Chapter 20

Kisapmata
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Last day na namin bukas. Uuwi na din kami pagdating ng hapon. Napagdesisyunan ng lahat na magtipon sa isang bahay muna para naman mas maging memorable ang ganap namin dito. Kaso, may ilan na umayaw dahil napagod daw sila kanina. Nasa kalahati lang kami ngayon at ang iba ay tulog na.

 

Nakapabilog kaming lahat at naglalaro ng King's Game. May dala na baraha si Rj kaya saktong sakto. Ito ang laro kung saan may iuutos ang kung sino mang makakuha sa King card. Random ang pipiliin niyang number since hindi niya malalaman kung sino ang mayhawak ng ano. 

 

"Finally!" Lakas ng sigaw ni Rj ng makita ang baraha niya. Tumayo pa nga ang baliw. Sinita tuloy ni Karina. 

 

"Oops sorry." Sabay upo pabalik. 

 

"Dare ba yan?" Tanong ng pinsan niyang si Yuna.

 

"Ang boring kaya kung tanong lang. Syempre, dare tayo." Kinakabahan ako sa ngiti ni mongoloid. May punishment kapag hindi gagawin ang dare.

 

"So ano na?"

 

'Di naman halatang excited si Ju. Sinilip ko ulit ang baraha ko. 

 

"Ace of hearts, hug mo si three of hearts ng ten seconds." 

 

Ligtas! Four of hearts ako eh.

 

​​​​Kaso, si Ning pala ang ace tapos si ate Gi ang three. Dumako ang tingin ko kay Ethan na tahimik lang. Mukha pa ngang masaya si Ning sa dare ni Rj. Tumayo ito at nagtungko sa direksyon ni ate Gi. 

 

"Hoy Heeseung dare lang 'to ah." Paalala niya sa kaibigan namin. Ngumisi pa ang loko. 

 

"As if naman threatened ako sa'yo." Aba confident si mokong. 

 

Yumakap nga si Ning na malugod na tinanggap ni ate Gi. Kumandong pa nga ang baliw. Natatawa lang si ate sa kanya. Nagsimulang magbilang ang mga kasama namin, pero kahit natapos na ay ayaw bumitaw ni Ning. Si Ethan na ang naghiwalay sa kanila.

 

"Tch damot." Ungot pa nito bago bumalik sa tabi ko. Nakakainggit naman, ako rin!

 

"They look so cute." Komento pa ng katabi ko. 

 

Napanguso ako, ​​​​​​"Oo nga, gusto ko rin tuloy ng hug." 

 

"You can hug me naman." Tinignan ko siya ng nakakunot ang noo.

 

"Ate, don't landi me. Marupok ako." Bulong ko kaya natawa siya.

 

"Oh next na." 

 

Nagsimula ang next round at this time, si Jungwon ang nakakuha. 

 

"Duga, nakita mo 'yung akin." Reklamo ni Rj. 

 

"Hindi kita tatargetin." Pagpapakalma ni Ju. 

 

"Shh ingay mo." Binara ni Ning si Ryujin sa pamamagitan ng pagtakip ng bibig. 

 

"Number six sayawin mo ang Ere by Juan Karlos gamit ang big boy steps ng naka slowmo." Literal na nahulog ang panga ko sa dare niya. Ngayon lang ako sobrang natuwa na hindi ako ang napili. 

 

Ang lala talaga ng kahihiyan mo kapag si Jungwon na ang nagdare. Tawang-tawa ang lahat ng magtaas ng kamay si kuya Jaehyun. Nagsilabasan ang mga phones para magvideo. 

 

"Hindi ko alam ang steps." Dahilan niya pa. 

 

"May resibo ako na sumayaw ka na nun kuya." Nilaglag pa nga ni Haechan. 

 

Wala na siyang nagawa kundi sumunod. Lahat tawang-tawa sa namumula niyang mukha. Kahit na nahihiya ay halatang confident siya sa ginagawa niya. Nagsibalik naman lahat ng matapos.

 

"Ban na kaya na'tin si Jungwon sa laro. Nakakatakot ka." Komento niya after ng sayaw. 

 

Nasa may balcony nga pala kami naglalaro dahil baka magising ang mga natutulog sa loob. Umihip ang malamig na hangin kaya napayakap ako sa braso ko. Naiwan ko kasi sa loob ang jacket ko. Tinatamad akong pumasok.

​​​​​

Walang pasabi ay may lumapat na cardigan sa lap ko. Tumingin ako sa katabi kong nagbigay. Hindi siya nakatingin sa akin kundi kay ate Yeji na nasa kaliwa niya. Sinuot ko ito at amoy Karina nanaman ako. Gustong-gusto ko talaga ang bango niya, nakakakilig.

 

"Oh Winter." Inabot ni Rj ang baraha ko. Sunod na round na pala. Sinilip ko kung ano ito.

 

Uy, sawakas!

 

"Paano ba 'yan." Nilapag ko ang baraha sa gitna. 

 

"Truth naman tayo, kanina pa ako natatakot sa sunod-sunod na dare." Si Yujin na ang nagsalita. 

 

"Sige, number Eight may pagasa ba sa'yo si number two of hearts at bakit." Random lang naman ang sinabi ko. Kaso sino nga ba ang magaakala na tumama ako sa lotto. 

 

Walang sumagot agad, ilang minuto din ay nilapag ni ate Yeji ang eight tapos si Ryujin ang sumunod.

 

"Bes, dati ka sigurong babaylan." Tawang-tawa si Ning ng makita ang baraha ni Rj.

 

Ang mukha ng mga kasama namin, halatang nagiintay ng sasabihin ni ate Yej. Hindi kasi sekreto sa campus na may gusto si Ryujin sa kanya. Lantaran nga manligaw. Pero ako ang kinakabahan para sa kaibigan ko.

 

"No, because I can only offer friendship. She's not my type and I already like someone. Nasabi ko na sa kanya kahapon." Natahimik ang lahat. Pakiramdam ko tuloy kasalanan ko ito. Kaya ba hindi na niya kinukulit si ate Yeji.

 

"Paano ba 'yan Rj, move on na lang." Dinaan ni Ju sa pagbibiro pero kita ko sa mga mata ni Ryujin na nasaktan siya.

 

"Alam ko, 'wag kang magalala ate, never again." Nagulat ako sa rebat ni kumag. 

 

"We?" Kahit si Ning hindi makapaniwala sa narinig. Ni minsan kasi hindi namin narinig si Rj na sumuko, Ngayon lang. Sabagay, harapang rejection na kasi.

 

"Ang epal mo, sumuporta ka na lang." Rinig kong bulong niya. Nasa gitna lang kasi namin si Ning. 

 

"Let's go to the next round na." Sabay palakpak ni Yuna na sinundan ni Yujin para malimutan ng iba ang nangyari. Sumangayon naman ang lahat. 

 

Kausapin ko na lang si Rj pagkatapos. Kahit bago lang kami naging close, malaki na ang tulong ni Ryujin sa akin. 

 

Napangiwi ako dahil ace of hearts ang nakuha ko. Favorite pa naman nila itong tawagin.

 

"It's my turn." Sabay pakita ni ate Giselle. 

 

Nagtitingin pa siya sa amin bago nagbigay ng dare, "Number Ten, ibackhug mo si ace of hearts hanggang matapos ang susunod na round." Sabi na nga ba!

 

Nagulat na lang ako ng biglang tumayo si kuya Jaehyun. Anak ng pucha— seryoso!? 

 

"So who is my ace of hearts?" 

 

Tinignan ko si Karina na nakangiti at tinitignan ang mga kasama namin kung sino ang magtataas ng kamay. Hindi niya alam na ako ito. Dahan-dahan ay nagtaas ako ng baraha. Kita ko ang gulat sa mga mata nila. Kahit si ate Giselle na nagbigay ng dare ay napanganga.

 

"Ako." 

 

Ang laki ng ngiti ni kuya ng malaman ito. Pinakiramdaman ko ang nasa kanan ko na tahimik lang at seryoso ang mukha. Nawala 'yung ngiti niya kanina. Sumenyas pa nga ng sorry si ate Giselle sa akin.

 

Hindi ko kasalanan!

 

Lumapit si kuya at natungo sa likod ko. 

 

"Uhm can I?" Nahihiya niyang tanong. Akala ko ako ang tatanungin pero tumingin din siya sa gawi ni Karina. 

 

"S-sure." Pumwesto siya sa likod ko

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
Hello, hello,, aaaaaaaa mic test mic test! HIIIIIIII

Comments

You must be logged in to comment
GreasyNamIdiot
#1
Taga Pampanga ka ba?
GreasyNamIdiot
#2
Taga Pampanga ka ba?
yjimin0411
#3
Chapter 12: SANAOL MISS
yjimin0411
#4
Chapter 6: si baby sis pala to eh
yjimin0411
#5
Chapter 4: crush palang batak na magselos 😭
Hiccups_ #6
Chapter 24: Chapter 24: Kinakabahan ako~~ Napa-check ulit ako sa tag bigla ack
Wemon_ #7
Chapter 24: hala masakit ang ulo ni elsa. tnx po sa ud at hello po otor shin hehehehe
Dyosabear #8
wiiiiiiieeeeeee! may update!!!! 😍😍😍
Ardem_Joseph23
16 streak #9
Chapter 24: Ayy.. Neuro si Dr yu. Masakit ulo ni wintot.. Anyare tor?
bigboy123
142 streak #10
Chapter 24: Salamat po sa update 🥹