Chapter 6

Kisapmata
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Sinabi ko namang hindi na ako magiging marupok sa crush kong maganda na si ate Karina. Pero di ko naman sinabi na hindi ako magchecheer sa department namin. Andito ako ngayon sa bench habang nanonood ng final game sa women's volleyball. Friday na ngayon. Akala ko kahapon yung laro nila pero na move pala at ngayong umaga. Mamaya din ang victory ball. Sabi may magaganap na hydro kineme. 

 

Kasama ko nga pala si ate Gi at Ning ngayon. Wala sina Ethan at Ju dahil may meeting daw ang mga ball captain ng each sports. Baka may presentation mamaya. 

 

"Ate Gi, magaling ba talaga si ate Karina dati pa?" chismis ni Ning sa katabi. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila kunware di ako curious.

 

"Yeah I kinda meet her din dahil sa volleyball." Maraming kwento si ate Gi tungkol kay ate Karina. Excited pa nga siyang makipagdaldalan kay Ning. Mabilis silang nagkasundo kahit natatawa ako sa contrast ng pananalita nila. Si Ning kasi tunog palengkera, habang si ate Gi ay conyo ang dating. 

 

Habang nakikinig ay nakatuon pa rin ang pansin ko sa laro. Amaze na amaze pa rin talaga akong makita si ate Karina maglaro. Sa kabila ng skinny niyang katawan ay may tinatago palang lakas. Parang mabubutas yung bola tuwing spike niya. 

 

Hindi naman mahina ang department namin. Actually, habol na habol ang mga scores nila. Kilala ko ang players namin. Dalawa sa kanila ang nakakausap ko dahil batchmates kami. It's Yuna and Ryujin. Ang alam ko ay magpinsan din sila gaya namin ni Ning. Nakakasama ko dati si Rj sa mga dance competition tapos si Yuna this cheerdance lang. Siguro dalawa sila sa mga iilang tao na pinapansin ko. Si Yuna ang kadalasan na nagboblock habang libero si Rj. 

 

Mukhang humingi ng timeout ang department namin kaya natigil muna ang laro. Doon ko napansin na may lalakeng nagbigay kay ate Karina ng tubig at towel. 

 

"Oh that's Renjun, boyfriend ni Karina." Pagkasabi nun ni ate Gi ay napatitig ako agad sa lalake. Hmm gwapo at cute. Maganda din yung ngiti. Naaalala ko si Song Jongki sa kanya. 

 

Ganito pala ang mga tipo ni ate Karina. 

 

"Matagal na sila?" Wow ako yung nagtanong. Bakit ba? Bawal na ngayon magmarites.

 

Lumingon sa akin si ate Gi at ngumiti. Si Ning naman nagtaas ng kilay. Ano? Ahitin ko kaya lahat ng kilay niya.

 

"Yup, since junior high I think. But recently their relationship is kind of shaky. Hindi ko nga kasundo masyado si Ren kahit na matagal na sila ni Karina." Ang tagal na pala nila. Siguro mahal na mahal ni ate Karina ang jowa niya.

 

"Bakit te? Masama ba ang ugali?" Si Ning na ang nagtanong.

 

"Hindi naman. He's like ikaw Winter." 

 

"Ako?" Pakiramdam ko na offend ako sa pagcompare niya.

 

"Oo, you both have that masungit and resting face. Though the difference is that you have a cute side and for him, ewan ko nalang." Hindi naman siya pranka no, sobra lang. Tinawanan pa ako ni Ning. Binatukan ko nga.

 

"Aray ko!" 

 

"Tawa ka pa." Sinamaan ko siya ng tingin. Sumiksik siya kay ate Gi palayo sa'kin.

 

"Luh ate oh. Parang mali po sinabi mo. Mapanakit po si Winter, mas topakin po siya sa jowa ni ate Karina, so uncute po." Aba at sinisiraan pa ako.

 

"Isa Ning at tatahiin ko yang bibig mo." Mukha namang natutuwa si ate Gi sa bardagulan namin.

 

"Let's not talk about her love life nalang. Rina doesn't like it much when others probe on her privacy kasi." 

 

Ahh gets. Medyo lowkey pala si ate. Hindi ko nalang inisip masyado ang sinabi ni ate Gi. Sa nakikita ko kasi, parang gusto makipagusap ni guy pero ayaw ni ate o baka nagooverthink lang ako. 

 

Nagsimula na ulit ang laro, akala ko maslalamang ang team nina ate Karina pero bigla na lamang nagbago ang laro niya. Para bang distracted siya. Lumipas ang minuto at pati sina Ning ay napapansin na ito.

 

"Okay lang si ate?" Tanong ni Ning. Sinilip ko ang reaksyon ni ate Giselle. Seryoso lang siya at parang naiinis. 

 

"This is why I don't like him. Hindi siya marunong when to bother her or not. He's so annoying." Nanggagalaiti niya pang sabi. 

 

Binalik ko ang pansin kay ate na palyado ang mga tira at set ngayon. May receive pa siyang di naibalik. Ano kayang ginawa nung jowa niya para magkaganito siya. For sure hindi maganda dahil ang sama ng epekto sa laro nila ngayon. Somehow, gaya ni ate Giselle ay naiinis na din ako dun sa Renjun.

 

Natalo sina ate sa second set when in fact mas lamang nga sana sila sa early. Simula ng third o last set ay ganun parin. Parang wala sa sarili si ate Karina. Kinailangan humingi ng timeout ng team nila. Nakita kong kinakausap siya ng coach at para pinapagalitan.

 

Okay, siguro tama nga si Ning. Malapit na ang dalaw ko kaya aburidong-aburido ako. Tinotoyo nanaman ako sa nangyayari. Kanino ba talaga ako support dito? Sa department namin o kina ate Karina. Gusto kong manalo si ate ganda dahil for sure ikakatuwa niya ito. 

 

Pero bakit ba ako mangengealam? Di nga kami close! Pero sabi niya gusto niya akong maging little sis. So may care naman siguro siya sa'kin? Ano ba 'yan, nag oover analyze nanaman ako. 

 

"Alam kong dapat ako matuwa dahil mukhang mananalo ang department natin Win pero bakit parang nagaalala ako." Buntong hininga ni Ning. 

 

"Same. Ano

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
Hello, hello,, aaaaaaaa mic test mic test! HIIIIIIII

Comments

You must be logged in to comment
GreasyNamIdiot
#1
Taga Pampanga ka ba?
GreasyNamIdiot
#2
Taga Pampanga ka ba?
yjimin0411
#3
Chapter 12: SANAOL MISS
yjimin0411
#4
Chapter 6: si baby sis pala to eh
yjimin0411
#5
Chapter 4: crush palang batak na magselos 😭
Hiccups_ #6
Chapter 24: Chapter 24: Kinakabahan ako~~ Napa-check ulit ako sa tag bigla ack
Wemon_ #7
Chapter 24: hala masakit ang ulo ni elsa. tnx po sa ud at hello po otor shin hehehehe
Dyosabear #8
wiiiiiiieeeeeee! may update!!!! 😍😍😍
Ardem_Joseph23
17 streak #9
Chapter 24: Ayy.. Neuro si Dr yu. Masakit ulo ni wintot.. Anyare tor?
bigboy123
143 streak #10
Chapter 24: Salamat po sa update 🥹