Chapter 13

Kisapmata
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

"I missed you, baby." 

 

Pilit kong nilunok ang kilig ko. Yung paroparo ko sa tiyan nagwawala na. Ngumiti ako at niyakap siya pabalik. Kung hindi ko rin naman mapipigilan ang mahulog sa kanya, hayaan ko na muna. Kahit ngayon lang, gusto kong maramdaman itong kasiyahan sa puso ko.

 

"Ilang araw lang tayo hindi nagkita Karina." Napatigil ako sa nasabi. Kahit siya ay biglang lumayo sa pagkakayakap.

 

"Did you just—"

 

"Nope, sabi ko ate Karina." Nadala sa emosyon huhu. Naniningkit niya akong tinitigan. Ilang segundo ay naniwalan na rin siya at yumakap ulit. Ate sumusobra ka na!

 

"But I still miss you. Hindi kita ma message dahil walang signal." Himutok niya at sumandal sa balikat ko. Hinahagod ko ng mahina ang likod niya para kumalma siya. Ako nga ang may kailangan nito.

 

"It's okay, sandali lang naman tayo hindi maguusap." Lumayo siya ulit dahil sa sinabi ko. Nakasimangot na siya ngayon.

 

"Hindi mo ako namiss?"

 

"N-namiss din pero..." pero ayaw kong aminin dahil baka masa lalo kong mailantad ang feelings ko. Wala nang bawian kapag nangyari.

 

"Pero?"

 

"Magkikita din naman tayo sa lunes so hindi ko masyadong iniisip." Napabuntong hininga siya at hinila ako sa spot na malinis. Sumenyas siyang maupo kaya tumabi na ako sa kanya.

 

"I just missed your presence. Nasanay kasi akong kausap ka araw-araw."

 

Mali ba na natutuwa ako ngayon kasi hindi lang ako ang nakakaramdam ng ganito.

 

"It's okay ate, ako rin naman." Hinayaan ko siyang sumandal sa akin. Kaharap namin ngayon ang magandang tanawin. Ala sinko na pala ng hapon kaya nagkukulay orange na yung langit. Ang bilis ng oras lalo na pag kasama ko siya. Parang kanina lang alas tres pa. 

 

"Alam mo bang iniinggit ako nina Sunoo at Sunghoon."

 

Nagrant pa nga tungkol sa pinsan niya at sa jowa nitong si Sunoo. Magkasing ugali daw kami dahil medyo masungit 'yon at sa pinsan niya lang talaga nagiging marupok. Sa nakita ko kanina, mukha nga kaming magkakasundo. Marami siyang kwento tungkol sa family niya. Mula nung umalis sila sa kanila hanggang sa kanina nung bago pa kami magkita.

 

"I don't understand why ikaw nalang palagi." Masama ang tingin niya sa'kin. Oh bakit ako!?

 

"Ang alin?" Kagulat naman 'to si ate.

 

"You always come to my thoughts. Kahit nga kanina nung pagdating namin dito ikaw ang unang sumagi sa utak ko." Medyo naguguluhan din ako sa mga sinasabi niya.

 

"Bakit naman?"

 

"I don't know. It's weird nga eh. When I saw you earlier, parang lahat ng bad mood ko ay nawala. Dati ka sigurong anghel baby." Nung sinabi niya ito ay may napagtanto ako. I might have the chance, hindi totally hundred percent na wala. Kasi bakit nga naman niya mararamdaman ang mga ito diba. Hindi nga ako gumagawa ng move eh. It's not normal sa friendship.

 

Kailangan kong malaman kung may pagkakataon man. Kasi sa nangyayari alam kong ako ang dehado sa huli. Ayokong masaktan, ang dami ko nang naranasan na sakit sa buhay. Gusto ko sana maging source of happiness kung makakagusto man ako sa isang tao.

 

"Ate, ano ang masasabi mo sa same relationship?" Hindi ako nakatingin sa kanya. Ayaw ko makita if ever man di siya okay dito.

 

"Hmm you mean gaya nina Sunghoon?" Tumango ako bilang sagot. Natahimik siya ng ilang segundo bago nagsalita uli.

 

"I've never been in love sa girl so I don't really know how or what to feel. But, I don't think I'm against them, I actually like their relationship. It's parang they're bestfriends and lovers at the same time kaya ang cute. So I'm fine with it." 

 

"What if may magkagusto sa'yong babae, tatanggapin mo ba?" self tumatapang ka yata. Well, andito na rin naman tayo lulubusin ko na.

 

"What's with the question baby?" Kunot noo niyang tanong. Nagkibit balikat lang ako.

 

"Wala, gusto ko lang malaman yung thoughts mo. It's okay not to answer kung hindi ka comfy sagutin." Ngumiti ako para hindi siya ma pressure o makahalata man lang na related din sa akin ang tanong. 

 

"Well, I don't know. Dipende kung gusto ko rin siya." 

 

"So okay lang sa'yo kahit babae?" Oh em geeee.

 

"I guess so. I'm not sure dahil di ko pa nga natatry. Pero hindi ko rin naman sinasara yung chances. Why would it matter kung babae siya diba? I think love is love. Also, I know I have this habit na I praise girls more than boys nga eh. Ewan ko ba, maybe I appreciate them more." Tawa niya pa.

 

Mga bakla! pwede na akong magbunyi. So may chance pala talaga. Though di ko rin alam kung igagrab ko ba. Napaisip nanaman ako sa future, di ba sayang yung friendship kapag nagkataon na hindi niya pala talaga keri sa babae. Ang uncertain naman kasi at napaka risky.

 

"So hindi ka straight?"

 

"I don't know." Nguso niya. Napatango na lamang ako. Gets ko kung ano man ang nafefeel niya. She's not in any position para magsabi dahil hindi niya rin alam. Parang ako lang nung nagseself realization ako kung bakit sa babae lang ako na attract.

 

If ever man ipupursue ko siya, kailangan ko ng mataas na pasensya.

 

"So what's the catch? Anong ginagawa niyo dito?" Mamaya ko na siguro iisipin ang gagawin ko. Magpapatangay muna ako sa agos nga tadhana. Sabi nga ni Dory, just keep swimming.

 

Ako naman ang nagkwento sa kanya tungkol sa ganap ko nung hindi kami makapagusap. Tuwang-tuwa pa nga siyang malaman na same province lang kami. Bandang six ay tinawag na din kami nina Ning dahil magdidilim na. Hinintay pa kasi namin ang paglubog ng araw.

 

"Andito na pala ang sundo namin." Naunang pumasok sina Sunghoon matapos magpaalam sa amin. Ang cute nga nung nakababata niyang pinsan dahil yumakap pa sa'kin.

 

"See you bukas ate Winter." Ngiti ni Hyein. Di ko napigilian na panggigilan ang cute niyang pisngi. Mas matangkad pa pala siya sa'kin. Akala ko kasi kanina bata dahil nakaupo sila tapos ang baby face pa. Nasa lahi na siguro nina ate Karina ang giraffe.

 

"Hmm see you cutie." Malaki ang ngiti niyang tumakbo pabalik.

 

"Are you sure na hindi kayo sasabay?" Tanong ng naiwan.

 

"Yeah, maglalakad nalang kami. Malapit lang naman." Opposite direction kasi yung kanila at sa amin.

 

"Magingat kayo pauwi." Pinisil niya ang kamay na kanina niya pa pala hawak. Hindi ko namalayan dahil parang normal na din kasi sa akin na humahawak siya. Bumaling siya kina ate Jen at ate Lisa. "Mauna na kami mga ate." 

 

"Sure, ingat kayo. See you bukas sa falls." Masayang kaway ni ate Lisa. Nasabihan kasi namin sila na maliligo kami sa malapit na talon kaya inaya na rin namin para mas marami mas masaya daw.

 

"Yes po. We need to go, ingat ka baby." Pabulong na lang yung huli niyang sinabi. Pinipigilan ko ang kiligin. Ngumiti ako at mahinang pinisil pabalik ang kamay niya na hawak ko. 

 

"Sure, ikaw rin ate." Dahan-dahan siyang umatras hanggang sa magbitaw na kami ng kamay. Damn, I think down bad na ako. Ayaw ko pa s

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
Hello, hello,, aaaaaaaa mic test mic test! HIIIIIIII

Comments

You must be logged in to comment
GreasyNamIdiot
#1
Taga Pampanga ka ba?
GreasyNamIdiot
#2
Taga Pampanga ka ba?
yjimin0411
#3
Chapter 12: SANAOL MISS
yjimin0411
#4
Chapter 6: si baby sis pala to eh
yjimin0411
#5
Chapter 4: crush palang batak na magselos 😭
Hiccups_ #6
Chapter 24: Chapter 24: Kinakabahan ako~~ Napa-check ulit ako sa tag bigla ack
Wemon_ #7
Chapter 24: hala masakit ang ulo ni elsa. tnx po sa ud at hello po otor shin hehehehe
Dyosabear #8
wiiiiiiieeeeeee! may update!!!! 😍😍😍
Ardem_Joseph23
16 streak #9
Chapter 24: Ayy.. Neuro si Dr yu. Masakit ulo ni wintot.. Anyare tor?
bigboy123
142 streak #10
Chapter 24: Salamat po sa update 🥹