Chapter 10

Kisapmata
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

Tahimik na nakatayo ako at iniintay si ate Karina na matapos sa pakikipagusap sa isang lalake. Kanina kasi, nung nagtampo siya at naunang maglakad,  hindi ako nakasunod agad. Hindi pa naman 'yon umabot ng limang minuto, nalingat lang ako sandali may kausap na siyang iba.

 

"Hindi na ba talaga kayo magbabalikan?" Saad pa ni lalake. Nasa bandang likod lang ako ni ate at tahimik na nagpse-selpon, pero nakikinig talaga ako. Kung alam 'to ni Ning, for sure pagtatawanan ako noon. 

 

"Jeno, you know what happened. Alam mo ang kamalian ng kaibigan mo." So itong guy na 'to ay friend ni ex.

 

"Yeah but it's just I can't really picture out dati na maghihiwalay kayo. I'm sorry for his behavior Rina. Alam ko na hindi mo deserve lokohin. Di bale, sasapakin ko 'yon for you." Ngumiti itong Jeno. Okay mabait naman pala. 

 

"Thanks Jen. Please make it two." Tumawa si guy sa sinabi ni ate. "Anyways, we need to go na kasi." 

 

"Oh sure!" Sumilip siya at tinignan ako. "By the way, she's your sister?" Tanong niya pabalik kay ate. Oh ba't sa akin napunta ang usapan.

 

"Do we look like siblings?" Ang layo kaya.

 

"No, but Ren told me na your sister came to defend you. Sabi niya pa nga parang si ate Irene din daw." Sumulyap pa siya uli sa'kin at ngumit. Kuya di kita type. 

 

"You're right na tinulungan niya ako but she's not my real sister, but I just treat her as one." Hindi niya talaga ako nilingon ano. 

 

"Oh I see. Introduce her to me naman, she's cute." Aba kuya foul ka. Maslalong kumunot ang noo kong nagtatype sa phone. Wala akong katxt. Nagpapanggap nga lang ako.

 

"Stop it Jen, you're a good man pero wag si Winter." Ramdam ko ang pagbabanta sa tono ni ate.

 

"So her name is Winter." 

 

"Jeno." Sabay halukipkip at sa hula ko ay masama ang tingin niya sa kausap.

 

"What? I just want to be friends." Kibit balikat nito.

 

"Enough. We need to go." Lumingon siya sa'kin na masama parin ang timpla ng mood. Parang mas malala pa nga kanina.

 

Walang pasabi na hinawakan niya ang kamay ko at hinila paalis. Narinig ko pa nga ang tawa nung lalake. Sabi pa nagbibiro lang siya. Tinaas naman ni ate Karina ang gitnang daliri habang hindi lumilingon. May ganito pala siyang side. Cute.

 

Nakarating kami sa may park kung saan may mga stalls ng foods. Nakita namin sina ate Gi at Ethan sa di kalayuan na nagmomoment sa may photo booth.

 

"Ate." Tawag ko.

 

"What?" Masungit niyang sagot. 

 

"Nagtatampo ka pa ba?" 

 

"Who said I am?" Nguso niya at nagcross arms. Gusto ko siyang ibulsa.

 

"Halata naman kasi." 

 

"Tch." Oh diba walang masabi.

 

"Ayaw mo na akong makasama niyan?"

 

Hindi siya sumagot at patuloy na naka simangot. Ayaw niya pa nga tumingin sa direksyon ko.

 

"Edi babalik nalang ako dun sa lalake kanina dahil mukhang gusto niya naman akong makil—" 

 

"Don't you dare Winter." Aw hindi na baby. Sad na ako nito. Di, joke lang. 

 

"Eh ayaw mo akong kausap." Umupo ako sa malapit na bench. Nagbuntong hininga siya bago padabog na umupo sa tabi ko. Iba din trip nitong magandang dilag na ito. Ganito ba itsura ko kapag inaasar ako nina Ning? Kaya paborito nila akong awayin.

 

"That guy is a playboy. Hindi kayo bagay." Himutok niya.

 

"Bakit? Kasi gwapo siya?"

 

"No!" Nagulat naman ako sa biglang outburst niya. Ate megaphone ka ba?

 

"Ha?"

 

"I— I mean no. Hindi dahil sa gwapo siya. You're far better to be with him. It's a downgrade." Natawa ako sa sinabi niya. Kawawa naman pala yung kuya kanina.

 

"Ang harsh mo naman. Kala ko ba kaibigan mo 'yon?" 

 

"Kaibigan siya ng ex ko. It's more of a pakikisama than friendship. Think about it, he's his friend pero tinolerate nila ang kagaguhan ng kaibigan nila. Hindi ko nga malalaman kung hindi ito nahuli ni Giselle. Those kind of friends is a no no for me." May point siya dito. Ang red flag nga naman. Kahit ako kung magkakaroon ng cheating friend ay magagalit din ako. Kung isa man kina Ju ang magloloko, nako baka ipalapa ko sila sa favorite dinosaur ni ate Karina.

 

"Okay po, noted." As if naman na magkakagusto ako doon sa hotdog diba.

 

"So... sino po bang bagay sa akin?" Tinignan ko siya ng may ngiti sa labi. Nagisip naman siya, halos isang minuto din siyang tulala bago nagkibit balikat. 

 

"Wala."

 

"Po? Anong wala?" Tatandang dalaga naman ako sa kanya.

 

"Wala, baby ka pa." Luh si ate. 

 

"Anong baby eh may jowa na nga yung mga kaibigan ko oh." Nguso ko sa direksyon nina Ethan.

 

"You're still a baby for me so if ako ang tatanungin, nope." Parang proud pa siya sa sagot niya. Ate Karina natagpuang nangbabakod ng kaibigan/kapatid kuno.

 

"Sabagay, wala pa naman sa isip ko ang pagjojowa." Nakuha ko yata ang atensyon niya sa sinabi ko.

 

"Kahit crush?"

 

"Crush, syempre meron." Ikaw nga tung gusto ko.

 

"Sino?" Halata na curious siya.

 

"Curious ka?" Ngisi ko.

 

"Oo, sasabihin mo?" 

 

"Hindi rin." Sumimangot siya agad sa sagot ko. 

 

"Bakit ayaw mong sabihin?" Nagmumukha ka nang pato ate. Kanina pa siya nguso ng nguso. Maganda parin naman.

 

"Hindi mo naman kilala." 

 

"Gwapo?"

 

Pff. Maganda kamo.

 

"May itsura. Pang model nga eh." 

 

"May picture ka?" Napaisip ako. Wala nga pala kaming picture na kami lang. 

 

"Wala"

 

"Why? Di mo nakakausap?" 

 

"Secret. Sabihin mo munang di ka na nagtatampo sa'kin." Umusog ako palapit sa kanya. 

 

"Ang daya naman. Hindi mo pa nga ako sinusuyo." Reklamo niya pa. Anong madaya dun. 

 

"Hindi nga ako marunong." 

 

"Just try. You know I thought you're so sweet pa nga nung una nating kita. Also, that time when you returned my shirt." Yeah yung mga panahong crush na crush ko siya at inagaw niya yung tubig ko.

 

"Di ako sweet ate. Tanungin mo pa mga kaibigan ko."

 

"I know you have it in you. Ayaw mo lang ipakita." Aba at mas marunong pa siya kesa sa'kin. Hmm pero sa ibang anggulo, siguro nga may lambing din ako sa katawan. Iba lang yung paraan ko para maipakita ito.

 

"Nope, wala." Ayaw kong aminin. 

 

"Meron." 

 

"Wala nga."

 

"Baby..." kunot noo niya akong tinititigan.

 

"Ano?"

 

"What would be better to give sa isang girl. A box of handmade letters or a bouquet of flowers?" Napaisip ako sa tanong niya. Ang random mo ate ah.

 

"A box of handmade letters?" Di ko sure na sagot. Lumapad naman ang ngiti niya. 

 

"See, bakit handmade letters?" 

 

"Dahil mas may impact kung yung pinagpaguran mong isipin at isulat ang ibibigay." Wala sa isip kong sagot. Common sense ko na siguro.

 

"I told you, may sweetness ka rin." Sabay kindat pa niya. Ganun ba 'yon? Nakatitig lang ako sa kanya.

 

"Ikaw po ba. Anong gusto mong matanggap kapag sinusuyo ka?

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
Hello, hello,, aaaaaaaa mic test mic test! HIIIIIIII

Comments

You must be logged in to comment
GreasyNamIdiot
#1
Taga Pampanga ka ba?
GreasyNamIdiot
#2
Taga Pampanga ka ba?
yjimin0411
#3
Chapter 12: SANAOL MISS
yjimin0411
#4
Chapter 6: si baby sis pala to eh
yjimin0411
#5
Chapter 4: crush palang batak na magselos 😭
Hiccups_ #6
Chapter 24: Chapter 24: Kinakabahan ako~~ Napa-check ulit ako sa tag bigla ack
Wemon_ #7
Chapter 24: hala masakit ang ulo ni elsa. tnx po sa ud at hello po otor shin hehehehe
Dyosabear #8
wiiiiiiieeeeeee! may update!!!! 😍😍😍
Ardem_Joseph23
16 streak #9
Chapter 24: Ayy.. Neuro si Dr yu. Masakit ulo ni wintot.. Anyare tor?
bigboy123
142 streak #10
Chapter 24: Salamat po sa update 🥹