Chapter 4

Kisapmata
Please Subscribe to read the full chapter

 

Pakiramdam ko mabubutas yung ear drums ko sa sobrang ingay dito sa may AC kung saan ginaganap ang first day at torch lighting. Kakatapos nga lang din ng parada at ang init kamo. Kaya ulan ang fave season ko dito sa pinas eh. Dapat pala Rain ang pinangalan sa akin ni mama. 

 

May history din kasi itong pangalan ko. Kung bakit Winter? Kasi si papa ay mahilig sa seasons. Pinanganak ako during winter solstice. Tapos sabi pa niya ay nung baby pa ako ay hindi ako iyakin. Ang cold ko raw na sanggol dahil dinededma ko sila. Ayun ganap na ginawang Taglamig ang pangalan ko.

 

"Win pangatlo daw tayo na mag pepresent." Sabi ng katabi ko sa kanan na si Yuna. 

 

"Sino ang una?"

 

"CBA, Engineering, tayo, then CAS, Nursing, CTHM." So susunod ang department nina dean Seul.

 

Nakita ko siya kanina pinagdudumog ng students niya for a picture daw, dahil ang ganda at gwapo niya at the same time sa pa suit ni mayora. Pansin ko nga ang sama ng tingin ni madam Irene. Okay lang naman siguro kiligin sa ship ng iba ano? Kasi nag fafangirl ako sa kanila.

 

Anyways, una ang cheerdance competition sa list of activities after formally starting the intramurals. Kinakabahan nga ako eh. Nakabihis na naman kami and all dahil during the parade ay kailangan din mag cheer. May separate group for street dance pero need parin namin ishowcase lightly yung routine. Kaya ayun di pa nagsisimula ang competition ay amoy araw at hagard na kami.

 

"Bes, mamaya pa naman. Bili tayo ng pagkain at tubig." Aya ni Ning na kala mo mamamatay na. 

 

"Tara." Nagpahila na muna ako sa kanya dahil ang dami ng tao dito. May outsiders din kasi na pwedeng manood. 

 

Nung makalabas na kami ay agad kaming nagpunta sa mga stalls. Bet ko talaga kapag may ganitong event sa school, ang dami kasing pagkain na makikita. Natakam ako dun sa pastil kaya doon na kami kumain.

 

"Nagchat sa gc ang dalawa, asan daw tayo." Nakatingin lang siya sa phone at mukhang may nirereplyan.

 

"Sabihin mo na dito. For sure mga gutom din yun." Tumango siya at patuloy sa pag tatype. Ako na ang nagorder para sa amin. Dumating din ang dalawa kaya sabay kaming apat na kumain. Pansin ko ang mga tinginan ng ibang babae sa dalawang lalake na kasama namin. 

 

"Ju, mukhang benta ka sa mga babae ah." Nguso ko sa mga college student na nagpapacute sa gedli.

 

"Yuck, wag ka nga." Pandidiri niya. 

 

"Nga pala manonood kami sa performance niyo." Ngiti ni Ethan. May kanin pa siya sa gilid ng bibig. Ang dugyot talaga kumain nito. Kumuha ako ng isang tissue at pinunasan ang dumi sa mukha niya.

 

"May nililigawan ka na pero ang salaula mo parin kumain." 

 

"Thanks Winwin." Mas lalo siyang ngumiti. Umirap lang ako at nagpatuloy sa pagkain. 

 

"Yan, kaya pinagkakamalan kayong magjowa eh." Pansin ni Ning. 

 

"Ganito naman ako sa inyong lahat ah. Porket si Ethan lang ang straight may issue na agad?" Kunot noo kong tanong. Wala akong pake sa ibang tao. 

 

"Sila tanungin mo niyan." 

 

"Para safe hayaan mo si Ethan mag mukhang dugyot. Selosa pa naman ang nililigawan." Ngisi ni Ju sa katabi. Ohh I guess wala akong magagawa kung ganun nga. I support his love life kaya kung kailangan ng distansya ay okay lang sa akin. Malaki na naman siya, kaya na niya yan. Maybe nasanay lang ako maging nanay-nanayan sa kanilang tatlo. 

 

"It's okay, pinaintindi ko sa kanya ang relationship nating tatlo and gets niya naman. Cool nga lang siya at gusto kayong makilala."

 

"Sinabi mo?" Kunot noo kong tanong. 

 

"Chill, wala akong sinabi tungkol sa preference niyo ni Jungwon." Napabuntong hininga ako. The last thing I want ay ma out ako ng wala sa oras. If I ever may sasabihan ako, gusto ko yung pinagkakatiwalaan ko. 

 

Nagpatuloy lang kami sa pagkain bago bumalik sa waiting room namin. Hindi na sumama ang dalawa dahil sa bench na daw sila manonood. Nagretouch din muna kami bago nagtungo sa bench na reserved for us na mag peperform.

 

"Win kinakabahan ako. What if kapag ihahagis na ako sa taas ay di ko magawa yung stunt?" Ramdam ko ang kaba niya mula sa kamay na nakahawak sa braso ko. Ang lamig tapos namamasa pa. 

 

"Kalma, magiging okay din ang lahat. Isipin mo nalang na walang nanonood. Give it your all, alam kong kaya mo." Tinatapik ko ang kamay niya para mawala naman ng onti ang kaba namin. Oo pati ako. 

 

Mabilis na lumipas ang oras at nung kami na ay pakiramdam ko lalabas na yung puso ko sa dibdib. Kinakabahan din talaga ako. It was until narinig ko ang malakas na cheer ng dalawang unggoy sa side ng bench namin. 

 

Nakita ko sina Juju at Ethan na kumakaway. Nagvivideo pa nga si Ju. Okay, inhale exhale. Let's do this, baka nanonood din si crush. Dapat magpakitang gilas tayo ngayon.

 

Nagcheer muna kami bago sumalang sa gitna. Focus lang kami sa sayaw. So far, wala namang namamali. Rinig ko ang hiyawan ng mga tao kapag may hinahagis. Hindi naman ako hinahagis talaga but there are parts na kailangan ko din na buhatin. For the final stunt ito ang pinakamahirap at matagal din bago namin nagawa during practice, that pyramid. Isa ako sa first layer so kailangan ko ng dobleng body awareness to balance those na sasampa sakin o papatong. 

 

Konti na lang talaga at ma perfect na namin. Kaso, nagkamali si Yuna ng apak sa balikat ko. Ang sakit promise. Pakiramdam ko na dislocate ang balikat ko. Muntik pa siyang mahulog, buti nalang at natiis ko at nahawakan siya para maging steady. Pigil hininga kong tiniis yung sakit at ngumiti sa judges.

 

Natapos

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
Hello, hello,, aaaaaaaa mic test mic test! HIIIIIIII

Comments

You must be logged in to comment
GreasyNamIdiot
#1
Taga Pampanga ka ba?
GreasyNamIdiot
#2
Taga Pampanga ka ba?
yjimin0411
#3
Chapter 12: SANAOL MISS
yjimin0411
#4
Chapter 6: si baby sis pala to eh
yjimin0411
#5
Chapter 4: crush palang batak na magselos 😭
Hiccups_ #6
Chapter 24: Chapter 24: Kinakabahan ako~~ Napa-check ulit ako sa tag bigla ack
Wemon_ #7
Chapter 24: hala masakit ang ulo ni elsa. tnx po sa ud at hello po otor shin hehehehe
Dyosabear #8
wiiiiiiieeeeeee! may update!!!! 😍😍😍
Ardem_Joseph23
17 streak #9
Chapter 24: Ayy.. Neuro si Dr yu. Masakit ulo ni wintot.. Anyare tor?
bigboy123
143 streak #10
Chapter 24: Salamat po sa update 🥹