Chapter 7

All This Time

 

Nasa canteen sila Kim at Maja sa loob ng kanilang building dahil lunch break nila.

“Hoy, babae sabihin mo nga sa akin kung paano mo napapayag si sir. Andy.” Habang sumusubo si Maja ng kanyang kinakain.

“Ha? Nag paalam ako.” Abala din si Kim sa pagkain ng kanyang lunch dahil gutom na gutom ito.

“Paano nga. Spell PAANO nga?” Pangungulit ni Maja.

Punong-puno ang bibig ni Kim habang nag eexplain it okay Maja. “Ka-shi nga, kahapon.”

“Pwede ba lunukin mo muna iyang kinakain mo. Di kita maintindihan eh.”

Nilunok naman ni Kim ang kinakain niya. “Chill lang mafriend, nagkaka-wrinkles ka na oh.” Sabay turo ng mukha ni Maja.

“Tse! Wag yang wrinkles ko ang pakialaman mo. Ano na?”

Uminom muna si Kim ng tubig bago ito nag salita. “Kasi nga, kahapon nung naka-alis na kayo ni Matteo. Papalabas n asana ako ng may muntik ng bumangga sa akin.”

‘Oh, my God mafriend. Ok ka lang ba? Bakit hindi mo sinabi sa akin.” Alalang sabi ni Maja.

“Ok lang ako mafriend, mabuti na lang at naiwasan ko. Tapos yun nga, tumigil ang sasakya na muntik ng maka bangga sa akin, at bumaba ang nagmamaneho nito. Habang papalapit ay nagulat ako dahil si Andy pala yun...” Hindi pa natatapos si Kim mag kwento ay nagsalita na kaagad si Maja.

“Andy? So close na talaga kayo?”

“Wag mo na nga yun pakialam. Ok para matahimik ka na. Kaya ayun, sabi ni SIR. Andy na kung may kailangan daw ako para makabawi siya ay sabihin ko lang sa kanya. Kaya tamang tama… ayan pwede na tayo rumampa sa Friday. Gerald Anderson, here I came.” Sabay taas ng kanyang kamay sa hangin.

“Salamat naman pala at muntik ka na ma bangga kahapon.” Sabay tawa ni Maja.

“Ah, ganun so mas ok pala na na bangga ako mapanuod mo lang practice ni Gerald?” Pagtatampo ni Kim.

“As if naman, hindi mo gagawin ang lahat makita mo lang ang Gerald mo.”

“Oo naman. Kaya, apir tayo mafriend. Pero pinapaalala ko lang sa’yo. Bestfriend mo ako, at may boyfriend ka na kaya…”

“Alam ko. Iyong-iyo si Anderson.” Sabay tayo ni Maja dahil magbabayad na ito sa kinain niya.

Walang araw na dumaan na excited si Kim na makikita na niya ang kanyang ultimate crush. Ngayon ay nakasakay na sila ni Maja sa bus papunta sa bayan ng huli. Nakatulog si Maja sa biyahe at siya naman ay walang tigil sa kakaisip kung paano niya haharapin si Gerald. Isang oras pa bago nila marating ang San Andres. Naka tingin lang si Kim sa bintana at habang umaandar ang bus ay nadaan nito ang isang beach resort na pamilyar si Kim. Matagal-tagal na rin ng makapunta siya dito. Ang huling punta niya ay nung nag graduate sila ng high school ni Maja, kasama ang kanilang mga kaklase. Pumasok na naman sa isip niya ang batang nakilala niya, na kailanman ay hindi niya kinalimutan. “Kamusta na kaya siya? Siguro, ang tangkad-tangkad na niya ngayon. Siguro ang gwapo-gwapo na niya ngayon. At sigurado na ang dami na niyang naging girlfriend. Naalala pa kaya niya ako? Kung magkikita kami, makikilala pa kaya niya ako? Makikita ko na ang nag-iisang crush ko, pero ikaw pa rin ang nag-iisang espesyal na lalaki sa buhay ko. Kung saan ka man ngayon, sana masaya ka.” Ang daming tanong sa isipan ni Kim na kahit siya ay hindi niya nito masagot. Sa kakaisip niya, ay nakatulog na ito.

“Nandito nap o tayo sa San Andres.” Sigaw ng kondukto. Nakatulog ang dalaw kaya ginising na lang sila nita. “Ah, Ms. Nandito na po tayo sa San Andres.” Habang ginigising nito si Maja. Ilang yogyog pa ng balikat ni Maja ay nagising na rin ito.

“Ay, sorry po manong. Naktulog kami.” Paghingi ng despensa ni Maja.

“Ok lang yun ms. Gisingin mo na lang yang kaibigan mo.”

“Mafriend, Kimmy gising na. Nandito na tayo.”

Naalimpungatan naman si Kim. “Ah, sarap ng tulog ko.” Habang inuunat nito ang kanyang dalawang kamay.

“Naks! Parang nasa bahay ka lang kung makapag-unat mafriend. Baba na tayo.”

“Sige, tara.”

Pagkababa ay pumunta na silang dalawa sa mga nakapilang trisekel sa gilid ng bus station. Malapit lang ang bahay nila Maja kaya mabilis nilang narating ito. Pagdating ay nagpahinga muna sila, at kumain ng merienda. Alas kwatro pa ng ang practice pero hindi na umiimik si Kim.

“Hoy, mafriend nakatunganga ka diyan?” Nagtatakang tanong ni Maja sa kaibigan. Nakita kasi nitong nakatunganga lang habang naka-upo sa terasa nila Maja.

“Mafriend, help! Kinakabahan na ako.” Hinawakan nito ang kamay ni Maja na para bang humihingi talaga ng tulong.

“Ano ka ba mafriend, manunuod lang tayo ng practice no. Hindi pa nga sure kung makakalapit tayo eh.”

“Kontrabida ka talaga mafriend. Basta lalapit ako mamaya sa kanya.”

“Kaya mo?”

“Kakayanin.” Pagbigay ng lakas ng loob ni Kim sa sarili.

3:30 pa lang ng hapon ay pumunta na sila sa coliseum kung saan magkakaroon ng practice nag Star Magic team.

“Ah, mga inday saan ang punta?” Tanong ng guard na halatang ayaw nitong papasukin ang dalawa.

“Sa loob po manong. Manunuod ng practice.” Sagot ni Maja.

“Naku, hindi pwede. Baka pagalitan ako pag pinapasok ko kayo.” Sabay kamot ng ulo ni manong guard.

“Naku manong, sige nap o. Promise hindi kami manggugulo, sa tabi lang kami. Hindi kami lalapit sa mga players. Sige na manong.” Sabay himas sa kamay ni manong guard.

“Sige, dahil maganda kayong dalaw, papasukin ko na kayo. Basta, wag kayo magulo sa loob.” Bilin ni manong guard.

“Yes po manong. Promise. Thank you po.” Hinatak na ni Maja si Kim papunta sa loob bago pa magbago ng isip si manong guard.

Pagpasok nila ay meron konting tao sa loob, pero mukhang mayayaman ito. Siguro mga anak ng councilor at mayor sa bayan nila Maja. Kanina pa nahahalata ni Maja na tahimik lang si Kim.

“Oh, bakit tahimik ka na diyan?” Tanong ni Maja sa kaibigan.

“Mafriend, kinakabahan na talaga ako.”

“Relaks lang mafriend ok? Nreath in, breath out.” Payo ni Maja sa kaibigan.

Sinunuod naman iyon ni Kim. Nilibang na lamang ni Maja ang kaibigan para mawala ang kaba nito. Ilang minute ang nakalipas ng unti-unting may lumalabas na naka jersey. Na unang na kita ni Maja si Rayver, naka yuko dahil nagtetext ito. “Mafriend, ayan na sila. Si Cruz. Shocks! Ang gwapo niya mafriend.” Sabay yogyog sa balikat ni Kim.

Hindi na halos alam ni Kim ang sinasabi niya sa text dahil sa excitement. Tinago nito ang kanyang ulo at nandun na nga si Rayver Cruz, isa sa magaling na member ng SM team at bff ni Gerald. Lumabas na rin si Matt Evans, Zanjoe Marudo, at Young JV pero si Gerald ay wala pa.

“Mafriend, bakit wala pa si Gerald? Baka hindi na yun mag attend ng practice, star player kasi.” Malungkot na sabi ni Kim. Parang nalugmok ang kanyang mukha dahil pa rin lumalabas si Gerald. Pinatong na lamang nito ang kanyang ulo sa kanyang dalawang kamay at pinikit ang kanyang mata. Halatang disappointed talaga ito.

“Mafrieeeeend! OH MY GOD! Si Andersooon.” Dahil sa excitement ay napalakas ang sigaw ni Maja at nag echo ito sa loob ng coliseum kaya ang lahat ay napatingin sa kanila ni Kim. Hiyang hiya si Maja sa nagawa at para bang gusto na lang magtago. Inangat naman ni Kim ang kanyang ulo at nakita na nga niya si Gerald. Nung makita nito ay dobleng kaba ang naramdaman niya, hindi niya alam kung bakit. Pero may ibang feeling pa siyang naramdaman.

“Mafriend… Lord! Thank you. You’re the best.” Sobrang saya ni Kim ng makita niya si Gerald. Parang nakadikit na ang mga mata nito kung saan magpunta si Gerald.

Nag warm-up muna ang mga players. Pabalik-balik sila ng pagtakbo sa loob ng court. Nag practice mag 3 points, sa free throw at nag practice game sila. Hindi nabigo si Kim dahil sobrang galing ni Gerlad talaga. At totoo nga ang sabi ng mga nakakita kay Gerald sa personal, mas gwapo ito kaysa sa tv. Maganda ang kanyang katawan, kahit pawisan na ay parang ang bango pa rin tignan. Ang yummy niya pa rin tignan. Maganda ang mga mata ni Gerald, napakaamo nito na para bang nakita na niya dati pa. Ang ilong nito pati ang labi na pinagpapantsyahan nitong mahalikan. Nanalo ang group nila Gerald sa practice game nila.

“Mafriend, patapos na yata baba tayo bilis.” Hila-hila ni Maja si Kim pababa.

“Naku, mafriend baka pagalitan tayo. Dito na lang tayo.” Pag-aalinlangan ni Kim.

“Akala ko ba kayang mong kausapin si Gerald? Tsaka nandito na tayo mafriend, bukas hindi na tayo makakalapit sa kanya. Kaya tara na.” Pilit na hatak pa rin ni Maja kay Kim.

Wala na itong nagawa at sinunod na lang nito ang kaibigan. Tumakbo itong papunta sa kinaroroonan ng mga player. Unti-unti ng nagsisipasukan ang mga ito. Si ay tapos na rin mag ayos ng kanyang mga gamit kaya pumasok na rin ito sa dressing room ng mga players. Malapit na sila ng tumayo si Gerald sa kinauupuan nito. Papasok na ito ng dressing room ng…

“Mafriend, tawagin mo bilis.” Sabi ni Maja kay Kim.

“Ha? Bakit ako? Ikaw na lang.” Hinihingal na si Kim.

“Bilis na papasok na siya oh.”

“Anderson!” Sigaw ni Kim. Tumigil ito dahil hinihingal na siya mula ng bumaba sila galing sa taas ng coliseum.

Napatigil naman si Gerald habang naglalakad, para bang pamilyar sa kanya ang boses nay un. Parang bang may koneksiyon siyang naramdaman dahil sa boses na yun. Lumingon ito sa kinaroroonan nila Kim at Maja. Tinignan niya ang dalawa at nakita niyang parang hinihingal pa si Kim kaya siya na mismo ang lumapit. Kahit siya ay hindi niya alam, na para bang may humatak sa kanya papunta sa babaeng tumawag sa kanya. Nung makalapit na ito sa dalawa.

“Yes?” Niyuko nito ang kanyang ulo para tignan si Kim

Hindi naman nakapagsalita si Maja, dahil na starstruck ito ng bongga kay Gerald. Kaya siniko nito si Kim. Hindi rin alam ni Kim kung ano ang gagawin nung inangat na niya ang kanyang ulo. Nagkatinginan sila sa mata ni Gerald.

Maaganda siya. Sabi ni Gerald sa kanyang isip.

Matagal silang nagtinginan, ni isa sa kanila ay walang nagsasalita. si Maja naman ay nagtataka kung bakit ganun na lang ang dalawa. Kaya siniko niya ulit si Kim. Nagulat naman si Kim sa ginawa ng kaibigan.

“Sorry.” Yun na lamang ang nasabi ni Kim.

“No, it’s ok. By the way, what can I do for you? I need to go kasi, baka iwan na ako ng bus namin.”

Hindi nakasagot si Kim kaagad, para bang mahina ang signal nito sa pagtanggap niya ng mga sinasabi ni Gerald. Kaya si Maja na lang ang nagsalita.

“Ano, pwede ba magpa-autograph?” Tanong ni Maja, sabay labas ng kanyang putting tshirt.

“Sure!” Kinuha ni Gerald ang tshirt ni Maja at may sinenyas ito.

“Ah, yung pentelpen. Mafriend yung pentelpen.” Ilang ulit pang siniko ni Maja si Kim.

“Ha? Teka lang.” Kinuha nito ang pentelpen sa loob ng kanyang bag at binigay niya kay Maja. “Ito.”

“Pagpasensyahan mo na kaibigan ko ha, mahina lang signal niya ngayon may gwapong nakaharang kasi.”

Siniko naman ni Kim si Maja sa sinabi nito. Pagkatapos pirmahan ni Gerald ang tshirt ni Maja ay binigay na niya ito. “Ikaw?” Tanong ni Gerald kay Kim.

“Ah. Oo.” Kinuha ni Kim ang tshirt niya sa loob ng bag niya at binigay kay Gerald.

Pagkatapos pirmahan ni Gerald ang tshirt ni Kim ay binalik na niya ito pati ang pentelpen. “Manunuod ba kayo bukas?”

“Oo.” Mabilis na sagot ni Maja.

“Good. Sige, sana mag enjoy kayo sa game naming bukas.”

“Sure yan, nandiyan ka eh.” Sagot ulit ni Maja.

“Sige, I have to go. Nice meeting you.” Paalis na sana siya, pero lumingon pa it okay Kim. “May cellphone ka?”

Hindi lang si Kim ang nagulat pati si Maja. “Oo, may cellphone siya.” Para bang spokesperson ni Kim si Maja. Binuksan nito ang bag ni Kim at siya na mismo ang kumuha ng cellphone ni Kim at binigay niya ito kay Gerald.

Old model na ang cellphone ni Kim at luma na rin, kahit anong pilit ni Maja sa kanya na bumili ng bago ay ayaw nito kasi sayang daw ang pera niya. Tinignan ni Gerald ang cellphone ni Kim at para bang gulat ito. Mukhang nahihirapan si Gerald sa cellphone nito dahil kahit ang kanyang keypad ay wala ng nakasulat. Pindot ng pindot si Gerald hanggang sa ma save niya ang no. niya sa cellphone ni Kim. “I saved my no. here. Text me ok? Wala kasi dito cellphone ko.”

“Ok, I’ll make sure na ite-text ka niya.” Sabat ni Maja.

Dumungaw si Rayver sa labas ng kanilang dressing room at tinawag si Gerald. “Anderson, aalis na tayo.”

“Coming.” Sigaw ni Gerald. OK, got to go. Bye.” At umalis na nga si Gerald.

Sinigurado muna ni Maja na naka-alis na si Gerald bago ito sumigaw. “Waaaaaa. Gosh, mafriend. Ikaw na. Ikaw na talaga. Ang haba ng hair mo, pero parang umurong naman iyang dila mo. Sa totoo lang mafriend, nakakahiya kay Ge.”

Wala na si Gerald, pero parang hindi pa rin makapaniwala si Kim sa mga nangyayari.

“Naks! Ge, close na kayo? Ganun?”

“Oo, as of 5:30 pm. It’s official. Feeling close na ako kay Gerald.”

“Mafriend, nananaginip lang ba ako?” Hindi pa rin makapaniwala si Kim.

“Gusto mo sampalin kita?”

“Naku wag na. Ang lakas mo kayang manampal.”

“Mafriend, bff mo naman ako diba.” Paglalambing ni Maja kay Kim.

“Yung no. no?”

Tumango si Maja kay Kim. “Magpapaalam muna ako kay Ge, kung pwede ipamigay no. niya.”

“Wow! Girlfriend lang ang datin?”

Kinilig naman si Kim sa sinabi ni Maja. “Joke lang, don’t worry ishe-share ko to sa’yo. Mafrieeeeeeend.” Sabay yakap sa kaibigan. “Thank you talaga, thank you.”

Masaya si Maja, dahil napasaya niya ng bonggang-bonnga ang kaibigan. Simula kasing iwan sila ng kanilang mommy, naging lasenggo ang kanyang daddy at nawala ang kanilang business ay parang pasan na ng kanyang kaibigan ang mundo. Palagi na lang ang kasiyahan ng iba ang iniisip niya. Kaya masaya siyang nakikita na niya ulit ang totoong ngiti ng isang Kim Chiu at dahil yun kay Gerald Anderson.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
pink_sapphire #1
Chapter 23: pordalab..pls. update..gsto q kasing malaman kng anu ang magiging reaksyon nilang dalawa lalong lalo na c kim kng magkita na cla ni rj..
:):)
TheArvie99 #2
Chapter 23: pordalab ... please update ... thank you :)
buang03 #3
Prdalab? Please update ka na! :))
teddibear #4
Hellooo :) please update!! Nakakamiss eh :")
jrc_teens #5
waaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh!!!!!!!! more upd8s plss...!!! :) can'y w9 for the hmmmmmmmmmmmmmmmm :D
KG4life #6
thanks sa updates :) kinikilig ako kay mr. jealous and ms. jealous =)) sana may mangyaring nakakakilig sa boracay ;)
lucelle #7
thanks for the update!! :)) sana update ka na ulit. waaaaaa. thanks.. FTW!!
teddibear #8
Yaaaayy!!! You updated!!! :D thank you muchooooo!!! Hehe. Kilig naman itong si mr and ms jealous <3
angel_fire06 #9
waaaahhhhhh...pasigawwww nmn!!!glad to see an update!!i just love the Ms. Jealous and Mr. Jealous portion..hahaha...more updates please ;))
teddibear #10
Adik na ako. I keep checking AFF Kung meron na bang update. I hope you update very soon. Miss ko na update mo eh :")