Chapter 11

Kisapmata
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Ngayon ang Halloween party ng high school department. Required na mag susuot ng costume ang lahat ng studyante. May theme na Philippine folklore. So, dapat related sa mga pinoy myth o scary creatures yung get up. Ang alam ko may event din ang college ngayon. Di ko lang alam anong oras start nila. Six pa naman yung event namin kaya nandito kami sa room ngayon tumatambay. 

 

"Ning, bagay sa'yo yang mananaggal." Pangaasar ni Ethan. Si babae tuwang-tuwa naman.

 

"Thanks, pinaghirapan ko 'to." Sabay pose. Baliw talaga. 

 

"Ikaw din Ethan, mukha ka talagang engkanto." Oo nga, imbis na horror naging fairy tale pa. 

 

"Of course. Pair kaya kami ni Gi." Ohh edi sila na. Tumingin ako kay Juju na tanging ang mga mata lamang ang makikita mong puti.

 

"Hayup Ju, ilang uling ang niligo mo?" As in ang itim niya. Kung maglalakad to sa dilim pagkakamalan ko talagang kapre. 

 

"Acrylic to no." Ngiti niya pa. Mas lalo akong kinilabutan dahil ang puti ng ngipin niya. 

 

"Pucha mananalo ka na yata sa scariest costume." Kumapit si Ning sa'kin at lumayo kay Jungwon. 

 

"At least nag effort. Eh si Winter nga mukhang si Santa Claus na naka incognito." Yumuko ako sa suot ko para tignan kung tama ang sinabi ni Ju.

 

Naka robe kasi ako. Tapos may bonet na itim at black skinny jeans. Yung shoes ko ay yung patulis ang edge. Kung titignan ko ngayon, para nga akong si santa na modernized o emo. Ba't di ko napansin kanina. Ang tanging distinct ay ang matatalas kong tenga. May bigote pa nga ako eh.

 

"Pff sa true girl." Tinawanan pa ako ng manananggal. 

 

"Pinaaga ang pasko sayo Win." Epal ng mga 'to.

 

"Wag kayong nangwawarshak. Mas disente naman ako tignan kesa sayo Ju. Natatakot na nga ako sa'yo ngayon." Di ko siya matignan sa mata dahil ang creepy nga.

 

"Halloween party nga bakla. Di ka sumusunod sa theme." Rebat pa niya at umirap. Ang taray ng kapre.

 

"Nuno nga kasi ako." 

 

"Nuno ka ba ni snow white?" Asar pa ni Ethan. Sige lang pagkaisahan niyo ako. Inirapan ko lang sila kaya nagtawanan ang mga baliw. 

 

"Saya niyo ah. Madapa sana kayo mamaya."

 

"Hoy! Ang sama!"

 

Nagpatuloy lang kami sa kwentuhan, I mean pagkokomento sa mga soot ng iba pa naming kaklase. May mas worst pa pala kay Ju. Mukha siyang nilunod sa grasa. Overall, mukhang kulto ng mga maligno ang section namin. Natigil lang ang asaran ng malapit na magsimula yung event. Palabas na kami ng room. 

 

"Guys, naiihi ako cr muna tayo." Nagmamadali si Ning na pumunta sa banyo dito sa third floor. Ang bilis niyang nawala sa paningin namin.

 

Wala na namang masyadong natambay dito sa third floor kundi kaming magkaklase lang. Yung iba kasi ay nasa second. Patay na nga ang ilaw sa ibang rooms. Sa amin lang yung maliwanag. 

 

Napailing nalang kami ni Ju. Sinabihan namin si Ethan na mauna para mag reserve ng upuan. Nagsibabaan na ang mga kaklase namin. Pinuntahan na rin namin si Ning sa CR dahil baka ma pano pa yun. Hindi naman matatakutin si Ning, sa amin ako siguro ang mabilis magulat. 

 

"Alam mo Ju, mas natatakot ako sa'yo." Tawa ko habang katabi siya.

 

"Gusto mo takutin kita?" Ngumiti siya ng nakakaloko. Hinampas ko nga ng malakas sa braso. Napadaing siya agad. Bwisit, nakakatakot yung mukha niya.

 

"Subukan mo at pepektusan kita."

 

"Mapanakit ka talaga!"

 

Naguusap lang kami ni Jungwon sa may pinto ng banyo. Hindi na kami pumasok dahil wala naman kaming gagawin sa loob. Chinecheck ko rin ang phone ko kung may nagmessage. Si ate Karina at Ethan lang ang lumabas sa notif.

 

Nagtext nga pala siya para magtanong kung nasaan ako. 

 

 

Ate Disney Princess: Where are you sa campus?

Me: Nasa third floor ng shs, bakit?

Rina: Okay :)

​​​

​​​​

Ay, nagtanong ako tapos 'okay' lang ang sagot? Minsan ang ewan niya talaga. So far, okay naman. Nakakaya ko pa ang pagiging clingy/sweet niya. Kung paano ko ginagawa? Nilalabas ko lang naman ang gigil ko sa hotdog pillow ko. Mukha na nga siyang sinalvage eh. Baka naman short lived lang 'tong pagba-baby niya sa'kin. Malay natin magsasawa din siya kapag nakahanap ng bagong jowa. Pagnangyari, edi ouch.

 

Napailing nalang akong binalik sa bulsa ang phone matapos basahin yung messages nila.

 

 

"Nagtext si Heeseung, may upuan na daw tayo." Pagaanunsyo ko sa kasama. 

 

"Okay, ang tagal naman ni Ning." Kunot noo siyang sumilip sa loob. Ang tahimik nga eh. Pumasok na ako para katokin siya. 

 

"Ning! Bilisan mo naman." 

 

Walang sumagot. 

 

Huh? Akala ko magbabanyo. Sinilip ko sa ilalim ang mga cubicle, may pares ng sapatos na nakaharap sa tapat ng pinto. Wait, kanya ba to? Ba't di ko maalala na may ganito siyang design ng sapatos. Sa pagkakaalam ko nakatsinelas siya kanina. May manananggal bang naka school shoes?

 

"Andyan ba?" Tanong pa ng kasama ko. Tumango nalang ako at tinuro ang cubicle kung saan ko nakita yung sapatos. 

 

"Hoy Luningning, paki bilis naman. Mauubusan tayo ng pagkain." Oo nga, kasali kasi sa registration fee yung buffet na pinacater ng school.

 

Wala paring sumasagot. Kinakabahan na ako, naalala ko yung sabi-sabi tungkol sa banyo namin dito sa third floor.

 

"Bes! Ang laki ba ng tae mo at di ka makasagot?" Kinatok ko na din yung pinto. 

 

Parang iba na ya'ta ang pakiramdam ko dito. Hindi talag siya sumasagot. Pati maliit na paggalaw mula sa loob ay wala akong naririnig. 

 

Napahawak ako kay Jungwon. Mukhang di pa gets ni Ju ang sitwasyon at sinilip niya pa ulit sa ilalim kung may tao nga ba. 

 

"Win." 

 

"Hmm?"

 

"Sigurado kang may tao dito?" Pagtataka niya. Unti-unting tumatayo ang balahibo ko sa tanong niya. 

 

"Oo, may sapatos akong nakita eh. Bakit?" Kinakabahan na ako.

 

"Win tara na." Hinila niya ako bigla palabas ng banyo. Pucha natatakot ako lalo kapag tinignan ko si Ju. Pero sa tingin ko pareho kami ng nararamdaman sa paligid namin, parang kulang nalang ay kaladkarin niya ako paalis ng building. Dumaan kami sa hagdan at pagdating sa second floor, nakita nami si Ning na nagiintay. 

 

Nagkatinginan kami ni Ju. Nanlalamig na yung kamay niyang nakahawak sakin. Napansin kami ni Ning kaya kumaway siya.

 

"Ang tagal niyo naman sumunod." Reklamo niya ng makalapit kami. Gagi, unang weird encounter namin sa school. 

 

"Akala namin sa third floor ka nagbanyo." Garalgal na sagot ni Ju. 

 

"Huh? Pinagsasabi niyo? Eh sira nga yung banyo sa taas. Di niyo ba nakita yung out of order?"

 

Naalala ko na. Sira nga yun kaninang umaga. Pucha. Eh bakit nakabukas kanina!?

 

"Tangina." Yan lang ang nasabi ni Jungwon. Yeah gusto ko rin magmura. Halloween na halloween, game na game din yung mga multo juskooo.

 

"Bakit? Huy, bakit parang wala kayo sa sarili? Pinagpapawisan ka Kaps." 

 

Balisa na kung balisa. Di ko keri ang nawitness ko kanina huhu. 

 

"Hala , naiwan ko yata ang phone ko sa room." Tinignan kami ng natataranta ni Ning. 

 

"Bumalik ka magisa dito nalang kami." Inunahan na ni Ju si Ning. 

 

"Luh, sige na. Samahan mo ako Bes." 

 

"Bakit ako?" 

 

"Bakit hindi? Ang weird niyo nang dalawa ni Ju ah. Ano ba kasing nangyari?" Napakamot siya sa ulo. Ayaw ko naman hayaan si Ning na bumalik ng magisa.

 

"Ju—"

 

"Win naman." Nguso niya. Hindi ka cute Ju. 

 

"Okay, ako nalang sasama. Tara bilis, Ju intayin mo kami dito magisa."

 

"Iiwan niyo ako?" Parang di pa siya makapaniwala. Eh ayaw niyang sumama. 

 

Naghihilahan pa kami dahil ayaw ni Ju na maiwan magisa. Siguro napuno na si Ning kaya pinaglayo niya kaming dalawa.

 

"Hindi ko kayo gets ah. Ju ikaw na sumama sa'kin. Win, dito ka lang." Hinawakan ni Ning si Ju at dali-daling hinila ulit pabalik sa third floor. Nagrereklamo pa si lalake habang kinakaladkad ni Ning sa may hagdan.

 

Naiwan ako dito sa may hagdan na nagiintay. Parang mas mabuting sumama ako sa kanila. Ang tahimik na kasi ng paligid. Hindi ako mapakali kaya panay yung pagtingin-tingin ko. Malay ko bang may biglang sumulpot na multo. Kaya ginawa ko kumakanta ako ng Christian song. 

 

Kumalma naman ng konti yung pakiramdam ko. Kaso... may naririnig akong mga yapak. Tumingala ako kasi akala ko galing sa third floor kaso hindi. Sa tingin ko galing sa baba. Dahan-dahan akong sumilip. Halos mapasigaw ako ng wala sa oras. 

 

Isang white lady. Naglalakad ito paakyat.

 

Parang nangatog bigla ang tuhod ko. Lumalapit siya sakin. Na eestatwa na ako sa kinatatayuan, hindi ako makagalaw. 

 

Napadasal nalang ako at pumikit. Lord, send help please! Umatras ako at napaupo.

 

Akala ko yung multo na ang humawak sa balikat ko kaya bigla akong napa layo at hinarang ang dalawa kong braso sa harap. 

 

"Holy mama—!" 

 

"Winter?" Isang pamilyar na boses.

 

Ate Karina?

 

Napamulat ako agad at hindi panget na nilalang ang nakikita ko kundi isang magandang anghel. Sobrang puti na anghel na may dugo-dugo pa na parang luha. May eyeshadow pa siyang pang rockstar sa kapal.

 

She looks so worried. Parang nawala lahat ng lakas ko sa katawan ng makita siya. Anak ng dinosaur,

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
Hello, hello,, aaaaaaaa mic test mic test! HIIIIIIII

Comments

You must be logged in to comment
GreasyNamIdiot
#1
Taga Pampanga ka ba?
GreasyNamIdiot
#2
Taga Pampanga ka ba?
yjimin0411
#3
Chapter 12: SANAOL MISS
yjimin0411
#4
Chapter 6: si baby sis pala to eh
yjimin0411
#5
Chapter 4: crush palang batak na magselos 😭
Hiccups_ #6
Chapter 24: Chapter 24: Kinakabahan ako~~ Napa-check ulit ako sa tag bigla ack
Wemon_ #7
Chapter 24: hala masakit ang ulo ni elsa. tnx po sa ud at hello po otor shin hehehehe
Dyosabear #8
wiiiiiiieeeeeee! may update!!!! 😍😍😍
Ardem_Joseph23
17 streak #9
Chapter 24: Ayy.. Neuro si Dr yu. Masakit ulo ni wintot.. Anyare tor?
bigboy123
142 streak #10
Chapter 24: Salamat po sa update 🥹