Chapter 18

All This Time

 

Hapon na ng hinatid ni Kim si Gerald sa terminal ng bus. Dederetso na lang siya ng maynila dahil dinala na ni Rayver ang mga gamit niya. Hinihintay na lamang nila ang bus na dumating papuntang maynila. Nalungkot naman si Kim dahil hindi niya alam kung kailan sila muling magkikita ni Gerald. Si Gerald na lang kasi ngayon ang nagbibigay lakas sa kanya para lumaban, hindi na niya alam kung ano pa ang pwede niyang gawin sa kanyang papa. Nahihiya din siyang ikwento it okay Gerald, dahil baka husgahan lang nito ang kanyang pamilya at pati siya ay hindi magustuhan ni Gerald.  “Oh, bakit ka malungkot?” Tanong ni Gerald kay Kim.

“Wala lang. Na-isip ko lang kasi kung kailan ulit tayo pwedeng magkita.” Malungkot nitong sabi.

Hinawakan niya ang mukha ni Kim at pinaharap sa kanya. “Diba sabi ko sa’yo ako ang hahanap ng paraan? Kim, mahal kita. Oo, 3 days pa lang tayong magkakilala pero minahal na kita Kim. Mahirap man paniwaalaan, kahit ako hindi ko ma explain sa sarili ko. Handa akong maghintay kung kailan ka ready magkaroon ng commitment. OK?”

“Paano kung sabihin ko sa’yo na hindi mo na kailangan maghintay?” Nakaniting sabi ni Kim na parang tinutukso si Gerald.

“Ha? Basted na ako? Kim naman.” Kulang na lang ay magmakaawa si Gerald kay Kim.

Tawa ng tawa naman si Kim. “Basted? May sinabi ba akong basted? Parang wala naman ah.” Patuloy na panunukso ni Kim.

“Eh, ano? Ayaw mo akong maghintay, so ibig sabihin basted na ako. Kim.”Naging seryoso ang mukha ni Gerald na hindi na niya alam kung ano pa ang pwede niyang sabihin kay Kim.

Tawa pa rin ng tawa si Kim. “Ang slow mo.” Sabay tumalikod ito. “Ayan na ang bus.” Nakangiti ito.

“Kim, hindi ako aalis dito hanggat hindi mo sinasabi sa akin.” Pumunta ito sa harapan ni Kim.

Nakangiti lang ito, “Sabi ko diba, hindi mo na kailangan maghintay?”

“Oo.” Mabilis na sagot ni Gerald.

“Ang ibig kong sabihin, hindi mo na kailangan mag hintay kasi nga…”

“Kasi…?” Kinakabahan na si Gerald sa sasabihin ni Kim.

“Kasi, nandiyan na yung bus oh. Sakay na.” Sabay tawa.

“Kimmm. Hindi – hindi ako aalis dito. Wala akong paki-alam sa bus nay an.”

Tumawa ulit si Kim. Nahalata nito na naiirita na si Gerald. “Hindi mo na kailangan maghintay kasi…” May nakita itong fita, ginaya niya ang ginawa ng babae sa commercial.

“Kim, hoy saan ka pupunta?”

Bumalik si Kim, dala ang fita cracker. Binuksan niya ito at kumuha ng dalawa. Tinaas niya iyon sa harap ni Gerald.

“Kim, ano yan? Hindi ako nagugutom.” Parang nabubuang na si Gerald sa mga pinag-gagawa ni Kim.

Tawa ulit ito ng tawa. “Gerald Anderson, ang slow mo. Ito na nga ang sagot ko. Sa alphabet ano ang ka shape nito?”

“O.” Natigilan si Gerald ng ma gets na niya ang gustong sabihin ni Kim. “Oo – OO? Sinasagot mo na ako?”

Sabay buhat kay Kim, at pina-ikot niya ito. “Wohooo. Kami na. Sinasagot na niya ako. Girlfriend ko na si Kim. Wohooo.” Sigaw pa nito.

“Ge, ibaba mo na ako. Nakakahiya.” Pilit na kumawala ni Kim sa pagkakabuhat ni Gerald, pero malakas talaga si Gerald.

Ibinababa na ni Gerald si Kim. Hinawakan niya ito sa mukha. “Hindi ito joke time Kim ha. Baka, ginu-goodtime mo lang ako.”

“Sige, kung ayaw mong maniwala eh di babawiin ko na lang.”

“Ito naman, naniniwala na ako. Wohooo.” Sabay talon. Parang nanalo na siya sa kanilang championship. “Pero… ayaw mo muna ligawan kita?” Nagtatakang tanong ni Gerald.

“Ligaw? Hindi na – kasi pag nanliligaw ang lalaki siyempre ipapakita nilak kung ano ang maganda nila ugali tapos pag sinagot na sila ng babae unti-unti na nagbabago. Kayo wag na, tsaka bakit ko pa patatagalin eh mahal naman kita. Mahirap na, sabi mo nga diba uso ang salsisi gang ngayon.” Sabay tawa nito.

“Ang saya-saya ko ngayon Kim. Sobraaaang saya. If you only knew how you made me happy. I love you, Kim. Sooo much!” Sabay kiss sa noo ni Kim.

“Ano bay an, kiss pang lola.” Pilyang sabi ni Kim.

“Ah, ganun. Gusto mo sa lips ah, hindi ako mahirap kausap.” Hahalikan n asana niya si Kim ng pigilan siya nito.

“Ito, naman. Joke lang. Ang daming tao, nakakahiya.”

Niyakap na lang siya ni Gerald, ng mahigpit na mahigpit. Halos hindi na nila bitiwan ang isa’t-isa. Kumawala na lang sila ng sumigaw ang konduktor, na malapit ng umalis ang bus.

“Oh, sige na sumakay ka na ng bus, baka maiwan ka pa.”

“Bukas na lang kayo ako umuwi?” Paglalambing ni Gerald.

“Hindi – pagagalitan ka ng coach mo. May practice pa kayo bukas, tsaka may game kayo sa Tuesday. Kaya sige na, pasok ka na loob.”

“Sige na nga, basta tatapusin ko lang yung game pupuntahan kita kaagad dito. OK?” Nakahawa ang dalawang kamay ni Gerald sa bewang ni Kim. Habang nakahawak naman ang dalawang kamay ni Kim sa leeg ni Gerald.

“Ok. Sige na, aalis na abg bus. I love you, Ge.” Sabay kiss sa pisngi ni Gerald.

“Biting naman, pero ok lang humanda ka sa akin pagbalik ko dito.” Sabay hawak ni Gerald sa mukha ni Kim at nilapit niya ang mukha dito. Nag nose to nose sila.

“Sige na, bye na. Ingat ka ha, tawagan mo ako pag dumating ka na sa bahay niyo. Goodluck sa game.” Sabay ngiti ni Kim.

“Kim.”

“Ano?” Tumawa na lang si Kim. “Sige na, love you.”

“Mahal na mahal kita. Hmm.” Nang-gigigil na sabi ni Gerald. Ayaw pa sana niyang bitawan ang kamay ni Kim ng sumigaw ulit ang konduktor. “, masusuntok ko na itong konduktor na to.” Bulong ni Gerald.

Hindi naman mapigilan ni Kim ang tumawa. “Sige na, pasok ka na. Ingat.” Si Kim na mismo ang bumitaw kay Gerald. Wala naman nagawa si Gerald kundi pumasok na sa loob ng bus. Ng maka-upo na ito, nakangiti lang itong nakatingin kay Kim. Ganun din si Kim, hindi na muna ito umalis hanggat sa hindi pa umaalis ang bus na sinasakyan ni Gerald.

Nang umalis na ang sinasakyang bus ni Gerald, ay umuwi na rin si Kim. Habang nakasakay siya sa trisekel, nag ring ang kanyang cellphone. “Ge? Bakit ka napatawag? May problema ba?” Nag-aalalang tanong ni Kim.

“I miss you.” Nakangiting sabi ni Gerald sa kabilang linya.

“Yun lang pala ang sasabihin mo, akala ko may nangyari na. Miss na din kita.”

“Mahal mo ba ako?” paglalambing ni Gerald.

“Mahan na mahal.” Sagot naman ni Kim, hindi na niya maitago ang nararamdaman niya kay Gerald.

“Mahal na mahal din kita.”

“Oh sige, bye na muna ha. Nandito na ako sa bahay. Maghahanda pa ako ng hapunan naming. Ingat sa biyahe.”

Hindi na mawala ang ngiti sa mga labi ni Gerald. Nakatingin lang ito sa bintana, hindi niya lubos ma-isip na magiging masaya siya ng ganito at dahil yun kay Kim. Kahit hindi man siya ang first love nito, masaya na rin siya dahil siya ang naging first boyfriend ni Kim. Siya man ay merong first love, per hindi niya alam kung makikita niya pang muli ito, dahil kahit pangalan ng batang babae ay hindi niya alam. 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
pink_sapphire #1
Chapter 23: pordalab..pls. update..gsto q kasing malaman kng anu ang magiging reaksyon nilang dalawa lalong lalo na c kim kng magkita na cla ni rj..
:):)
TheArvie99 #2
Chapter 23: pordalab ... please update ... thank you :)
buang03 #3
Prdalab? Please update ka na! :))
teddibear #4
Hellooo :) please update!! Nakakamiss eh :")
jrc_teens #5
waaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh!!!!!!!! more upd8s plss...!!! :) can'y w9 for the hmmmmmmmmmmmmmmmm :D
KG4life #6
thanks sa updates :) kinikilig ako kay mr. jealous and ms. jealous =)) sana may mangyaring nakakakilig sa boracay ;)
lucelle #7
thanks for the update!! :)) sana update ka na ulit. waaaaaa. thanks.. FTW!!
teddibear #8
Yaaaayy!!! You updated!!! :D thank you muchooooo!!! Hehe. Kilig naman itong si mr and ms jealous <3
angel_fire06 #9
waaaahhhhhh...pasigawwww nmn!!!glad to see an update!!i just love the Ms. Jealous and Mr. Jealous portion..hahaha...more updates please ;))
teddibear #10
Adik na ako. I keep checking AFF Kung meron na bang update. I hope you update very soon. Miss ko na update mo eh :")