayos ng mga papeles sa harapan niya. “Kung makakabalik ka pa.” Bulong na sabi nito.

“Ano?” Lingon ulit ni Kim.

“Wala, Yung package mo, baka panis na. Go na.” Pagtataboy ni Maja kay Kim sabay ngiti.

Pagbaba ni Kim, ay dumiretso na ito kay Kuya Ben.

“Hi Kuya Ben, ah saan nap o yung package na sinasabi mo?”

Hindi na nagsalita si Kuya Ben pero tinuro na lang nito ang lalaking nakatayo sa may pinto sa kabilang opisina. Nagulat naman si Kim sa nakita, kilalang-kilala niya ang tindig ng lalaki, hindi siya nagkakamali boyfriend niya ito. Lumapit siya dito at tinawag ang lalaking nakatayo.

“Gerald?” Gulat nitong tanong. “Anong ginagawa mo dito?” Dugtong pa niya. Sobrang siyang na surprise sa kanyang nakita.

“Ganyan ba ang pagbati sa boyfriend? Ms. Jealous Girl?” Pangungulit nit okay Kim habang nakangiti.

“Jealous girl ka diyan. Hindi no.” Sabay roll eyes.

“Ang cute cute mo.” Sabay pisil ni Gerald sa pisngi ni Kim. “I mis you, hon.” Sabay abot ng isang dosenang pink roses kay Kim.

Hindi naman napigilan ni Kim ang mapangiti. “Thank you. Na miss din kita. Miss na miss.” Nakangiting sabi ni Kim. “Teka, ano ba talaga ginagawa mo dito?”

“Nalaman ko kasi na ang girlfriend ko ay nagseselos,” sabay lagay ng kanyang dalawang kamay sa mukha ni Kim. “kaya pumunta ako dito para sabihin sa kanya na hindi siya dapat mag selos, dahil ngayon siya lang ang pinaka0importanteng babae sa buhay ko.” Sabay kiss kay sa lips. Kahit nahihiya si Kim sa ginawa ni Gerald, ay pinabayaan niya lang ito. Yumuko na lang siya ng pakawalaaan na ni Gerald ang mga labi niya.

“Hon, namumula ka.” Panunukso ni Gerald.

Nakangiti naman si Kim sa sinabi ni Gerald. “Heh! Eh paano naman kasi hindi ako magselos napapalibutan ka ng mga magagandang babae, at ako nandito naka-upo nagwi-wish na sana isa ako sa mga babae na kasama mo.

“Kaya nga.” Kinurot nito ang ilong ni Kim, “pinipilit kitang sumama sa boracay para mapakilala na kita sa mga kaibigan ko at para malaman ng ibang girls na taken na ako, back off na sila.” Pagmamayabang ni Gerald.

“Yabang. Pero, thank you talaga Ge. Hindi mo lang alam kung gaanon ako kasaya ngayon dahil nakita na kita ulit. Salamat.” Niyakap ni Kim si Gerald, at halos hindi na sila maghiwalay na dalawa. Magkayakap pa rin silang dalawa sa isa’t-isa ng dumating si Andy.

“Sinong yung lalaking nakayakap kay Ms. Chiu?” Tanong ni Andy kay Kuya Ben.

“Boyfriend niya po sir.” Sgot ni Kuya Ben.

Umalis si Andy sa kinatayuan nito at lumapit sa kinaroroonan nila Kim at Gerald.

“Ms. Chiu, I want you in the office right now.” Sigaw nit okay Kim, halatang irita sa nakita.

Nagulat naman ang dalawa sa inasata ng boss ni Kim. “Hey, keept it cool bro.” Sabi ni Gerald kay Andy.

Ngunit hindi ito pinansin ni Andy at umalis na ito patungo sa kanyang sariling opisina.

“Sino yun?” Tanong ni Gerald kay Kim.

“Anak ng boss ko.” Mabilis na sagot ni Kim. “Ah, paano ba to, working hours pa kasi Ge. Ahh, saan ka ba pwede?” Nag-aala si Kim kung saan niya muna papauntahin si Gerald.

“Hon, don’t worry about me ok. Dito lang ako, maghihintay. I’ll be ok here.”

“Sure ka hon?” Nag-aalalang tanong ni Kim.

“Yup, so go now. Dapat magpa-good shot ka sa boss mo,” Sabay ayos ng buhok ni Kim “Para payagan ka niyang mag leave. Ok?”

“Ok?” Sabay ngiit ni Kim. “Love you.” Sabay kiss kay Gerald sa lips at umalis na ito.

“Hoooon, bitin.” Sigaw nito habang naka-ngiti.

Lumingon naman si Kim sa kanya ang ngumiti. Umakyat na ito at pumuntasa opisina ni Andy. Kumatok muna ito bago pumasok.

“Come in.” Sagot ni Andy.

“Ah, Sir. Sorry po sa nakita niyo kanina. Hindi ko kasi alam na dadating siya kaya…” Hindi nanatapos ni Kim ang kanyang paliwanag ng magsalita agad si Andy.

“I don’t care kung sino man ang pumunta dito, but please kung working hours – that means nasa loob ka ng opisina nagtatrabaho. Kung free time mo na, kahit ano pa gawin niyo ng boyfriend mo. But not – not in working hours. Am I understood? Ms. Chiu?”

“Yes, Sir. Sorry po.” Pag hindi ng despensa ni Kim.

“OK, you may go now.”

Lumabas na si Kim sa opisina ni Andy at dumeretso na ito sa kanyang table. Tinext na lamang niya si Gerald na sa lunch time na lang sila magkita.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
pink_sapphire #1
Chapter 23: pordalab..pls. update..gsto q kasing malaman kng anu ang magiging reaksyon nilang dalawa lalong lalo na c kim kng magkita na cla ni rj..
:):)
TheArvie99 #2
Chapter 23: pordalab ... please update ... thank you :)
buang03 #3
Prdalab? Please update ka na! :))
teddibear #4
Hellooo :) please update!! Nakakamiss eh :")
jrc_teens #5
waaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh!!!!!!!! more upd8s plss...!!! :) can'y w9 for the hmmmmmmmmmmmmmmmm :D
KG4life #6
thanks sa updates :) kinikilig ako kay mr. jealous and ms. jealous =)) sana may mangyaring nakakakilig sa boracay ;)
lucelle #7
thanks for the update!! :)) sana update ka na ulit. waaaaaa. thanks.. FTW!!
teddibear #8
Yaaaayy!!! You updated!!! :D thank you muchooooo!!! Hehe. Kilig naman itong si mr and ms jealous <3
angel_fire06 #9
waaaahhhhhh...pasigawwww nmn!!!glad to see an update!!i just love the Ms. Jealous and Mr. Jealous portion..hahaha...more updates please ;))
teddibear #10
Adik na ako. I keep checking AFF Kung meron na bang update. I hope you update very soon. Miss ko na update mo eh :")