Chapter 22

Kisapmata
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Siguro naman na sabi ko na dati na medyo protective ako sa mga kaibigan ko. Hindi naman sa nanghihimasok pero ayaw ko lang kasi silang nakikita na nasasaktan. 

 

Nung tinanong namin sila kanina kung pwede bang sumama si ate Yeji, lahat ay binigay ang desisyon kay Rj. I don't know if tanga lang talaga siya o may gusto siyang patunayan, pero pumayag po si bakla.

 

Pabaling-baling ang tingin ko sa direksyon ni Rj at ni ate Yeji. Kahit na hindi sila magkatabi ay ramdam ko ang tensyon.

 

Nasa sangyupan kami ngayon at abala si Ju at Ethan na magluto ng karne. Medyo malayo siya mula sa school, mga twenty to thirty minutes drive din. Wala namang problema dahil may dala silang sasakyan.

 

Tungkol nga pala kay Ethan, hindi sila masyadong nagpapansinan ni ate Gi. Hindi ko alam kung anong ganap nila pero mukhang seryoso ito. Ano ba kasi ang nangyayari sa mga love life nila. Una si Ning, sumunod si Rj, tapos ngayon si Ethan. 

 

Kami na lang yata ni Ju ang walang problema. 

 

"Hey, it's going to be okay." Bulong ng katabi ko. 

 

"It's weird lang kasi."

 

Simula nung nakilala ko si Karina, ang daming nagbago sa buhay ko. 

 

"Let them have it. If she doesn't do it right, ako na ang magagalit sa kanya. So, don't think too much hmm? Here, have some meat." Sinubuan niya ako ng karne at infairness, nawala ang worries kahit sandali lang. Food is life talaga.

 

So, ganito ang set up namin ngayon. Jungwon, Ethan, ako at Karina. Tapos sa harap namin ay si ate Yej, ate Gi, Ning, at Ryujin. Ang kaharap ni Karina ay si ate Yeji. 

 

Mukha namang okay ang lahat. Ang gulo parin nina Ning at Ryujin. Ginagatungan pa ni Ju kaya ang ingay. 

 

"Honest question, umiinom ba kayo?" Tanong ni ate Yeji. 

 

Ito nga, akala ko ma o-out of place siya dahil sa hyperactive kong friends, pero keri naman pala ni ate girl ang sumabay sa trip namin. Pareho sila ni Karina kung makatawa wagas. 

 

"You should ask them if they're legal to drink na ba." Smirk ng bebelabs ko. May pa tingin pa siya sa'kin.

 

"Not yet legal pero umiinom po kami." Sabay kindat ni Ning.

 

Halatang interisado si Kari sa narinig. Hindi ko yata nasabi sa kanya na umiinom na ako. Next year pa kasi ako magiging legal age.

 

"When did you start?" May something talaga kay ate Gi pagdating kay Ning.

 

Mas mukha siyang masaya at invested.

 

"Junior high, kasalanan ni Winter." Tinuro pa ako. Lahat tuloy sila ay sa akin nakatingin.

 

"Ano?"

 

"Share mo Elsa."

 

Inalala ko ang ganap dahil naiilang na ako sa tingin nila. 'Yon iyung time na... ay eme lang.

 

"Wala 'yon."

 

Nakakahiyang sabihin.

 

"Ako na magkukwento for you." Sabay tapik ni Ethan sa balikat ko. Pinandilatan ko siya ng tingin para tumigil siya, kaso tinakpan ni Karina ang mata ko. 

 

"Go on, Tantan." 

 

Aba at ang galing. Narinig ko pa silang natawa.

 

"So ganito kasi 'yan. May crush si Winter dati to the point na sinasabayan niya ito sa kalokohang trip. Eh medyo bad girl si ate, ininvite niya si Winter sa inuman." 

 

Ugh gusto ko na lang magtago sa ilalim ng mesa. Tinanggal na ni ate Kari ang kamay niya sa mga mata ko. Nakapatong na lamang ito sa may braso ko na nakatukod sa lamesa. 

 

"So it's older?" Tanong ni Karina.

 

"Ahead lang ng isang taon. I think grade eight ba 'yon?" Paninigurado ni Ethan sa akin. Wala akong nagawa kung hindi ang tumango.

 

"That's too early." Komento niya pa. Ang lapit niya sa tenga ko. 

 

"Yup, but to make it short ay pumayag si Win kaso, sinama niya kami." Paglalahad niya ng palad sa amin. "Eh supportive friends kami so go lang. Isa pa, ayaw naman namin siyang hayaan na uminom kasama ang hindi niya ka close." 

 

"What happened? Nalasing ba si Win?" Intriga pa ni Rj. Chismosa ka talaga Annabelle.

 

"Sobra—" hindi ko na pinatapos si Ethan at nilagyan ng karne ang bibig. 

 

"Dami mong kwento, kumain ka muna." 

 

Tawang-tawa sina Ning sa itsura ko. Ang pula ko raw kasi. Naalala ko ba naman ang kahihiyan ko dati. That time kasi, sa sobrang lasing ko ay napa amin ako kay ate crush. Hindi lang basta aminan ang nangyari, sinukahan ko pa siya. 

 

Hindi na ako nagtaka na sa mga sumunod na araw ay hindi na niya ako masyadong pinapansin. Turns out ay homophobic pala siya. Instant turn off ako sa nalaman, pero medyo na hurt din dahil kahit papaano ay naging close kami.

 

Buti na lang talaga at sinamahan ako nina Ethan nung time na 'yon. Kinaladkad daw nila ako pauwi at doon na rin sila sa apartment nakitulog. 

 

Nagpatuloy ang kwentuha at hindi na ako ang bida. Inaya pa nga kami ni ate Giselle sa isang gimik. May alam daw siyang karaoke place na pwede kaming maghappy hours. 

 

Past eight na rin siguro ng nagpaalam na si ate Gi dahil may pinautos daw ang dad niya. Halatang ayaw niya ngang pumunta pero panay ang tawag nito. That's when we decide na umuwi na rin. 

 

"Rj, pwede ba kitang ihatid?" Nakatingin lang ako sa kaibigan kong parang na ulol. 

 

"Uhmm" Tumungin pa siya sa akin na parang nanghihingi kung anong isasagot.

 

Bakit ako???

 

Nagkibit balikat lang ako kaya napanguso siya. Ayaw ko siyang pangunahan sa desisyon niya. Isa pa, may part sa akin na gustong bigyan niya ng chance si ate Yeji para magpaliwanag. Siguro ay para sa ikakapanatag na rin ng damdamin niya. Mukha naman kasing sincere si ate Yej, pero ewan ko na lang talaga kapag dinagdagan niya pagiging broken ni Ryujin.

 

"Okay." Pumayag nga.

 

"Great, let's go?"

 

Nagpaalam na silang dalawa sa amin bago pumasok ng sasakyan ni ate at umalis. Nauna na nga pala sa sasakyan ni ate Kari si ate Giselle. Ihahatid siya nito dahil on the way naman daw.

 

Mas lalong lumakas ang loob ko na may something talaga.

 

"Ethan, hatid mo kami." Utos ni Ning. 

 

"Ginawa mo na naman akong driver." Reklamo ni lalake pero pinagbuksan parin siya ng pinto. 

 

"Win kanino ka sasabay?" Baling ni Ju sa akin. 

 

Tumingin ako kay Karina na iniintay ang sagot ko. 

 

"Wait, hintayin niyo ako sa sasakyan." 

 

Pagkasabi ko nito ay tumango lamang siya at pumasok na rin. Kami na lang ni Karina ngayon ang nasa labas.

 

"You're not going with me?" Sad face na ang bebelabs ko. 

 

Sa kanya kasi ako sumabay kanina papunta dito. 

 

"Uhm may kailangan kasi kaming pagusapan ni Ethan." Matalino si Karina kaya gets na niya agad ang ibig kong sabihin. 

 

Tumango siya at nagbuntong hininga.

 

"I think I need to talk to Giselle din pala." 

 

"Yup, you should." Ngiti ko at hinawakan ang kamay niya.

 

"You're not going home directly?" 

 

"Hindi pa siguro. I'll tell you kapag nakauwi na ako." Parang ayaw ko nang bitawan ang kamay niya. Sobrang lambot at sarap hawakan.

 

"You better be. Let's call before bed time?" 

 

"Baka hindi ka na makatulog kapag hindi naririnig boses ko ah." I teased. Ngumiti lang siya at hinila ako para yakapin. 

 

Para akong lumulutang kapag ganito kami ka lapit.

 

"Then let's not stop. I'll see you this weekend." Bulong niya. 

 

"Yeah, ako na susundo sa'yo. Magingat ka sa pagdrive." Kumalas kami sa yakap pero hawak ko parin ang kamay niya.

 

"Hmm ingat din kayo. I'll see you later baby." Humalik siya sa kamay ko kaya para na naman akong kinuryente ng libo-libong igat. 

 

Ayaw ko namang magpatalo. I tip toed at hinawakan ang magkabila niyang pisngi bago dahan-dahan itong hinila pababa para ma abot ko ang noo niya. I kissed her forehead. 

 

Nakita ko kung paano siya natulala matapos ko itong gawin. Mabilis lang din itong napalitan ng ngiti. Pareho kaming natawa sa pinaggagawa namin.

 

"That felt too good. I should ask for a forehead kiss everytime we have to part." 

 

"I'll be glad na gawin ito ng paulit-ulit."

 

She giggled at kinurot ang pisngi ko.

 

"Sweet baby, alis na tayo. I might change my mind and dalhin kita pauwi sa bahay." Natawa ako kasi halata nga na kinikilig at nanggigigil siya. 

 

I feel giddy din. Pakiramdam ko kinakabag ako in a good way. 

 

"Sige na nga." 

 

Nagpaalam na kami sa isa't-isa. Pinasakay niya muna ako sa sasakyan ni Ethan. 

 

"Bye ate Karina!" Sabi ng tatlo. Ang cute lang na close na sila ng barkada. 

 

Isa sa requirements ko kung magkakajowa na maging close sila ng friends ko. Hindi ko lang kasi sila kaibigan, para ko na silang kapatid. Malaki ang ambag nila kung sino ako ngayon. So plus points kung close ang future wife ko at friends.

 

Sobrang thankful ko lang na magkasundo sila ni ate Kari. Siguro isa na din 'to sa dahilan kung bakit mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Alam niya kasi kung paano makibagay sa ibang tao. She's considerate at goofy at the same time, almost perfect.

 

Overall, aside sa magandang mukha ay sobrang attractive ni Karina.

 

"Ingat kayo, huwag uuwi ng sobrang late." Parang mama lang ang peg.

 

"Yes po, kami na bahala sa baby mo ate." Ang ewan ni Ning sumagot. Ngumiti pa siya ng huling beses sa akin bago sinara ang pinto ng passenger seat. 

 

Ang cute lang ni ate Kari. Gusto ko ang pacing ng getting to know each other namin. Para kaming mga high school na nagliligawan lang. Well, high school pa naman talaga ako.

 

On the way pauwi ay puro pangaasar ang tatlo. Kesyo nakakainggit daw kami. Dinededma ko na nga lang sila dahil sa totoo lang, totoo naman.

 

Tawang-tawa ako sa galaiti ni Ning. Paginggit, pikit.

 

Unang hinatid ni Ethan si Jungwon at Ning. Akala ko nga ihahatid niya rin ako pero lumihis siya ng daan. I guess magkukwento na siya.

 

"Ice cream?" Nakangiti niyang aya. 

 

"Sure, sa park na na'tin kainin."

 

Huminto kami sa malapit na seven eleven store at bumili ng isang tub na selecta na dalawa ang flavor. Cookies and cream sa kanya tapos double dutch sa akin. Bumili na din kami ng tubig. 

 

Pagdating namin sa park ay naglatag kami ng towel para upuan. 

 

"So, what's the tea?" Pagsisimula ko habang sumusubo ng ice cream.

 

"Basted ako." 

 

Ineexpect ko na na may problema pero to think na he got rejected, si Ethan na habulin ng chix... Damn.

 

"Bakit?" 

 

"She said she tried daw na magustuhan ako pero hindi talaga." 

 

"At bakit? Na sa'yo na kaya ang lahat." 

 

Nagbuntong hininga si Ethan at sumubo muna ng ice cream. Kita ko sa mga mata niya na naiiyak siya. 

 

"She's gay Win." 

 

Muntik ko nang lumabas sa ilong ko ang iniinom kong tubig. Hayop— nagulat ako. 

 

Inabot ni Ethan ang tissue at natatawa akong tinignan.

 

"Seryoso?" Tanong ko ng makarecover. 

 

"Yeah, she tried na ma inlove sa akin dahil akala niya mawawala din ito. Strict ang father niya at ayaw nitong mag girlfriend si Gi." 

 

Ows

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Ppanya-ssi
Hello, hello,, aaaaaaaa mic test mic test! HIIIIIIII

Comments

You must be logged in to comment
GreasyNamIdiot
#1
Taga Pampanga ka ba?
GreasyNamIdiot
#2
Taga Pampanga ka ba?
yjimin0411
#3
Chapter 12: SANAOL MISS
yjimin0411
#4
Chapter 6: si baby sis pala to eh
yjimin0411
#5
Chapter 4: crush palang batak na magselos 😭
Hiccups_ #6
Chapter 24: Chapter 24: Kinakabahan ako~~ Napa-check ulit ako sa tag bigla ack
Wemon_ #7
Chapter 24: hala masakit ang ulo ni elsa. tnx po sa ud at hello po otor shin hehehehe
Dyosabear #8
wiiiiiiieeeeeee! may update!!!! 😍😍😍
Ardem_Joseph23
17 streak #9
Chapter 24: Ayy.. Neuro si Dr yu. Masakit ulo ni wintot.. Anyare tor?
bigboy123
142 streak #10
Chapter 24: Salamat po sa update 🥹