Chapter 9

Kisapmata
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Tahimik lang akong nakahiga at nakatingin sa kisame. Parang bagay ipatugtog yung Kisame by Rhodessa ngayon. Kakatapos lang namin magface time ni mama. Buti at naitago ko ang injury ko. Ayaw ko kasi siyang nagaalala. 

 

Si mama ang nagsusustento sa akin. Sabi niya pa ay uuwi siya this Christmas. Aasikasuhin daw namin yung passport ko paguwi niya. She's planning na kunin ako at doon na tumira after college. Sabi pa nga niya ay pwede namang doon na ako mag kolehiyo, pero ako mismo ang umayaw. Mas mahal ang tuition doon. So hindi ako pumayag at kinumbinsi siyang dito na ako. 

 

Gusto kong makasama si mama, pero ang tumira doon ay wala sa isip ko. Buong buhay ko kasi ay dito ako sa pinas namulat at lumaki. Ayaw ko namang iwan sina Ning pero alam ko rin na magkakaroon kami ng kanya-kanyang prayoridad. Hindi naman kasi permanente ang lahat ng ito. Someday, kailangan din naming maghiwalay na magkakaibigan. Kaya as much as kaya ko, gusto kong magkasama kami, kasi dadating ang panahon magiging memorya na lamang ang lahat. At least, kung magbabalik tanaw kami ay masaya ang maaalala namin.

 

Nageemote ako nung biglang tumunog ang phone ko. Chineck ko kung sino ang nagtext at agad na kumunot ang noo ko. Simula kahapon ay di na ako tinantanan ni ate Karina. Hindi naman sa ayaw ko, gusto ko nga pero ayaw ko masanay.

 

Ate Kulit: Hello baby!

Me: what?

Ate Kulit: ang cold mo naman po.

Me: ate ano nga?

Ate Kulit: You coming tomorrow with us right? Sinabihan ako ni Ethan ngayon lang.

Me: ah opo.

Ate Kulit: What will you wear?

 

Si ate parang ewan talaga. Ano nanamang iniisip na trip nito.

 

Me: Bakit?

Ate Kulit: Let's matchy baby. Para mukha tayong twins.

 

Lol akala ko couple. Wag kasi assuming Winter at baka masaktan ka lang. 

 

Me: ate tigilan mo ako sa kalokohan mo.

Ate Kulit: But I just want to feel na hindi ako third wheel. It'll be like a double date. All this time kasi I'm being a chaperone kaya. 

 

Kung sabagay kawawa nga naman siya. 

 

Me: Bakit nga ba hindi ka nalang tumakas?

Ate Kulit: Giselle would get angry at hindi niya ako kakausapin for two freaking days.

 

Dito na ako nahihiwagaan masyado sa dynamics ng relasyon nila. Ganun ba ka dependent si ate Gi kay ate Karina. 

 

Me: nakausap mo na ba si ate Gi tungkol dito? Kasi si Ethan ako na ang ginugulo na tulungan siya.

Ate Kulit: I did talk with her and sabi niya she's slowly trusting Tantan. So hopefully soon.

 

I guess malaki talaga ang trust issues ni ate Gi. Isa pang napansin ko ay ang paguusap namin ni ate Karina na parang normal na magkaibigan. I think alam ko na kung paano to ihahandle ang pagkakacrush ko sa kanya. The best move ay ang hindi pagpansin dito. 

 

Ate Kulit: you there?

Me: Oo, anong susuotin mo pala bukas?

Ate Karina: Hmm I'm up for flannel and mid length shorts tapos tank top na inner. Wear white sneakers din pala. 

 

Hindi naman halatang ma detelyado siyang tao ano. Nagtungo ako sa kabinet at kumuha ng mga pinagsasabi niya. Imbis na tank top ay yung simple shirt ang kinuha ko. Itutuck in ko nalang sa shorts. Niready ko yung susuotin bukas. Tama ba tung ginagawa kong pagpayag? Pero sabi ko nga ay hindi ko na lalagyan ng malisya ano mang gagawin namin.

 

Me: How about beanie?

Ate Kulit: Oh that's good too. But I only have bucket and baseball hat.

Me: Okay, baseball hat na. 

Ate Karina: Got it! This means you agree right?

Me: Hindi tinatanong lang kita.

Ate karina: baby...

Me: oo nga payag na.

 

Napangiti ako kasi nakakatuwa din pala siyang asarin.

 

Ate Karina: It feels like kakabogin natin yung totoong may date.

Me: Di natin kasalanan. Bakit ba kasi nila tayo sinama diba. 

Ate Karina: True, I'm excited na tuloy. It's the first na I'm looking forward sa date nina Gi.

Me: kawawa ka naman po.

Ate Karina: you pity me?

Me: Oo

Ate Karina: then stop calling me ate. 

Me: akala ko ba gusto mo akong kapatid.

Ate Karina: But you said you want us to be friends. I don't like my friends calling me ate. Parang ang tanda ko masyado. Let me remind you ulit na isang taon lang ang gap natin.

Me: galit ka na niyan?

Ate Karina: No?

Me: I'll try po kapag comfortable na talaga ako sa'yo. 

Ate Karina: You're not comfy with me? :(

 

Ay wow may pa sad emoji. Cute.

 

Me: I'm not comfy sa lahat aside kina Ning po.

Ate Karina: I understand. Then, I hope to get to know you soon baby! I'll earn that trust.

 

Bakit ba ang charming mo ate. Mas matanda siya sa'kin pero parang mas gusto ko siyang itago sa mundo. Ang bait niya nga at makikita ko naman na gusto niya talagang pumasok sa buhay ko. Sa tingin ko mas magiging magulo ang buhay ko kung sakali man. Ayaw ko mang aminin, pero parang gusto ko rin makita ang hinaharap kasama siya, magkaibigan man o hindi.

 

Me: Good luck with that, ate Kulit.

Ate Karina: You should sleep na. It's already eleven na oh.

Me: I usually sleep by twelve or one.

Ate Karina: It's unhealthy to sleep late Win. You should sleep na lalo na at nagheheal pa yang bali mo. 

 

Ate para ka namang si mama at si Ning. Maaga kasi 'yon natutulog, tapos lagi ako pinagsasabihan na masama daw sa utak. May tama naman siya pero hindi kasi ako nakakatulog kahit anong pilit ko.

 

Me: I can't. Kahit anong pilit ko ate ay di ako makatulog.

Ate Karina: It's because nasanay ang mata mo na matulog ng late. What do you usually do ba para makatulog?

Me: nakikinig lang ako ng music.

Ate Karina: do you drink milk? It will help you.

Me: Hindi po

Ate Karina: You have milk?

Me: Meron naman.

Ate Karina: Go at magtimpla ka.

Me: Kailangan ba talaga?

Ate Karina: Yes, so go na baby. 

Me: Okay, fine.

 

Okay, ang demanding mo po. Mas nagtataka ako sa sarili ko dahil pwede ko namang hindi gawin pero sinunod ko parin ang sinabi ni ate. Para bang may mahika kapag siya ang naguutos. 

 

Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kusina para magtimpla. Hindi naman masyadong mainit ang ginawa ko para mainom ko agad. After ng mga ten minutes o fifteen ay bumalik na ako s

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
Hello, hello,, aaaaaaaa mic test mic test! HIIIIIIII

Comments

You must be logged in to comment
GreasyNamIdiot
#1
Taga Pampanga ka ba?
GreasyNamIdiot
#2
Taga Pampanga ka ba?
yjimin0411
#3
Chapter 12: SANAOL MISS
yjimin0411
#4
Chapter 6: si baby sis pala to eh
yjimin0411
#5
Chapter 4: crush palang batak na magselos 😭
Hiccups_ #6
Chapter 24: Chapter 24: Kinakabahan ako~~ Napa-check ulit ako sa tag bigla ack
Wemon_ #7
Chapter 24: hala masakit ang ulo ni elsa. tnx po sa ud at hello po otor shin hehehehe
Dyosabear #8
wiiiiiiieeeeeee! may update!!!! 😍😍😍
Ardem_Joseph23
17 streak #9
Chapter 24: Ayy.. Neuro si Dr yu. Masakit ulo ni wintot.. Anyare tor?
bigboy123
142 streak #10
Chapter 24: Salamat po sa update 🥹