Chapter 9

All This Time

 

Tatayo na sana si Gerald mula sa inuupuan ng tumunog ang kanyang cellphone. Ayaw man niyang mag-expect, pero iba ang kanyang nararamdaman. Dali-dali niyang pinindot ang inbox sa kanyang cellphone at tinignan kung sino ang nag-text. Ang mommy lang pala niya, nag goodnight sa kanya. Nalaglag ang dalawang balikat nito, masaya siyang nagtext ang kanyang mommy pero meron pa siyang ibang inaasahan. Pagkatapos mag reply sa kanyang mommy, papasok na sana siya sa kanilang kwarto ng muling tumunog ang kanyang cellphone. Walang kagana-ganang binuksan ang kanyang inbox at nakita nitong cellphone number lang ang naka-appear. Dali-dali niya itong binuksan at binasa, “Hi :).” Sabi sa text. Kaagad nito pinindot ang reply button. “Hi. Who’s this pls?” At pinindot ang send button.

Bumalik si Gerald sa pag-upo. Nag-iba ang mukha nito, kanina ay disappointed ito pero ngayon hindi na niya mapigilan ang mapangiti habang nakatitig sa text ng babaeng nakilala niya kanina.

Halos hindi naman mapakali si Kim kung tama ba ang kanyang naging desisyon na itext si Gerald. Ayaw niya rin humingi ng payo sa kaibigan dahil alam na nito ang sasabihin sa kanya. “Crazy ka talaga Kim, crazy ka. Baka sabihin pa nun cheap ka. Bakit ka pa kasi nagtext.” Sumbat niya sa sarili at sabay batok sa sariling ulo. Sinandal ni Kim ang kanyang ulo sa taas ng mesa, at kung pwede lang niya bawiin ang text nito gagawin nito. Pinikit niya ang kanyang mga mata, ng tumunog ang kanyang cellphone. Tinignan niya ang nag text, si Gerald. “Naku, patay.” Sabi niya sa sarili. Kinakabahan siya dahil baka hindi niya magustuhan ang reply nito. Nakahinga naman siya ng maluwag ng mabasa niya ang reply ni Gerald. Nagdadalawang isip pa siya kung sasagutin niya ito, nilapag niya muna ang kanyang cellphone sa mesa at nag-isip.

Hindi na mapakali si Gerald dahil hindi pa nag reply ang nag text sa kanya. “Tawagan ko na lang kaya?” Sabi nito sa sarili. “Kaya lang baka hindi niya sagutin.” Dugtong nito.

Kinuha ni Kim ang kanyang cellphone, magrereply na sana siya ng may tumawag sa kanya. Nakita niyang nag-appear ang pangalan ni Gerald. “Lord! Help! Ano ang gagawin ko? Lord.” Natataranta na ito kung ano ang gagawin niya. “Bahala na, one time big time.” Sabi nito sa sarili at pinindot na ang answer button ng kanyang cellphone.

“Hello?” Nahihiyang sagot ni Kim.

“Hi.” Sagto sa kabilang linya. “May I know who’s on the other line?” Dugtong ni Gerald.

“So-sorry. Naka disturb yata ako sa’yo.” Nanginginig na ang kamay ni Kim, hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya.

“No, it’s ok. Sorry if I called, hindi ka na kasi nag reply. So, can I know your name?” Tanong ulit ni Gerald.

“I’m – I’m Kim. Yung nanuod kanina sa practice niyo. Ok lang, kung hindi mo na ako matandaan.”

Kung alam lang ni Kim, kung gaano niya napasaya si Gerald. Nakangiti si Gerald habang kausap si Kim sa kabilang linya, kung nakikita lang sana siya ni Kim. Kung gaano ka-amo ang mukha nito, ganun din ang kanyang boses. “Ofcourse I remember you. I called lang kasi you didn’t reply. Sorry.”

“Ok lang, hindi ka pa natutulog?” Wala ng ibang maisip si Kim na itanong kay Gerald. Gusto pa niyang pahabain ang kanilang pag-uusap kahit na kinakabahan siya.

“Hindi pa, hindi pa kasi ako inaantok.” Sagot nit okay Kim. Kung alam mo lang Kim, ngayon lang ako hindi makatulog sa isang babae. Sa’yo lang Kim. “Ikaw? Not yet sleepy?”

Paano ako makakatulog kung tumatakbo ka pa sa isipan ko.“Ano, oo. Hindi pa kasi ako inaantok. Sagot nito.

“Ah, Kim. Manuod ka bukas ha.” Malambing na sabi nit okay Kim.

“Oo naman, yun naman ang pinunta ko dito.” Nagulat ito sa kanyang sinagot at tinakpan ang kanyang cellphone. Nadulas ito sa kanyang sinabi. “Lagot!”

Hindi naman mawari ang ngiti ni Gerald sa narinig na sagot ni Kim. “Thank you. I’ll see you there tomorrow ha.”

“Oo, promise I’ll be there.” Pagbigay assurance ni Kim kay Ge. Napa-isip si Kim sa kanyang sinabi. Para bang naulit ang nakaraan. Ang tagal din ang nakalipas ng mag promise siya sa isang bata na kakalilala pa lang niya at ngayon nag promise muli siya sa isang tao na hindi pa niya gaanong kakilala.

“Promise? Pinky promise? Sabi ni Gerald sa kabilang linya habang naka ngiti ito.

Kinabahan si Kim sa sinabi ni Gerald. Naalala niyang may tinuruan siyang isang bata ng pinky promise.

“Alam mo yung pinky promise?” Tanong ni Kim kay Gerald.

“Oo, may nagturo…”

Hindi natapos ni Gerald ang kanyang sasabihin ng lumabas sa veranda si Maja at tinawag nito si Kim. “Mafriend, sino yang kausap mo? Late na oh.”

Tinakpan ni Kim ang kanyang cellphone bago ito sumagot, “Oo, papasok na ako.”

“Sige pasok ka na, may mumu diyan magpapakita sayo.” Pananakot ni Maja kay Kim sabay alis nito.

“Ah, Gerald?”

“Yes?” Sagot ni Gerald sa kabilang linya.

“Papasok na ako ha, pinapatulog na kasi ako ng NANAY ko.” Natawa ito sa kanyang sinabi, ang tinutukoy kasi nitong nanay ay si Maja.

“Sure! I’ll see you tomorrow ok? Text me kung nandun ka na sa loob ng coliseum. Ok?”

“Sige, text kita.” Sagot ni Kim.

“Promise? Tumutupad ka ng promise?” Pangungulit ni Gerald.

“Oo, promise. Nag pinky promise tayo diba.”

Parang may nagflashback kay Gerald sa sinabi ni Kim sa kanya, pero hindi niya pinansin ito. “Sige. I’ll wait for you there. Goodnight, Kim. It was so very nice talking to you.” Naka-ngiti ito, abot hanggang tenga.

“Ok. Goodnight. Nice talking din sa’yo. Bye. Goodluck sa game niyo tomorrow.”

“Thank you. Text me ok?” Ulit ni Gerald.

“Kulit nito. Sige bye na.” Paalam ni Kim.

“Bye. See you Kim.”

Sabay nilang pinindot ang end call button. Mas lalong hindi makatulog si Kim dahil sa pag-uusap nila ni Gerald. Hindi naman napigilan ni Gerald ang mapatalon sa saya. Para bang ngayon lang siya nakaranas ma-inlove ng husto. Kahit madami na siya naging girlfriend, ngayon niya lang naramdaman ang totoong feeling ng inlove. Natulog ang dalawng may ngiti sa kanilang mga labi. 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
pink_sapphire #1
Chapter 23: pordalab..pls. update..gsto q kasing malaman kng anu ang magiging reaksyon nilang dalawa lalong lalo na c kim kng magkita na cla ni rj..
:):)
TheArvie99 #2
Chapter 23: pordalab ... please update ... thank you :)
buang03 #3
Prdalab? Please update ka na! :))
teddibear #4
Hellooo :) please update!! Nakakamiss eh :")
jrc_teens #5
waaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh!!!!!!!! more upd8s plss...!!! :) can'y w9 for the hmmmmmmmmmmmmmmmm :D
KG4life #6
thanks sa updates :) kinikilig ako kay mr. jealous and ms. jealous =)) sana may mangyaring nakakakilig sa boracay ;)
lucelle #7
thanks for the update!! :)) sana update ka na ulit. waaaaaa. thanks.. FTW!!
teddibear #8
Yaaaayy!!! You updated!!! :D thank you muchooooo!!! Hehe. Kilig naman itong si mr and ms jealous <3
angel_fire06 #9
waaaahhhhhh...pasigawwww nmn!!!glad to see an update!!i just love the Ms. Jealous and Mr. Jealous portion..hahaha...more updates please ;))
teddibear #10
Adik na ako. I keep checking AFF Kung meron na bang update. I hope you update very soon. Miss ko na update mo eh :")