Chapter 23

Kisapmata
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Umaga at ang ingay na ng phone ko. Kapag hindi 'to importante, bubugahan ko siya ng apoy. Naiinis na napabangon ako at tinignan kung sino ang tumatawag.

 

Calling Unknown Number...

 

Sino 'to?

 

Kahit hindi ko alam ay sinagot ko pa rin. Para naman may silbi ang paggising ko diba?

 

"Hello?" Garalgal pa ang boses ko dahil bagong gising.

 

"Winter?" Boses ni ate Gi.

 

"Ate Giselle?" 

 

"Yes, it's me. I know you might be annoyed of me dahil sa nagawa ko kay Ethan but I need your favor kasi." Bakas sa boses niya ang pagaalala. 

 

Emergency siguro dahil kinontact na ako.

 

"Sure, ano po ba 'yun?" 

 

"Can you go to Rina's place? Wala kasi si ate Irene at ang parents nila. She's sick and have been refusing to stay home." 

 

Nawala agad ang antok ko sa sinabi niya. May sakit si Kari?

 

Unti-unti ay naalala ko kung bakit ako puyat. Hinintay ko ang reply niya pero wala. Pagtingin ko sa oras ay alas dyes na pala ng umaga. 

 

Kaya ba hindi siya nakasagot kagabi dahil may sakit siya.

 

Umalis ako ng kama at nagtungo sa kabinet, "Send me the location ate." 

 

Nagpasalamat si ate Gi dahil hindi niya daw muna ma pupuntahan si Karina. May kailangan siyang ayusin. Medyo nagalala ako ng banggitin niya ang father niya.

 

I don't think ideal na pumunta siya ng magisa.

 

"Kailangan mo po ba ng kasama?" 

 

"No, I'll be fine. Karina is insisting na sumama kaya kita tinawagan—" Hindi ko na siya pinatapos.

 

"Ate alam ko ang sitwasyon mo at sangayon ako kay Kari. Wala po ba si kuya Mark?" Mahinahon lang ang boses ko pero nagmamadali na ako sa pagbihis. Naka speaker na nga ang call.

 

"He didn't know. I— it's okay lang talaga Win." Nope, mukhang hindi siya okay. 

 

"Sandali, tatawagan ko ang barkada kung pwede ka ba nilang masamahan. Don't go ng magisa." 

 

Sasagot pa sana siya pero hinold ko ang tawag. Diretso akong nagchat sa gc namin. Mas mabuti siguro kung si Ethan pero ayaw kong irisk ang peace of mind niya ngayon. 

 

Busy si Ju sabi niya, habang si Rj ay may lakad. Ang tanging walang ginagawa ay si Ning. 

 

My bestfriend na crush ni ate Gi. What a coincidence nga naman. Pero hindi namin sinabi ni Ethan na may chance nga na may gusto si ate sa kanya. 

 

Ayaw ni Ethan na isipin ni Ning na dahil sa kanya kaya siya na reject. Isa pa, labas si Ning sa inis niya kay ate Giselle.

 

Nag-direct message ako kay Ning at ang loko mabilis na pumayag. Sabi pa ay mamamatay na daw siya sa pagiging bored. Kahit anong aya na ay papatulan niya. 

 

Tama ba itong ipagsama sila? Hindi naman 'to for love interest eh. Gusto ko lang talaga na safe si ate Gi. Magaling si Ning sa self defense like me dahil sabay kaming nagenrol nun.

 

Anyways, mamaya ko na lang iisipin.

 

Sinabi ko kay ate Gi na sunduin si Ning para may kasama siya. Nagaalangan pa nga, pero in the end pumayag din dahil binantaan ko siyang magagalit ako. Effective din pala sa kanya ang pagiging maldita ko.

 

Nilock ko ang apartment at sumakay na ng motor ko. Dumaan muna ako sa malapit na botika para bumili ng gamot bago dumiretso sa address na binigay ni ate. 

 

Pagdating ko ay napalula na lamang ako sa taas ng bakod at gate nila. Kinabog ang gate ng school.

 

Bumaba ang tingin ko sa phone ko dahil may tumatawag, si Karina. May message din pala siya kanina, hindi ko lang nabuksan dahil sa nagmamadali ako.

 

"Baby, I'm sorry." 'yan kamo ang bungat niya sa'kin. Halata ngang may sakit dahil namamaos ang boses nito. 

 

Napangiti ako. Gusto ko siyang pagtripan.

 

"For what?" Mataray kong tugon.

 

Narinig ko ang paghinga niya dahil dito, "Are you mad? I'm sorry kasi nakatulog ako agad kagabi and I forgot to charge my phone." I heard her sniffs. May sipon at ubo pa yata siya.

 

Aww, kawawa naman pala ang baby ko. That explains kung bakit out of reach kapag tinatawagan ko siya. 

 

"What about our date?" 

 

Hindi siya nakasagot agad. Nakalimutan niya?

 

"Uhm can we make it na afternoon na? I have to go with Gi kasi." Awts.

 

Second option, charot. Gets ko naman kung bakit. Hays, napaka-selfless mo Katarina!

 

"Huwag na lang na'tin ituloy." Seryoso kong sagot. 

 

Rinig ko ang panic niya sa kabilang linya. 

 

"No-! I mean— we can still date today baby. Hindi naman kailangan na hindi matuloy." Para siyang nagmamakaawa. 

 

"Karina, no hindi na tayo lalabas." 

 

"But— baby..." Naiimagine ko na nakanguso siya ngayon. 

 

"Hindi tayo lalabas dahil diyan tayo sa bahay mo magd-date. Buksan mo 'tung gate, nasa labas ako." 

 

"What?" Nakatingala lang ako sa bahay kaya napansin ko ang paghawi niya ng kurtina. Sumilip siya mula sa third floor ng bahay nila. Kumaway ako sa kanya kaso mabilis siyang nagtago.

 

"Why are you here!?" 

 

"Kasi may sakit ang ate ko, bilis na."  

 

Pinatay na niya ang tawag at ilang minuto din ay bumukas ng kusa ang gate. Ang shala at automatic pala. Pinasok ko na rin ang motor ko, mahirap na at wala na akong pambili ng pamalit. 

 

Dumiretso ako sa pinto. Hindi pa nga ako nakakalapit talaga ay bumukas ito. Sinalubong ako ni Karina ng yakap. Buti na lang at nasalo ko siya kundi matutumba kami. 

 

"How did you know?" Bulong niya sa may leeg ko. Nakasiksik na naman siya dito. Ramdam ko ang init mula sa hininga niya.

 

"Sinabi ni ate Giselle. Don't worry, hindi ako galit." Lumayo ako sa kanya at doon ko hinawakan ang kanyang noo. 

 

"I'm fine."

 

"Nope, hindi ka okay. Pasok at aalagaan kita." Ako na ang humila sa kanya pabalik sa bahay. 

 

Doon ko napansin ang magarang sala nila Karina. May malaking family portrait din sa gitnang dingding. Mayaman nga sila, ang taas ng ceiling eh. 

 

Ang laki ng bahay tapos walang katulong?

 

"The maids are in day off. Bukas pa ng hapon ang balik nila." Ahh kaya pala. 

 

"Kumain ka na?"

 

Hindi siya sumagot at umiling. 

 

"Uminom ka na ng gamot?" 

 

Iling ulit. 

 

Napasapo na lamang ako sa ulo dahil ang pabaya niya sa sarili. Lakas maka utos na magingat ako eh hindi niya nga inaalagaan sarili niya.

 

"Asan ang kusina?" Naiinis ako. Ganda na ng mood ko kanina eh. 

 

Nahalata niya naman siguro na hindi ko nagustuhan ang sagot niya, kaya sinamahan niya ako papuntang kusina. Chineck ko ang laman ng ref at kumuha ng mga ingredients na gagamitin ko. 

 

Nagluluto ako ng chicken arroz caldo. Habang siya ay nakaupo sa kitchen island at pinapanood ako ng may ngiti. 

 

"Mahiga ka muna doon sa couch. Dalhin ko na lang sa'yo ang pagkain at gamot." Hindi ko siya binalingan ng tingin kasi naiinis pa rin ako na malapit na maglunch at hindi pa siya nakakainom ng gamot.

 

"But I want to watch you cook." Simangot niya. 

 

"Ate." Tinapunan ko siya ng masamang tingin, wari ba'y nagbabanta.

 

"Yes, baby?" 

 

Napabuntong hininga ako. Madaya kasi dinadaan sa lambing! Porque alam niya kahinaan ko.

 

"Balik na doon. Uuwi ako sige ka." 

 

"Ehhhhh" 

 

Epekto ba ito ng lagnat o nagiging masbaby siya ngayon. 

 

"Karina." Saway ko pa. 

 

Wala na siyang nagawa kundi ang padabog na pumunta sa sala. Mabilis lang naman naluto ang pagkain, di nga siguro umabot ng kalahating oras. 

 

Sinalin ko ito sa isang mangkok at dinala sa kanya. Siyempre tinikman ko muna kung masarap, nakakahiya naman kung pakakainin ko ang may sakit ng hindi diba. Baka mas lalong sumama ang pakiramdam.

 

Naabutan ko siyang nakahiga sa couch at mukhang natutulog. Nilapag ko na muna ang pagkain sa mesa. 

 

"Kari." Mahina ko siyang tinatawag. Hinawakan ko pa ulit ang noo at leeg niya. Ang init niya sobra. 

 

"Hmm? Is it done na ba?" Sumisinghot pa siya at halatang nilalamig. 

 

"Yeah, kain ka muna tapos inom ka ng gamot para makapagpahinga ka." 

 

Inalalayan ko siyang maupo. Ako na rin ang nagpakain sa kanya. Hindi na siya nanlaban, natutuwa pa nga na inaasikaso ko siya. Madalas kasi ay siya ang maasikaso sa akin. Sinabi ko na rin sa kanya ang paggising sa akin ni ate Giselle at ang pagsama ni Ning dito. Mukhang kontento naman siya sa narinig.

 

"I didn't know being sick feels good."

 

Kinurot ko siya sa tagiliran dahil kun

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
Hello, hello,, aaaaaaaa mic test mic test! HIIIIIIII

Comments

You must be logged in to comment
GreasyNamIdiot
#1
Taga Pampanga ka ba?
GreasyNamIdiot
#2
Taga Pampanga ka ba?
yjimin0411
#3
Chapter 12: SANAOL MISS
yjimin0411
#4
Chapter 6: si baby sis pala to eh
yjimin0411
#5
Chapter 4: crush palang batak na magselos 😭
Hiccups_ #6
Chapter 24: Chapter 24: Kinakabahan ako~~ Napa-check ulit ako sa tag bigla ack
Wemon_ #7
Chapter 24: hala masakit ang ulo ni elsa. tnx po sa ud at hello po otor shin hehehehe
Dyosabear #8
wiiiiiiieeeeeee! may update!!!! 😍😍😍
Ardem_Joseph23
16 streak #9
Chapter 24: Ayy.. Neuro si Dr yu. Masakit ulo ni wintot.. Anyare tor?
bigboy123
142 streak #10
Chapter 24: Salamat po sa update 🥹