Payb.
Kung Bakit Ayaw Mong Malaman Ng Crush Mo Na Crush Mo Siya
“O,” natawa si Dasom. “Sabay pa talaga kayong nakabalik, ah?” Ngumiti lang si Jungkook at lumingon sa’kin. Bwisit. Tingin ka d’yan.
Actually kasi, for some reason, ‘pag labas ko sa ladies’ room, nakita ko na lang siyang nakasandal sa pader at nakatungo. At nang mapansin niyang nasa may pinto na ‘ko, tumingala siya at ngumiti sa’kin, tapos sabi niya, “Tara?”
Bakit ba parang kanina lang, naiilang siya sa’kin, pagkatapos ngayon, nginingitian na niya ‘ko ng pamatay-smile niya na ‘yan na minsan ko lang makita nang malapitan? E, ‘di ba ang labo, no’n? Epekto ba ‘yon ng bagong lagay na ClayDoh sa buhok niya na amoy pa lang, maniniwala kang wala akong ebidensya na kalalagay niya lang no’n three minutes ago?
“Guys, una na pala ako, ha?” Paalam ni Dasom.
“Hatid na kita.”
“Tsk, ‘wag na. Si Yana na lang ang ihatid mo, tutal, parehas naman kayo ng way, e.” Tanggi ni Dasom sa alok ni Jungkook. “Saka maaga pa, o? Mag-hangout muna kayo.”
Bumuntong-hininga na lang si Jungkook, kasi mukhang hindi papipilit si Dasom. “Sige na, basta ingat ka, ha?”
Nakakainis na hindi pa rin nababawasan ‘yong pagka-OP ko sa dalawang ‘to. Hanggang ngayong paalis na si Dasom, kailangan talagang iparamdam mo sa’kin Jungkook, e, ‘no?
Ito mismo ang dahilan kung bakit ayokong malaman mo na gusto kita, e.
Nang makaalis si Dasom, tahimik na siya at parang kala mo, batang naubusan ng candy. His head was down, his hands in his pockets. Now what?
“I hope things don’t get too awkward between us…” Wow, ako pa ba may kasalanan? Anong gustong mong gawin ko?
"Yana," tawag niya sa'kin. 'Di ko naman siya kinibo. "Uy, ano..." napahawak siya sa batok niya. O, ano naman 'yan, nahihiya ka? Ngayon pa?
"Figaro tayo, tara!" bigla niyang yaya.
Hindi ko alam kung alam niya, o nagkataon lang, pero Figaro kasi ang paborito kong tambayan sa Trinoma, e. Dito rin ako pumupunta 'pag malungkot ako. At tignan mo nga naman ngayon; ang bait nga naman ng taong nagpalungkot sa'kin, sinamahan pa 'ko.
Kanina ko pa tuloy gustong itanong kung bakit nga ba talaga kami nandito. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Muntanga kasi talaga ako, e. Sumama pa rin naman ako. Nanaman.
"So," nagsalita siya bigla. "Anong tingin mo kay Dasom?" Hindi niya lang pinapahalatang nahihiya siya sa pagkakabanggit kay Dasom, but if he were a girl, he'd be blushing so hard by now.
"Maganda, mabait..." I said disinterestedly, although honestly. Naalala ko kung pa’no siya umarte kanina, no’ng kasama namin si Dasom. Kung ang normal na tao, iisiping siya pa rin ‘yong usual na cool Jungkook na kilala ng lahat. But they don’t notice the weird combination of happiness and nervousness in his eyes and how they significantly soften when they stare at her, especially, when she isn’t aware that his eyes are on her.
I blame myself sometimes for being such a damn good observant. Kung hindi kaya ako magaling makiramdam, magugustuhan ko siya nang ganito? Bakit ba ang sadista ko sa sarili ko, dahil mas lalo ko yata siyang nagustuhan ngayong nakita ko kung pa’no niya tignan yong taong gusto niya? Damn it, I want that too for myself. Gusto ko ring matignan nang gano’n.
I looked at him in the eye for two seconds and sent him
Comments