Chapter 8

Kisapmata
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

Kakatapos lang ng quiz namin at pakiramdam ko nabunutan ako ng malaking tinik. Kasing laki ng tinik ng tuyom. Perfect lang naman ako sa lintek na biology namin. 

 

"Win pareho tayo ng sagot ah. Bakit may mali yung akin?" Nguso ni Ju. 

 

"Wrong spelling ka." Si Ethan na ang sumagot.

 

"Kokopya na nga mali-mali pa." Inis ni Ning. Kay Ju kasi siya kumopya dahil nasa edge ako ng row. Trip ko kasi dito sa may bintana maupo, presko ang hangin. Tapos, si Jungwon ang katabi ko. Kaya no choice siya kundi kay Ju gumaya. 

 

"Pasensya ka na mahal na prinsesa. Ang liit naman kasi ng sulat mo bakla." Aba at kasalanan ko pa. 

 

"Kung di nalang kaya kayo kumopya?" Inis ko silang tinignan. 

 

"De joke lang mhie. Di bale, magpapaglasses ako na one thousand yung grado." 

 

"Baliw ka—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa biglang pagsulpot ni ate Karina sa may bintana ng hallway. Para bang alam na niya kung saan ako naka pwesto at diretso akong nginitian. 

 

Sinundan naman ng tatlo ang tinitignan ko. Sakto at kumaway si ate. Kumaway din ang mga baliw at ngumiti. Kala talaga nila sila ang kinakawayan. After ng pagpansin niya ay dumiretso na siya sa kung saan man siya pupunta. Bumalik ang tingin nilang tatlo sa'kin. 

 

"Ikaw kapatid ah." Asar ni Ethan. Kaya ayaw kong maglande kapag kasama sila. Puro pangaasar at tukso lang ang matatanggap ko.

 

"Tigilan niyo nga ako."

 

"Ano yun? Close na kayo? Kailan pa?" Interisadong lumapit si Ning habang ang lapad ng ngiti. 

 

"Mauunahan mo pa nga siguro ako Win." Nababahala pa tung isa. Ano bang iniisip nila ha. Wala kaming chance ni ate.

 

"Lumayo nga kayo. For your info, straight si ate Karina." 

 

"Pero crush mo." Pambabara ni Ethan.

 

"Happy crush nga lang." Ang titigas ng mga bungo.

 

"Ba't mukha kang hindi happy?" At tinanong pa talaga ni Ju. 

 

"Kasi ang asungot niyo." Irap ko. Tumawa lang ang tatlo. Ayan nanaman sila sa happiness nilang asarin ako.

 

"Balita ko single na si ate." Taas baba ng kilay ni Ethan. Kinagalak naman ito ng dalawa.

 

"Yun naman pala. Kaibiganin mo na." Ang enabler talaga nitong si Jungwon. Papatusin nga kahit straight eh. Speaking of crush niya, hindi niya nakita nung victory party kaya hindi nakapag confess. Ayun sa akin nagrant kinabukasan, kesyo hindi talaga sila meant to be.

 

Wait, back to me nga.

 

"Ayaw ko, ang clingy niya." Tumaas ang kilay ni Ning sa sinabi ko. 

 

"Akala ko ba gusto mo yung mga clingy at malalambing type." Pagtataka niya. Sinabi ko ba yun dati? Pero parang tama naman siya. 

 

"Di ko na type yung ganun ngayon." Kasi maaga akong kukunin ni Lord pagnagkataon. 

 

"Bakit?" Kailangan ko pa bang sagutin yan Ning. 

 

"Kasi natatakot siya na ma attach siya dito." Si Ethan ang sumagot. Kunot noong umangat ang tingin ko sa kanya. 

 

"What? I know you Win. Ang hilig mong magkalkula ng mga desisyon mo sa buhay, lalo na kapag may malaking risk." Gusto ko siyang batukan dahil pakiramdam ko nababasa niya ang iniisip ko. 

 

"Oh gets ko yan girl." Sumangayon pa si Ju. 

 

"Tigilan niyo nga ako. Friends kami okay? Yun lang." Depensa ko ulit. 

 

"Bes wala naman kaming sinasabi na jowain mo." Tawa niya pa. Wala ba? Parang doon din kasi patungo sasabihin nila.

 

"Ang advance ah. Baka ikaw yang may iniisip na—" 

 

"Isa Ju, tutusok tung ballpen ko sa mata mo." Pagbabanta ko. Agad niya tinakpan ang dalawang mata. 

 

"Babae ang brutal mo talaga magsalita!" Reklamo niya pa. 

 

"Baka nga di lang salita at totohanin ko." 

 

"Sabi ko nga stop na tayo guys. Mahal ko pa buhay ko." Hinila niya si Ning palabas at naunang umalis. Naiwan kami ni Ethan. Hinintay niya naman akong masuot yung bag ko bago kami sumunod sa dalawa.

 

"So kamusta kayo ni ate Giselle?" Nagisip muna siya bago nagbuntong hininga. Lalim ng pinaguuhugutan.

 

"Still same Win."

 

"Ayaw magpasolo?"

 

"Obviously."

 

"Ano na plano mo?" 

 

"Iniisip ko pa nga." Mukha nga siyang problemado. 

 

Seryoso nga talaga siya kay ate Giselle. Minsa lang kasi to mainlove pero todo kung mageffort. Naalala ko pa nung inaya niya akong bumili ng flowers at chocolates para sa nililigawan niya. Ang baliw inubos yung pera kaya sa akin pa nangutang. Syempre, supportive ako na friend kahit na pinaulanan ko siya ng sermon.

 

"Wag mo muna isipin yun. For sure may paraan kung kayo talaga." Tapik ko sa likod niya. Ang low spirit kasi masyado. Very bad for environment.

 

"Thanks Win." Ngiti niya.

 

"Pahinge bente para sa motivational sentence." 

 

"Wag na pala."

 

Nagtawanan lang kami papuntang next class. Akala ko lilipas ang araw ng walang problema at matiwasay pero hindi pala.

 

 

 

 

...

 

 

 

 

Masama ang tingin ko sa lalakeng may malaking ngiti ngayon sa harap ko. Nasa coffee shop kami at tapos na ang klase. Nakauwi na nga ako sa amin nung bigla siyang magchat at imbitahin akong magkape. 

 

"Ano kamo ang gusto mong gawin ko?" 

 

"Maging fourth wheel sa date namin ni Gi." Pagpapakyut niya pa. Jusko Ethan, ako pa talaga.

 

"Bakit ako?"

 

"Kasi mukhang natutuwa sa'yo si Karina." Naks naman wala nang ate. Kung sabagay, ilang beses na ba naman sila nagsama. For sure sinabihan siya na 'wag na mag ate.

 

"Inaasar lang ako nun." 

 

"Nakita ko kaya kayo nung victory ball. Halatang comfortable siya pagdating sa iyo Win. May nangyari ba? Tinatanong niya nga sa akin kanina ang number mo. Sabi pa niya hindi mo daw siya inaaccept sa fb." Umiwas ako ng tingin at uminom ng okinawa ko na libre niya. 

 

Yeah na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
Hello, hello,, aaaaaaaa mic test mic test! HIIIIIIII

Comments

You must be logged in to comment
GreasyNamIdiot
#1
Taga Pampanga ka ba?
GreasyNamIdiot
#2
Taga Pampanga ka ba?
yjimin0411
#3
Chapter 12: SANAOL MISS
yjimin0411
#4
Chapter 6: si baby sis pala to eh
yjimin0411
#5
Chapter 4: crush palang batak na magselos 😭
Hiccups_ #6
Chapter 24: Chapter 24: Kinakabahan ako~~ Napa-check ulit ako sa tag bigla ack
Wemon_ #7
Chapter 24: hala masakit ang ulo ni elsa. tnx po sa ud at hello po otor shin hehehehe
Dyosabear #8
wiiiiiiieeeeeee! may update!!!! 😍😍😍
Ardem_Joseph23
17 streak #9
Chapter 24: Ayy.. Neuro si Dr yu. Masakit ulo ni wintot.. Anyare tor?
bigboy123
142 streak #10
Chapter 24: Salamat po sa update 🥹