Chapter 7

Kisapmata
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

Sabay kaming nagbuntong hininga ni Jungwon. Eh paano ba naman, kaming dalawa lang yung walang partner. Si Ethan at Ning parang nangaasar pa nga na nakaakbay sa mga nanliligaw at nililigawan nila. 

 

"Ju, wag kang mag jojowa hanggat wala pa ako ah." Mahirap na maging only single sa barkada no. 

 

"Ayoko nga. Maghahanap ako ngayon din, nakakaingit na." Naglakad siya palayo. 

 

"Hoy saan ka pupunta!?" 

 

"Magcoconfess!" Aba at pupuntahan talaga ang crush niya. Naiwan akong kaharap ang apat na akala mo aagawin ng iba ang partners nila sa sobrang dikit. Hindi ko tuloy napigilan yung irap ko.

 

"Bes matuwa ka naman para sa amin." Tawa pa ni Ning. 

 

"Bakit ako matutuwa? I promote break ups." Sabay taas ko ng kilay. Magtataray ako ngayon. Inaasar pa nila ako lalo ni Ethan, kesyo tatanda daw akong dalaga. 

 

"Asan nga pala si Karina?" Pansin ni kuya Mark.

 

"Ewan, sabi may kukunin lang." Sagot ni ate Gi. Malapit nang magsimula ang event. Ngayon iaanunsyo ang overall champion. Last year ang CBA department ang nanalo. Nasa ground kami ngayon at iniintay ito. 

 

Ilang minuto ay nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Tumayo ako sa may damohan at nagpaalam na mag babanyo lang. 

 

"Balik ka agad."

 

"Kahit wag na. Ang sakit niyo sa mata." Naglakad na ako papuntang CR.

 

Sa pinakamalapit na ako pumunta dahil ihing-ihi na ako. Sakto at wala masyadong gumagamit. Mabilis kong nagawa ang gusto kong gawin. Nagsalamin pa nga ako at chineck kung mukha pa ba akong tao o hindi. Matapos magpacute sa sariling repleksyon, lalabas na sana ako ng building. 

 

Wala na masyadong tao, sa tingin ko ay magsisimula na. Napatigil ako nung makarinig ng parang nagaaway sa unahang hallway. Madadaanan ko 'to kung tutuloy ako palabas.

 

"For God's sake Karina! Bakit ba palagi mong binabato sa akin yan. I told you already na walang kami!" Ang lakas ng boses ni kuya, kaso hindi talaga yun ang tumawag ng atensyon ko. Ito ang babaeng kasama niya. 

 

Hindi naman siguro masamang makichismis. Kasalanan ko bang dito pa sila sa hallway magaaway. Paano ako makakabalik nito. Saan nila ako gustong padaanin ha, sa bintana?

 

Nakatago lang ako dito sa corner na parang kriminal. 

 

" you Ren. I saw you kissing her. Hindi pa ba sapat na rason 'yon?" Mahina lang ang boses ni ate Karina, but ramdam ko na nasasaktan siya. 

 

So cheater pala si kuya. 

 

"I was drunk Rina!" 

 

"Hindi rason ang alak Renjun, alam mo yan." May diin sa pagkakasabi niya nito. Tama ka diyan ate. 

 

"The do you want me to do!? A break up? No way I'll let you go." 

 

"It's not for you to decide. Ayoko na, let's break up." Oh . Ang hiwalayan pa talaga nila ang masasaksihan ko.

 

"No! Tatapusin mo nalang ang apat na taon dahil lang sa isang pagkakamali!?" 

 

Ay kuya mali ka diyan. Baluktot ka. 

 

"Ikaw ang tumapos nito Ren. You made me do this. I won't settle for less anymore." 

 

"I said I won't accept this Karina. I will never let you go." Bakas na seryoso nga siya. Sa naririnig ko, nababaliw na yata si lalake. 

 

"Let go of me Renjun." 

 

Sumilip ako sa nangyayari at nakahawak si kuya kay ate ng sobrang higpit.

 

"Nasasaktan na ako." Halata ang pagpipilit ni ate na tanggalin ang kamay na nakahawak sa wrist niya. Bigla akong nakaramdam ng inis. Sa lahat ng ayaw ko, isa na dito ang pamimilit sa isang magandang babae. 

 

"You won't leave me Karina. You can't—" 

 

"Ate Karina." Putol ko sa nangyayari. Sabay silang napatingin sa direksyon ko. May pagtataka sa tingin nung lalake. 

 

"Win..." 

 

Lumapit ako sa kanilang dalawa. Nakatingin ako sa kamay na nakahawak kay ate.

 

"Excuse me lang po ah pero sabi ni ate bitawan mo po siya." Hinawakan ko rin ang kamay ni kuya ng mahigpit para mabitawan niya ito. 

 

"Who are— !" Agad niyang inagaw ang kamay at namilipit sa sakit. Puta isang kamay lang gamit ko niyan tapos tiklop na siya. 

 

"Ate jowa mo ba to?" Nguso ko. Ngayon ko lang napansin ng malapitan na umiiyak pala siya kanina. Gago tong hotdog na 'to, pinaiyak ba naman si ate crush ko. 

 

"N-no, I just broke up with him." 

 

"Eh hindi naman pala." Hinila ko si ate papunta sa likod ko at hinarap yung kumag. 

 

"You— sino ka ba!?" Galit niyang tanong sa akin. 

 

Okay sino ba ako? Hindi naman yata kami magkaibigan ni ate. Ano bang isasagot ko sa tanong. Ako lang naman si Winter na crush ang ex mo pero di ko sasabihin dahil straight siya. 

 

"I'm Winter Gale..." 

 

Ngayon ko lang to sasabihin dahil kailangan ko ng masasagot. Hindi ibig sabihin ay gusto ko.

 

"Who are you to her para manghimasok ka sa relasyon namin!?" 

 

"I'm her sister, bakit? Gusto mo isumbong kita kay ate Irene. Tignan natin kung hanggang saan yang angas mo para saktan si ate." Tangina kinikilabutan ako sa mga pinagsasabi ko. 

 

"Sister? Akala ko ba dalawa lang kayo ni—"

 

"Winter is my baby sis." Pinatong ni ate ang kamay niya sa kabila kong balikat na hindi injured. Pucha baby sis pa nga. Tiis self, sister zone premium.

 

"So, ano naman? I still won't give up." Determinado talaga siya ano. Kung sabagay, tanga lang naman ang papakawalan ang i

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
Hello, hello,, aaaaaaaa mic test mic test! HIIIIIIII

Comments

You must be logged in to comment
GreasyNamIdiot
#1
Taga Pampanga ka ba?
GreasyNamIdiot
#2
Taga Pampanga ka ba?
yjimin0411
#3
Chapter 12: SANAOL MISS
yjimin0411
#4
Chapter 6: si baby sis pala to eh
yjimin0411
#5
Chapter 4: crush palang batak na magselos 😭
Hiccups_ #6
Chapter 24: Chapter 24: Kinakabahan ako~~ Napa-check ulit ako sa tag bigla ack
Wemon_ #7
Chapter 24: hala masakit ang ulo ni elsa. tnx po sa ud at hello po otor shin hehehehe
Dyosabear #8
wiiiiiiieeeeeee! may update!!!! 😍😍😍
Ardem_Joseph23
16 streak #9
Chapter 24: Ayy.. Neuro si Dr yu. Masakit ulo ni wintot.. Anyare tor?
bigboy123
142 streak #10
Chapter 24: Salamat po sa update 🥹