Chapter 12

All This Time

 

5 minutes na lang mag start na ang laro. Nasa dressing room na sila Gerald at mga ka tema nito. Hindi pa rin sila nagkikibuan ni Rayver at nahalata yun ni Matt, pero pinabayaan na muna niya ang dalawa, baka kasi makadagdag pa siya sa problema.

Pagkatapos magbihis ni Gerald, ay pasimple nitong binigay ang kanyang cellphone kay Ali isa sa mga assistant ng kanilang team. Sinabihan nito na sabihin sa kanya kung may nag text. Nagulat naman si Ali dahil first time ito ginawa ni Gerald. Bawal kasi ang cellphone kapag nasa loob na sila ng court.

Tumunog na ang bell at hudyat na ng simula ng game. Sobrang disappointed si Gerald dahil hindi pa nagtetext si Kim. Naisip niya nab aka gaya rin ito ng bata na, once ay nangako sa kanya pero hindi ito tumupad sa pangako.

Nagsimula na ang game. Isa-isa ng tinawag ang player ng bawat team. Parating kasili si Gerald sa first five. Maganda ang palitan ng shoot ng magkalabang team first quarter pa lang. Pero hindi gaya ng dati, mukhang hindi maganda ang laro ni Gerald, minsan may playa ito sa pag pasa at minsan naman ay naagawan siya ng bola. Napuna ng kanilang coach na hindi focus si Gerald sa laro, kaya nag sub muna si Enrique.

“Anderson, what are you doing? I’ll go back to you later.” Mainit ang ulo ng kanilang coach dahil lamang na ng 8 points ang kalaban.

Disappointed naman si Gerald sa kanyang sarili kung bakit niya hinahayaang mangyari ito. Kung bakit hinahayaan niyang ganun ang maramdaman niya sa isang babae kakakilala pa lang niya. Nagpunas muna ng pawis si Gerald at lumingon it okay Ali. Pasimple itong sumenyas kung may nag text. Sumenyas naman si Ali na wala.

“Nasa labas na si Kim ng coliseum at tumatakbo ito papuntang second floor. Naduon kasi naka assign ang binili nilang ticket. Pagdating sa entrance, binigay niya kaagad ito sa kumukuha ng ticket. Dali-dali siya naghanap ng upuan at napili nito sa gitna, tamang-tama lang ang view ng upuan na kanyang napili. Pagkaupo nito ay kinuha niya kaagad ang kanyang cellphone at nag type ng message. “Hi, Ge. Nandito na ako sa loob ng coliseum.” At pinindot ang send button. Ngayon pa lang niya naalala na hindi nap ala mababasa ni Gerald ang text niya. “Bahala na.” Sabi nito sa kanyang sarili.

Patapos na ang first quarter, ng makita ni Ali na may nag text kay Gerald. Tinignan niya ang sender kung sino ito. “My Angel?” Tanong nito sa sarili habang tinitignan ang pangalan ng sender. “Baka ito ang hinihintay ni Sir. Gerald.” Pumunta ito sa inuupan ni Gerald at bumulong. “Sir. Gerald may nagtext.”

“Sino?” Pabulong na sagot ni Gerald.

“Girlfriend mo.”

Nagulat si Gerald sa sinabi ni Ali, dahil wala naman siyang girlfriend sa ngayon. “Ha? Sinong girlfriend?”

“Si, My Angel?” Sagot ni Ali.

Hindi napigilan ni Gerald ang mapangiti. Walang pagsidlan ang kanyang kasiyahan sa narinig na sinabi ni Ali. “Ano sabi?” Bulong ulit nito.

“Nandito daw siya sa loob.”

“Talaga?” Kulang na lang tumalon sa tuwa si Gerald. “Ganito, reply ka ha. Sabihin mo. Ok. Wait for me outside after the game.”

“Ok po sir.”

“Text mo ha.” Ulit nitong sabi. Mula sa pagkakalugmok, ay parang nabuhay ang katawang lupa ni Gerald.

Nag ring ang bell hudyat na tapos na ang first quarter. Lamang pa din ang kalaban ng limang puntos. Nakapalibot na ang lahat ng team sa kanilang coach habang nagtuturo ito ng bagong strategy. Pagkatapos nito ay lumapit si Gerald sa kanilang coach. “Coach, pasok ako.”

“Are you sure Anderson?” nag-aalangan na tanong ng kanyang coach.

“Yes, coach.” Mabilis na sagot ni Gerald.

“Ok.” Tinawag nito si Enrique. “Gil, sub muna si Anderson sa’yo.”

Dali-daling pumunta sa gitna ng court si Gerald. Nagsigawan ulit ang mga tao. Nagkatinginan lang sila ni Rayver. Nakita ni Kim ang pagpasok niya at napangiti ito. Ang gwapo mo talaga Anderson, lalo na pag pinapawisan ka. So yummy. Hindi inalis ni Kim ang kanyang mga mata kay Gerald. Kanina ay parang walang kagana-gana si Gerald sa laro kabaliktaran naman ngayon. Para siyang bagong laruan na narecharge. At para bang nagpapakitang gilas dahil alam niyang may nanunuod sa kanya.

Mabilis na nahabol ng SM team ang kalaban at ilang minute pa ng laro ay nalamangan na nito. 45-39 in favor sa SM team. Natapos ang second quarter na masaya ang coach nila dahil nakafocus na muli si Gerald. Pati si Rayver ay parang masaya na ito sa kaibigan.

Hindi naman mapigilan ni Kim ang mapatalon tuwing makaka-score si Gerald. Halos mahulod na ito sa kakatalon, para bang cheerleader at kahit namamaos na ito ay sige pa rin siya ng kakasigaw. Malapit na matapos ang game at nakakabawi ang kalaban. Kinakabahan na ito para kay Gerald.

“Last 2 minuteees.” Sigaw ng announcer at lahat ng tao ay nagsisigawan na pati siya ay nakisali na rin.

Hawak ni Zanjoe ang bola papunta sa kanilang ring ng maagaw ito ng kalaban. Kaya nagsigawan ang mga tao. Ng makita ito ni Gerald, binilisan niya ang pagtakbo papunta sa kalaban na naka-agaw ng bola. Nagpasahan muna ang mga kalaban. 57 secs. left. Rayver blocked the opponent, ang Gerald steal the ball from the outside. Mas lalong lumakas ang sigawan ng mga tao. Mabilis na tumakbo si Gerald papunta sa kanilang ring. Pinasa niya it okay Zanjoe pero nahihirapan itong dahil nakabantay ang kalaban. Pinasa nito ang bola kay Matt, nagtangkang iShoot pero lumagpas ang bola. Mabuti na lang at na-rebound ni Rayver, humanap siya ng mapapasahan at nakita ntong open si Gerald kaya pinasa niya ang bola.

“Andersooon, three points.” Sigaw ng announcer. “Star Magic won again, 1 more win and they will be playing the championship with the ASAP team.” Dagdag pa ng isang announcer.

Nagsitakbohan naman ang mga ka teammate ni Gerald patungo sa kanya halos nakahiga na ito sa sahig, pati na rin si Rayver. Nang makatayo siya inabot ni Rayver ang kanyang kamay at nag handshake sila ni Gerald at nagyakapan. “Sorry, kanina.” Bulong ni Rayver.

“Ok lang.” Sabay batok ni Gerald kay Rayver.

Bago tumayo si Kim ay tinignan nito ang kanyang cellphone. Nakita niyang nag reply si Gerald, nagtaka siya kung paano ito naka reply. “Wait for me outside?” basa nito. Saan ko naman siya hihintayin? Maghihintay ba ako sa kanya?

Nilibot ni Kim ang labas ng coliseum, tumigil ito ng makita niya ang bus ng SM. Kinuha niya ang kanayng cellphone at nag text ito. “Nandito lang ako sa bus niyo ha.”

Tamang-tama ang pagbigay ni Ali ng cellphone ni Gerald sa kanya. Kaya pagkatapos basahin ang text ni Kim, lumabas ito sa kanilang dressing room at nag dial. Naka dalawang dial pa si Gerald bago nasagot ni Kim dahil sa ingay ng mga fans na nag titilian sa labas.

“Hello?” bati ni Kim.

“Hi Kim.” Bati din ni Gerald. “Nandiyan ka na sa laba?”

Medyo hindi marinig ni Kim ang sinasabi ni Gerald dahil sa mga nagtitiliang mga babae. Ang iba pa ay naririnig pa niyang crush na crush si Gerald kaya napapasmile na lang ito. “Oo, nandito na ako sa labas.” Sabot nito.

“Ah, papupuntahin ko si Ali diyan ha. Kasi hindi ako pwede lumabas ng mag-isa. Ano kulay ng damit mo? Para masabi k okay Ali.”

“Pink!” Sagot nito. Pero ng tinignan niya ang mga babaeng naghihintay sa labas nakita niyang hindi lang siya ang nakasuot ng kulay pink. “Ge, teka ang daming naka pink dito sa labas.” Natatawa nitong sabi.

Natawa rin si Gerald sa sinabi ni Kim. “Ah, ganun ba. Sige ako na ang bahala. Ok?

“Sige.” Nagtataka si Kim kung abo ang gagawin ni Gerald. Kung bakit pa siya pinapasundo nito.

Ilang minute pa ay, may narinig siyang tumatawag ng kanyang pangalan.

“Sino si Kim sa inyo?” Sigaw ng guard. Halos nagkagulo ang mga babae sa labas, may ilan na nagsabi na Kim ang kanilang pangalan. Nahihiya naman makipagsiksikan si Kim. Pero nakita siya ni Ali. Siguro, siya yung pinapasundo ni Sir. Gerald. Mukhang kasi siyang angel. Yung mga iba dito, mga chak ng mukha eh.Binulong niya sa isang guard na lapitan nito si Kim at papasukin.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
pink_sapphire #1
Chapter 23: pordalab..pls. update..gsto q kasing malaman kng anu ang magiging reaksyon nilang dalawa lalong lalo na c kim kng magkita na cla ni rj..
:):)
TheArvie99 #2
Chapter 23: pordalab ... please update ... thank you :)
buang03 #3
Prdalab? Please update ka na! :))
teddibear #4
Hellooo :) please update!! Nakakamiss eh :")
jrc_teens #5
waaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh!!!!!!!! more upd8s plss...!!! :) can'y w9 for the hmmmmmmmmmmmmmmmm :D
KG4life #6
thanks sa updates :) kinikilig ako kay mr. jealous and ms. jealous =)) sana may mangyaring nakakakilig sa boracay ;)
lucelle #7
thanks for the update!! :)) sana update ka na ulit. waaaaaa. thanks.. FTW!!
teddibear #8
Yaaaayy!!! You updated!!! :D thank you muchooooo!!! Hehe. Kilig naman itong si mr and ms jealous <3
angel_fire06 #9
waaaahhhhhh...pasigawwww nmn!!!glad to see an update!!i just love the Ms. Jealous and Mr. Jealous portion..hahaha...more updates please ;))
teddibear #10
Adik na ako. I keep checking AFF Kung meron na bang update. I hope you update very soon. Miss ko na update mo eh :")